Share

CHAPTER 5

ILANG ARAW na ang nakalipas ng dumalaw si Don Leon. Masaya na sana siya nitong nakaraan ng tatlong araw na namalagi sa Mansion ang Lolo ni Zarchx dahil ramdam niya ang pag-aalaga nito sa kaniya at nakikita niyang sweet ito sa kaniya kahit na palagi siyang sinasampal ng katutuhanan kapag silang dalawa na lang ang magkasama na lahat ng iyon ay puro pagpapanggap lang.

Pinagbakasyon ni Zarchx ang mga katulong maging ang mga magbabantay sa kaniya kaya dalawang araw na silang mag-asawa lang ang nasa Mansion dahil pumayag siya sa kondisyon ng kaniyang asawa.

Kung magagawa niya ng maayos ang obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa ay palabasin na siya nito kahit anong oras niya mang gustuhin.

Gumising siya ng maaga para gumawa ng almusal para sa asawa. Mula kasi ng bumisita ang Lolo nito sa Mansion palaging sa bahay na kumakain si Zarchx at ang mas nakakatuwa dahil na gustuhan naman ang mga niluluto niya dito, noong una akala niya hindi nito magugustuhan kapag nalaman na siya ang nagluluto.

Inahanda niya ang mesa ng makarinig siya ng kaluskos, ng tumingin siya sa may pintuan nakita niyang nakatayo doon ang asawa.

“Good morning! Kumain ka na, Leon. Naghanda ako ng almusal para sa iyo.” Wala siyang narinig na sagot mula dito pero naglakad ito patungo sa mesa at naghugot ng upuan.

Habang kumakain ay nakatitig lang siya sa asawa na para bang sarap na sarap ito sa kinakain. Hindi niya maiwasang napangiti sa tuwa na nararamdaman dahil pinapansin na nito ang mga niluluto niya para dito.

“Why are you keep looking at me, woman? Why don't you just take a sit and eat?!” Galit nitong turan na ikinaalis ng tingin niya dito.

“O-Okay lang, tapos na ako.” Nauutal na sagot niya.

Sa kalagitnaan ng pagkain ng asawa ng maisipan niyang magtanong dito. Hindi niya nga alam kung dapat niya na itong itanong dito.

Ilang araw niya ng ginagawa ang gawaing bahay at ang pagiging isang mabuting asawa dito.

“Leon, pwede bang magtanong?” Saglit itong napatigil sa pagkain.

“You are asking already. What it is?” Malamig na turan nito at sumimsim ng kape.

Pinagmamasdaan niyang mabuti ang kaniyang asawa, pinag-aaralan niya ang expression ng mukha nito ngunit wala siyang nakita, blanko.

Humingga siya ng malalim. “Eh, kasi... Ginagawa mo naman ng maayos ang kondisyon mo, kailan ba ako pwedeng lumabas?” Nakayukong tanong niya sa asawa.

Narinig niya ang ingay ng upuan dahilan para mag-angat siya ng tingin dito. Nakita niyang nakatitig ito sa kaniya.

“Today.” Tipid na turan nito na ikinalaki ng mata niya.

“Talaga? Seryoso ka, Leon?” Excited na tanong niya dito dahilan para mapatingin ito sa kaniya ng walang emotion.

“You can go out today, in one condition...” Kumunot ang noo ni Amary.

Pumayag ito na lumabas siya ngayon pero bakit kailangang may kondisyon pa? Wala naman siyang ibang pupuntahan kundi ang kaibigan. Buo na ang loob niya ilang buwan na siyang paikot-ikot sa buong Mansion, ito na ang pagkakataon niya na makalabas at makita ang kaibigan.

“A-Anong kondisyon?” Handa siyang gawin kahit ano pa man ito basta makalabas siya sa araw na ito.

“Let's have a date later.”

Napakurap-kurap si Amary na para bang nabinggi siya sa narinig mula sa asawa. Napatitig siya sa mukha nito para tingnan kung totoo ba ang sinabi nito o nanaginip lang siya ng gising.

“D-Date?" Nauutal na tanong niya dito.

“Yup. Dinner date with me,” Sumikdo ang puso niya ng muli itong marinig.

Sa unang pagkakataon, niyaya rin siya ng asawa na kumain sa labas pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang nagyaya.

Nitong nakaraan, nagagalit sa kaniya si Zarchx pero hindi na siya nito binibigyan ng pasa pero patuloy pa rin ang pananakit nito sa kaniyang damdamin. Madalas na rin nitong kainin ang niluluto nito para dito kaya kahit papaano ay nakaramdam siya ng tuwa.

Ngayon naman, niyaya siya nitong kumain sa labas. Napaisip tuloy siya kung unti-unti ng dinidinig ng diyos ang kaniyang panalangin. Kahit kailan kasi hindi siya nawalan ng pag-asa na magbabago ang kaniyang asawa, dahil naniniwala siya na hangga't sisikat ang araw may bagong pag-asang nag-aantay.

Ito na iyon Amary – Bulong ng kaniyang isipan na ikinangiti niya.

“Hey, I said, you’ll coming weather you like it or not, understand?” Napukaw ang natutulog niyang diwa ng marinig ang asawa.

“O-okay sa akin,” Nahihiya niyang sagot dito.

“Hindi ka ba papasok sa opisina?” Dagdag niya pa dito.

“I will, I have a lot of paper need to sign and meetings.” Tumayo na ito sa kina-uupuan. “I’ll pick you up later, 6 PM sharp.” Dagdag pa nito at hindi na hinintay pa ang kaniyang sagot.

Nakangiting niligpit niya ang pinagkainan ng asawa at pagkatapos umakyat siya sa kwarto para tawagan ang kaibigang si Amber para mamasyal ngunit hindi ito pwede ngayon. Mabuti na lang at tumawag ang kaibigan niyang si Klint na matalik na kaibigan ng asawa na naging kaibigan niya na. May surprisa ito sa kaniya kaya excited siyang makita ito.

Kaagad namang makarating si Amary sa Mall kung saan sila magkikita ng kaibigan. Agad niya namang nakita ang binata sa loob ng isang restaurant dahil sa kaunti pa lang ang tao.

Napansin ni Amary na panay ang sulyap ng mga kababaihang nasa loob ng restaurant sa kaibigan, hindi nga maikakaila na ubod ito ng gwapo. Isang lalaki na pinapangarap ng kahit na sinong babae.

He have a good look, sharp eyes, pointed noise, kissable lips, hot, and long leg. He's a billionaire in a young ages and also a powerful one. He's nice but his cold-hearted when it's comes to a people he doesn't like.

“Klint!”

Kaagad naman siyang lumapit sa kaibigan at nagbeso sila.

“Hey, gorgeous.”

She rolled her eyes.

“I know, handsome.”

Klint chuckled.

Sabay silang um-order ng pagkain. Habang naghihintay sa kanilang order ay panay ang kwentuhan nila. Asaran at kulitan. Na miss niya ang binata dahil sa matagal na panahon silang hindi nagkita nito at walang paramdam sa isa’t-isa.

Minabuti niyang mamasyal ng maaga para makauwi siya ng maaga para makapaghanda para sa date nila mamaya ni Zarchx.

“Masaya ako para sayo, Nash. Pero nasisiguro ko sayo may lagnat lang si Zarchx kaya nag-aya ng date.”

“Akala ko ba supportive ka bakit sarcastic ka?”

Madami silang napag-usapan maging ang pag-aaya sa kaniya ni Zarchx ng date.

Alam kasi ng binata kung anong buhay ang mayroon sila ni Zarchx. Alam nito ang lahat hindi dahil sa naikwento niya ngunit dahil sa magkaibigan rin ang dalawa.

“Hindi naman, kahit ako hindi makapaniwala sa balita mo parang hindi ko naman kilala ang asawa mo pero kung ganu'n nga ang mangyayari, ide mabuti.” Klint lean his back.

“Kung saan ka masaya nakasupporta lang ako at masaya ako para sa inyo, sana tuloy-tuloy na maging maayos ang relasyon niyo.” Nakangiting sagot nito sa kaniya.

“Sana nga Klint, dahil hindi talaga ako nawawalan ng pag-asa na magbabago siya. Alam kung darating ang panahong iyon, siguro papalapit na ng papalapit ang panahon na pinaka-hihintay ko.”

Nakangiting sagot niya dito dahil hindi niya maitago ang saya at excitement na nararamdaman niya para mamaya.

“Ayan ka naman, ang taas na naman ng expectation mo tapos biglang babagsak.” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

“Ano pala iyong surprise mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya dito.

“Oo nga pala, aalis ako ng bansa kaya na isip ko na mas maagang ibigay ko ang regalo bago ko pa makalimutan.” Kumunot naman ang noo niya, dalawang buwan pa bago ang kaarawan niya.

“Hindi ka naman masyadong advance niyan? Two months pa kaya iyon.” Tinanggap niya ang paperbag na ibinigay nito sa kaniya.

“But, thank you so much Klint.” Dagdag niya pa.

“You’re welcome.” Kinindatan siya nito na ikinangiwi niya.

Alam niyang gwapo ang kaibigan pero kahit minsan hindi siya nakaramdam ng kakaibang pagmamahal dito maliban sa itinuturing niya na itong kapatid.

Napalingon naman si Amary sa paligid ng marinig ang ilang tilian, nakita rin kasi ng mga ito ng ginawang pagkindat sa kaniya ni Klint.

“Papansin ka talaga kahit kailan,” Inirapan niya ito.

“Sadyang kapansin-pansin lang talaga ako. Hindi tulad mo—

“Ikaw ba‘y kakampi o kaaway?”

“Basta kapag may kailangan ka wag kang magdadalawang isip na tawagan ako, nandidito lang ako para sayo Nath. Mag-iingat ka palagi...”

Alam niyang nag-aalala ito para sa kaniya dahil sa hindi maayos ang relasyon nila ni Zarchx.

“Salamat, ikaw din. Mag-iingat ka—I mean ingat sila sayo.”

“Advance happy birthday, gorgeous...”

Bandang alas tres na ng hapon naka-uwi si Amary dahil sa napahaba ang usapan nila ni Klint.

Sinamahan na rin siya nito sa beauty parlor para fresh daw siya mamaya sa date nila ni Zarchx, namasyal, nanuod ng cine at pagkatapos ipinamili siya nito ng damit na isusuot niya mamaya sa date nila ni Zarchx.

Nahihiya na nga siya dito dahil lahat na lang libre nito maging ang lunch nila pati pa naman sa isusuot niya para mamaya, sinabi nito sa kaniya na ito ang kasama sa advance gift nito sa kaniya.

Halos ilang oras ang ginugol ni Amary sa pag-aayos ng kaniyang sarili dahil gusto niyang maging presentable siya na haharap kay Zarchx mamaya.

Sobrang saya at excited siya sa magiging date nila ni Zarchx. Mas masaya pa ito sa iisiping nakapamasyal siya maghapon sa Mall.

Nagmensahe na sa kaniya ang asawa na on the way na ito. Pinagmamasdaan niya ang kaniyang kabuohan sa salamin ng matapos na siya.

Nakasuot siya ng isang sexy black backless dress, mayroon itong slit sa kanang bahagi at expose ang kaniyang legs. Pinarisan niya ito ng isang five inches silver stiletto. Naglagay rin siya ng kaunting blush on at lipstick. Inilugay niya lang ang may kahabaan na tuwid na tuwid na buhok na tumatakip sa kaniyang likuran. Nag-suot rin siya ng isang jewelry set na bigay pa sa kaniya ng kaniyang Ama, simple pero elegante.

Nang marinig niya ang busena mula sa ibaba ay kaagad niyang dinampot sa desser ang kaniyang white sling bag kung saan ang kaniyang cellphone, wallet at pang retouch. Habang pababa siya ng hagdan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba hangang sa makalabas siya ng kabahayan.

Bumungad sa kaniya ang asawa sa tabi ng sasakyan nito, nakatalikod ito sa kaniya. May kausap ito sa cellphone. Malaya siyang pinagmamasdaan ang asawa.

Nakasuot ito ng isang black sweater long sleeve na napapatungan ng black blazer. Black jeans and white shoes. Sobrang gwapo nito sa paningin niya kahit pa nakatalikod ito sa kaniya.

RAMDAM ni Zarchx na may nakatitig sa kaniya. Nawala na ang kausap niya sa kabilang linya dahilan para dahan-dahan na siyang bumaling sa kaniyang likuran habang ibinababa na ang cellphone.

Napamangha si Zarchx ng makita ang maganda at sexy na babae sa kaniyang harapan. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hangang paa ang asawa.

Napalunok siya ng maramdaman ang pagkauhaw ng makita ang asawa. Hindi niya lubos maisip na ganito kaganda ang asawa. Kung sa bagay hindi niya naman ito pinapansin at binibigyan ng attention kaya papaano niya ito makikita?

Sandali silang nagkatitigan. Ngumiti si Amary sa asawa ng makita ang reaction nito na kaagad rin namang nawala at pinakatitigan ng seryoso.

Naiinis si Zarchx na mapagtanto ang suot ng asawa, inaamin niyang na gustuhan niya ito ngunit ayaw niyang may ibang lalaki na makakita sa katawan nito.

“Let’s go,” ani ni Zarchx at binuksan ang passenger side ng sasakyan niya.

MANGHANG-MANGHA si Amary ng makatayo siya sa harap ng isang Yacht. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong lugar siya dadalhin ng asawa ang akala niya ay sa isang restaurant lang sila kakain.

Sa sobrang saya na naramdaman ni Amary hindi niya maiwasang mapaluha dahil na surprisa talaga siya ipinapakita nito sa kaniya lalo na ngayon.

Hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung bakit ito ginagawa ng asawa. Hindi niya naman kaarawan, hindi rin nila anniversary, wala siyang alam na okasyon para dalhin siya nito sa ganitong lugar.

“What's on your mind?”

Napatingin siya sa kaniyang likuran ng marinig ang boses ng asawa. Nakabalik na pala ito dahil may kinausap ito sa cellphone ng makarating sila.

“Totoo ba ito? O, nanaginip lang ako?” Isang butil ng luha ang muling tumulo sa kaniyang pisngi.

Kung panaginip lang ang lahat ng ito ayaw niya ng magising. Labis-labis ang sayang nararamdaman niya sa araw na ito, masasabi niyang ito na ang isa araw na hindi niya makakalimutan.

“Psh.” Nailing sagot ng asawa at nauna na itong naglakad papunta sa Yate.

Humingga ng malalim si Amary ng mapagtanto na isang maliit na kahoy lang ang tutulayan papunta sa Yate at walang hawakan, takot siya sa mga ganito baka mahulog siya sa tubig.

Uuklo na sana siya para tangalin ang kaniyang sapatos ng mapagtanto niyang nakaluhod na sa harapan ang asawa at sinisimulan ng tangalin ang kaniyang sapatos.

Nawala ang takot na mahulog siya sa dagat habang tumatawid dito dahil hawak ng asawa ang kaniyang kamay at inaalalayan siya nito hangang sa makarating sa top deck ng Yate.

Isinuot nitong muli ang kaniyang stiletto. Halos maluwa ang kaniyang makita ang napakagandang mga bulaklak na nakapalibot sa buong top deck mayroon ring nagkalat na mga petals sa sahig nito.

Nakita niyang may isang lamesa at may dalawang upuan, maganda ang pagkakaayos nito at may Plato na good for two person, madami ring nakapalibot na ilaw.

“Seryoso ba ‘to?” Bulong niya sa sarili.

Nakahawak sa kaliwang dibdib dahil hindi niya alam kung paano papakalmahin ang kaniyang puso. Sunod-sunod ring bumagsak ang kaniyang mga luha.

Ito na ba talaga ang araw na pinaka-hihintay niya? Totoo na ba ito?

“Mukha bang nagpapatawa ang asawa mo? Take a sit.”

Sunod-sunod na umiling si Amary. “H-Hindi, ang ganda dito...”

“Good to hear.”

Inihugot siya nito ng upuan. Naupo na siya at umupo na rin ito sa kaniyang harapan.

Habang naghihintay ng pagkain nila hindi mapigilang mapatingin sa paligid si Amary, punong-puno ng bulaklak at gustong-gusto niya ito.

Hindi niya pa rin lubos maisip na dadalhin siya nito sa isang Yate at pinaghandaan ng mabuti ang kanilang date, akala niya simpleng date lang ito.

Tahimik lang silang kumakain, seafood dishes.

Allergy si Amary sa seafood pero hindi ’yon alam ni Zarchx. Kumain nito si Amary kahit na alam niyang mangangati at mamumula siya nito dahil gusto niyang pahalagahan ang effort na ginawa nito lalo pa’t ito ang unang gabi na kumain sila ng sabay bilang mag-asawa.

“L-leon,” Nauutal na pagkuha niya sa attention ng asawa. “Salamat,” Dagdag niya pa at nginitian niya ang asawa.

Uminom ng alak si Zarchx na laman ng kaniyang baso.

“For what?” Uminom itong muli.

“Para dito, hindi ko inaasahan. Ang ganda.” Tinutukoy niya ang set up ng place.

“Well, how's the food?” Napansin kasi ng binata na sa tuwing susubo ito ng kinakain napapangiwi na parang napipilitan ito.

“M-masarap, ngayon lang ako nakakain ng ganito.” Pag-aamin ni Amary na ikinakunot ng noo ng asawa.

Impossible naman na hindi pa sa pagkakatanda niya ito ang madalas kainin ng magulang nito sa tuwing my dinner sila together with his parents.

“You look beautiful,” Napatitig siya sa mata ng asawa ng marinig niya ang sinabi nito. “And gorgeous...” Dagdag pa nito.

Sa unang pagkakataon pinuri siya ng kaniyang asawa. Naiilang siya sa malalagkit nitong dahilan para mapayuko siya upang itago ang ngiti sa labi niya, para siyang teenager na kinikilig sa sinabi nito.

“But I hate your outfit.”

Nag-angat siya ng tingin sa asawa. Pinakilig siya nito pero kaagad namang napalitan ng hiya.

Ito kasi ang napili niya na suggest ng isang sales lady kanina. Ayaw nga sana itong kunin ni Klint dahil mabubusog lang si Zarchx sa kakatitig sa kaniyang makinis na legs. Gusto niya ito dahil comfortable siya isa pa hindi niya inisip na napapansin iyon ng asawa na hindi naman siya nito tinatapunan ng tingin.

“Are you okay?”

Hindi mapigilang tanong ni Zarchx sa asawa ng mapansin itong hindi mapakali sa kina-uupuan panay ang kamot nito sa bandang leeg. Nakikita niyang namumula ang braso nito na pantal-pantal.

HINDI na mapigilan ni Amary na hindi maglumikot sa kaniyang upuan. Nararamdaman niya na kasi ang pangangati ng katawan at parang tinutusok-tusok ang balat niya hindi siya nakatagal kaya nagpaalam siya sa asawa na pupunta lang siya sa banyo.

“I need to go to the ladies room” She force smile.

“This way.” Tinuro ni Zarchx ang daan.

Pagkapasok niya sa banyo pinasadahan niya ng tingin ang kaniyang sarili na mumula na ang kaniyang leeg na kinakamot niya kanina may pantal na rin sa kaniyang braso.

Kinuha niya ang alcohol na dala at nilagyan ang pantal ngunit wala itong epekto at mas lalo itong lumala.

Napatingin siya sa pintuan ng banyo ng marinig niya ang katok.

“Hey! Are you okay?” Boses iyon ng asawa.

Humingga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa dahil kating-kati na talaga siya. Gusto niyang magwala sa sobrang pangangati na hindi niya malaman ang gagawin.

Binuksan niya ang pinto para sabihin sa asawa ang nararamdaman pero bago niya pa man siya makalabas ng banyo nakaramdam siya ng pagkahilo, napatigil siya sa paglalakad dahil parang umiikot ang kaniyang paningin inisip niya na dahil pang iyon sa wine na ininom niya.

“Shit. Where did you get that fucking rashes?”

Narinig niya pa ang tanong ng asawa pero hindi niya na magawang sagutin dahil sa nakaramdam na siya ng panghihina at paninikip ng dibdib dahilan para matumba siya at nawalan ng malay.

KAAGAD namang na salo ni Zarchx ang asawa ng makita niya itong bumabagsak sa sahig. Binuhat niya ito papunta sa kaniyang sasakyan at nagmamadaling dinala sa pinakamalapit na hospital.

Kaagad naman itong sinugod sa emergency room ng makarating sila kalahating minuto na ang lumipas hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin dito.

Nilukob siya ng matinding kaba at halo-halong katanungan ang pumapasok sa kaniyang isipan kung bakit ito nawalan ng malay. Nakaramdam siya ng galit sa iisipin na buntis ito ngunit paano mangyayari iyon kung wala namang nangyayari sa kanila.

Nasuntok niya ang pader.

Naiinis siya sa sarili niya ng pinagwalang bahala niya ang larawan ni Amary at Klint na magkasama sa isang restaurants na ipinakita ni Teri.

Bago niya sunduin ang asawa, may ipinakita sa kaniya si Teri, alam niyang gumagawa lang ng paraan para mas lalo siyang magalit sa asawa kaya pinilit niyang maayos ang gabi nila kahit kating-kati siyang itanong kung sino ang kinita nito kanina.

Alam niya na hindi siya pagtataksilan ng kaniyang kaibigan pero kapag tama ang hinala niya. Walang dugo-dugo, magkakamatayan silang dalawa.

Buwisit ka Akas, paano mo na gawa sa akin ito?! I will break you damn neck, mother fucker!

“Mr. Pendilton,” Tawag ng babaeng doctor na kakalabas pa lang sa emergency room.

“How’s is she? Why did she lose conscious? Is she pregnant doc?” Sunod-sunod na tanong niya sa doctor ng makalapit sa harapan nito.

Damn it! Damn!

Tiningnan niya ng pamatay na tingin ang doctor ng mahina itong tumawa at umiiling pa. Bata pa ito at sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito at ang asawa. Maganda at may kurba ng katawan.

“Relax, Mister Pendilton. Excited ka naman masyado na magkaroon ng anak, hindi buntis ang...”

Fuck it.

Bumaba ang tingin nito sa kaniyang kamay kaya sinundan niya ang tingin nito na nakatingin sa kaniyang marriage ring, kaya kaagad niyang inilagay sa bulsa ang kamay para hindi nito malaman na nakatali na siya pero huli na dahil nakita na nito.

Shit!

“... Asawa mo. It's just an allergy, hindi lang isang pagkain ang nakain niya na allergic siya kaya siya nawalan ng malay. Binigyan ko na siya ng gamot, she’ll be fine, ipapalipat ko na siya sa private room. Escuse me,” Ani ng doctor na ikinawala ng tinik sa lalamunan niya.

“Thanks doc. By the way... Nice curve,” Napa-irap naman sa kaniya ang doctora, hindi niya maiwasang puriin ito dahil kahit nakasuot ito ng uniform ay halata ang ganda ng katawan nito.

What the hell!

“I know right!” Confident na sagot ng doctora at tinalikuran na siya.

Nakakailang hakbang pa lang ito ng bumaling muli sa kaniya.

“By the way, Mister Pendilton. Hindi ako pumapatol sa may asawa,” Napa-awang ang bibig ni Zarchx sa sinambit ng doctor.

Very straightforward. Isang tingin pa lang malabo itong mapasa kaniya.

“Wait!” Pigil niya sa doctora.

“Yes?”

“What did you call me again?” He wanna heard it again.

Kumunot ang noo ng dalagang doctor bago ngumiti.

“Mister Pendilton.”

What the heck!

“Nice, but I am Zarchx Montenegro.” He smirked.

This woman is really hit different, how can she call him Mister Pendilton that he never told who is he.

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Ow, my bad.”

HINILAMOS ni Zarchx ang kaniyang mukha at marahas na napabuga ng hangin. Kung nakakapatay lang ang pagmumura sa isip malamang kanina pa siya nasa emergency room dahil nagliliparan ang mura sa loob ng utak niya.

Iniisip niyang buntis ang asawa pero allergy lang pala ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Sinisimulan niya pa namang patayin si Akas sa utak niya pero wala ng kasalanan.

“M-Masarap, ngayon lang ako nakakain ng ganito.”

Kaya naman pala sinabi nitong ngayon lang nakakain ng seafood dahil allergy siya nito. Umigting ang kaniyang panga dahil may oras ito para magsabi sa kaniya na bawal ang seafood pero nanatili itong tahimik at kumain pa rin kahit alam ng bawal siya nito.

Inasikaso niya ang bill ng asawa bago ito pinuntahan sa pribadong silid. Naabutan niyang nasa loob ang doctor pero kaagad naman itong umalis ng matapos na ayusin ang asawa dahil may pasyente pa itong dapat asikasuhin.

Nakaramdam siya ng pagka-quilty na makita itong nakaratay sa hospital bed halatang nanghihina ito pero nangingibabaw ang galit na nararamdaman niya para dito.

NANG IMULAT ni Amary ang kaniyang mga mata puting kapaligiran ang bumungad sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali nasa hospital siya. Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya na halata sa mga titig nito ang galit.

Wala siyang dapat sisihin kung bakit siya nakaratay sa hospital bed dahil ginusto niyang kumain ng seafood kahit na alam niyang bawal siya nito.

“Balak mo bang magpakamatay at ako pa talaga ang gagawin mong suspect? Puta naman Amary! Kung gusto mong magpakamatay wag mo akong idamay, alam mong allergy ka kinain mo pa rin ganiyan ka ba ka patay gutom?! Damn it!”

Tumulo ang luha ni Amary ng marinig ang sinabi ni Zarchx, bakas sa boses nito ang galit.

Ginawa niya lang naman iyon para sa asawa. Ginawa niya iyon para hindi masayang ang effort nito. Ginawa niya iyon para hindi masira ang unang date nila pero nagkamali siya mas lalo pang na sira ang gabi nila dahil sa ginawa niyang iyon at dahil doon galit na galit na naman sa kaniya si Zarchx.

“I’m s –sorry,” Hingi niya ng tawad dito.

“Hindi ko naman akalain na aabot sa ganito, I appreciate your effort. Ginawa ko lang naman iyon para hindi masira ang gabi—”

“You still fucking did. Kung sinabi mo lang na allergy ka sa pagkain na iyon pwede ko ‘yong papalitan ide ayos ang lahat! Ginusto mo ‘yan kaya magtiis ka, wag mo akong sisihin sa katangahan mo!” He said and get out of the room.

Iyak lang ng iyak si Amary ng iwan siya ni Zarchx.

Umiiyak siya dahil sa kasalanan niya ang lahat kung bakit na sira ang date nila. Nagalit niya na naman ang asawa hindi niya alam kung paano niya na naman ito papaamuhin.

Masakit sa kaniya ang mga binitawan nitong salita pero tanggap niya dahil kasalanan niya naman talaga. Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Nagpapakatanga siya dahil mahal na mahal niya. Inisip niya pa naman na iyon na ang simula ng magandang samahan nila pero nagkamali siya.

Hindi niya ito sinisisi pero nasasaktan siya dahil hindi man lang nito magawang magpakita ng pag-aalala sa kaniya, hindi nito na gawang intindihin siya.

TATLONG araw ang pinamalagi niya sa hospital para masiguradong ayos na talaga siya, wala na siyang nararamdamang pangangati. Wala na rin ang kaniyang mga pantal, maayos na rin ang kaniyang paghingga, hindi niya kasi napansin na may mani ito dahilan para mahirapan siya sa paghingga.

Mula ng araw na iyon hindi na bumalik pa si Zarchx para bisitahin siya tanging ang mayordoma lang ang bumibisita sa kaniya at nagdadala ng pagkain, ito rin ang naging bantay niya sa tatlong araw na pamamalagi doon.

Ilang linggo na rin siyang nasa bahay pero mula ng mahospital siya hindi niya pa nakitang muli ang asawa dahil hindi sila nagkaka-abot dahil kapag umaalis ito sobrang aga at tulog pa naman siya, sa gabi naman late na late na itong umuwi kaya hindi niya na nahihintay, hindi niya nga alam kung talagang umuuwi pa ito pero sabi ng mayordoma ay alagi itong umuuwi.

Kasalukuyang na nunuod ng K-drama si Amary sa sala. Alas nuwebe na ng gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kaya napagdesisyonan niya na hintayin ang asawa.

Dalawang oras ang lumipas pero wala pa rin ang asawa. Sa paghihintay ni Amary unti-unti na siyang dinadalaw ng antok dahilan para makatulog siya sa kinahihigaang sofa.

BANDANG alas-dos na ng umaga naka-uwi si Zarchx dahil hindi niya matakas-takasan ang kaniyang binabantayan kung hindi pa ito nakatulog hindi pa siya makaka-uwi. Sa linggong ito siya ang nakatuka na magbantay dito kaya naman madalas late na siyang makauwi.

Madami rin siyang ginawa sa kaniyang kompanya. May ipinag-uutos rin sa kaniya si Akas related sa kanilang organization, medyo madami-dami ang na ibibigay nitong gawain sa kaniya dahil wala sa fucos ang dalawa nilang kaibigan dala ng pagiging broken hearted nito.

Si Lance na inaayawan ng babaeng minamahal. Si LV na kung kailan nag propose saka binasted. Kaya ayon hindi napapagod na maghabol.

Napatigil si Zarchx sa paglalakad papuntang elevator nang mapansin niyang nakabukas ang TV. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang asawa halatang nilalamig ito sa position nito sa sofa.

Kinuha niya ang remote sa may ulohan nito para patayin ang TV ngunit gumalaw ito at nagkatapat ang kanilang mukha at na ipit ang braso niya.

Sunod-sunod na napalunok si Zarchx dahil ilang dangal na lang ang layo ng kanilang labi. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa kaniyang mukha, gustuhin niya mang maka-alis sa harapan nito hindi niya magawa dahil na dadaganan nito ang kaniyang kamay. Ayaw niya naman itong bawiin dahil baka magising ito at kung ano pa ang isipin na ginagawa niya dito.

Wala siyang magawa kundi ang manatili sa position na parang niyayakap niya ang asawa. Napatitig siya sa mukha nito. Kitang-kita niya ang kagandahan ng asawa. Parang may kaharap lang siyang isang anghel sa sobrang payapa ng mukha nito, masasabi niyang inosente.

Sa ilang buwan nilang pagsasama naging mabuti ito sa kaniya. Wala itong ibang ginawa kundi ang intindihin siya. Kahit papaano nagkaroon na ito ng puwang sa puso niya, pilit niya man iyong ikaila pero hindi niya maitatago.

Nang masiguro na hindi ito magigising binawi niya ang kaniyang braso at pinatay ang TV bago binuhat ang asawa patungo sa silid sa elevator siya dumaan.

Nilapag niya ito sa sarili nitong kama. Kinimutan niya ito hangang leeg, sandali niya itong tinitigan bago napag-desisyonan na iwan na ito.

Hinalikan niya ito sa noo at bumulong.

“Slept tight, my Queen.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status