Share

CHAPTER 4

ABALA sa pagluluto si Amary ng hapunan. Ganado talaga siyang magluto at mas lalong pa sarapin ito ng malamang kinain lahat ni Zarchx ang niluto niyang hapunan kagabi.

Nagalit niya man ito kagabi at least nabusog niya naman ito ng hapunan ‘yon nga lang ay hindi alam ng binata na siya ang naghanda ng mga iyon. Ang buong akala nito ay ang mayordoma ang naghain ng hapunan.

Ayos lang sa kaniya na ang mayordoma ang mapagkamalang nagluto nito ang mahalaga ay kinain nito ang pinaghirapan niya. Hindi na sayang ang oras na ginugol niya sa pagluto at ang effort na pasarapin ito.

Isa pa kailangan niyang paghandaan ng mabuti ang gabing ito dahil darating si Don Leon—Ang Lolo ni Zarchx.

Nakangiting inaamoy niya ang aroma ng menudong niluluto niya. Nagsandok siya ng sabaw para tikman ito ng may bigla na lang yumapos sa bewang niya dahilan para mapaigtad siya sa gulat.

Kaagad namang napalingon si Amary sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang brasong yumapos sa kaniya, napalunok siya ng mapagtantong ang asawa iyon.

“L-leon,” Nauutal niyang sambit sa pangalan nito.

Kakaibang kiliti ang dulot ng kamay nito sa kaniya, para bang mag kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Hindi siya makahingga ng maayos dahil na iilang siya sa kamay nito, kinikilig siya sa asal nito. Ito ang unang beses na hinawakan siya ng asawa sa hindi marahas na pamamaraan.

“Señior-Dad is here.” Bulong nito sa kaniya.

Kinagat nito ang punong tenga niya dahilan para napakagat-labi siya sa kakaibang sensasyon na hatid nito. Hindi pa nga siya nakakabawi sa sinabi nito ng marinig niya ang yabag ng paa na paniguradong papunta sa kinaruruonan nilang mag-asawa.

“Subukan mo lang na ipahiya ako, makakatikim ka sa akin Amary.” Mahina ngunit bakas sa boses nito ang pananakot.

Parang bula na nawala ang kilig sa kaniyang katawan dahil sa sinabi nito. Kaya pala ganito ito umakto dahil para na naman silang bida sa isang teleserye sa TV dahil sa galing nitong umarte.

“Babe, masusunog na ‘yang niluluto mo. Masyado ka namang kasing napapatulala sa gwapong mukha ng asawa mo, oh... Akin na nga ako na ang maghahain,”

Halos mapamura si Amary sa kayabangan nito ngunit hindi niya nagawang barahin ito ng nahagip ng mata niyang may tao sa pintuan na nakamasid sa kanila.

Kinukuha ng asawa ang sandok sa kaniyang kamay ngunit hindi niya ito binitawan.

“A-ako na, akin na. Mabilis na lang ito, ihahain ko na para makakain ka na,” Nakangiting tugon niya sa asawa at pinandilatan niya ito dahilan para mapatingin sa may pintuan.

“Señior-Dad. Sinabi ko namang sa labas mo na lang kami hintayin, anong ginagawa mo dito?”

Mukhang hindi mapanatag ang loob ng asawa na nandidito ang kaniyang Lolo. May katandaan na ito pero malakas pa rin, halata na kabado si Zarchx sa presensiya nito.

“Bawal ko na bang libutin ngayon ang Mansion ko?” Napalunok si Amary ng marinig ang nakakakilabot na boses nito.

“Of course, you can, Dad.” Kaagad na bawi ng kaniyang asawa.

Humarap siya rito ng matapos niyang maisalin sa isang bowl ang niluto niyang menudo.

“Good evening po,” Bati niya dito ng nakangiti.

Hindi niya alam kung presentable ang kaniyang itsura na haharap dito pero nakakasigurado siya na pakikitunguhan niya ito ng maayos. Mukha pa namang dominante ang matanda at halata ang pagiging strikto nito.

“So, Dad. She's Amary, my wife. Babe, Señior-Dad, his my grandfather.” Pagpapakilala ng asawa at hinawakan nito ang kaniyang kamay.

Nakaramdam naman siya ng tuwa sa pinapakitang ka sweet-an nito, halos mapalundag na siya sa kilig na nararamdaman.

Dumapo kay Amary ang mata nito. “Bakit ikaw ang gumagawa diyan?” Masamang tingin ang itinapon kay Zarchx. “Nag-asawa ka ba Leon para gawing katulong?”

Nagkatinginan silang mag-asawa.

“E-eh hindi po, gustong-gusto ko po na pinagluluto ang asawa ko. Dinamihan ko po kasi nalaman kong darating kayo, kaya gusto ko pong ipagluto kayo ng masarap na hapunan, sana po magustuhan niyo.” Sagot ni Amary.

“Hindi ako kumakain ng luto ng kung sinu-sino lang.” Napayuko si Amary dahil ramdam niya na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

“Mabuti kung isa kang professional na chef para ipaghanda mo ako ng masarap na pagkain.” Dagdag pa nito na ikinasama ng loob niya.

Walang pinagkaiba kay Zarchx. Mag-Lolo nga sila.

“Señior-dad, my wife just want to serve you. She's nice at cooking no need to be a professional, why don't you have a try?”

Gulat na gulat na nag-angat ng tingin si Amary kay Zarchx dahil sa unang pagkakataon ay pinapurihan siya nito.

“What if I don't like the food?” He's voice is really scary like one more bad words he’ll shoot you.

Zarchx look at her eyes. “I’ll divorce her.”

Nanigas si Amary sa kaniyang kinatatayuan. Para siyang naging bato at walang ibang naririnig kundi ang alingaw-ngaw ng boses nito na sinasabing hihiwalayan siya.

“Your really confident to your wife to stake your marriage for this.” Don Leon smirked.

“Lita, prepared the table for me, I want to try all the dishes that Amary’s prepared.” Don Leon added.

Kaagad namang kumilos ang mayordoma at ilang katulong na inayos ang mesa at inihanda ang mga nilutong pagkain ni Amary. Nakatayo lang silang mag-asawa habang ang Lolo naman nito ay naka-upo na sa harap ng hapag.

“Have a sit, babe.” Ipinaghugot siya ng upuan ni Zarchx na ikinatingin niya dito.

Masaya siya sa ginagawa ng asawa kahit papaano ay naramdaman niyang may tinatago rin pa lang ka-sweet-an sa katawan ang asawa kahit na ang katutuhanan ay pagpapanggap lang ang ginagawa nito. Sana palagi na lang siya nitong pinapakilig ng ganito.

Hindi rin mawala sa kaniya ang pag-aalala at hindi siya mapakali sa kaniyang kina-uupuan dahil hindi niya alam kung mananatili pa rin siya g asawa ni Zarchx pagkatapos ng gabing ito.

Nakikita niya na mabait si Zarchx sa Lolo nito lalo na pagdating sa kaniya na para ang taas ng tingin nito kay Don Leon, inerespeto at ginagalang bagay na hindi na gagawa ni Zarchx sa kaniya bilang asawa.

Kabadong-kabado siya ng magsimula itong kumain na baka hindi nito magustuhan ang luto niya. Kinakabahan rin siya sa presensiya nito na para bang ito ang pinuno ng mga Leon. Sobrang nakakatakot ang kaniyang mukha pero ramdam niya ang kabaitan nito.

Pagkatapos nilang kumain umakyat muna siya para magpalit mabuti na lang at nagkaroon siya ng dahilan para maka-alis sa harapan ng Lolo ni Zarchx. Hindi niya kasi malaman kung sa hawak ni Zarchx siya na iilang o sa mga itinatanong ng Lolo nito sa kaniya at sa pananalita nito na malaman.

Isa pa gusto niyang ilabas ang kilig na nararamdaman.

Ito ang unang beses niyang makita ang Lolo ni Zarchx. Laking pasalamat niya a umuwi ng maaga si Zarchx dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitungohan.

Humingga siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad sa kaniya ang walang emotion na mukha ni Zarchx.

“Bakit ang tagal mo? Hinihintay ka ni Señior-Dad sa ibaba, gusto ka niyang maka-usap. Dalian mo!” Malamig na utos nito sa kaniya, medyo natagalan kasi siya sa banyo dahil naligo pa siya.

Hindi niya maiwasang kabahan dahil hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila. Hindi niya rin alam kung paano ito kakausapin. Sinabayan niya ang asawa sa paglalakad sa mahabang hagdan.

“Tungkol saan ang pag-uusapan?” Kinakabahang tanong niya dito. Hindi siya umaasa na kakausapin siya nito pero gusto niyang ilabas ang kaba na kaniyang nararamdaman.

Nalukot naman ang mukha ni Amary ng mauna itong maglakad at hindi pinansin ang kaniyang tanong pero sumikdo ang puso ng huminto ang asawa sa pinakadulo ng hagdanan na para bang hinihintay siya nito. Iniabot nito ang kamay sa kaniya.

Pakiramdam niya tuloy para siyang isang princessa na hinihintay ng kaniyang prinsipe. Hindi niya maiwasang mapatitig sa kamay nito na tila hinihintay na tanggapin niya ito. Tiningnan niya ang mukha ng asawa bago tuluyang tinanggap ang kamay nito.

Namumutla na ang kaniyang pisngi, sana araw-araw ay nandidito ang Lolo nito. Lihim siyang napangiti sa ginawa nito at bahagyang napayuko para itago ang namumulang pisngi.

“I don't have idea,” Bulong nito at sabay silang naglakad papalapit sa Lolo nito na nakaupo sa sofa habang nakamasid sa kanilang dalawa.

Ilang minuto na silang nakaupo sa harapan nito pero namumutawi ang katahimikan sa kanila na siyang ikinailang ni Amary, humihop ng tsaa.

“So, Amary.”

Napalunok si Amary ng marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya ng mailagay muli sa center table ang tsaa.

“Kamusta naman si Leon bilang asawa?”

Sa tanong ng matanda si Zarchx naman ang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Amary pero isa lang ang alam niya hindi niya ito tinatrato ng mabuti.

Pinagpawisan siya ng malamig dahil sa maaring sagot ni Amary. Shit! Shit! I'm not ready for this!

Pilit na ngumiti si Amary bago ito sumagot.

“A-Ayos po kami ni Leon, inaalagaan niya po ako ng mabuti.”

Napatingin si Zarchx sa kaniyang asawa dahil hindi niya inakala na ito ang sasabihin nito sa kabila ng ginagawa niya dito hindi pa rin magawang magsumbong.

“That’s good.” His grandfather look not satisfied in her answer.

“Sinasaktan ka ba ng lalaking ‘to? May mga bagay na ginagawa na hindi na dapat?” Sunod na tanong nito na mas lalong ikinakaba ni Zarchx.

Sa tanong nito ay wala na siyang kawala dahil sapol na sapol na siya sa tanong nito pero nakita niyang umiiling ang asawa.

Humigop muli ng tsaa ang Lolo nito.

“Mabuti naman kung ganu'n. Sabihin mo lang sa akin kung may hindi magandang ginagawa sayo dahil hindi ko ‘yan papalampasin, ako mismo ang kakastigo para matuto.” Zarchx lick his lips before he clear his throat.

Masyadong mainit para sa kaniya ang atmosphere, gusto niyang maka-alis sa harapan nito pero ayaw niya namang iwan ang asawa baka may iba pa ito0ng sabihin na ikakasira ng relasyon nilang mag-lolo.

Kilala niya ang kaniyang Lolo. Alam niyang mahal siya nito pero kung malaman nito ang kaniyang mga ginagawa kay Amary, paniguradong hindi talaga siya nito papalampasin. Mabait ito pero iba ito kung magalit, malayong-malayo ito sa kung anong nakikita ng mga mata.

Kahit alam niya na kung anong mangyayari sa kaniya sa pinagagawa niya kay Amary buo pa rin ang desiyon niya na gawing miserable ang buhay nito. Kahit gaano pa ka kinakatakutan ang kaniyang Lolo, hindi pa rin siya natatakot dito.

Wala siyang kinakatakutan maging ang kamatayan.

Bandang alas-nuwebe na ng gabi ng mapag-desisyonan na nitong magpahinga. Pumasok na rin sa kwarto si Amary siya naman ay nagpa-iwan muna sa sala at pumunta sa garden ng Mansion.

Dinukot niya sa bulsa ng jacket niya ang isang kaha ng isang mamahaling sigarilyo. Kumuha siya ng isang stick at sinindihan ito.

Ito lang ang tanging paraan niya para ilabas ang kabang naramdaman kanina. Biglaang pag-uwi nito hindi na siya na kasama sa lakad ng barkada. Balak pa naman sana niyang pag-untugin si Kit at LV sa pagiging tanga nito sa pag-ibig. Isang malakas na batok rin para kay Akas dahil sa pag-amin nito na may gusto ito sa kaniyang asawa.

Hindi pa siya na kakaganti kay Renzi kaya madami pa siyang sisingilin sa mga sira-ulo na ginulo ang araw niya kanina.

Nakatayo lang si Zarchx malawak na harden habang nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituwin, patuloy siya sa paghithit ng sigarilyo habang nakamasid dito.

Hindi siya mabuting asawa kay Amary pero ayaw niyang may ibang lalaki sa buhay nito. Hinding-hindi niya hahayaan na makapasok sa buhay nito si Akas.

Hindi rin siya papayag na si Amary ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang samahan nila ng kaniyang Lolo. Bale-balita na madami na ang lalaking dumaan dito at hindi niya iyon gusto! Kaya hindi mawawala sa kaniya ang pagkulo ng dugo sa dalaga.

Pumasok sa isipan niya ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Manang Lita. Naiintindihan niya ang pinupunto nito pero hindi maalis sa kaniya ang galit na nararamdaman sa asawa, hindi niya kasi inakala na ito ang tatapos sa pagiging buhay binata niya.

Hindi! Hindi siya ang sisira sa buhay ko dahil ako ang sisira sa buhay niya. – Sa isip niya ng biglang maramdaman niya na may kamay na humawak sa kaniyang balikat dahan-dahan niya itong nilingon. Nang makitang ang kaniyang Lolo ay tinapos niya ang paninigarilyo.

“I thought your resting, Dad.”

Hinulog niya ang upos ng sigarilyo at inapakan ito para mamatay ang sindi. Tinabihan siya nito sa pagkakatayo habang nakatanaw rin sa mga bituwin na pinagmamasdaan niya.

“Unang kita ko sa asawa mo masasabi kung tanggap ko siya sa ating pamilya.” Panimula ng kaniyang Lolo.

Ngayon na pag-isip niya kung bakit biglaan ito sa pag-uwi, iyon ay para suriin ang kaniyang asawa dahil may mataas na mapantayan ang kaniyang Lolo na magsasabi kung tanggap o kailangan pang patunayan ang sarili para maging karapat-dapat sa kanilang pamilya.

Na iintindihan niya kung bakit ganu'n ang inasta kay Amary kanina sa kusina. His family is a very dominant persons. Masarap pakinggan sa tenga ang sinabi ng kaniyang Lolo.

“Nakikita kong mabuti siyang tao at magiging mabuti siyang asawa sayo ngunit hindi ko nakikita sa kaniyang mga mata ang saya ng isang babaeng may asawa.” Naglakad papunta sa harapan niya ang kaniyang Lolo dahilan para mapatingin siya sa mukha nito.

His grandfather is a great observer. Marahil ay nararamdaman nito ang kakaiba nilang kilos at nakikita nito ang pagkailang ng asawa sa kaniya.

“Your not getting any younger, Aleonixous! Grow up! I'm warning you...” Hinawakan siya nito sa kwelyuhan.

“If you continue what you've started, your making a fight with me. You know me. I hate seeing women being abuse. Girl doesn't deserve to be hurt, they deserve to be loved and treat like a precious diamond.” Makahulogang sabi nito na ikinababa niya ng tingin.

Nabigla siya sa ginawa nito ngunit agad rin naman siyang binitawan. He deep breath while fixing his shirt.

Naglalaro ang kaniyang dila sa loob ng bibig niya dahil wala siyang maisasagot sa sinabi nito. Kinuha ulit siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito, inalok niya pa ang kaniyang Lolo pero tumangi ito.

Nasa dugo niya ang pagiging matapang at palaban dahil apo siya ng isang kinakatakutang si Don Leon.

“Dad, I don't get your point. One thing I can't do, having a fight with you. I respect you that much,”

Pinagpatuloy niya ang paghithit ng sigarilyo at hindi makatingin ng deritso sa kaniyang Lolo dahil sa pakiramdam niya ay nasa hot seat pa rin siya na akala niya kanina ay tapos na ang usapin tungkol sa asawa.

“Don’t fool around with me, kid! Papunta ka pa lang, pabalik na ako...” Tinap nito ang kaniyang balikat.

“I want you to work for it, make your wife happy. Give everything she deserves.” Dagdag pa nito bago siya tuluyang iniwan nito ng nakatulala sa kawalan.

Give everything she deserves.

Paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang huling sinambit ng kaniyang Lolo. Magkaiba sila nito ng pagpapakahulugan sa sinabi nito.

“Anyway, the food is great. You win.” Don Leon said before he left.

Ang gusto ng kaniyang Lolo ay ibigay niya ang lahat dito upang mapasaya ito dahil ito ang dapat mayroon ang isang babaeng may asawa pero para sa kaniya miserable ng buhay ang nararapat dito dahil pinili nitong pakasalan siya.

You don't know who I am behind this Zarchx Montenegro.

“WHY DIDN'T YOU TELL THE TRUTH?”

Napatingin si Amary sa pintuan ng kaniyang silid. Agad niyang dinampot ang kaniyang roba ng makitang nakasandal sa pader ang asawa habang nakamasid sa kaniya na nag-aayos sa harap ng salamin.

“Dahil ‘yon ang dapat.” She simply answered.

“We don't talk about it. I didn't warned you or even threat you, if you’ll tell him against me.”

She look at his husband. “Why don't you just thank me?”

Mapaklang tumawa si Zarchx.

“So, this is the reason why did you do that? Gusto mong magkaroon ako ng utang na loob sa iyo? You can't have what you want from me.”

“Kung ganu'n, hindi kita pipilitin na pasalamatan ako, payagan mo na lang akong lumabas. Kung ayaw mo bukas na bukas sasabihin ko ang totoo sa lolo mo.”

Zarchx laugh sarcastically. “You’re a great manipulative, don't you?”

“I’m not, I'm just doing what's make me happy.”

“If I thank you it's really make you happy?”

She smile. “Yeah.”

“If that's so, I don't like you to be happy.” Zarchx rolled his eyes before he walked out of her room.

Hinabol niya ito patungo sa sarili nitong silid. Hindi man nito magawang magpasalamat sa kaniya, ayos lang dahil masaya siya na ginawa niya iyon para sa asawa.

“Leon.” Kuha niya ng attention nito.

Saglit siya nitong tiningnan pero agad rin namang bumalik sa ginagawang pagtanggal ng botones ng suot nitong long sleeve.

“Salamat,” Mahina niyang sabi.

Tumingin siya ng deritso sa asawa at Nagtama ang kanilang mga mata dahilan para mapipilan siya saglit dahil minsan lang mangyari ‘yon sa isang araw ang magtama ang kanilang mata na nakakapagpabaliw ng puso niya.

“Salamat sa ginawa mo kanina.”

“Don’t thank me. Señior-dad like it what you made, I'm out of it.” Walang emotion na tugon nito.

Humarap ito sa kaniya na bukas na ang lahat ng botones ng suot na long sleeve. Bumaba ang mata niya sa tiyan nito. Nanlaki ang mata niya ng makita ang 8 packs abs nito. Hinagod niya iyon ng tingin pa taas sa matipuno nitong dibdib.

Kailan niya kaya mahahawakan ang abs nito na paniguradong kay sarap haplusin at ang dibdib nitong malapad at maskulado na kay sarap gawing unan sa gabi.

“Finish, salivating on my body?”

Napakurap-kurap si Amary at agad na umiwas ng tingin sa asawa.

“H-Hindi ‘no! Tinitingnan ko lang kung paano rin ako magkakaroon ng ganiyan, I think I should sleep now.”

Sa kahihiyan tumakbo siya papunta sa kaniyang silid at kung minamalas nga naman siya na untog siya sa nakasarang pinto dahilan para mapasalampak siya sa sahig at agad na napahawak sa kaniyang ulo na na untog.

Magda-drama na sana siya ng maalala na hindi lang siya ang tao sa loob ng kwarto kaya nilingon ang asawa na nakatingin sa kaniya at naka-taas ang kilay na para bang pinagtatawan siya sa isipan ito.

Pinaningkitan niya ito ng mata pero wala ng bago sa reaction ng mukha nito. Namumula ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan, wala na siyang ibang ginawa kundi ang ipahiya ang sarili sa harap nito.

Ang tanga-tanga mo, Amary!

Zarchx shook his head before a small smile form in his kissable lips. “Karma is real.”

NAGISING si Zarchx ng marinig ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Wala sana siyang balak na pansinin ito ng sumagi sa isip niya na ang Lolo niya ito kaya agad siya bumalikwas sa kaniyang kama.

“Leon!”

Malakas na sigaw nito mula sa labas ng kaniyang silid.

Naiinis na tinungo niya ang pinto at akmang hahawakan niya na ang doorknob ng pumasok sa isip niya kung bakit na ririto ang kaniyang Lolo.

Dali-dali siyang naglakad papunta sa kwarto ni Amary at walang sabi-sabing pumasok sa loob. Napako si Zarchx sa kaniyang kinatatayuan na ng bumungad sa kaniya ang makinis na mga hita ni Amary. Nakataas ang suot nitong dress kaya sumisilip ang pula nitong panty sa suot nitong red night dress.

“Shit.”

Ginulo niya ang kaniyang buhok at na iinis na hinila ang kumot para takpan ang hita nito na nang-aakit. Niyugyog niya ang balikat nito.

“Hey, wake up!” Gumalaw ito. “Amary, wake damn up!” Inis na pinagmasdan niya ito ng hindi magising.

Humingga siya ng malalim bago binuhat si Amary papunta sa kaniyang kama. Hindi pwedeng makita ni Don Leon ang kanilang sitwasyon dapat nilang panindigan ang sinabi ni Amary na ayos silang mag-asawa at sobrang magtataka si Don Leon kapag nakitang hindi sila magkatabi sa kama.

“Hey, Amary.” Ginigising niya ito habang nasa bisig niya.

Dahan-dahan niyang inilapag sa kama ang mahimbing na natutulog na asawa. Muntik niya na itong mapatungan ng madulas ang isa niyang paa kaya nagkalapit ang kanilang mukha.

Pinakatitigan niya ang mukha nito. Napakaganda pala nito sa malapitan lalo na kapag natutulog, payapang-payapa ang mukha nito na para bang isang anghel na natutulog.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa mapang-akit nitong labi ng dahan-dahang bumukas ang mata nito. Nagkatitigan sila saglit dahilan para may daga na nagkarera sa kaniyang dibdib.

NANLAKI ang mata ni Amary ng bumungad sa kaniya ang mukha ng asawa na malapit na malapit sa kaniya. Sisigaw na sana siya sa gulat ng biglang lumapat ang labi nito sa labi niya kasabay ang pagbukas ng pinto ng silid ni Zarchx at iniluwa no’n si Don Leon.

“Ahem.”

Mabilis na naghiwalay ang labi nilang dalawa. Pa simpleng nilingon ni Zarchx ang kaniyang Lolo na nakamasid sa kanilang dalawa bago tumingin kay Amary na hindi pa rin nakakabawi sa ginawa niyang paghalik.

“Behave.” He whispered.

“How could you do that in front of me, Leon?!” Malalim na tanong ni Don Leon.

Tiningnan ni Zarchx ang kaniyang Lolo. Inabot niya ang kumot at ipinatong sa katawan ni Amary bago tumayo at nilapitan ang kaniyang Lolo.

“Good morning, Señior-dad.” He happily greet his grandfather.

“What is the good in the morning if I stand for almost five minutes outside your room?!”

Nakayukong kumamot sa batok si Zarchx at nilingon si Amary sa kama dahilan para mapatingin rin si Don Leon sa gawin ito.

“Magandang umaga po, Don Leon.” Nahihiyang bati ni Amary sa matanda.

Itinaas ni Don Leon ang kamay pero wala itong sinabi ng dumapo kay Zarchx ang mata nito. “I have something to discuss you, little brat. Since you two busy making something, I’ll go ahead.”

“Just go to my library when you're free.” Dagdag pa ni Don Leon bago lumabas ng silid.

“No, I’ll go with you.”

Sumunod si Zarchx kay Don Leon palabas ng silid.

NAKASANDAL si Amary sa headboard habang nakahawak ng mahigpit sa kumot na nakakatakip sa katawan niya.

Nagising ang diwa niya sa ginawa ni Zarchx, hangang ngayon pakiramdam niya magkalapat pa rin ang kanilang labi. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya nito, nakakahiya dahil hindi pa siya nakakapag-sipilyo. Hindi siya handa!

Hinawakan niya ang kaniyang labi. Hindi niya na pansin ang pagpasok ni Zarchx sa silid. Humingga ito ng malalim bago bumalik sa kama at pa bagsak na humiga at niyakap ang isang unan. Bumaling sa kaniya si Zarchx. Ngumisi ito ng makita ang itsura niya. Umiiling na lumapit ng bahagya si Zarchx sa asawa.

“Wanna take back the kiss?” She look at him. “Go, get it.” Zarchx smirked.

“Anong ginawa mo sa akin?” Wala sa sariling tanong ni Amary sa asawa.

Kumunot naman ang noo ni Zarchx para namang may ginawa pa siyang malala pa sa halik. He doesn't like to kiss her but it's just an only for her to shut up.

“Dream high, woman. As if I am interested on you, for your fucking information, your plain and boring.”

Napalitan bigla ang saya sa loob-loob ni Amary.

“Hindi ‘yon ang ibig kung sabihin. Ang gusto ko lang malaman kung bakit naririto ako sa kama mo?”

“Why don’t you asked your sleepyhead self? Tsk.” Binawi ni Zarchx ang kumot kay Amary. “Get out of my bed, you're enjoying to much. Leave!”

Nagmamadaling umalis sa kama si Amary habang nakatakip ang kaniyang braso sa dibdib niya dahil wala siyang suot na bra maliban sa silk night dress na suot niya.

Naglalaki ang hakbang niya pabalik sa kaniyang silid ng—

“Amary.”

Huminto siya sa paglalakad ng tawagin siya ng asawa. Dahan-dahan niya itong nilingon habang nasa dibdib niya pa rin ang kaniyang mga braso. Nagtama ang mata nila ni Zarchx ngunit agad naman iyong bumaba sa kabuohan ng katawan niya.

“You look hot in red panty.”

Amary’s eyes widened. “W-What?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status