Share

CHAPTER 6

LAKING pagtataka ni Amary ng hindi pinapayagan ng mayordoma na gumawa ng gawaing bahay maging ang nakasanayan niyang magluto hindi siya nito pinapagawa. Maghapon lang siyang pabalik-balik sa kwarto at sala. Manunuod ng TV at kapag na bored ay maglalakad-lakad sa garden.

Kasalukuyan siyang naka-upo sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang kaniyang mga paa sa tubig.

Iniisip niya ang nangyari kagabi, alam niyang nasa sala siya kaya laking gulat niya na lang ng magising siyang nasa loob na siya ng silid niya. Iniisip niya na hindi panaginip ang paghalik ni Zarchx sa kaniyang noo dahil kung panaginip iyon ay magigising siyang nasa sofa pa rin.

Alam niyang ang asawa ang bumuhat sa kaniya dahil wala naman ibang gagawa no’n dahil hindi naman siya kaya ng mga maids na dalhin sa silid.

She was disappointed when she wake up na wala na naman siyang nakitang Zarchx, gumagabi na naman hindi niya pa ito nakikita. Iniisip niyang sinasadya nitong hindi magpakita sa kaniya dahil alam niyang galit ito sa kaniya.

“Napipikon na ako sayo, Zarchx!” Naiinis na bulong niya sa sarili.

Kung may makakita sa kaniya malamang mapagkamalan siyang baliw, nagsasalita ng walang kausap.

Samantalang hindi napansin ni Amary ang pagdating ng asawa kaya naman narinig nito ang ibinulong niya sa sarili.

“Your pissing me off too for calling me Zarchx, again.”

Kaagad namang napalingon sa kaniyang likuran si Amary ng bigla na lang may sumagot sa kaniya.

Nakita niyang nakatayo ang asawa hindi kalayuan sa kaniyang kinaruruunan. Kinabahan siya ng makita ang mukha nitong walang emotion ngunit hindi niya maikakaila na masaya siyang makita ito.

Sa tuwa na makita ito hindi niya ito maiwasang salubongin ng yakap. Isiniksik niya ang kaniyang sarili sa katawan nito dahil miss na miss niya ang kaniyang asawa, sa ilang linggo nilang hindi pagkikita kahit na nasa iisang bahay lang naman sila.

“Did I allow you to hug me? I thought you are pissed on me?” Bulong ni Zarchx sa tenga ng asawa ng mahigpit itong nakayakap sa kaniya.

Naramdaman niya namang sandali itong natigilan dahilan para mapangisi siya. Kakalas na sana ito ng yakap sa kaniya ngunit agad niyang ipinalibot sa bewang nito ang kaniyang braso para mas pagdikitin pa ang kanilang katawan.

He hug her wife back, so tight.

MALAWAK ang ngiti sa labi ni Amary ng maramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ng kaniyang asawa, aaminin niyang na gulat siya sa ginawa nito dahil ang inaasahan niyang itutulak siya nito papalayo.

Binigyang distansiya ni Zarchx ang kanilang katawan ngunit nanatiling pulupot ang kaniyang braso sa asawa at walang sabi-sabing inangkin ang labi nito ng mag-angat ito ng tingin sa kaniya.

Nagulat si Amary ng maglapat ang kanilang labi. Nahigit niya ang kaniyang hininga at nanlaki ang mga mata na nakatingin sa asawa na patuloy na humahalik sa kaniya.

Nalalasahan niya ang alak na nainom nito. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nabibinggi siya sa malakas na tibok ng kaniyang puso.

Her husband kiss her again for the second time!

Nabigla siya sa ginawa nito dahilan para maitulak niya. Naghiwalay ang kanilang labi. Iniharang niya ang kaniyang dalawang darili sa labi nito ng akmang hahalikan ulit siya nito.

“L-Leon, lasing ka...” Hinawakan ni Zarchx ang kamay niya. Inalis sa pagkakalapat sa labi nito.

“Nah. I miss you...” Nagkatitigan silang dalawa. Sumikdo ang kaniyang puso.

She miss him too!

Sa pangalawang pagkakataon inaangkin muli nito ang kaniyang labi. Gusto niya itong itulak ngunit hindi niya nagawa dahil parang may kung ano sa kaniya na nagustuhan niya ang ginagawang paghalik nito sa kaniya.

Imbes na itulak ito mahigpit siyang napakapit sa laylayan ng jacket nito. Nadadala siya sa halik nito at hindi niya iyon maiwasang hindi tugunin until she found out that she's lying on the bed and her husband is on the top of her keep on kissing her.

Naglulumikot na ang kamay nito sa kaniyang katawan. Marahan nitong hinihimas ng kaniyang hindi may katamtamang laking dibdib na siyang nakakapagpainit sa kaniyang katawan.

“What’s wrong with you?!”

Bulaslas ni Zarchx ng malakas siyang itulak ng asawa dahilan para bumagsak siya sa kama.

DALI-DALING bumangon si Amary sa pagkakahiga sa kama ng asawa ng mataohan. Mali ang kaniyang ginagawa, isa pa hindi pa siya handa sa kung anung pwedeng mangyari sa kanilang dalawa lalo’t wala pang linaw ang kanilang pagsasama.

Kahit na mahal niya ito hindi siya magpapadala sa isang I miss you para ibigay ang sarili.

“L-leon, magpahinga ka na lasing ka.”

Nakatakip sa kaniyang dibdib ang kaniyang kaliwang braso. Natangal kasi nito ang pagkaka-hook ng kaniyang bra.

Nakita niyang nagdilim ang mukha ni Zarchx, nakapalunok siya sa reaction nito.

“I’m not drunk.”

Umalis ito sa kama at hinubad nito ang suot na jacket. Ibinato rin nito ang cellphone at wallet sa ibabaw ng sofa bago siya nito hinila papunta sa mahabang sofa at iginaya para umupo. Naglakad ito papunta sa drawer na para bang may hinahanap doon.

Kinakabahan siya sa kinikilos ng asawa kaya kahit gusto niyang mag protesta hindi niya ginawa dahil paniguradong masasaktan na naman siya nito.

“Anong mayroon sa inyo ni Akas?”

Napatingin siya sa likod ng asawa na busy sa paghahalungkat ng gamit sa drawer.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Amary dahil wala siyang kilalang Akas. “

“A-Akas? Wala akong kilalang Akas,” Nauutal na ani ni Amary.

“Putangina naman Amary, hindi iyan ang inaasahan kong sagot.”

Nahigit ni Amary ang hininga ng marinig ang sigaw nito. Sunod-sunod siyang napalunok ng naglakad ito papalapit sa kaniya na may dalang isang bagay na hindi niya malaman kung ano ang kinuha nito.

Naupo ito sa tabihan niya kaya labis-labis na lang ang kaba niya habang pinagmamasdaan ito na nagsasalin ng flavor sa vape.

“Lilinawin ko ang tanong ko, anong mayroon sa inyo ni Klint?” Walang emosyon na tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Sunod-sunod siyang napa-iling bilang tugon dito.

Si Akas at Klint ay iisa?

“M-Magkaibigan kami, hindi iyon katulad ng iniisip mo.”

Nararamdaman niyang hindi niya pa talaga lubusang kilala si Zarchx. Nahihiwagaan siya sa mga bagay na lumalabas sa bibig nito noong una ay sinabing kapatid si Lance Javier, ngayon naman ay tinawag na Akas si Klint.

Hindi niya pa kahit kailan na ririnig ang pangalang binabanggit nito. Interesado siyang malaman ang ugnayan ng mga ito at kung anong mayroon sa kanila maliban sa pagiging magkaibigan.

“Does he's always making you feel special?”

“Y-Yes.”

Kung special ang pag-uusapan, walang minuto na hindi ‘yon pinaramdam sa kaniya ni Klint kapag sila’y magkasama.

“Do you like that evil?”

“Hindi mo siya kailangang tawagin ng ganiyan dahil wala siyang ginagawang masama sa iyo.”

Mapaklang tumawa si Zarchx.

“So, you do?” He's face darkened.

“Siguro nga pihikan ako para hindi ko magustuhan ang isang katulad ni Klint pero kahit na anong gawin ko hindi madidiktahan ng isip ko ang puso ko. I like Klint...” Amary look at her husband.

“... As a friend, as a brother. Iyon lang ang kaya kung ibigay sa kaniya.” Dahil ikaw ang mahal ko.

Iyon ang totoo na hindi ni Amary masabi-sabi sa asawa dahil natatakot siya sa maaring sagot nito.

Nilalaro nito ang vape. “Good,”

Bumaling ito sa kaniya. “Hindi ka na ngangalay sa position mo?”

Pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang braso na nakatakip sa kaniyang dibdib.

Nakaramdam siya ng hiya, hindi niya magagawang ayusin ang kaniyang bra sa harap nito.

“Magpahinga ka na.”

Tumayo na si Amary para pumunta sa kaniyang silid ng may kamay na pumigil sa kaniyang braso dahilan para hindi siya maka-alis sa kinatatayuan.

Mas lalo siyang nanigas ng maramdaman ang kamay ng asawa sa kaniyang bewang na dahan-dahang humahaplos patungo sa kaniyang likuran at naramdaman niyang hinawakan nito ang kaniyang bra.

Napapikit siya sa habang pinipigilan ang kaniyang paghingga, ibinalik nito ang pagkaka-hook.

“Ako lang naman ang nagtanggal nito kaya ako lang din naman ang dapat na magbalik.”

Bulong nito sa kaniyang tenga dahilan para napalunok siya ng ilang ulit. Naramdaman niyang hinalikan siya ng asawa sa balikat.

“Anong gusto mo, Leon? Bakit mo ba ito ginagawa? May na gawa na naman ba akong hindi mo na gustuhan?”

Lakas loob niyang tanong dito ng makaharap siya. Ito lang ang tanging paraan para ipagwalang bahala ang hiyang nararamdaman.

Naupo ito sa pang-isahang sofa, panay ang sulyap nito sa kaniyang katawan ng mahuli niya ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya umiwas ito at tumitig sa nakapatay na TV.

“Let’s give this marriage a try,”

Salitang hindi inaasahan ni Amary na sasabihin nito. Nakita niyang hindi ito makatingin sa kaniya ng deritso na para bang nahihiya.

“This is all you want, right? I want this relationship work together, I'm so—”

Naputol ang iba pang sasabihin ni Zarchx ng mag-ingay ang cellphone na nakapatong sa center table.

Kaagad namang napalingon si Amary sa cellphone ng asawa ng makita niyang umilaw ang screen nito at nakitang may tumatawag dito.

Honey’s calling...

Tinapunan niya ng tingin ang asawa at nakita niyang nakatingin rin ito sa kaniya bago napatingin sa cellphone nito. Bumaling muli ito sa kaniya bago dinampot ang cellphone at naglakad papunta sa veranda.

“Hey, Hon!”

Parang may punyal na tumarak sa dibdib ni Amary ng marinig niya ang bungad ng asawa ng sagutin ang tawag.

Pinagmamasdaan niya ang asawa na nasa veranda, masaya itong nakikipag-usap sa kabilang linya habang humihithit ng vape. Halos mapuno ng usok ang veranda sa ginagawang paninigarilyo nito.

Hindi namalayan ni Amary ang pagtulo ng kaniyang mga luha habang nakatitig dito. Kakasabi pa lang nito na gustong ayusin ang kanilang relasyon pero wala pang limang minuto ibang babae na ang kausap nito.

Hindi alam ni Amary kung totoo ba ang sinasabi nitong subukan ang kanilang relasyon o isa ito sa plano ng asawa para mas gawing miserable ang kaniyang buhay. Totoo man ito o hindi, hindi niya masasabi kong handa niya itong pagbigyan sa gusto nitong mangyari.

Madami ang gumugulo sa kaniyang isipan. Kung seryoso na ito sa kaniya handa nitong sabihin ang lahat sa kaniya. Simula sa kung anong klase ang pagkatao nito, gusto niya itong mas makilala pa, malaman ang ugnayan sa pagitan ni Lance at Klint.

Lahat, ang gusto niyang malaman tungkol sa kaniyang asawa. Hindi niya pa ito kilala ng lubos pero minamahal niya na ito ng labis ngunit hindi iyon sapat para ibigay niya dito ang kaniyang sarili.

Natagpuan ni Amary ang kaniyang sarili na nakahiga sa kaniyang sariling kama habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang pisngi.

Iyon na ang pinaka-hihintay niya ang maging maayos sila ni Zarchx pero hindi siya sigurado kung nagpapaka-totoo ito o siya’y niloloko lang nito.

Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin siya bumabangon sa kaniyang kama. Nakaramdam na siya ng gutom dahil hindi na siya nakapag-dinner kagabi. Idagdag pa ang katangahang ginawa na muntik niya ng maibigay amg sarili sa asawa, hindi lang iyon balak na ayusin nito ang kanilang pagsasama pero may ‘Honey’ ito.

Sino kaya ang Honey na iyon? Hindi niya maiwasang makaramdam ng ingit dito dahil kahit na siya ang asawa ni Zarchx ito pa rin ang inuuna nito at binibigyan ng attention.

May naaalala siya sa pangalang Honey, nitong nakaraan narinig niyang nag-uusap ang dalawang katulong pinag-uusapan nito si Zarchx at Honey.

“Ang swerte ni Miss Honey, alagang-alaga siya ni Master Leon at halatang mahal na mahal pa nila ang isa’t-isa.” Napatigil siya sa pagpasok sa kusina ng marinig niya ang pinag-uusapan nito.

“Oo nga, kaya nakakasiguro ako na madalas itong umalis ng maaga at umuwi ng late dahil kasama niya ito. Nakakakilig naman ang dalawang iyon...”

Pilit na ngumiti si Amary ng maalala ang bagay na iyon, hindi niya na narinig ang iba pang pinag-uusapan nito dahil umalis na siya bago pa siya nito mapansin.

Naupo siya sa kaniyang kama at pinagmasdan ang araw na papasikat. Hindi siya pwedeng magkulong lang sa kwarto at umiyak kailangang may gawin siya.

Kung gusto ni Zarchx na ayusin ang kanilang pagsasama sisiguradohin niyang paghihirapan nito, sisiguradohin niyang malalaman niya ang lahat ng tinatago nito. Hindi lang ang tungkol kay Lance at Klint, maging sa babaeng nag ngangalang Honey at higit sa lahat ay ang buong pagkatao nito.

Inayos niya ang kaniyang hinigaan bago nag tungong banyo para mag toothbrush, hindi niya pinagkaabalahang lingunin ang kama ng asawa dahil alam niya naman na wala na ito dahil maaga itong umaalis, solo niya ang buong kwarto.

Pagkatapos niyang magsipilyo, isa-isa niyang hinubad ang kaniyang damit at itinira niya ang kaniyang undergarments bago pumailalim sa malamig na shower.

Sa kalagitnaan ng pagsasabon niya napansin siyang parang may nakatitig sa kaniya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuohan ng banyo. Natigilan siya ng mahagip ng mata na may tao sa loob ng bathtub. Nakita niyang ngumisi ang asawa ng magtama ang kanilang mga mata kaagad niyang nahila ang kurtina na nakalimutan niyang isara kanina.

“It’s too late to cover up your body.”

Humingga siya ng malalim ng marinig ang sinabi nito. Hindi niya naman mapaliwanag ang hiyang nararamdaman, bakit palagi na lang siyang napapahiya sa harapan ng asawa?

Hindi siya nag-isip at basta-basta na lang siya naghubad at pumailalim sa shower ng hindi isinasara ang kurtina parang inihain niya lang ang kaniyang sarili sa asawa na siya namang ikinabusog ng mata nito kakatitig sa katawan niya habang pinagmamasdaan niyang naliligo.

SA KABILANG banda hindi maalis ang ngisi sa labi ni Zarchx ng makita ang ginawa ng asawa sa kaniyang harapan. Hindi man lang siya nito napansin. Mabuti na lang at nakalublob ang kaniyang katawan sa bathtub at maraming bula dahil kung hindi malamang nakita ng asawa ang pagkabuhay ng kaniyang alaga.

Pinakalma niya muna ang kaniyang sarili bago umahon sa bathtub. Inabot niya ang towel at itinakip sa ibabang parte ng katawan.

Seryoso sa sinabi niya kagabi. Gusto niyang ayusin ang kanilang relasyon, alam niyang hindi iyon magiging madali dahil sa mga nagawa niya sa dalaga pero pursigido siya na magkaroon ng magandang ugnayan sa asawa at bumuo ng sariling pamilya.

Inaamin niyang nagkamali siya doon at galit ang pinairal niya dahil hindi niya matanggap na sa isang iglap lang matatapos ang kaniyang pagiging buhay binata. Pero naisip-isip niya na tama ang sinabi ng kaniyang Lolo, hindi na siya bumabata at alam niyang darating ang araw na lahat sila maitatali sa iisang babae sadyang napa-aga lang ang sa kaniya.

KASALUKUYAN siyang nakatayo sa likuran ng asawa habang na ninigarilyo. Napilitan siyang gumamit ng vape kagabi ng makitang wala na siyang sigarilyo sa drawer, ayaw niya pa naman iyong gamitin, nakakabitin.

Pinagmamasdaan niya ito na nagdidilig ng halaman kitang-kita sa mukha nito na masaya ito sa ginagawa. Mula kasi ng magkasabay sila kanina sa banyo hindi niya na ito ulit nakita, pakiramdam niya iniiwasan siya nito. Napailing siya sa iisipin na nahihiya ito sa kaniya dahil sa nangyari kagabi at ganu'n na rin kaninang umaga.

Humithit ulit siya ng sigarilyo bago ito itinapon sa basaruhan, ibinuga niya ang usok habang papalapit sa asawa. Tumayo siya tatlong hakbang ang layo dito bago tumikhim para kunin ang attention nito, gusto niyang makapag-usap sila ng maayos.

“Good morning, Honey.” Bati niya sa asawa ng nagtagpo ang kanilang mga mata.

UMINIT ang ulo ni Amary ng tinawag siyang ‘Honey’ ng asawa. Hindi niya alam kung sinasadya nitong tawagin siya ng ganu'ng endearment o pinapaalala sa kaniya na iyon ang pangalan ng babaeng tumawag kagabi.

“Anong maganda sa umaga kung tinawag mo akong Honey? Lasing ka pa siguro kaya matulog ka ulit para makita kung sino ang nasa harapan mo!” Hindi niya mapigilang singhalan ito. Nabubuwisit na siya dito.

Nakita niyang ngumisi si Zarchx na mas lalong ikina-irita niya. Pinatay niya ang gripo sa hose at itinabi ito sa gilid, tapos na siyang magdilig.

“Nag-eenjoy ka sa pag didilig ng halaman, baka gusto mo diligan rin kita? Baka sakaling matangal iyang init ng ulo mo.” Pilyong ani nito at kinindatan pa siya.

Naningkit ang mata ni Amary at ng gigil sa galit dahil sa sinabi nito.

“Bastos!”

Singhal niya sa asawa at naglakad papaalis sa kinaruruunan binangga niya pa ito dahil nakaharang sa daan.

Maghapong ilang na ilang talaga siya sa asawa kaya kapag sinusubukan siya nitong lapitan iwas na iwas naman siya dito. Naninibago siya na hindi ito umalis ng bahay buong araw at parang aso na buntot ng buntot sa kaniya.

Naiilang na naiinis na nahihiya at napipikon siya dito na panay ang tingin sa kaniya at pinagmamasdan ang mga kilos niya.

Kaya laking pa salamat niya ng matapos na siyang kumain ng hapunan kaagad na siyang umakyat sa kaniyang silid at nagkulong hindi naman sila magkasabay na kumain ni Zarchx dahil mas nauna ito sa kaniya hindi niya na alam kung saan ito nagtungo pagkain kumain basta ang alam niya hindi ito lumabas ng bahay.

Kasalukuyan siyang naka-upo sa kama habang inaayos niya ang kaniyang mga unan upang makapagpahingga na.

“Siguro naman hindi mo na iisipin pang takasan ako ngayon,” Kaagad na napalingon si Amary sa pinangagalingan ng boses.

Nakita niyang nakasandal sa pader ang asawa habang nakatingin sa kaniya, nanlaki ang mata niya ng makita ito.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tinakpan niya ang kaniyang katawan ng makitang nakatitig ito sa kaniyang dibdib.

Naglakad papalapit sa kaniya si Zarchx dahilan para mapausog siya ng maupo ito sa paanan ng kaniyang kama.

“I’m serious about what I’ve said last night,” ani nito na nakatingin lang sa sariling mga kamay na magkasiklop.

“If you think that I was drunk that's why I said those words, well, I'm not. Let me do my responsibility and obligation on you as your husband, just let me. I'll make it up on you...” Dagdag pa nito.

Sa pagkakataong ito, nakatitig ito sa kaniyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakita niya ang sincerity sa mga mata nito. Nagsusumamo rin ang mukha nito at nakiki-usap. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito.

Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang ito naisip na isip na ayusin ang kanilang relasyon na naramdaman niya ang kalupitan nito?

Naranasan niyang maging tau-tauhan ng asawa, naranasan niya ang pananakit nito hindi lang sa emotion kundi pati physical. Sa masasakit na salita na binibitawan nito sa kaniya na siyang ikinaliit ng tingin niya sa sarili niya.

Hindi iyon madali para sa kaniya, sa paulit-ulit na pananakit nito ang mas ikinadurog niya ay ang panahong nag-uuwi ito ng babae. Sobrang sakit na ipakilala ka ng sariling mong asawa sa babae nito bilang personal na katulong.

Sa panahong iyon, masasabi niyang nabibilang siya mga taong nagpapaka martir. Durog na durog siya pero tiniis niya iyon kahit sobrang lalim na ang sugat na dulot nito sa kaniyang puso. Patuloy pa rin itong minamahal, hindi tumigil ang puso sa pagmamahal dito kahit na iyon ang nararanasan dito dahil umaasa siya na darating ang panahon na mamahalin rin siya nito.

Aaminin niyang ito ang matagal niya ng hinihintay ang maging maayos sila pero hindi niya alam kung nagpapaka-totoo ito sa kaniya o sadyang kasama ito sa plano na gawing miserable ang kaniyang buhay.

Sa pagkakataong ito susugal siya.

Sa kahit anong laro, hindi mo maiwasang magdalawang isip na sumuko o lumaban dahil alam mong walang kasiguraduhan ang iyong pagkapanalo kahit gaano pa kalaki ang chansa kung ito mismo ang pagpapatalo sayo. Wala kang laban.

Hindi niya alam kung para saan ang luha na iniluluha niya. Ito ba ay dahil sa sakit na pinagdaanan niya noo o dahil sa masaya siya na marinig mula dito na babawi sa kaniya.

“Hindi naging madali ang simula natin Leon... Pero sige. Pagbibigyan kita, dahil gusto kung mas makilala ka at hindi lang ito para sa ating dalawa kundi pati na rin sa ating pamilya,” Pinunasan niya ang kaniyang sariling luha.

“Hindi ganu'n kadali na kalimutan ang mga pinagdaanan ko, sariwang-sariwa pa rin ito sa akin at patuloy na bumabalik ang sakit sa tuwing naalala ko ang mga iyon...” Hinawakan nito ang kaniyang kamay.

“I understand. I don't know how to face for all what I have done on you but one thing I need to say, I'm sorry. Sorry for all what I’ve done on you, I regrets everything... I’ll work for your forgiveness.”

Mahigpit itong nakahawak sa kaniyang kamay habang nakatingin sa kaniyang mga mata, kitang-kita niya ang pagsisi sa mga mata nito.

“I can't say, I can forgive you right away Leon. It's still hurt, and kills me like hell.”

“I’ll work hard for me to deserve your forgiveness and the chance you gave me, I’ll swear. I won't hurt you again...”

Hinalikan nito ang likod ng kaniyang palad habang hindi inaalis ang titig sa kaniyang mga mata. Sa pagkakataong ito na ramdam niya ang saya sa ginawa nitong paghalik sa mga palad niya na para bang sinasabing siya lang ang babae sa buhay nito.

Pinunasan nito ang kaniyang mga luha gamit ang hintuturo nito bago siya hinalikan sa noo at niyakap.

Pagkatapos nilang mag-usap natulog na sila ng magkatabi sa iisang kama, para kay Amary wala ng iba pang sasaya sa gabing katabing matulog ang ang kaniyang minamahal...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status