Share

CHAPTER 3

AAMININ niya hindi iyon ang unang beses na nag-iwan ng bakas ang kaniyang asawa na gumagawa ito ng milagro kasama ang kung sinu-sunong babae pero hindi niya lubos maisip na pati sa sarili nitong Mansion nagawa nitong magdala ng babae hindi lang siya ng binaboy nito kundi pati na rin ang pamamahay ng sariling pamilya.

Kahit ano pang gawin nito, kahit ano pang iparamdam nito, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya para rito. Mahal na mahal niya pa rin ang kaniyang asawa.

Lumabas siya ng kaniyang silid upang gumamit ng banyo ng matanaw niya ang asawa na mahimbing na itong natutulog sa kama nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi lumapit dito at pakatitigan ang gwapo nitong mukha.

Ilang minuto rin siyang nakatitig dito, hindi iyon na gagawa sa umaga kaya susulitin niya ang bawat gabing may pagkakataon siya para pagmasdan ito.

Hindi pa siya nakuntento kaya naupo siya sa gilid ng kama nito at malapitang pinakatitigan ito habang hinahawi niya ang buhok nito na nakakatakip sa kaniyang mukha.

“Mahal na mahal pa rin kita kahit na anong mangyari...” Hinaplos niya ang pisngi nito.

“Hindi kita susukuan. Hinding-hindi kita bibitawan kahit sobrang sakit na. Sa mata ng diyos, sa mata ng tao... I am Mrs. Zarchx Montenegro, ‘yon ang panghahawakan ko.”

Kaagad niya namang tinuyo ang kaniyang pisngi ng maramdamang basa na naman ito ng mga luha niya.

Dumukwang siya para halikan ito sa noo. “Good night, my love.”

Kahit papaano ay masaya na nagagawa niya ang bagay na ito pero hindi nito napapalitan ang sakit na nararamdaman niya.

Umalis na siya sa tabihan ng asawa ng mapagtanto niya na mahigit kalahating oras na siyang nakatitig dito, kaagad rin siyang bumalik sa kaniyang kwarto ng matapos siyang gumamit ng banyo.

Madaming katanungan ang naglalaro sa kaniyang isipan. Mula sa nabanggit ng asawa na kapatid nito si Lance Javier, ngunit paano? Paano sila naging magkapatid?

Isa lang iyon sa mga sariwang tanong sa kaniyang isipan pero ang isang ito ang hindi na bago na halos gabi-gabi niyang itinatanong sa sarili; ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako matanggap bilang asawa?

Sa dami ng iniisip ni Amary ay unti-unti na siyang hinihila ng antok hangang sa makatulog na siya.

Matatapos ang gabi at sisikat muli ang araw na wala pa ring bago mahal na mahal niya pa rin ang kaniyang asawa.

NAIINIS na pabalik-balik sa paglalakad si Amary sa loob ng kwarto ni Zarchx. Mula kasi ng gabing nagkasagutan silang dalawa ng lumabas siya ng hindi nagpapa-alam dito ay kumuha ito ng mga tao na magbabantay sa kaniya na wag lalabas ng bahay hangga't hindi nito sinasabi.

Nagalit niya na naman kasi ito ng umalis ulit siya ng hindi nagpapaalam para bumili ng grocery dahil busy lahat ng katulong sa paglilinis ng buong mansion dahil pinaghandaan ang pagdating ni Don Leon. Kaya sa pangalawang beses sinabi nito na hindi siya pwedeng lumabas ng hindi nagpapaalam galit na galit.

Kumuha ito ng magbabantay sa kaniya na hindi siya makakatakas dito. Anim na lalaki ang kinuha nito at hindi niya ito nakikitang isang simpleng lalaki lang dahil sa mga ayos nito na hindi naman mukhang bodyguard dahil mas mukha pa itong goons.

Gustong-gusto niya ng makalabas dahil ilang linggo na siyang nakaburo sa loob ng bahay, maging ang pagtungtong niya sa garden ay hindi siya pinayagan ng mga tauhan ni Zarchx dahil iyon ang utos ng asawa.

May usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon dahil kaarawan nito. Hindi na nga siya na ngako dito na makakadalo siya pero sinusubukan niyang makapunta dahil mahalaga ang araw na ito para sa kaniyang kaibigan.

“Bakit ganiyan ang ayos mo?” Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang baritonong boses ng kaniyang asawa ng pumasok ito sa kwarto.

Talagang hinihintay niya ito para magpaalam na dadalo siya sa kaarawan ng kaniyang kaibigan. Hindi siya sigurado kung papayagan siya nito pero wala namang masama kung susubukan niya.

Nakayukong nilapitan niya ito, hindi siya nito tinapunan ng tingin kahit na ramdam nito na nasa tabihan na siya.

“L-leon, gusto kung lumabas...” Napalunok siya. “Kahit ngayon lang Leon, pagbigyan mo na ako. Birthday ni Amber ngayon gusto ko sana siyang batiin ng—”

“No.” Madiin nitong ani.

“Just call her and greet her over the phone.” Dagdag pa nito. Hinubad nito ang suot na relos at bracelet bago hinubad ang suot na coat.

Bakas sa mukha ni Amary ang pagkadismaya sa narinig nito sa asawa. Tanda na ayaw siya nitong palabasin ngunit gustong-gusto niyang batiin ng personal ang kaibigan at dahil gustong-gusto niya na ring makapamasyal kahit saglit dahil kaunting-kaunti na lang ay baka masiraan na siya ng ulo na palagi lang siyang nasa silid.

“G-gusto ko sana siyang batiin ng personal, please... Kahit ngayon lang, ilang linggo na akong nandidito lang sa bahay gusto k-kong—”

“Makikipag kita na naman sa lalaki mo?! Putangina! Gustong-gusto mong makalabas para batiin ito ng personal o gustong-gusto mong makita ang lalaki mo para kamutin iyang kakatihan mo?! Hindi ka talaga makatiis nu?! Putangina! Umalis ka sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sayo, tamaan ka pa sa akin.” Her tears drop.

Isinasampal na naman sa kaniya ng asawa ang bagay na hindi niya naman ginagawa. Palagi na lang siya nitong pinaghihinalaan na may lalaki siya, kahit na tumingin sa lalaki ay hindi niya magawa ang bintang pa kaya nito?

“Walang lalabas at walang aalis.” Dugtong pa nito.

Ilang minuto na ang lumipas ng hindi pa rin siya umaalis sa harapan nito, pursigido talaga siyang makapunta sa party ng kaibigan kahit ngayon man ay malibang niya ang kaniyang sarili.

“Leon... Parang awa mo na, ngayon lang please... Pagbigyan mo na ako, lahat gagawin ko palabasin mo lang ako sa araw na ito—” Tumayo ang asawa sa pagkaka-upo nito sa sofa dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

“Alin ba sa walang aalis at walang lalabas ang hindi mo maintindihan, babae?!” Sigaw nito sa kaniya.

“Leon, bakit mo ba ako kinukulong? Karapatan ko namang makalabas dahil hindi ako bilango! Sa ayaw at sa gusto mo lalabas ako...” Palaban niyang sambit dito.

Dinampot ang sling bag na inilagay niya sa kama ng asawa at nagmamadali siyang naglakad papunta sa pintuan ngunit bago pa man siya makalabas ng magsalitang muli si Zarchx.

“Subukan mo ng makita mo ang hinahanap mo.” Pagbabanta nito.

Halos manigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi ng asawa lalo pa’t kakaiba ang tunog ng pananalita nito. Ngunit hindi pa rin iyon hadlang para mabawasan ang pagnanais na makalabas ng mansion at makadalo sa party ng kaibigan. Hindi siya nangako dito ngunit alam niyang umaasa ito na darating siya.

Mabilis na naglakad si Amary palabas ng Mansion ng haranggin siya ng isang lalaki.

“Sorry Ma'am pero mahigpit na pinag-uutos ni Boss na wag kayong papalabasin.” Pinagwalang bahala niya ang sinasabi nito at patuloy lang si Amary sa pagtahak papunta sa malaking gate. Habang dalawang lalaki na ang pumipigil sa kaniya na makalabas siya at ingat na ingat ito na hindi magkakadikit ang kanilang mga balat.

SA KABILANG banda naman ay nakatayo si Zarchx sa veranda ng kaniyang silid habang pinagmamasdaan ang ginagawang pagpupumilit ng kaniyang asawa sa kaniyang sniper telescope. Pinagmamasdaan niyang mabuti ang bawat galaw ng asawa maging ang mga tauhan niya.

Matigas si Amary at pursigido ito na makalabas ng bahay gusto niyang ipakita rito kung anong kaya niyang gawin sa taong sumusuway sa kaniya.

SANDALING natigilan si Amary dahil nahihilo siya sa pagsunod ng mga ito. Nagmamadali siya para hindi siya mahabol ni Zarchx.

“Please, just now? Palabasin niyo na ho ako,” Paki-usap niya dito at tiningnan niya ang dalawang lalaki na humaharang sa kaniya nakayuko lang ito sa harapan niya na tila hinaharanggan nito ang gate.

“Pasensiya na po Ma'am.” Sabay na sagot nito sa kaniya, kaya wala siyang magawa kundi ang magpumilit na lumabas.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa gate ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa gate ng maramdaman niyang may kamay na pumigil sa kaniyang braso at laking gulat na lang ni Amary ng marinig niya ang isang malakas na putok dahilan para mapaluhod ang lalaking humawak sa braso niya habang malakas ang sigaw sa sakit.

Nanlaki ang mata ni Amary ng makita itong may tama ng baril.

Na alarma ang lahat ng tauhan ni Zarchx. Nanigas si Amary sa kaniyang kinatatayuan, ilang saglit siyang nakatingin sa sugat ng lalaki na madami ng dugo ang lumalabas sa sugat nito. Kaagad naman itong dinaluhan ng dalawang lalaki para ipasok sa loob habang siya naman ay ikinu-cover ng iba pa na makasigurong ligtas siya.

“Tumawag kayo ng ambulance!” Sigaw niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong paligid para alamin kung saan nanggagaling ang bala ng magawi ang mata niya sa veranda ng kwarto ni Zarchx. Nahagip ng paningin niya na nandodoon ang asawa at ng mapansin siyang nakatingin dito ay kaagad naman itong naglakad papasok sa loob.

Nilukob ng sobrang takot si Amary ng maisip na an asawa ang may gawa no'n dahil may isang bagay itong hawak-hawak na hindi niya lang makita ng malinaw dahil malayo ito. Hindi niya maiwasang nakaramdam ng pagsisi dahil alam niyang ang balang iyon ay para sa kaniya dahil sa katigasan ng kaniyang ulo may taong mapapahamak.

Ito ba ang gusto niyang makita kung paano magalit ang kaniyang asawa at kung ano ang kaya nitong gawin?

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng sala ay nakita niyang pababa si Zarchx. Nanginginig ang kamay niyang hindi makatingin dito. Hindi niya pa rin makalimutan ang na silayan, hindi niya lubos maisip na kaya itong gawin ng asawa.

“Susuway ka rin ba sa utos ko Amary?” Sunod-sunod siyang napa-iling.

Hindi niya na ito susuwayin dahil ayaw niyang may mapahamak pa ng dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng lakas ng loob niya dahil sa ginawa nito. Malinaw kay Amary na ang asawa ang may gawa no'n pero ang hindi niya maintindihan ay kung anong utos ng asawa ang sinuway ng lalaki?

“I-I’m sorry...” Hinggi niya ng tawad sa asawa.

“Your denouncing me, Amary. You don't know who's your messing up with. Hindi lang ‘yon ang kaya kung gawin, just fucking try me again then, you’ll see how beast I am.”

“Hindi ko na uulitin, sorry. Gusto ko lang naman makita si Amber.”

“Then, try to scape again.”

Sunod-sunod na umiling si Amary. Ayaw niya g gawin dahil sa pagkakataong ito sa kaniya na mismo tumama ang bala ng baril nito.

“Good.” Hinawakan nito ang baba niya at ini-angat dahilan para magtama ang kanilang mga mata.

“Good girl.” Zarchx smirked before he left her dumbfounded.

Hindi siya nakadalo sa kaarawan ng kaibigan kaya mas minabuti niya na lang na sa cellphone ito batiin alam ng kaibigan ang kalagayan niya. Naiintindihan siya nito sa hindi niya pagdalo pero ang hindi raw nito maintindihan kung bakit nanatili pa rin siya sa kaniyang asawa. Isa lang ang sagot niya.

Mahal na mahal niya si Zarchx.

Iniisip niya na kasalanan niya ang nangyari sa lalaki dahil ito ang nabaril ni Zarchx. Inaalala niya rin kasi ito dahil ng mabaril ito ng asawa ay natagalan rin ang pagdating ng ambulance. Madami ng dugo ang nawala dito kahit na sa paa lang ang tama nito, pinagdarasal niya na sana maging maayos ang operation nito.

NABOBORED na nakaupo si Zarchx sa kaniyang swivel chair ng kaniyang opisina dahil wala na siyang ginagawa. Tapos na ang kaniyang mga meeting at na gawa niya na ring pirmahan ang ilang papeles, masyado pang maaga para magbar at mas lalong maaga pa para umuwi sa Mansion kung pagmumukha lang ng asawa niya ang bubungad sa kaniya.

Inikot niya ang kaniyang swivel chair upang mapaharap siya kaniyang glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang iba’t ibang building, coffee shop at maging ang kalsada mula kaniyang kinaruruonan.

Sa kaniyang pagmumuni-muni tumunog ang kaniyang cellphone at nakitang tumatawag si Akas, isa sa matalik niyang kaibigan.

[“What's up Bud?”] Bungad nito sa kaniya na ikinasama niya ng tingin sa kalawakan.

[“You called me for?”] Walang buhay na tanong niya rito, hindi naman ito tatawag sa kaniya kung walang kailangan.

[“One of your cousin are broken hearted.”] Napabuga na lang siya ng hangin ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Alam niya na kung sino ang tinutukoy nito walang iba kundi si LV.

[“Putangina ang sarap nilang pag-untugin ni Kit! Pagkisabi nga sa ulol mong mga pinsan na wala tayong lahing aso para maghabol sila ng maghabol!”] Pagalit niyang sambit dito.

[“Tol, dahan-dahan ka sa pananalita mo baka hindi ka lang maghabol may kasama pang tahol.”] Tumawa ito.

[“Iyan ang hinding-hindi mangyayari—”]

[“Wag kang magsalita ng tapos. Sexy & Hot bar, 8 PM. Sabayan nating magpakalasing ang mga lalaking sawi sa pag-ibig. Malay mo ikaw ng susunod na sasamahan kung magkalunod sa alak.”] Putol nito sa kaniya kaya.

[“Hindi ako katulad nila na nababaliw sa iisang babae, ang dami-daming babae sa mundo bakit kailangan nilang magpatali sa isa?”]

‘Yon ang hindi niya maintindihan sa mga ito, gustong-gusto nitong makasama ang babaeng iniiwan na nga sila, pinagtatabuyan na lahat-lahat na minamahal pa rin. Hindi ginagamit ang mga utak, tao nga naman bobo na nga naging tanga pa sa pag-ibig.

[“Psh, sounds bitter. Dude. Why don't you just accept that you're already married? Accept the fact that Amary is now a part of your life. Patuloy mo pa ring sinasaktan ang asawa mo, Bud.”] Zarchx rolled his eyes.

[“She doesn't deserve it, you know what? Na kay Amary na lahat ng katanggian ng babae na hanap ng isang lalaki. She's beautiful, can't you see it? She's a wife material, why don't you open your heart for her? Kung ayaw mo sa kaniya ide ibalato mo na lang sa akin, I like your wife anyway.”] Walang alinlangang pagtatapat sa kaniya ni Akas na ikinahigpit ng kapit niya sa cellphone.

“Ang sarap niyang magtimpla ng kape. I love her coffee,” Dagdag pa nito na mas lalong ikinaasar niya dahil naalala ang nagawa sa dalaga na pagbuga ng kape sa mukha nito.

Naibuga niya ‘yon hindi dahil sa hindi masarap kundi sa gulat niya ng sobrang init nito na halos maluto ang kaniyang dila. Balak niya sanang kainin ang sopas pero nawalan na siya ng gana dahil sa pisteng kape na pumaso sa dila niya.

[“You’re talking nonsense, Evil.”] Nang gigigil na aniya dito.

[“No, dude. I'm serious. I like your wife, kung hindi mo siya kayang pasayahin, ingatan at alagaan, akong gagaw—”]

[“Wag mong subukan, Akas! Baka makalimutan ko na iisang dugo ang nanalaytay sa katawan nating dalawa.”] Galit ang lumukob sa buong pagkatao niya.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili sa tuwing may lalaking nagsasalita ng ganu'ng bagay sa kaniyang asawa. He hate her but he hate the most the people who admire to his wife.

[“I still love the way you call me Evil, Beast!” Sumipol pa ito bago pinutol ang tawag.

Amary is exclusively for him! She mine! Mine alone!

“I’m not free tonight, so have fun.”

[“Well, well, I know what's on your mind, Beast. We're just the same, Dude. We don't share, so if you really doesn't want to get her away from you, think about what I’ve said. I'm deadly serious!”]

“May I remind you that you’ll stock in your ex? How can you so sure that you really like Amary, we both know that you’ll still in love with that—

[“Shut up! That's not the issue here.”] Ngumisi si Zarchx ng mag-iba bigla ang timpla ng boses ni Akas.

Halatang pikon ito at galit. Lumalabas ang totoong kulay nito kapag ang babaeng ‘yon ang pinag-uusapan.

“It’s still, pinagluksa mo pa rin siya.”

[“One more talk, Beast I will burn were you're sitting right now!”]

He's voice really irritated. Zarchx love that.

“How many bucket did you cry for her?”

He teased him once again. Ito lang ang alam niyang paraan para makaganti dito.

[“Zarchx Montenegro.”]

Pagbabanta nito sa kaniya.

“Ow, wait. I save some video how crazy you're in that woma—Ouch! Ouch!”

Naitapon ni Zarchx ang kaniyang cellphone at napatayo sa kaniyang kina-uupuan habang nakahawak sa kaniyang tenga. Pakiramdam niya na basag ang kaniyang eardrum dahil sa lakas ng putok mula sa kabilang linya.

“What the hell!” Inalog-alog niya ang kaniyang ulo. “Look, how crazy this evil!”

Wala namang ibang ginawa ang kumag na ‘yon kundi ang barilin ang sariling cellphone habang ka usap siya kaya ganu'n na lang kalakas ang impact no’n sa kaniya.

Dinampot ni Zarchx ang kaniyang mamahaling cellphone na tumilapon. He rolled his eyes before he walk out of his office but when he open the door of his office a gun pointed on his forehead holding by Akas.

Madilim na madilim ang mukha ni Akas. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Sunod-sunod na napalunok si Zarchx at pinagpawisan siya ng malamig dahil kapag nasa ganu'ng itsura si Akas hindi ito nagbibiro. Wala itong sinasanto.

“Talk back what you've said, now!”

Zarchx smirked and look at Akas playfully.

“I talk to much, I don't remember what I’ve. Mind to tell me what part do I need to talk back?”

Naningkit ang mata ni Akas sa tanong niya. Naglakad si Zarchx pabalik sa kaniyang mesa ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng patirin siya ni Akas dahilan para awtomatikong gumalaw ang paa niya at sinipa ito sa matigas nitong tiyan.

Napasandal si Akas sa nakasarang pinto ng opisina ni Zarchx habang nasa leeg ni Akas ang paa ni Zarchx. Mabilis ang kilos na ibinato ni Akas pa itaas ang hawak na baril dahilan para mag-angat ng tingin si Zarchx. Iyon naman ang naging daan ni Akas para makatama siya sa kaibigan. Mabilis ang kilos na hinawakan ni Akas ang paa ni Zarchx dahilan para mapaikot sa ere si Zarchx at bago pa man siya makabagsak sa sahig gumanti na ng sipa sa kaniya si Akas sa tiyan.

Nakatayong bumagsak sa sahig si Zarchx habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Nag-angat siya ng tingin kay Akas na ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Sinalo ang baril na pinalipad sa ere habang mabilis naman ang kilos ni Zarchx na binunot ang kaniyang baril sa tagiliran niya at sabay na nagtutukan ng baril sa isa't-isa.

Hindi maalis ang tingin nila sa isa't-isa, para bang may kidlat sa pagitan ng mga mata nila.

“Bravo! Bravo! Bravo!”

Sabay na lumingon si Akas at Zarchx sa pintuan ng marinig nila ang palakpakan at sigaw ng isang taong hindi matino.

Na-iling silang dalawa bago sabay na ibinaba ang baril at isinukbit sa kaniya-kaniyang tagiliran.

“Nice moves, Guys,” Scott compliment them while walking towards a sofa. “Ganiyan nga, may natutunan na rin kayo sa wakas kay Master!” Scott proudly said referring to himself.

Nang printing maka-upo si Scott sa sofa nagkatitigan si Zarchx at Akas bago sabay na binunot ang kanilang baril at itinutok sa pagkalalaki ni Scott.

“Let see how master you are.” Sabay na sambit ni Akas at Zarchx.

Nanlaki ang mata ni Scott at sunod-sunod na napalunok habang nakatingin sa kamay nilang may hawak ng gatsilyo.

“W-Wag kayong magbibiro ng ganiyan.” Tumingin ito kay Akas. “W-Wag na wag mong kakalabitin ‘yan, madadali si manoy.”

Alam kasi nito na sa kanilang lahat si Akas ang matigas ang puso.

“Z-Zarchx, awatin mo! Tangina niyo!” Kinakabahang sambit ni Scott at hindi makaalis sa kina-uupuan nito.

“Who’s the Master?” Walang emotion na tanong ni Akas kay Scott.

Sa lahat ng tanong ito ang pinakamahirap na tanong kung alam mo sa sarili mo na ikaw iyon bakit kailangan mong ituro ang iba?

“A-ah... Eh," Ngumiwi si Scott. “Pwede bang bato-batopik na lang kayo?” Ngumiti ng peke si Scott ngunit agad ring na wala ng marinig ang pagkasa ng baril ni Zarchx.

“Hehe, tol! Ano ba! Wala bang ibang tanong?” Makulit na tanong ni Scott.

“None.” Walang emotion na tugon ni Zarchx.

Papalit-palit ang tingin ni Scott sa kanilang dalawa na para bang na hihirapan kung sino ang ituturo na Master. Ngumiti si Scott at dahan-dahang itinaas ang kaniyang hintuturo at itinuro sa pagitan ng dalawa.

“Ayon ‘no!”

Sabay na napatingin si Zarchx at Akas sa kanilang likuran at wala naman silang nakitang tao. Paghahanap na paharap nila kay Scott na agaw na nito ang baril nila at akmang sugurin nila ay sabay nitong pinaputok ang dalawang baril sa may paanan nila.

“Unang bala, blangko.”

Nakangising sambit ni Scott. Nagkatinginan si Akas at Zarchx.

“Blangko ang sa iyo?" Sabay na tanong ng dalawa sa isa't-isa. Laglag balikat ang dalawa.

“Mga ungas! Diskarte niyo bulok!” Tumawa ng malakas si Scott. “Sabihin niyo lang kung sino ang Master ligtas mga Manoy niyo, alalahanin niyo wala ng blangko. Baka nakakalimutan niyong baril niyo ‘tong hawak ko.”

“Buwisit!” Dinuro ni Akas si Scott. “Iputok mo, siguraduhin mo lang na may tatamaan ka!”

“Hindi pa ako kailanman pumalya sa baril. Hindi tulad mo lumuha sa babae—

“Just shoot me down now, stupid!” Pikon na sambit ni Akas.

“Any last message, Zarchx Montenegro?” Mapang-asar na tanong ni Scott.

“Go to hell!” Singhal niya dito.

Malakas na kalampag ng pinto at iniluwa nito si Renzi. Isa-isa sila nitong tiningnan at matalim na tingin ang itinapon sa kanilang tatlo.

“Putangina! Kahit saan ako pumunta may patayan!” Sinipa nito ang pinto. “Sige! Magpatayan kayo para mabawasan ng tatlong bobo sa mundo!” Dagdag pa ni Renzi bago lumabas ng opisina.

Nagkatinginan silang tatlo. Ibinato sa kanila ni Scott pabalik ang baril nila bago kinuha ang sarili nitong baril bago mabilis na sumunod kay Renzi. Malakas na sigaw ni Scott na ikinatawa ng malakas ni Zarchx at Akas.

“Hindi ako bobo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status