Share

CHAPTER 2

WALANG tigil sa pag-iyak si Amary hangang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya.

Nasasaktan siya dahail parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig.

Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata ng maka-upo sa kaniyang kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw.

Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng kaniyang asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa.

Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang kaniyang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputing balat sa may siko at braso.

Her tears starting to leaky down to her cheek. She really can't imagine she will suffer like this. Her parents never hurt her even one string of her hair, they really love her so much. She grow up in a lovely family who treat her like a princess, why do she feel like a disgusting trash in her own husband? Why can't he treat her like his Queen?

Alam niyang galit ito sa kaniya at hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng matinding galit nito sa kaniya, maliban sa ayaw nitong mag-asawa.

Mula ng maging mag-asawa sila hindi niya ito nakitang ngumiti o naging masaya na kasama siya. Ni hindi nito nagawang makitungo sa kaniya ng maganda, palaging naka-taas ang boses nito sa kaniya at kung tingnan siya parang siya ang pinakamababang tao.

Napatingin siya sa larawan na nakapatong sa kaniyang dresser. Kuha iyon ng kasal nilang dalawa. Ang lawak ng ngiti sa labi niya samantalang ang asawa ay pilit lang ang ngiti nito dahil sa Ina nito.

Masasabi niyang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya dahil hindi niya aakalain na maikakasal siya sa kaniyang minahal. She feel in love on her husband in the first meet. Hindi niya alam kung bakit ganu'n ka bilis na nahulog ang loob niya sa asawa.

Ilang beses man nitong sabihin na parang “hinain niya na ang kaniyang sarili sa isang mabangis na Leon.” At ito nga ang pinaparanas nito sa kaniya, pinapahirapan siya nito at sinasaktan pero hindi pa rin siya susuko, umaasa pa rin siyang mamahalin rin siya ng kaniyang asawa.

Daga na siya kung daga pero patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa isang Leon. Gaano man kabangis ang isang Leon darating ang panahon kusang luluhod ang mga paa nito para ipakita ang kahalagan ng isang daga.

Hangang kailan mo hihintayin ang panahon na iyon kung durog na durog ka na? –Panunumbat ng kaniyang isipan.

Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi, habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasa pagkatapos niyang maligo. Niligpit niya na rin ang mga ginamit niya bago bumaba.

Pupunta na sana siya sa kusina ng makita niyang nasa loob ang asawa at pinaghahanda ng mayordoma ng almusal.

“Alam kung hindi ikaw iyan.”

Nagtago sa pader si Amary ng marinig niya ang sinambit ni Manang na para bang kanina pa ang dalawa nag-usap.

IPINAGTIMPLA ni Manang Lita ng kape si Zarchx, tahimik itong kumakain sa mesa ng niluto ni Manang Lita na almusal.

Hindi matiis ng mayordoma na hindi magsalita lalo't na nasaksihan niya ang ginawa ni Zarchx sa asawa nito. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaniyang alaga, hindi niya ito pinalaki ng ganito, nakakasigurado siya na pinalaki niya ito ng tama.

Isang mabait, magalang, at mataas ang respeto sa babae ang kilala niyang Zarchx dahil ito ang kinalakihan nito mula sa Lolo at Ama nito ay mababait pagdating sa babae na kahit gaano kabangis ay hindi pa rin kayang manakit ng walang kalaban-labang babae.

Alam niya iyon dahil sa tumanda na siya sa paninilbihan sa mga ito. Kilalang-kilala niya na ang mga ito.

Inilapag niya ang kape sa harapan ng kaniyang alaga. Tumayo siya sa harapan nito at pinagmasdan ito habang walang imik na kumain.

“Nakita ko ang ginawa mo kagabi,” Mahinang panimula niya dahilan para matigilan sa pagkain si Zarchx. Sandali itong natigilan at uminom ng kape, hindi ito nakatingin sa mayordoma.

Tumikhim si Manang at sandaling nilingon siya ni Zarchx at nagpatuloy muli sa pagkain.

“Hindi mo gawaing manakit ng babae, walang kalaban-laban sayo ang asawa mo. Madadaan naman sa mahinahong usapan kung ano man ang pinagtatalonan niyo, hindi iyong dinadaan mo sa init ng ulo talagang magkakasakitan lang kayo.” Mahinahon pinagsabihan niya ito.

Katulong lang siya reto kaya mahinahon niyang pinagsasabihan ito dahil kahit matanda pa siya dito bali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ang batang pinagsasabihan niya.

“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, hindi mo kilala ang babaeng iyan.” Walang modong sagot nito sa kaniya.

“Tama ka, wala akong alam tungkol sa kaniya pero alam ko na alam mo na ang tama sa mali. Babae siya alam mo iyan. Hindi mo siya dapat sinasaktan, papaano kung mangyari iyon sa Mama mo? Isipin mo na lang na may kapatid kang babae, pinsan at malapit na kaibigan na inaabuso, anong maramdaman mo?” Humingga ng malalim ang Manang.

“Hindi kita pinalaki ng ganiyan at kahit kailan hindi mo nakita sa mga magulang mo na nagkakasakitan, oo. Nag-aaway pero na dadaan sa maayos na usapan. Makinig ka anak, malupit ang tao pero mas malupit ang ganti ng tadhana na gawa ng tao.”

Pabagsak na binitawan ni Zarchx ang kutsara’t tinidor na hindi na bago sa mayordoma kapag pinagsasabihan niya ito.

“Iyan ang hindi mangyari, Manang. Mas malupit ako sa tadhana, gagawin ko ang lahat ng gusto kung gawain hindi na ako bata pangaralan mo.” Walang buhay na sagot nito sa mayordoma na siya namang ikinailing nito.

Sinalinan ng mayordoma ng tubig ang baso nito.

“Wag anak, juskong bata ka! Asawa mo pa rin siya kahit na anong gawin mo hindi mo na iyon mababago. Alam kung ayaw mo sa kaniya pero sana naman igalang at irespeto mo siya bilang isang babae, natatakot ako para sayo na baka sa huli ikaw ang magsisi...” Paki-usap ng mayordoma.

Natatakot siya na may mas malala pang gawin si Zarchx sa dalaga, kilala niya ito kapag ginusto nito gagawin nito. Naaawa rin siya sa dalaga hindi dahil sa nakikita niya itong mabait at mahinhing dalaga kundi dahil sa ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan dahil isa siyang babae at ramdam niya kung gaano ito ka sakit.

“Alam kung hindi ikaw iyan.” Dagdag ng mayordoma.

Naramdaman ni Zarchx na parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng mayordoma kaya pa simple siyang tumingin sa gilid sa may pintuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya doon ang asawa na nakasilip at kaagad na nagtago ng mapansin nitong nakatingin siya dito.

“Magiging ako sa kahit na anong gugustuhin ko. Hindi ba malinaw na ayaw ko sa kaniya at hindi ko siya nakikita bilang isang babae. Para sa akin isa lang siyang daga na pilit na inahain ang sarili sa Leon kahit na kinasusuklaman siya nito!”

Padabog na ibinagsak ni Zarchx ang table napkin pagkatapos niyang punasan ang kaniyang labi at padabog itong tumayo at sinipa ang upuan para maibalik ito sa pagkakaayos.

“Busog na ako, na busog ako sa sermon.” Dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng dinning room.

Nakita niyang nakatayo habang nakayuko ang kaniyang asawa sa tabi ng pader pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng Mansion.

Hindi mapigilang mapabuntong hiniga ang mayordoma sa inakto ng kaniyang alaga.

Ngayon niya lang nakita itong umakto ng ganu'n sa harap ng hapag at talagang pasipa pa nitong ibinalik ang upuan na ginamit.

SAMANTALANG si Amary naman ay hindi maiwasang nagpatulo ng luha sa kaniyang narinig pero mas masakit pa rito. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Iniisip niya na lang na kaya ito na sabi ng binata dahil galit ito sa kaniya o ‘di kaya alam nito na nandoon siya nakikinig.

Pinunasan niya ang kaniyang mga luha ng napansin niyang may nakatayo sa harapan niya, babalik na sana siya sa kaniyang silid ng makita siya ng mayordoma at hindi siya nakatanggi ng sabihin nitong inihahanda na ang almusal niya.

Abala sa paglilinis ng pinagkainan ni Zarchx si Rita at Ina habang si Lety naman ay inihahanda sa mesa ang kaniyang umagahan.

“May kailangan ka pa ba, Hija? –Este Ma'am, pasensiya ka na.” Pagtatama nito sa tawag sa kaniya.

Naka-upo siya sa harapan ng mesa habang nakatayo sa kaniyang gilid ang mayordoma, nginitian niya ito.

“Ayos lang po. Wala na akong kailangan, salamat po.”

Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang sarili dahil may usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon at kakain sa labas.

Naisip niyang tawagan si Zarchx para magpa-alam dito pero na isip niya na baka masigawan lang siya nito o kaya hindi siya payagan nito.

Naisip niyang uuwi na lang siya ng maaga para hindi malaman ng asawa na umalis siya ng bahay, magpapa-alam na lang siya sa mayordoma upang hindi ito mag-alala kung saan siya pupunta.

Nakasuot siya ng isang pink na long sleeve na naka tack-in sa kaniyang black high waisted ripped jeans pinarisan niya rin ng puting sapatos. May itim na sling bag din siya kung saan nakalagay ang kaniya cellphone, wallet at iba pa.

Nagmamadali siyang bumaba ng makita niya na itenext na ng kaibigan kung saan sila magkikita.

“Ma’am aalis po kayo?” Tumango siya kay Rita ng makita niya itong naglilinis ng display sa sala.

“Siguro magd-date kayo ni Master Leon nu?” Panunukso nito na ikinawala ng ngiti sa labi niya.

Sana nga katulad ng iniisip nito ang pupuntahan niya pero hindi, ni minsan hindi siya nito niyayang kumain sa labas at kahit makasabay niya ito sa pagkain ay hindi niya nagagawa.

“H-hindi, pakisabi na lang kay Manang na aalis muna ako babalik rin ako kaagad.” Nginitian niya ito at ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango.

“Yes Ma'am! Mag-enjoy po kayo!” Tumango na lang siya at bumaba na. Ginamit niya ang kaniyang sariling sasakyan papunta sa restaurant na itenext sa kaniya ng kaibigan.

Pagkapasok niya ng restaurant, inilibot niya ang paningin para makita ang kaibigan, nakita niya itong kumakaway sa kaniya kaya nakangiting tinungo niya ang kinaruruunan nito.

“Amary-baby, I miss you!” Sinalubong siya nito ng yakap at gumanti naman kaagad siya dito ng yakap lalo pa’t miss na miss niya na ito.

“Mee too.” Tipid niyang sagot.

Umupo sila at tinawag naman ni Amber ang Waiter, umorder sila ng makakain. Habang naghihintay ng order ay nagku-kwentuhan sila ng kaibigan.

“Girl, ang laki ng pinagbago mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Ikaw ba talaga ang luxurious best friend ko?” Nag-aalalang puna nito sa kaniya.

Siguro nagtataka ito na wala siyang suot kahit isang alahas. Walang magandang suot katulad ng dati na kapag lumalabas siya ay para siyang pupunta sa isang celebration sa ganda ng ayos niya.

“Oo naman, bakit mo naman na tanong iyan?” Pilit niyang pinapasigla ang boses para makita ng kaibigan na ayos lang siya at masaya sa buhay na mayroon siya.

Pinakatitigan siya nito.

“Alam kung hindi, sino bang magiging masaya kung hindi ka gusto ng lalaking pinakasalan mo? Tell me, may nangyayari ba? Sinasaktan ka ba niya?”

Napalunok siya sa tanong ng kaibigan.

“Tingnan mo nga ang sarili mo, look, ang layo-layo mo na sa Amary na kilala ko,”

Alam nitong hindi siya gusto ng asawa pero hindi niya ikinu-kwento dito ang buong nangyayari katulad ng physical na pananakit nito sa kaniya dahil kapag nagkataon.

Magsusumbong ito sa mga magulang niya at sigurado siyang babawiin siya ng mga ito ngunit ayaw niya iyong mangyari hindi dahil sa hindi pa muling nakakabangon ang kanilang kompanya kundi dahil sa mahal na mahal niya ang asawa.

“No offense, Girl, pero mukha ka ng lusyang ka na. Ang dry ng buhok mo, kailan ka ba huling pumunta sa salon? ‘Yang suot mo, hindi ka naman ganiyan manamit, ang Amary na kilala ko ay mahilig sa sexy fashionable clothes, the sexiest thing she had is her beautiful smile. Where is it?”

Yumuko siya.

“I’m just busy these past few days.” Tipid niyang sagot.

Abala siya palagi at hindi niya alam kung paano aayusin ang sarili dahil isa lang naman ang kaniyang nais, iyong mahalin rin siya ng kaniyang asawa.

“Amary. May iba pa bang problema maliban sa ayaw sayo ng asawa mo? Sinasaktan ka—” Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ng kaibigan.

“Ano ka ba, saan mo naman nakuha ‘yan? Nandidito tayo para pag-usapan ang mga bagay na nangyari sa atin nitong nakaraan na hindi magkasama...”

“... At kasama ang tanong ko, kaya sagutin mo.” Pinandilatan siya nito.

Humingga siya ng malalim bago tumingin sa mata nito.

“Ayos naman kami ni Zarchx, pero hindi kasing-ayos ng isang tunay na mag-asawa.—Teka nga, bakit ako lang ang tinatanong mo, iyong sa inyo ni Lance kamusta naman, ah?” Ganti niya dito dahilan para mapa-irap ito sa kawalan.

“Wag na nating pag-usapan ang ulol na iyon dahil na i-stress lang ako sa kaniya. Alin ba kasi sa ayaw ko sa kaniya ang hindi niya maintindihan?” Halata sa boses nito ang pagka-irita na mukhang ayaw na ayaw talaga nito sa binata.

“Mabait naman si Lance bakit hindi mo pagbigyan? Wala namang masama kung susubukan mo—

“—Hep! Hep! Hep! Wag mo akong ibugaw sa kaniya, best friend mo pa rin ako kahit na sabihin mo pang kaibigan mo siya, hm?”

Sa pagkakataong ito, si Amber naman ang napa-irap, kinakasuklaman talaga nito ang binata kahit na mabuti naman itong tao.

Napaisip siya na nasa pareho silang sitwasyon ni Lance. Ganu'n rin kasi sa kaniya ang asawa niya, ayaw na ayaw nito sa kaniya kahit na wala namang mali sa kaniya at wala siyang ginagawang masama, mabuti siyang babae. Naisip niyang pareho silang naghihintay ni Lance ng tamang panahon para tanggapin ng taong kanilang minamahal...

Bandang alasais na naka-uwi si Amary dahil pagkatapos nilang kumain ay naglibot pa sila sa Mall. niyaya siya nitong magpa spa pero tumangi siya hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil sa ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga pasa na natatakpan ng long sleeve niya.

Hindi na siya nag-abala pang magpalit pa dahil mag-gagabi nagluto na siya ng hapunan dahil abala ang lahat ng katulong sa paglilinis ng buong bahay sa laki ng mansion.

Napagka-alaman ni Amary na nasa labing anim ang katulong dito maliban sa mga driver at guard. Pinaghahandaan kasi nito ang pagbabalik ng Lolo ni Leon na si Don Leon.

Pasado alas syete na siya natapos sa pagluluto kaya inihanda niya na ang mesa, hindi niya alam kung anong oras darating ang asawa kaya hinain niya na lang ito kung sakaling hindi pa ito naghahapunan kakain ito.

Busog pa naman siya kaya iniwan niya na ang mesa umakyat siya para makapagpalit na ng damit dahil baka maabutan pa siya ng asawa ng ganu'n ang ayos.

“Saan ka galing?”

Nahigit ni Amary ang hininga ng marinig niya ang boses ng asawa ng hindi niya pa nga na isasara ang pinto. Napapikit siya dahil hindi niya akalain na nakauwi na ito ng ganitong oras hindi niya rin ito napansing dumating, siguro dati na itong nandidito sa loob ng kwarto.

Dahan-dahan siyang humarap para makita ito, nagulat siya ng nasa harapan niya na ito at galit na galit ang kaniyang mukha.

“Saan ka galing?!” Pag-uulit nito dahilan para mapaigtad siya sa gulat ng pagsigaw nito.

“Sagot!!” Sigaw nito at hinawakan ang kaniyang panga paharap dito kaya nakatutok siya sa galit nitong mukha.

“Kating-kati ka talaga ‘no? Ilang lalaki na ba ang nakatikim sayo? P*****a Amary! Sinasabi ko sayo, wag mong hintayin na ako mismo ang makahuli sa inyo, dahil kahit ilang lalaki pa iyang nakapasok sayo –” Winaksi ni Amary ang kamay ni Zarchx na nakahawak sa panga niya.

“Ano bang pinagsasabi mo Leon?! Lumabas ako para kitain si Amber hindi ako ang babae na katulad ng iniisip mo!” Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas niya para sagutin ito ng buong lakas.

Kung mayroon mang dapat magalit ay siya iyon, dahil ito ang mayroong babae. May ebidensya siyang nakita.

“Putangina. Amary ako ba talaga ginagago mo?! Ginamit mo pa ang kaibigan mo sa kababoyan mo?! Tangina, Amary! Magpapaka-ulol ba ang putangina kung kapatid kong nandidito ang magaling mong kaibigan?!” Nagulat si Amary.

Malalaki ang mata na nakatingin siya sa asawa dahil malinaw sa pandinig niya na tinawag nitong kapatid si Lance Javier!

Zarchx Montenegro ang pangalan ng asawa niya paano nito na sasabing kapatid si Lance Javier? All she know that Lance and Zarchx was a close friend.

Napahaplos sa mukha si Zarchx na para bang natauhan rin sa salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Maharas nitong hinila siya sa braso.

“Hindi mo ako lubusang kilala Amary dahil nagkamali ka sa pagpili na ako ang pinakasalan mo, nakatali man ang pangalan ko sa pangalan mo pero hinding-hindi mo mababago ang pagkatao ko!”

Nag-aapoy sa galit na sambit ito sa kaniya na ikinapikit niya hindi dahil sa malakas nitong sigaw kundi dahil sa masakit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

“Hindi ka lalabas ng bahay hangga't hindi ko sinasabi, makikita mo kung anong kaya kung gawin sayo. Tandaan mo Amary, sa susunod na lalabas ka ng walang pasabi makikita mo ang hinahanap mo!”

Pabagsak siya nitong binitawan dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

Nakatitig lang siya sa nilabasang pinto ng asawa habang nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa dami ng luha na kumakawala sa kaniyang mga mata na siyang ikinabasa ng kaniyang mukha.

Bakit ang hirap para dito na paniwalaan siya na ang kaibigan niya ang kasama niya? Isa pa na bangit nito na kapatid, wala namang ibang humahabol sa kaniyang kaibigan kundi si Lance Javier.

Papaano sila naging magkapatid na ang layo ng kanilang pangalan sa isa’t-isa? Siguro nga hindi niya pa lubusang kilala ang kaniyang asawa. Kailangan niyang malaman kung anong tunay na pagkatao ng kaniyang asawa at ang ugnayan nito kay Lance Javier na naging kaibigan niya.

Nanghihinang tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig upang magtungo sa kaniyang silid ng hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng madulas siya at muli siyang sumalampak sa sahig.

Tiningnan niya ang madulas na plastic na may lamang kulay puti, dinampot niya iyon para pagmasdang mabuti ng mapagtanto niya kung ano ito.

Kaagad niya itong nabitawan at walang sabi-sabing nakaramdam siya ng pandidiri at tumakbo patungong banyo at nagsusuka.

Condom na gamit na ang naapakan niya!

Nagsusuka siya sa lababo dahil sa pandidiri, hindi niya mapigilang mapa-iyak ng tahimik. Nag-uwi ng ibang babae ang kaniyang asawa, ang babaeng iyon rin ba ang may gawa ng mantsa sa damit nito?

Hindi na ito bago sa kaniya dahil ng una itong nag-uwi ng babae. Maghapon siyang walang kain dahil hindi siya makalabas sa kwarto dahil nasa loob maghapon ang asawa na may kasamang ibang babae na gumagawa ng kababalaghan.

Hindi niya kilala ang babae dahil hindi niya ito na silayan. Hindi niya naman magawang lumabas dahil madadaanan niya ito hindi niya kayang makita ang ginagawa nito dahil alam niyang madudurog siya sa pagkakataong iyon.

Tiniis niya ang gutom at sakit. Maghapong puro ungol at halinghing ang kaniyang naririnig at walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata ng araw na iyon.

Ibinibintang nito ang bagay na hindi naman niya gawain, masakit sa kaniya ang mga sinasabi nito. Her husband didn't respect her as a wife, and he didn't respect her as a woman.

Hindi niya alam kung nakalimutan nitong linisin ang ginamit nito o sinadya nitong makita niya ang bagay na iyon para masaktan siya.

She's really miserable. Dapat pa kaya siyang lumaban o sumuko na? Unti-unti na siyang nadudurog, sobrang sakit na.

“Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status