Share

Kabanata 1

last update Last Updated: 2025-11-18 20:54:39

“Athena dakog bilat!”

“Hoy, Alycone! Niaaway mo na naman si Athena.”

Nakakunot ang noo ni Athena habang tinitigan si Alcyone nakataas ang kilay nito sa kanya. Sa edad na sampung taon, hindi alam ng batang Athena kung bakit naiinis sa kanya ang si Alycone. Sinasaway ito ng kanyang matalik na kaibigan na si Azyl, anak ng kanyang Uncle Eucario at Auntie Frozina. Naglalaro silang dalawa ni Azyl ng tagu-taguan at bigla nalang dumating ang naiinis na si Alycone.

“Call me ate Athena.” Pagtatama niya sa bata pero inirapan lang siya nito.

“Ayoko nga! Inagaw mo sa akin si kuya Zeus ko. Akin lang siya.”

Mas lalong kumunot ang kanyang noo.

Anong kinalaman ni Z dito? Tanong sa kanyang sarili.

“Ahuh! May crush ka kay Zeus. Hoy, Alcyone! Isusumbong kita sa mama mo. Sige ka, palo ikaw.”

Natakot naman si Alcyone at mabilis tumakbo paalis sa harapan nilang dalawa na kinahalakhak ni Azyl. Napasimangot si Athena dahil run dahil pakiramdam nila inaaway nila si Alcyone at baka magsumbong. Hindi siya natatakot sadyang ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina.

“Stop laughing, Azyl.” Saway sa kaibigan.

Huminto sa pagtawa si Azyl at pinahiran ang namamsa niyang mata dahil sa tawa bago nagsalita.

“Natawa lang ako. Daming nagcucrush kay Zeus eh di nga namamansin yun. Sayo lang. Hate ko siya minsan. Teka, kailan sila magbabakasyon ulit dito?”

Hindi niya alam kung kailan, wala siyang balita at isa pa hindi pa niya nakakausap si Z. Kailangan pa niyang hiramin ang phone ng mama niya para makausap ulit ito. Isa yun sa pinapangako nila sa isa’t-isa, ang may koneksyon kahit malayo sa isa’t-isa. Sa edad niya, hindi pa pwedeng magkaroon ng sariling gadget. Yun ang striktong paalala ng mama niya na kahit ang kanyang Daddy Phoenix ay takot dito.

"I don't know. Let's continue playing, Azyl." Aniya.

Napakamot nalang sa ulo si Azyl at nagpatuloy sila sa paglalaro nang magsawa ay nagtungo sila sa punong bayabas. Walang nag-mamayari nito dahil nasa kalabunan. Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa upang hindi sila maunahan ng iba.

Ngunit, napahinto at nadismaya si Athena makitang may nagmala unggoy na sa punong bayabas. Nagtatawanan ang mga ito at halos mabali na ang sangga.

Napalingon sa kanila ang isang batang lalaki na hambin-hambin sa suot nitong malaking tshirt ang bunga ng bayabas.

"Uy! Nandito na ang dalawa. Ayay! Pirs kam pirs serb. Uwi na kayo." Natatawa pa itong pang-aasar sa kanila.

"Hoy, Pulog bungi! Wala na nga ngipin, inubos pa ang bayabas. Lagot ka sa akin!" Banta ni Azyl at pinakita ang kamao.

Napamewang si Athena habang masama ang tingin kay Virgil kung saan nang-aasar na kinain ang malaking bayabas. Suot pa nito ang uniporme tila galing pa sa eskwelahan at dumiretso sa bayabasan. Kasama pa talaga ang ilan nitong mga kaibigan na kapwa lalaki.

Mas matanda sa kanila si Virgil na apat na taon pero kung mang-inis sa kanila talo pa ang bata. Sumbongero rin at chismoso.

"Gusto mo?" Alok nito sa kanya ng bayabas habang may kagat.

Umirap siya at sinungitan ito. "Yuck!"

Tumawa si Virgil at dinilaan ang bayabas na mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng dalawa. Diring-diri si Athena sa ginawa ni Virgil kahit palagi niya itong ginagawa kapag may prutas o pagkain ay nandidiri pa rin siya. Sino bang hindi? Baliw lang ang hindi mandiri sa paraan ng pagiging sakim ng kanilang kuya Virgil.

Virgil Maranzano. Ang pinakamatanda sa kanilang circle of friends. Anak nina Virgo at Thenia Karas–Maranzano. Kaibigan ng daddy niya ang daddy ni Virgil. Hindi niya alam kung paano sila naging magkaibigan eh opposite ang ugali ng dalawa. Madaldal at tahimik. Pinsan din siya ni Azyl sa mother's side. Magkapatid sa ama.

"Yuck! Ew! Kadirdir ka talaga, Virgil." Hindi niya ito tinatawag na kuya.

Ayaw ni Virgil na tawagin siyang kuya at kahit tutol silang lahat ay sinunod na lang nila. Hindi mabura ang pagiging mas matanda nito sa kanila.

"OA mo naman, Athena. Umuwi na kayo. Sumbong ko kayo kay tita Frozina. Kababaeng tao nandito."

Napasimangot si Athena sa narinig. Napasinghap naman si Azyl sa kanyang tabi. Walang magawa ang dalawa lalo na't talo sila. Mahigpit sa kanila ang kanilang ina lalo na ang kanilang ama. Masyadong paranoid ang Daddy Phoenix niya at malakas ang pang-amoy nun.

Sariwa ang hangin sa probinsiya ng Bukidnon. Hindi masakit sa balat ang init mula sa sinag ng araw. Dapit-hapon na at marami ng mga bata na tulad nila ay naglalaro. May nakaangkas sa kanya-kanya nitong kabayo na ginawang transportation papuntang paaralan. It's a normal daily life in Bukidnon.

Habang papauwi sa kanilang bahay, sumalubong sa kanila ang dalawang batang babae na kaseng edad nila. Nakabestida at pig tails.

"Hoy, Athena! San si Zeus?"

Napahinto sila ni Azyl nang humarang ang dalawa.

Kumunot ang noo niya. Zeus, again? Anong kailangan nila kay Zeus?

Not liking to talk and share where's the Almighty Zeus, umiling lang si Athena.

"Totoo? Di mo alam? Akala ko best friend kayong dalawa? Hmmp! Dyan na nga kayo." Pag-susungit ng isa nag-ngangalang Georgia.

Sinundan nalang niya ng tingin ang dalawa nang nilampasan sila ng mga ito. Lihim na umirap siya sa papalayong likod ng dalawang maldita. Kampon ni Alcyone ata mga to'.

"Naku! Daming naghahanap kay Zeus. Miss na nila kapogian ni Zeus." Daldal ni Azyl nang nagpatuloy sila sa paglalakad.

Simangot siyang inilbot ang tingin sa paligid. Hinanap niya ang kanyang nanay na alam niyang nasa paligid lang kasama si Tita Frozina niya. Mahilig makipagsalamuha ang kanyang mama kabaliktaran kay Daddy Phoenix niya. Madaldal kase ito kaya nakipagchikahan din sa kapitbahay nila.

Bumilog ang kanyang mga mata at lumiwanag makita ang pigura ng kanyang ina. Nakipagtawanan ito sa kapitbahay nila na si Imelda na maladonya ang dating.

"Mother!" Malakas niyang tinawag ang pansin ng kanyang ina.

Natatawa pa rin itong lumingon sa gawi niyang kinaway ang kamay sa ina. Patakbo siyang nilapitan ang ina at tuluyan ng nakalimutan si Azyl. Mabilis niyakap ni Athena ang kanyang ina sa bewang at napangiting niyakap din siya ni Lory.

"Amoy pawis ka na, nak. Ikaw bata ka, saan ka na naman nagsusuot huh?"

Napanguso si Athena sa narinig ngunit natutuwa ang puso niya. Mahal na mahal niya ang kanyang ina lalo na ang ama at nag-iisang kapatid na si Poseidon.

"Mommy, si Poseidon po?" Magalang niyang tanong.

"Ayun nasa bahay ni Tita Thenia mo naglalaro sila Heros."

Napatango siya sa narinig. Napakurap siya mapansin ang titig sa kanya ni Aling Imelda. Nagsalubong ang kilay tila sinusuri ang mukha niya. Mahigpit niyang niyakap sa bewang ang ina ngunit di inalis ang titig kay Aling Imelda bagkos sinalubong ang titig nito. Napansin naman ng ali at ngumiti sa kanya. Ewan ba kung tama ba ang nakita niya dahil parang peke ang ngiti.

Sa edad niya, malaya niyang naobserbahan ang mga taong nakapalibot sa kanilang mag-ina. Wala man ang kanilang ama minsan ay aktibo ang pagiging pagmamasid niya at bilang nakakatandang anak nina Phoenix at Lory. Babae man siya pero may kakayahan siyang protektahan ang kaniyang ina at kapatid.

“Kay ganda ng anak mo, Lory. Ligawin ito pag nagdalaga,” ani Aling Imelda habang nagpaypay, may halong tuwa at biro sa boses.

Natawa ang ina niya at lalo pang tumuwid sa upo, halatang proud sa narinig.

“Talaga! Saan pa ba nagmana? Edi sa ina. Alam namin ni Nix na maraming manliligaw kay Athena pag laki niya. Pero hindi ’yon papayagan ni Nix. Overprotective ’yon sa prinsesa namin, eh.”

Hinaplos ng kanyang ina ang likuran niya ng marahan, parang kampay ng hangin sa likod ng tenga. Napangiti si Athena nang palihim at isinubsob ang mukha sa tiyan ng ina niya, tinatago ang namumuong kilig at hiya. Hindi niya mapigilan ang matuwa tuwing maririnig ang palayaw ni Mommy Lory para kay Daddy Phoenix. May tamis. May lambing. May pagmamahal na kahit bata siya, ramdam niya agad.

Gustong-gusto niya ang paraan ng pagtitig ng mama’t papa niya sa isa’t isa parang may sariling mundo. Parang kahit anong mangyari, uuwi sila sa isa’t isa. Kahit pagod, kahit may problema, kahit may mga hindi sinasabi.

Kaya, sa murang edad, tahimik siyang nangarap.

Nangarap siyang balang araw… makatagpo rin ng isang taong katulad ng ama niya. Isang taong titignan siya na para bang sapat siya. Isang taong mamahalin siya nang buong-buo, walang pag-aalinlangan o takot.

Isang taong poprotekta, mag-aalaga, at magmamahal nang totoo kung paano sila minahal at hindi binitiwan ni Daddy Phoenix.

Her day and the weekdays passed by with her classes. Klasemate niya si Azyl at ilan niyang kakilala sa sitio nila. Hindi niya ito kaclose kaya hindi siya umimik kapag magdaldalan ang mga ito. Nakikipaglaro siya ngunit hanggang doon lamang.

Sumapit ang gabi at halos sumubsob si Athena sa mesa, pagod na pagod habang isinusulat ang natitirang assignment. Malabo ang mata niya sa antok, at tanging ilaw ng lamp at mahina niyang buntong-hininga ang maririnig sa kwarto. Nasa harap niya ang screen ng phone kung saan nandun ang mukha ng kanyang ama.

“Princess, you shouldn’t play more. You look stressed,” malumanay ngunit nag-aalalang sabi ng ama mula sa video call.

Napakamot si Athena sa pisngi at pilit na ngumiti. Gusto niyang sabihin ang totoo na hindi siya pagod sa laro. Pagod siya makisalamuha. Pagod siyang magpanggap na kaya pang makipagdaldalan sa ibang bata na ang ingay, ang daldal, at ang bilis magsalita. Nauubos ang energy niya. Mas gusto niya ang katahimikan. Mas gusto niya ang isa o dalawang tao lang kasama niya.

Pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang gustong-gusto ni Daddy Phoenix na mag-socialize siya, makihalubilo, maging normal na bata sa paningin ng iba.

Kaya ngumiti siya.

“No, Daddy. I love playing po. Right, Poseidon?” Nilingon niya pa ang kapatid na naglalaro ng dinosaur toys sa carpet.

Sumimangot lang si Poseidon, saka tumingin kay Daddy Phoenix sa screen. Narinig nilang sabay na bumuga ng hangin ang ama nila na parang napapagod pero natutuwa.

“Come on, Poseidon. Don’t be mad at Daddy. Daddy will go home tomorrow,” lambing ni Athena habang hinihila ang kumot palapit sa mga paa niya.

“Bye, Dad. Miss you so much! Stay safe and healthy,” paalam ni Athena, sabay dampi ng halik sa screen—isang maliit na ritwal nila bago mag-end call. Kumaway pa siya bago tuluyang nag-black ang screen.

Alam niya na busy si Daddy Phoenix. Alam nila ni Poseidon na trabaho ang dahilan. At hindi iyon ordinaryong trabaho, pero bata pa sila para lubusang intindihin.

“Hindi ka pa ba tapos sa assignment mo, Athena? You need to sleep na rin, anak.”

Nilingon niya ang ina, kakapasok lang sa kwarto nang marahang buksan ang pinto. Nakasuot pa ito ng robe, halatang kagagaling lang sa paghuhugas ng pinggan. Sumimangot si Athena at kumurap nang ilang beses. May gusto siya at ramdam niya iyon sa dibdib, parang maliit na kirot sa puso.

“Mommy…” tumaas nang bahagya ang boses niya, mahina pero may kasamang pakiusap. Para siyang batang nag-aalangan dahil baka hindi payagan, pero halatang may gusto siyang hindi niya kayang itago.

“I want to talk with Z. Can I call him? Please?”

Napakurap ang kanyang ina, bahagyang nagulat sa hiling. Hindi dahil bawal kundi dahil alam niyang si Athena, kapag pagod at over-stimulated, iisang tao lang ang binabalik-balikan. Si Zeus. Ang batang halos hindi nagsasalita pero laging nandiyan kapag kailangan ni Athena.

Lumapit ang ina at marahang hinaplos ang buhok niya. “Sige, anak. Pero sandali lang, ha? It’s late.”

Tumango si Athena, agad kinuha ang phone, at mabilis na nag-dial. Hindi na niya kinailangan tingnan ang contact list. Z. Laging nasa taas.

Ilang ring lang, sinagot na iyon.

“Thena?” malamig pero pamilyar ang boses sa kabilang linya. Malalim ito para sa edad niya, at parang laging handang pumutok ang isang utos o komando.

“Z…” Napawi ang pagod sa boses ni Athena nang marinig ito. “Hi.”

Tahimik si Z nang ilang segundo, tapos narinig niya ang mahina nitong paghinga.

“You sound tired.”

“May assignment kasi… tapos ang dami kong kinausap today.” Napapout siya kahit hindi nakikita ni Z. “Nakakapagod po.”

Naging seryoso ang ekspresyon ni Z kahit hindi niya nakikita, alam niyang ganoon ang mukha nito. Lagi.

“Huwag ka nang makipaglaro sa kanila kung napapagod ka,” matigas pero may lambing na tono. “You don’t need them.”

Napahagikhik si Athena, maliit at mahina. “Daddy Phoenix wants me to socialize.”

“Then I’ll talk to him,” sagot agad ni Z, parang napakasimple ng solusyon. “You don’t need to force yourself.”

Kumunot ang noo ng ina ni Athena sa likod niya, pero hindi sumingit. Alam niyang iba ang koneksyon ng dalawang batang ito. Mas matibay, mas malalim, mas hindi pangkaraniwan.

“Kumain ka na ba?” tanong pa ni Z, seryoso pa rin.

“Opo… a little.”

“That’s not enough.”

“Z…” natatawa niyang protesta. “I’m okay na po.”

Huminga nang malalim si Z, ’yong parang sinusubukang huwag mag-alala nang sobra.

“I’ll come next Saturday. Early.”

Nakangiti na si Athena, ’yong tipong may kislap sa mata kahit pagod.

“Okay… Goodnight, Z.”

“Goodnight, Thena. Sleep now. See you soon.”

At napanganga nang bahagya ang ina niya sa narinig na iyon halos hindi makapaniwala kung paano nagsasalita ang batang iyon na para bang may tungkulin na itong hindi dapat hawak ng bata.

Pero kay Athena… normal iyon. At nakapagpapakalma.

Pagkababa niya ng tawag, humarap siya sa ina.

“Mommy? I’m okay na po.”

At kitang-kita ng ina, totoo iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 8

    "Tay..." mahina at may buntong-hiningang tawag niya sa atensiyon ng ama, na halatang masama ang loob sa kanya. Nakasandal si Dark sa swivel chair ng kanilang opisina, nakahalukipkip, at nakatitig sa kanya na para bang sinusuri ang bawat galaw niya. Mabilis na napansin ni Zeus ang tensiyon sa panga ng ama, at alam niyang hindi magiging madali ang pag-uusap na ito. "How old are you again, Zeus?" malamig ngunit bigat na tanong ni Dark, hindi inaalis ang tingin sa anak. Hindi nakasagot agad si Zeus. Kahit kilala niya ang ama sa tapang at tikas, iba ang dating ng boses nito kapag nag-aalala. Mas mabigat. Mas nakakabingi. Nag-angat ng kilay si Dark, saka padabog na huminga. "You are still my little demon, Zeus, pero hindi ka na maliit. Isa ka nang demonyo na pinalaki ko at alam kong kaya mong pumatay. Pero para sa awa ng langit at impyerno, Zeus... wag mong uulitin ang ginawa mo kanina. You are going to kill me with worry. Sabihi

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 7

    Mission.Sumasama siya sa tinatawag nilang mission ng ama, ngunit bilang tagamasid lamang. Hindi siya pinapayagang pumatay, kahit pa natutunan na niya ang lahat mula sa pagsasanay. Ayaw ni Dark na mabahiran ng dugo ang mga kamay ng mga anak niya, lalo na si Athena. Para kay Dark, marami nang dugo ang dumikit sa kanya, at hindi niya hahayaang sundan iyon ng sariling anak.At ngayon, si Zeus.Hindi basta-basta ang mission na pupuntahan nito. Hindi ito simpleng negosasyon o pagkuha ng impormasyon. Hindi rin ito isa sa mga undercover operations na kaya niyang takbuhan kapag kailangan. Ito ay operasyon na kasingbigat ng trono na kailangang laanan ni Zeus balang araw. Bilang anak ng isang mafia lord, kasali na si Zeus sa mga responsibilidad na hindi na puwedeng talikuran.Humigpit ang hawak ni Zeus sa pisngi niya, marahan ngunit mariin na para bang gusto nitong iparamdam na narito pa siya. Na hindi niya ito mawawala.“Athena,” bulong niya, maba

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 6

    Habang naglalakad sila patungo sa lilim ng kakahuyan, unti-unting lumitaw ang isang grupo na kumpleto, maingay, at halatang may mission na namang pinagplanuhan nang walang pahintulot ng mga nakatatanda. Ang ilan naka-puting bestida, ang ilan naka-sando at may hawak pang bayabas. "Ba't kayo naka-white dress? Ano 'yan? Magpapakasal kayo sa mga engkanto?" puna ni Eros na sinabayan ng tawa ni Virgil. "Wag kang ano diyan, kuya Eros," sagot ni Alcyone, na himalang sumama ngayon, usually nasa loob lang ito nagbabasa. "We’re going to run under the trees like Bella from Twilight." "Ang kokorni niyo naman," sagot ni Eros, umikot ang mata. "Walang hahabol sa inyo!" "And so what if wala?" sagot ni Azyl habang maingat na inaayos ang laylayan ng damit niya. "We don't need Edward Collins!" "You’re going to habol me, Virgil." biglang singit ni Zebediah, sabay tingin sa binatang kumakain ng bayabas. Katabi nito si Heros na tahimik lang, yakap-yakap ang science book na parang shield.Napatigil si

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 5

    Halo-halo ang emosyon na naramdaman ni Athena sa araw na ito dahil dumating na ang petsa kung saan magbabakasyon sina Z sa Bukidnon. Excited siya lalo na’t alam niyang mangangabayo na naman sila kasama ang kanilang mga kabigan. Kasama na roon sina Zephyr, Zuhair, Zebe, Virgil, at Azyl. Mula bata ay magkakaibigan na sila at mas lalong tumibay ngayon kahit tuwing bakasyon lang sila nagkakasama. "Zebe!" Tili ni Azyl pagbaba ni Zebediah sa itim na van nasa harapan nila. Tipid siyang ngumiti makitang mahigpit itong niyakap ni Azyl. Agad naglabasan ang iba pa sa van. Napasimangot siya makita ang ngisi ni Eros na nakabuzz cut na naman. May suot na earing sa kaliwang tenga at headphone sa leeg. Napabaling ang tingin niya kay Zephyr tila kakagising lang at inayos ang suot nitong salamin. Nasa likod nito ang magkambal na sina Zenon at Zenos. Hinanap ng mga mata niya ang bunsong kapatid nila na si Zephyie pero hindi niya nakita. Mukhang hindi sinama. Bumaling ang tingin niya sa harap nang may

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 4

    "Hmmpp! Tabi tayo maya." Anito at kumagat ng lumpia. Tumango siya at ngumiti kay bunso. Rinig niya ang buntong hininga ni Zeus ngunit di niya pinansin. Nagpatuloy ang hapunan nila habang pinag-uusapan ang buhay ni Zeus sa syudad. Si Zeus ang naghugas ng pinggan habang siya naman ay nasa mesa. Pinaliguan ng kanyang Mommy Lory si Poseidon at nakalimutan nito ang sinabi sa hapagkainan. Pumasok siya sa kitchen habang dala ang dalawang baso at inilagay sa sink kung saan naghuhugas pa rin si Zeus. Naka puting sando lamang ito at jogging pants. "Doon ka lang, Thena. Just sit. Malapit na to'." Pagtataboy nito na akmang tutulong siya. Nagkibit-balikat siya at umalis sa tabi ni Zeus. Nilapitan niya ang isang silya at umupo rito. Pinagmasdan ni Athena ang swabeng galaw ni Zeus hanggang sa natapos nga ito. "It's still eight in the evening, you don't want to watch television?" Tanong nito habang nagpupunas sa sink. Napatingin siya sa wall clock mula sa sala at tama nga si Zeus. Napaisip nam

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 3

    Matulin ang mga araw at di namalayang sabado na. Nasa labas siya kasama ang ina kung saan kakatapos pa lang nila sa paglalaba. Tinulungan niya ang kanyang ina sa pagsampay ng mga damit at iilang kurtina. Basa na rin ang suot niyang puting bestida kaya't nagiginawan siya kapag humahangin. Isang kurtina na lang ang isasampay niya at napangiting natapos niya ang kanyang gawain sa umaga. Ngunit naiwan sa ere ang kamay nang akmang kukunin ang palanggana nang may nahagip ang kanyang mga mata. Sa labas ng gate, nakatayo ang isang binatilyong sa harap nito. Mariin ang titig sa kanya habang may backpack sa balikat. Suot nito ang itim na leather jacket habang magulo ang buhok. Napakurap siya at napatitig sa binatilyo. Napaawang ang labi mapagtantong hindi siya nagmamalikmata. Nakalimutan niya ang sinabi nito noon. Sabado nga pala ngayon! Nagdadalawang-isip si Athena kung pagbubuksan niya ba si Zeus. Medyo basa siya at nahihiya siya dahil nakalimutan niya. Napakagat labi siyang sinulyapan s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status