Share

ZEUS THANATOS (SB#1)
ZEUS THANATOS (SB#1)
Author: Lady_MoonEclipseP

Prologue

last update Last Updated: 2025-11-18 12:19:27

Normal day, yan ang naramdaman ng mamayan ng Bicol habang tirik na tirik ang araw ng tanghaling tapat. Gayunpaman, malamig at masariwa ang hangin sa buong lugar. Marami pa ring tao sa kalsada at maingay ang palengke. Samut-sari ang isinisigaw ng mga tindera, may kalalabas palang sa simbahan matapos ang mesa, nagkakalat na mga estudyante matapos ang umagang klase at tunog ng mga trysikel. Isa lang ang nais ng iba, nagmamadali upang makauwi sa kani-kanilang bahay.

Isa na roon, si Zeus Thanatos Smith. Gamit ang maliliit niyang paa, duble ang hakbang ang ginawa katumbas ng isang hakbang ng isang malaking tao. Bitbit nito ang toyo at mantika na pinabili ng kanyang nanay Cassandra habang kuyom naman ang sukli ng singkwenta ng isang kamay nito. Hindi naman sa baka papagalitan siya ng kanyang nanay kapag matagal siya ngunit naiingayan siya sa kanyang paligid. Pinakaayaw niya ang maingay at hindi siya yung tipong bata na mahilig makihalubilo sa iba kaya hindi siya sanay sa mga ito.

Mas lalong naririndi ang kanyang tenga nang nasalubong niya ang mga taong galing sa simbahan dahil nagkukwentuhan ang mga ito at meron din ibang kumukuha ng litrato. Sinubukan niyang iwasan ang mga ito at piniligan di nagmumukhang masungit ang kanyang hitsura pero hindi niya talaga kaya.

Napahinto siya saglit nang may nahagip ang kanyang mga mata. Pamilyar ito sa kanya ngunit nakakapagtaka dahil may kasama itong lalaki at may edad na isang taon sa bisig ng babae. Mas lalong kumunot ang kanyang noo habang tinitigan ang papalayong ribulto ng dalawa. Tinitigan nito ang likuran ng dalawa at malalim na napaisip.

Should I follow them? But why would I? But I’m curious. Tila nagtatalo ang isipan nito. Ngunit kalaunan ay kibit balikat siyang sinundan ang mga ito.

Kunot noong sinundan ang dalawang nakasakay sa trisekel.

“Pasaan ka bata?” Napaiwas siya ng tingin sa papalayong trysikel.

“Follow them.” Sagot nito at bahagyang tinuro ang trisekel na sinasakyan ng dalawa.

Napasilip ang driver at napakamot sa ulo. “Iniwan ka ng mga magulang mo? Ah, matindi. Teka, pamilyar ka…”

Di niya pinakinggan ang driver at hinayaan itong magsalita habang nakatanaw sa sinundan nila. Mabuti nga’t umandar agad ang sinasakyan niya nang makasakay siya rito kung hindi baka sungitan niya pa ito.

Aminado siyang magaspang ang ugali niya sa ibang tao. Maldito at walang modo dahil wala naman siyang pakialam sa kanila. Umiikot ang mundo niya sa kanyang nanay at mga kapatid. Hindi niya kailangan bigyan ng pansin ang iba na hindi naman parte sa kanyang buhay. Kilala niya rin ang mga ito at mabilis basahin ang mga kilos. Mga pakitang tao lamang.

Nang makita niyang huminto sa isang bahay ang sasakyan, huminto na rin ang sinasakyan niyang tricycle. Nagbayad siya ng pamasahe at tikom ang bibig na lumabas ng tricycle habang hindi inalis ang tingin sa dalawang taong pumasok sa loob ng bahay.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa bahay at huminto sa harap ng gate na gawa sa kawayan. Maganda ang bahay. May dalawang palapag ito. May balcony sa ikalawang palapag habang may terrace naman sa unang palapag. It's a modern bahay kubo.

Napakurap siya.

Gusto niya ang bahay. Comfy and homey.

Hindi nagdalawang isip pumasok sa nakabukas na gate at nagtungo sa harap ng pintuan. Tinitigan niya ito ng maigi bago kumatok ng tatlong beses. Inip man niyang hinintay bumukas ito ay parang tuod siyang nakatayo sa harap.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang hindi niya kilalang lalaki na masama agad ang tingin sa kanya. Pilit niyang sumilip sa sala ngunit hinaharang ang malaking katawan ng lalaki. Nakangiti si Lory habang nasa bisig ang batang babae. Ngunit agad nabura ang ngiti nito makita siya.

Umawang ang labi ni Lory ngunit walang pakialam si Zeus at nagsalita.

""Tita Lory. It's really you." Seryoso nitong sabi.

Hindi pa man nakasagot ang kanyang Tita Lory ay may narinig siyang boses. Isang babae. Hindi pamilyar sa kanya.

"Sino yan?"

Pilit niyang makita ang mag-ina ngunit masama ang tingin ni Phoenix sa kanya. Hindi siya nagpapatalo sa pagtitigan nito. Ayaw sana niyang magpatalo ngunit napukaw ang atensiyon niya sa batang babae. Nakatitig ang itim na itim nitong mga mata sa kanya. Kakaiba ang itim nito parang may mahika. Madilim. Inosente.

Niyakap nito ang batang babae. Napansin niyang gumalaw ito sa bisig ng kanyang Tita Lory.

"A-Anong ginawa mo dito, Z-Zeus?"

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya ang isang taon na bata. Bata palang pero may kakaibang ganda ng taglay. Hindi niya pinupuri ang mga batang babae na nagpapansin sa kanya. Kahit na si Zebediah na kakambal niya ay hindi rin. Maganda si Zebediah pero alam ni Zeus na may mas ikakaganda pa ang batang nasa bisig ni Tita Lory. Medyo hawig ito ni Tita Lory niya ngunit nangingibabaw ang genes ng ama.

Napakurap siyang may nalaman sa araw na ito.

"Zeus?" Tawag ulit ni Lory sa kanya ngunit ang atensiyon pa rin ni Zeus ay nasa bata kung saan pilit inaabot siya gamit ang maliit nitong kamay.

Tila tumalon ang maliit niyang puso sa hindi niya malaman ang na dahilan. Parang natutuwa siyang malaman na gusto siyang hawakan ng bata kahit unang kita pa lamang nila. Gusto rin niyang abutin ang maliit nitong kamay pero may hawak siya.

"You have a daughter." Anito at sumulyap sa kanyang Tita Lory na tila nawalan ng kulay.

Lihim siyang napangiti. Alam niyang masama pero gusto niya ulit makita ang bata. At ngayon, alam niyang gusto rin niyang hawakan ang maliit nitong kamay.

"Ah, oo." Wala sa sarili nitong sagot.

"And, you can't hold her, Zeus." Sabat ng ama nito at sinamaan pa ng tingin ang inosenteng bata na si Zeus.

Hindi niya ito pinansin instead nakipagtagisan ulit ng tingin sa ama ng bata. May kasama sila na hindi niya kilala pero hindi sila importante.

"Damn! Too much revolution." May bumulong pero mas ninanais niyang malaman ang pangalan ng anak ni Tita Lory niya.

"What's her name, Tita Lory?" malamig niyang tanong, pero ramdam ko ang tensiyon na nakakubli sa bawat salita.

"Athena… Athena Eathelwyne…"

Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Tita Lory, para bang kailangan niyang lunukin muna ang bigat ng susunod na sasabihin.

“…Koznetsov.”

Ah, Athena. Sa sandaling sumayad sa tenga niya ang pangalan, may kung anong humigpit sa dibdib niya. Of course. Isang pangalang may bigat, may kasaysayan, at may kakaibang himig. Malambing pero matigas, parang alon na humahampas sa bato.

Athena. Eathelwyne. Koznetsov.

Hindi lang maganda. May rangya. May talas. At ang mismong tunog ng pangalan niya ay parang inililok para sa isang batang babaeng hindi madaling kalimutan.

At sa loob-loob niya, kahit ayaw niyang aminin, sandaling tumigil ang mundo nang hindi niya maintindihan kung bakit. Masyadong maliwanag ang paligid, masyadong tahimik, pero siya… siya lang ang nakita niya.

Ang ganda ni Athena ay hindi ’yong uri ng gandang nakakatakot o matapang. Hindi rin ’yong tipong sinusubukang mang-akit. Para siyang liwanag na ayaw tumigil sa paglapit.

At hindi niya maipaliwanag, kahit anong pilit, kung bakit may bahagi sa kanya ang umaabot pabalik. Hindi bilang lalaki, hindi bilang mandirigma, kundi bilang batang may nakitang kagandahang ayaw niyang bitawan. Gusto niyang hawakan kahit sandali, hindi para angkinin, kundi para masigurong hindi ito mawawala. Pero natatakot din siya baka sa sandaling lumapit siya nang sobra, masira iyon, o tuluyang mawala sa paningin niya.

Ngunit mapaglaro ang tadhana. Simula noon, walang palya ang pagbisita ni Zeus kay Athena tuwing madaling araw. Oo, tumatakas siya sa bahay nila. Hindi siya takot lumabas, kahit gabi, kahit delikado. Basta makita lamang si Athena kahit na ang galit, nakasimangot, at laging pagod na mukha ni Tito Phoenix ang unang sumasalubong sa kanya ay wala siyang pakialam. Alam niyang bawal, alam niyang mali, pero may hawak siyang lihim na panghahawakan.

Ang banta niya na isusumbong niya kay Nanay Cassandra ang sikreto ni Tito Phoenix at Tita Lory.

"She's sleeping, Zeus. Go home," mahina ngunit malamig na utos ni Phoenix habang nakadungaw sa crib. Hindi siya tumitingin kay Zeus, tanging ang natutulog na si Athena ang tinititigan nito, para bang bantay mula sa dilim.

Pagod si Athena. Simula nang matuto itong maglakad, hindi na ito tumitigil. Ikot dito, ikot doon. Kahit saan sumusuot. Sa kwarto, sa kusina, at sa bakuran. At alam ’yun ni Zeus. Walang hindi alam si Zeus.

"No. I’ll watch her, Tito Phoenix. You’re the one who needs to sleep."

Narinig niya ang pag-ingos ni Phoenix sa sagot niya. Alam niyang galing sa operasyon o kung anumang lakad ang Tito niya. Madalas itong wala, madalas pagod, at madalas may amoy ng mundong hindi niya dapat maintindihan. Ngunit ang mas nakapagtataka para kay Zeus ay kung paano tila alam ng Tita Lory niya ang lahat ng pinanggagalingan nito. Walang tanong, walang pag-aalinlangan. Sanay. Kampante.

At doon, nagsimulang mabuo ang kuryosidad niya. Minsan, sumisilip ang baril sa ilalim ng leather jacket ni Phoenix. Minsan, may dugo na hindi nito naaalalang punasan. Minsan, may iniipit itong papel na hindi dapat nakikita ng bata.

Pero kahit ganoon, pilit niya iyong binabalewala. Para sa kanya, mas mahalaga paupuin niya ang sarili sa tabi ng crib para bantayan ang babaeng hindi naman sa kanya pero gusto niyang maging ligtas.

Dumating ang araw nang makilala nilang magkapatid ang tunay nilang ama. Wala siyang pakialam sa amang iyon. Hindi niya ito hinanap, hindi niya ito kinilala. Lumaki silang wala ito, at iyon ang mundong alam nila. Si Nanay Cassandra lang. At si Tita Lory, na para nang pangalawang ina. Sila ang sapat.

Pero isang araw, sa Devil Hospital, nagbago ang lahat.

Nang makita niya ang mga armadong lalaki sa labas, halos masamid ang hininga niya. Nasa loob ang nanay niya, kasama sina Zebediah at Zephyr. Kinailangan niyang patatagin ang sarili kahit nanginginig ang tuhod niya. Hindi niya alam ang nangyayari, pero may tiwala siya kina Tita Lory at Tito Phoenix. Lalo na’t kasama ni Lory si Athena, at iyon lang ang sapat para hindi siya mabaliw sa kaba.

Gusto na niyang sumugod. Gusto niyang makita ang nanay niya at mga kapatid. Hindi siya mapakali noong umalis ang tatlo. Ngayon, makikita na niya sila pero kaguluhan at dugo ang sumalubong.

At doon, dahil sa pagkabaliw ng Tita Lory nilang kung ano-ano ang kalokohang ginawa, nalaman nila kung sino ang tunay nilang ama.

Dark Smith.

Isang panganib. Isang anino. Isang mafia boss.

“I’ll accept you if you’ll give me your throne. Teach me how to fight, Father,” mariin at malamig niyang sabi habang nasa loob ng CR kung saan sila nagtago, silang apat na magkakapatid nakaharap ang lalaking dapat ay pinoprotektahan sila.....pero hindi.

Sa labas, naghihintay ang nanay nila at si Zebediah. Sa loob, pinili niyang lunukin ang galit. Hindi niya kayang tanggapin ang ama nilang ito, hindi niya kayang patawarin. Pero para sa nanay niya… sige. Kahit mahirap, kahit sukang-suka siya, gagawin niya kung kailangan. Lalo na ngayong alam niyang hindi basta-basta ang pinanggalingan nila.

Kung delikado ang ama niya…

Ganun din ang ama ni Athena.

Ramdam niya. Nakita niya kanina. Tama ang kutob niyang hindi pangkaraniwan ang mundo nila.

Sa murang edad, natuto siyang gumamit ng baril. At unang nasa isip niyang babarilin ay ang sarili niyang ama nang malaman niyang nawalan ito ng alaala, at sinaktan ang nanay nila.

“Forgive me, son,” halos pabulong, halos punit ang tinig ng ama nila nang makaalala ito.

Tinitigan lang siya ni Zeus. Walang emosyon. Pero sa loob niya nagngangalit ang apoy. Galit na umaabot langit. Galit na hindi niya alam kung paano bubuhayin nang hindi siya tuluyang masira. Pero para saan ang galit… kung ang nanay niya mismo ay pipiliing patawarin?

"I’ll never be like you, Father. I’ll be more powerful than you. Never weak. I vow to protect what’s mine… to be her shadow, not the other way around. And I will never abandon her the way you left us."

At sa isip niya, sa likod ng lahat ng gulo, isang pangalan lang ang tahimik na kumikislap.

Athena.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 32 Villa

    "Manahimik ka na lang, Azylat. Di bagay sayo ang pagmomodel. Ano to'? Ang panget." "Excuse me?! Sinong nakaupo sa row 4 nung elementary? Mas bobo ka, Zuhair!" Tatlong araw bago sila nakalabas ng hospital at ngayon ay nasa loob sila ng van. Kasama nina Athena at Zeus ang kanilang matatalik na kaibigan tungo sa kanilang Villa. At ngayon, nagsisimula na naman magbangayan ang dalawa na sina Zuhair at Azyl. Katabi niya si Zeus na ngayon ay nakapikit. Nasa dulo silang dalawa. Pinagmasdan ni Athena ang tahimik na syudad ng Barcelona. Para bang walang nangyaring kaguluhan noong nakaraang araw. Batay sa nakalap niya, nahuli ang dalawang Drug Lord kasabay nito ang pag wasak ni Lord Lorcan. Zephyr did everything to destroy, Lord Lorcan, using Lady Leonor. Sa kasamaang palad, nadamay sila Azyl sa paghihiganti ni Zephyr. Ngunit sa ngayon, nasa maayos na lagay ang lahat. Maayos na sila ni Azyl at alam niyang may panahon para kay Zephyr.

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 31 Visit

    "Where's Azyl? Is she fine?" Tanong niya sa asawa. Kasalukuyang sinusubuan siya ni Zeus ng pagkain “Where’s Azyl? Is she fine?” mahinang tanong niya, bahagyang paos pa rin ang boses habang pilit na itinatago ang pag-aalala. Kasalukuyang sinusubuan siya ni Zeus ng pagkain, maingat at mabagal, parang baka masaktan siya kahit sa simpleng galaw lang. Huminto ang kamay ng lalaki sa ere bago niya mahinang ibinaba ang kutsara. “She’s fine,” sagot ni Zeus, mababa at kontrolado ang boses. “Minor injuries lang. Nasa kabilang wing siya ng hospital. Gising na rin kanina pa.” Kita ni Athena ang bahagyang pagluwag ng balikat ni Zeus, kahit hindi nito aminin. Tumango siya at bahagyang napapikit, tila doon lang tuluyang nakahinga nang maluwag ang dibdib niya. “Good,” bulong niya. “Ayokong may masaktan dahil sa akin.” Sumimangot si Zeus at muling itinapat

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 30 Hospital

    Mariin at walang buhay na tinitigan ni Zeus ang dalawang araw nang hindi pa nagigising na si Athena habang nakahiga sa hospital bed. May benda ang ulo nito—malinis, maayos, tanda na hindi ganoon kalakas ang impact ng banggaan. Isang milagrong buhay pa siya. Pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang bagyong nagngangalit sa dibdib ni Zeus. Hindi sapat ang alive kung muntik na siyang mawala. He’s beyond mad. No words can describe it. Hindi ito simpleng galit. Isa itong malamig, nakamamatay na uri ng poot. Yung hindi sumisigaw, hindi naninira ng gamit, kundi tahimik na nagtatakda ng mga pangalan sa listahan ng mga hindi na muling hihinga. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao sa gilid ng kama. Nanginginig ang mga daliri niya, hindi sa takot, kundi sa pagpipigil. Dalawang araw na siyang hindi halos umalis sa silid. Dalawang araw na hindi siya natulog nang maayos. Dalawang araw na paulit-ulit niyang b

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 29 Deep Sleep

    Flashbacks........ "Hindi mo na ako pinapahinga, Z." Nanginginig ang boses ni Athena habang nakaawang ang mga labi. Sunod-sunod na mura ang lumalabas sa bibig ni Zeus habang ungol naman kay Athena. Mariin ang kapit niya sa balikat ni Zeus nang malakas na isagad nito ang pagkalalaki sa kaloob-looban niya. Pagkatapos ng ilang ulos ay naramdaman na niyang papalapit na siya. "Fuck, Thena. Aah." "Aahh aah, Z. Ooh!" Nanginig ang katawan niya nang malabasan siya habang ang binata ay gigil na gigil umulos sa kanyang ibabaw hanggang sa marating na ang sukdulan nito. He didn't pull out. As always. He filled inside her with his semen. Punong-puno siya sa ginawa ni Athena. Para sa kanya hindi kompleto ang ginawa nila sa kotse kung hindi yun gagawin ni Zeus. Pero walang palya naman si Zeus sa pagtanim ng semelya sa kan

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 28 Ambush

    Ramdam ni Athena ang bahagyang pagdududa sa boses nito. Hindi dahil sa kakayahan nila, kundi dahil babae sila. Lihim na minura ni Athena ang lalaki sa isip. Mababa ang tingin nito sa mga babae. Hindi na bago iyon sa kanya. Sa dami ng lalaking nakasalamuha niya sa mundo ng kapangyarihan at krimen, marami ang nagkakamaling isipin na ang lakas ay nakikita lamang sa laki ng katawan o lalim ng boses. Dahan-dahan siyang humakbang pasulong. “Yes,” malamig niyang sagot, malinaw at diretso. “And if you’re still doubting our capability, Lord Lorcan, then you’re already wasting your sister’s time.” Nanatiling tahimik si Lord Lorcan. Ilang segundo, ilang minutong tila sinadya, pinagmasdan niya silang dalawa na para bang tinatantiya ang bigat ng mga salitang binitawan ni Athena. Unti-unting tumaas ang sulok ng kanyang labi, hindi isan

  • ZEUS THANATOS (SB#1)   Kabanata 27 Lord Lorcan

    “Kyran Russo is dead,” sabi ni Azyl habang sinisilip si Athena mula sa gilid ng mata. “You killed one of the most wanted serial killers, Athena.” “He deserved it,” simpleng sagot ni Athena, hindi man lang umaangat ang tingin mula sa holographic screen habang tuloy-tuloy ang pagtakbo ng mga code. Tuloy ang paghahack niya sa US system, kalmado ang mga daliri, parang ordinaryong gabi lang ang lahat. Kahit hindi niya nakikita, ramdam niyang umirap si Azyl. At oo, totoo naman. Kyran Russo deserved to die. Matagal na niyang hinintay ang sandaling ito. Finally, he's dead. Unti-unti itong pinapatay ng lason at ngayong gabi, gaya ng inaasahan niya, bumigay na ang katawan ni Kyran Russo. Binibilang niya ang mga araw mula nang pumasok ang lason sa sistema nito. Tatlumpu’t dalawang araw ng paghihirap. Tatlumpu’t dalawang araw ng paranoia, ng unti-untin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status