Share

Zachariah Forb Rockefeller: A story of unconditional love
Zachariah Forb Rockefeller: A story of unconditional love
Author: Loveinyoung

Chapter 1

Prologue

Masayang umakyat si Alfonso sa silid ni Isabel, ang kanyang pinakamamahal na kasintahan. May dala siyang Rosas at tsokolate gaya nang dati niyang dinadala na talagang paborito ng dalaga. Sanay na siya sa tahanan ng mga Dela Vega kaya hinahayaan na lamang siya ng mga katulong na umakyat sa silid ng senyorita. Pasipol sipol pa niyang inilagay sa center table ng sofa ang mga dala niyang pasalubong ng dalaga.

"Sabel?" masayang tawag niya sa pangalan nito subalit walang sumagot.

Hindi alam ni Alfonso kung bakit nakaramdam siya ng kaba kaya hindi na siya nag aksaya pa ng oras agad niyang binuksan ang pintuan ng silid ni Isabel.

Napakuyom siya nang makitang magkayakap ang dalawa. Matagal na niyang alam na sa simula pa lang ay may gusto na ito sa nobya niya pero pinalagpas lamang niya lahat iyon dahil isa sa pinakamalapit na kaibigan niya si Rafael.

Hindi siya nakapagtimpi at sinugod nang malakas ng suntok si Rafael.

"P*****a ka! Papatayin kita! Papatayin kita Rafael!"

"Alfonso m-magpapaliwanag ako!" tarantang saad nito.

"Alfonso huwag mo siyang saktan!" sigaw ni Sabel pero hindi parin niya ito binitawan.

"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita! Itinuring kitang parang kapatid pero ito igaganti mo sa akin?! Anong klaseng Kaibigan ka at ginago mo ako!!"

Isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay sa mukha ni Rafael. Bumangon ito subalit hindi niya binigyan ng tsansang lumaban. Muli niya itong binigyan pa ng isang suntok na tumama sa panga nito at sinundan pa nang malakas na sipa.

"Anong ginawa mo sa girlfriend ko?! Huh!" nanggigil siyang kwenilyuhan ito. Ngumiti naman si Rafael kahit para na itong kumakain sa sarili nitong dugo dulot ng mga suntok ni Alfonso.

"Hindi mo pa ba alam?"

Napakunot ang noo niyang binitiwan ito.

"Anong..anong hindi ko alam?! Sabihin mo!"

"Ipinagpalit ka na ni Sabel sa akin, Alfonso. Alam mo ba kung bakit?" nakangising sabi nito sa kanya na mas ikinatindi ng galit niya.

"Ano?!"

"Dahil wala kang pera Alfonso. Hindi mo mabibigyan ng magandang buhay si Sabel pero huwag kang mag-alala dahil sinalo ko na lahat iyon!"

Isang mas malakas pa na suntok ang iginawad niya kay Rafael subalit mabilis itong nakailag sa suntok niya. Bumwelo ito at lumaban na rin ng suntok sa kanya. Natamaan siya sa panga na ikinadugo ng kanyang bibig.

" Alfonso tama na! M-magpapaliwanag ako!" umiiyak na harang sa kanya ni Sabel.

"Totoo ba?!" may panghinanakit na tinanong niya ang dalaga. Gusto niyang marinig mismo sa dalaga na hindi totoo ang mga sinasabi ni Rafael dahil mahal siya ng dalaga.

"P-patawarin mo ako, Alfonso patawarin mo ako kung binigo kita. P-patawarin mo ako pero kailangan ko nang putulin ang relasyong mayroon tayo ngayon," hagulgol na sabi ng dalaga.

"Niloko ninyo akong dalawa! Niloko mo ako! Isa kang taksil! Kailan pa huh, Sabel?! Kailan pa!" pumiyok ang boses ni Alfonso habang tinitignan ang nobya niyang ma emosyon siyang tinitignan.

"Akala ko iba ka sa lahat Sabel! Pero akala ko lang pala iyon dahil hindi pa pala talaga kitang kilala. Isa kang manloloko at malanding babae! Hinding hindi kita mapapatawad! Hinding hindi ko kayo mapapatawad kahit kailan!!!!"

Maliwanag ang buwan at makikitang masayang-masaya ang mga tao sa loob at labas ng mansion ng mga Dela Vega habang ipinagdiriwang ang kasal at binyag ng apo ng dalawang angkan ng Dela Vega at Mcmoran. Hindi alam ni Alfonso kung bakit nandoon parin siya nakatitig mula sa malayo, nakikisaksi sa kasiyahan sa kasal ng babaeng mahal niya. Wala pang isang taon simula nang mangyari iyon pero naroon parin ang sakit dulot nang pagtataksil sa kanya ng kasintahan at ng kanyang matalik na kaibigan. Wala nang mas masakit pa sa nararamdaman niya ngayong nakikita ang babaeng sobra niyang minahal ay sa iba magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Nakahalukipkip siya mula sa likod ng mga halaman sa pader na nakaharap sa balconahe ng isang silid sa second floor. Nakita niyang paakyat ang katulong nila habang karga-karga ang sanggol. Muli niyang tinignan ang mga masasayang ngiti ni Sabel habang kayakap Ang asawa nito na dapat ay sa kanya iyon ibinigay.

"Sisiguraduhin kung hindi kayo magiging masaya habang buhay. Ipaparanas ko sa inyo kung gaano kasakit ang ginawa ninyong kataksilan! Lalong lalo kana Rafael!"

Bago nawala ang anino ni Alfonso sa dilim ay isang malakas na impit nang d***g ang kanyang narinig mula sa mansion ng mga Dela Vega dahilan nang pagkahinto ng kasiyahan at napalitan iyon ng mga iyakan at sigawan.

Chapter 1

" Okay, Tita. I promise once I found her, ako na ang balaha sa kanya. Hindi ko muna siya pauuwiin diyan as long as na hindi siya magbabago. I will really teach her a lesson. I will call you for update." Dumilim ang expression sa mukha ni Zacahria habang kausap si Doña Isabel. Talagang tinupad talaga ni Silvia ang banta nito kahapon at hindi na siya na gulat dahil alam niyang tuso ang babae.

Napapikit siya nang maalala ang sagutan nila kahapon.

"Anong sinabi mo kay mommy at daddy?" nagtitimping sermon niya sa dalagang komportableng nakaupo sa swivel chair ng opisina niya habang nilalaro nito sa daliri ang ballpen. Nang-uuyam itong tumingin sa kanya. Napakataas talaga ng tingin nito sa sarili palibhasa pinalaki sa layaw kaya wala itong pakialam kung sino ang masasagasaan. Sarili lang ang lagi nitong iniisip.

"Nothing, I just told them about our engagement," nakangiting sabi nito na mas lalong nagpa init sa kanyang ulo. Ang kapal talaga ng babaeng ito para ipaalam sa lahat na ito ang gusto niyang pakasalan.

"Are you out of your mind!?"galit niyang sabi rito. " Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Para ipaalam sa mga tao na may gusto ako sa'yo? At sa lahat ng pwede mong pagsabihan sa magulang ko pa talaga? Really? At sino namang nagsabi sa'yo na papakasalan kita?" painsultong tanong niya rito.

Namutla ito sa sinabi niya pero agad ding nawala. Dumilim ang anyo nito.

"No Zacahria! Kahit ipagtabuyan mo pa ako wala kang magagawa kundi tanggapin ako. Dahil ako lang naman ang babaeng nakatakdang maging asawa mo!" nang-uuyam na sabi nito sa kanya.

" Mas pipiliin ko pa ang gumapang sa hirap kaysa mapangasawa ka. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumayag sa gusto mo Silvia! Dahil hindi ang katulad mo ang gugustuhin kong maging ina ng mga anak ko! So you should stop dreaming and get out of my office right now!" galit niyang pagtaboy sa babae.

" Oh, really? Well, tignan lang natin kung hindi ka papayag," makahulugang sabi nito." Pag-isipan mong mabuti ito Zacahria malaki akong kawalan sa'yo. Anyway aalis na ako may importante pa akong pupuntahan."

" Ano na naman ang kababalaghang ginawa ng future wife mo?" tanong ng kaibigan niyang si Peter na muling nagpabalik sa kanyang gunita. Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila ng ina ni Silvia.

Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan dahan-dahan siyang umupo at sinapo niya ang kanyang ulo. Humugot siya nang malalim na hininga at napasandal sa kanyang swivel chair.

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng iyon. Napaka immature kung mag-isip!"

" Bakit ano na naman ba ang ginawa niya sa'yo?" tanong naman ni Luke habang ngumunguya ng mani. Prente pa itong nakaupo sa sofa habang nakapatong ang mga paa nito sa center table.

Napabuga siya ng hangin. " She ran away this time. Naglayas sabi ni Doña Isabel. Nag-iwan pa siya ng note na hindi siya uuwi here in Manila as long as na hindi ko ipapaanunsyo sa publiko na magpapakasal na kami. Tignan niyo nga ang babaeng iyon! Napaka immature!" naiiling na sabi niya habang nag-iisip kung ano ang mga dapat gawin.

" Sakit talaga sa ulo ang babaeng iyon!"

Silvia Celeste Mcmoran was the only daughter of Doña Isabel and Don Rafael Mcmoran, he's parents' friend. Magkakilala na sila ni Silvia since childhood. Limang taon ang tanda niya sa dalaga. Maganda sana ito ngunit dahil nag-iisang anak at tagapagmana ng pamilyang Mcmoran ay sunod sa layaw ang dalaga. Masyadong malakas ang loob nito na ipaalam sa publiko na may relasyon silang dalawa at nakatakda para sa isa't isa. Nagpa interview pa ito na patay na patay siya sa dalaga. Like what the heck? Ang kapal talaga! Yes, she was very beautiful and sexy pero turned off naman siya pagdating sa ugali nito. Dahil sarili lang ang iniisip nito. Napakaatas din nang tingin nito sa sarili.

Last day lang ay pinuntahan nito ang mga magulang niya at sinabing engaged na raw silang dalawa. Tinawagan tuloy siya ng mommy niya at tinanong kung kailan ang kasal nila.

" Bro, ano ba kasi ang inaayaw mo kay Silvia? You know, she's very hot and sexy that no one can refuse. She's almost perfect, smart, rich...ano pa ba ang hinahanapmo?" nagtatakang tanong ni Luke sa kanya.

" Of course ayaw ko talaga sa kanya! Maganda lang siya sa panlabas but inside of her? Nah! I don't know kung may makakapagtiis ba sa ugaling mayroon ang babaeng 'yon. Super selosa, gusto lagi siya ang bida and spoiled. I need a wife, not a arrth!!--- Hindi ko talaga alam kung ano ang maaari kong gawin para lubayan na niya ako. Sasakit lang ang ulo ko kapag siya ang naging asawa ko! And besides wala pa sa vocabulary ko ang mag-asawa."

"Sounds horrible, Zacahria," natatawang sabat ni Peter.

" Gusto ko ako ang maghahabol sa babae. Iyong ako ang manliligaw hindi iyong halos ipaglandakan ang sarili para maging asawa ko. Ano ba iyan, laro?!

"So what's your plan now?" untag naman ni Luke.

" Maybe, I will hire someone to locate her. At kapag nahanap ko si Silvia——"

" You're gonna marry her?" putol ni Luke sa kanyang sinasabi habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

" No! Tatalian ko siya sa leeg at ihahagis ko siya sa ilog at nang hindi na siya makaperhuwesiyo ng mga tao!"

"Hayst, just a piece of cake alam mo naman ang mga ganyang mga babae Zach, kulang lang iyan sa ano alam mo na, hmmm," sabi nito habang nakangisi na alam niya kung anong ibig sabihin.

"I'm not like you Luke! Mas lalo pa akong pipikutin ng babaeng iyon kapag ikinama ko siya," sagot naman ni Zacahria sa kaibigan.

"Eh, di pakasalan mo na lang para matapos na!" sabat naman ni Luther na kakapasok lamang sa opisina niya. Mukhang alam na siguro nito ang tungkol sa problema niya.

" I haven't lost my mind yet para magpakasal ako sa ganoong klaseng babae. Tignan mo nga ang ginawa niya! Kapag may nagustuhan at hindi nakuha, maglalayas na lang? Ganoon ba klaseng babae ang gusto mong maging asawa ko? Baka hindi pa matapos ang isang taon mukha na akong matanda niyan!"

"Okay, relax. I won't say anything."

" Where will you look for her?" tanong naman ni Peter na mas lalong nagpagulo sa kanyang isipan.

" I have no idea. I have to call all her friends at baka may alam ang mga iyon," saad na lamang niya habang nag-iisip kung sino ang pwede niyang mapagtanungan.

Naiiling na pinagmasdan na lamang siya ni Peter, ang matalik na kaibigan na parang tumanda ng sampung taon sa edad nito. Hindi niya naman masisisi si Silvia kung nabaliw ito kay Zacahria nasa kaibigan na yata ang lahat ng katangian ng isang lalaki na pinapangarap ng isang babae. At kapag pumayag talaga ito na magpatali kay Silvia siguradong maraming babae ang iiyak.

" It's really good to see you again here, Olivia."

Mula sa pagmamaniho ay nilingon niya ang pinsang si Elisse na nakatitig sa kanya. Papunta sila sa isang party kung saan ay inimbitahan ito ng dating kaklase noong kolehiyo.

" Of course, Elisse. I really like staying here in Bacolod ang daming mga magagandang lugar na pwede kong pasyalan. At saka napakapresko ng lugar. Makakapagrelax talaga ako rito. Sa Canada kasi puro trabaho lang inaatupag ko at for almost 2 years na naging parte ako sa agency ni Dad? Ngayon lang ako nakapag unwind. Mabuti naman at naisipan ni Dad na magbakasyon dito sa Pilipinas," mahabang kwento niya kay Elisse habang ito ay nakatitig lamang sa kanya.

"W-what?" nakangiting tanong niya sa dalaga.

Nakita niya sa mga mata nito ang admiration. Ngumiti ito sa kanya at muling itinuon ang paningin sa labas ng daan.

"Nakaka insecure kasi ang kagandahan mo. Kahit wala kang nilagay na make-up sa mukha mo, napakaganda mo talaga Olivia. Samantalang ako halos taon -taon akong bumibisita sa clinic para magpa bleach ng balat at nagpapa schedule para sa skin care routine. But you? Wala akong masabi from head to toe perfect!" naiiling na sabi ng pinsan niya.

Natawa siya sa sinabi nito.

"Of course not. I'm not perfect. Maganda ang mga lahi natin pinsan at wala sa dugo natin ang pangit. Kaya huwag mong isipin na lamang ako sayo dahil pareho lang naman tayong maganda."

" I wish to be like you. Napakanatural, tapos astig na girly. Napaka fearless mo halos lahat ata kaya mong gawin."

"C'mon, sweety. Napakaganda mo ngayong gabi kaya huwag mo na akong bolahin pa, okay?"

Ngumiti lamang ito sa huli.

"Itabi mo lang diyan sa itim na gate," anito mayamaya. Inihinto niya ang kotse nito sa gilid ng itim na gate na itinuro sa kanya. Napuna niyang maraming mga magagarang sasakyan ang nakaparada sa parking lot. Mukhang big time ang kaklase nitong pinsan niya. Tinignan niya ang malaking mansion at napahanga siya sa desinyo nito. At kahit sa labas lang ito tignan nagsusumigaw ito sa karangyaan.

"Mukhang mga mayayaman ang lahat ng mga bisita rito Elisse," sabi niya sa pinsan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay mula sa labas.

" Sinabi mo pa, eh, halos lahat ng mga iyan ay mga anak ng kilalang negosyante sa Pilipinas. Ang iba pa nga sa murang edad eh, may sariling hinahawakang kompanya na."

Nang makahanap na sila ng maayos na parking area ay sabay na silang bumaba." Let's go, Olivia ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

Mas lalong namangha si Olivia nang makapasok sa loob ng mansion. Ang mga bisita ay parang nagpapatalbugan sa mga mamahaling alahas at mga magagandang damit na suot nila. Parang pinapakita nila na mayaman talaga sila.

"Hey, are you okay?" tanong ng pinsan niya.

"Yeah. Namangha lang ako sa karangyaang nakikita ko ngayon. Hindi kasi ako sanay dumalo sa mga ganitong okasyon. To be honest, Elisse, ito ang pinakaunang party na napuntahan ko for almost last 5 years. Lagi kasi akong nasa mission," naiiling pang pag amin niya.

"Don't feel uneasy, Olivia. You'll be fine here. Wala ka sa ibang bansa nasa Pilipinas ka, okay? And you looked very beautiful tonight," pagpuna nito ng pinsan niya na ikinangiti naman niya sa huli. " Napaka unfair naman kasi ng mundo. Ako na kahit anong effort na ang ginawa ko hindi parin tumalab. But you? Napaka effortless mo talaga pero sobrang nakakaakit. How did you do that?."

Natawa na lamang si Olivia sa komplimentaryo ng pinsan niya. Maganda naman ito hindi lang talaga nakikita nito ang kagandahang mayroon sa sarili nito.

"And you know, Olivia. Dapat hindi lang martial arts at mga kaso ang dapat nasa utak mo. Dapat bigyan mo rin ng panahon iyang sarili mo."

"What do you mean?" takang tanong sa pinsan.

" I mean, lumabas ka naman sa lungga mo. Tatandang dalaga kana talaga niyan. May boyfriend kana ba?"

" Nope. I'm happy being single."

" Naku! Eh, exboyfriend?"

"Hmmm.. actually meron but hindi naman gaanong seryuso 'yon."

" Naku! Huwag ka namang magpakaburo sayang ang ganda mo. Lumandi kanaman Olivia! Ilang taon kana nga, 25?"

"Yeah," napangiti siya sa huling sinabi nito. Parang ito pa kasi ang namomroblema sa status niya. Eh, ano ngayon kung single siya? Masarap kaya mamuhay ng wala kang inaalala araw-araw. Walang nakikipag kompetensiya sa mga oras at trabaho mo. At kung nakatadhana talaga siya sa pagiging matandang dalaga. Well, buong puso naman niyang tatanggapin iyon.

" Dapat maghanap ka ng boyfriend dito sa Pilipinas. Bakasyon mo ito diba?"

"Hmmm...I will try!" sabi na lamang niya sa pinsan para tantanan na siya nito. Hindi pa naman mawawala sa kalendaryo ang edad niya no!

" Elisse!!!!" Pareho silang napatingin sa tumawag ng pangalan nito.

"Hi, Brian,.. sorry medyo late." Nakangiting salubong naman ng pinsan niya sa lalaking tumawag sa pangalan nito na hula niya ay ito ang birthday celebrant.

"No, it's fine. Actually kakasimula pa lang naman ng party,eh," sabi nito na sa kanya nakatuon ang paningin nito. Nginitian naman niya ito.

"Ammf, Brian this is.. Olivia Rue Clementine, my first cousin." Pagpapakilala ng pinsan niya sa birthday celebrant na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa kanya.

"Hi, happy birthday," kaswal na bati niya rito na medyo natauhan na ata mula sa pagkatulala.

"Ohh..hello, it's very nice to know you and thank you for coming." Nakangiting ginagap nito ang kamay niya na pinisil pa sa huli bago binitawan.

"Wow!" natatawang sabi ng pinsan niya na halatang napansin nito ang pagkatigagal ng kaibigan nito kanina. "Come on, ipapakilala muna kita sa mga classmates ko, cous."

"Ammf, later na lang siguro, maglilibot muna ako sa buong mansion. Titignan ko lang if secured ang buong bahay. You know na sa mga ganitong party."

Napapadyak naman si Elisse at itinirik pa nito ang mga mata. "Hayst! Okay pero sumunod ka agad sa amin, ha?"

Nginitian na lamang niya ang pinsan habang ang kaibigan nitong si Brian ay nakakunot na ang noo.

Habang naglalakad ay inilibot niya ang paningin sa buong mansion. When she was sure there was no danger she decided to go on the bar. Inilibot niya ang paningin sa bawat mesa pero hindi niya nakita ang pinsan.

She noticed that the people there were glancing at her. Since she didn't have a gown that could be worn to such gatherings, Elisse just lent her one. Mas malaki siya kumpara kay Elisse kaya hapit sa katawan niya ang damit nito. Ngunit imbis na magmukhang suman ang kanyang itsura ay mas naging sexy pa ang dating ng damit noong suot na niya. Her dress is velvet red that reaches up to her knees. The fabric is made of soft class so when she walks, the dress follows every movement of her hip. The dress is halter type so half of her back was exposed. Hinayaan din niyang nakaladlad ang kanyang long wavy blonde hair which giving her more seductive look.

Napakunot ang noo niya nang mapansin na sa kanya parin nakatutok ang mga mata ng mga bisita.

Ano bang nangyayari?

Bakit sa kanya nakatingin ang mga tao?

May mali ba sa suot niya?

Bawal ba ang mga katulad niya na pumunta sa party?

Invited naman siya, ah!

Deretso ang lakad ni Olivia at hindi binigyang pansin ang mga matang nakasunod sa kanya. Dumeretso siya sa bar at nag order ng wine sa waiter.

" Do you have Champagne?" tanong niya sa bartender na naroon. Ilang sandani muna itong natulala bago siya binigyan ng alak. At kahit may iba itong kausap na bisita ay pabalik-balik parin ang tingin nito sa direksyon niya. Itinirik niya ang kanyang mata paitaas, halatang naiinis na siya sa mga ka-weird-duhan ng mga tao sa lugar na iyon. Wala naman atang dumi sa mukha niya ah, para makatingin ito sa kanya ay parang hindi siya tao. Nang mapansin niyang nakatitig parin ang bartender sa kanya ay sinita niya ito.

"You, what are you looking at? Do I have dirt in my face?" masungit na tanong niya sa lalaki na ngayon ay para itong natauhan dahil hindi na ito makatingin sa kanyang gawi.

"Wala naman po ma'am. Nagagandahan lang naman po ako sa Inyo," sagot nito.

"Well, I don't need your compliment!" sabi niya na may halong pagkairita sa tono.

"Wow! Look who's here."

Napatingin siya sa bagong dating na lalaki. Umupo ito katabi sa high stool malapit sa kanya at umorder din ito ng wine. Hindi niya alam kung siya ba ang kinakausap nito o hindi. Pero silang dalawa lang naman ang nandoon kaya napakunot ang noo niyang tinignan ito.

"Are you talking to me?" masungit niyang tanong sa lalaki.

"Of course, sino pa ba eh, tayong dalawa lang naman ang nandito," sabi nito habang may nakakalokong ngiti sa labi.

" Akala ko ba, hindi ka magpapakita hangga't hindi pumapayag si Zacahria na magpakasal sayo? Oh, come on Silvia, ganyang kaba talaga ka desperada?" sarkastikong sabi nito sa kanya.

" Sorry? I think you mistook for someone, excuse me?". Dali-dali siyang tumayo upang umalis. Subalit nahawakan nito ang kanyang braso kaya mabilis niyang naiwas ang sarili. Nakita niya ang pagtataka sa lalaki. " I'm not.. SILVIA!"

" Wait, Silvia..." Papalabas na siya sa bar nang hawakan siyang muli ng lalaki sa braso niya. Awtomatikong umigkis ang kamay niya sa mukha ng lalaki at pinilipit ito sa leeg. Kung may baril lang siyang dala ay baka nabaril na niya ito sa sobrang inis.

"Damn! Shit! Silvia! Let go of me!" habol hiningang sabi nito.

Binitawan naman niya ito sa pasalyang paraan. Galit na hinimas-himas nito ang leeg mula sa pagkapilipit ng braso niya.

" For the second time, I am not Silvia! So don't ever call me that name again!" sabi niya bago ito tinalikuran at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Tatawagan na lamang niya si Elisse na nauna na siyang umuwi. Naguguluhan na siya sa mga pangyayari.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse niya nang may tatlong babae ang lumapit sa kanya.

" Oh, my God! Is that really you, Silvia? Anong ginagawa mo sa party ni Brian? The last time I checked I saw you sa Baguio. Nagbago naba ang isip mo?" tanong nito sa kanya na nagpadagdag na ngayon sa kanyang kuryusidad.

Hindi sana niya papansin ang mga ito nang humarang ang isa sa kanya.

"Well, it's really good to know that you changed your mind."

"Sa anong paraan nagbago ang isip ko?" naiiritang tanong niya sa mga ito.

"Well akala kasi namin na hindi ka talaga magpapakita kapag hindi pumayag si Zacahria sa kasal ninyo," natatawang sabi nito. Nainsulto siya sa mga sinabi nito.

" Look at you! Mukhang hiyang ka sa bakasyon ah! Tignan mo ang katawan mo. Fit na fit. Nagpa surgery kaba or nag pa body enhance ka lang? And your hair style? " puna nito sa kanya.

" Excuse me, I don't know what you are talking about. I have to go."

Iniwan niya ang mga ito at binuksan ang kotse. Gulong-gulo na talaga siya. Who is that fucking SILVIA!!!! Maaaring magkahawig ba sila ng babaeng iyon?

Hindi mapakali si Olivia sa pag-iisip tungkol sa Silvia na iyon. Impossible namang may kapareha siyang mukha! Nakatulugan na lamang niya ang isiping iyon.

"Are you sure? Baka namamalikmata lang kayo?" tanong ni Zacahria sa kanyang kaibigan. Nasa Chateau Al Fresco Restobar sila, isang exclusive bar sa Bacolod na pagmamay-ari ni Peterson Winrey Ford. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang babaeng sakit ng kanyang ulo.

"Oo, pare, sigurado ako. Nilapitan ko pa nga siya. Kaya lang itinanggi niyang hindi siya si Silvia. At nakakapagtataka rin ang mga kilos niya parang sanay na sanay siya sa martial arts. At kung makapagsalita pa siya ang astig ng dating pero sexy!" kwento ni Luke na umani nang tawanan mula sa iba pa nilang kasama sa mesa.

"Niloloko mo naman kami Like eh. Hindi marunong si Silvia ng martial arts. Puro bunganga lang iyon kapag nakikipag-away," sabi naman ni Zacahria na hindi parin naniniwala sa kwento ng kaibigan.

" Hindi, totoo talaga. Pero malay naman natin, alam niyo na si Silvia baka nag-aral 'yon ng martial arts. Hindi lang natin alam," naniniguradong sagot naman ni Luke.

" Wews. Paano ba iyon mag-aral ng martial arts eh, puro shopping at pagpapaganda lang ang alam ni Silvia," sabat naman ni Peter.

"Naku, bahala nga kayo diyan kung ayaw ninyong maniwala sa akin. Basta si Silvia talaga 'yon. Siya lang naman ang nagtataglay ng ganoon kagandang mukha, depende na lang kung may kakambal siya. May kakambal ba si Silvia, Zach?" tanong nito kay Zacahria.

" Nope, nag-iisang anak lang siya," kampanteng sabi naman ni Zacahria sa kaibigan habang iniisip kung totoo ba talaga ang mga sinabi nito tungkol sa pagbabago ni Silvia.

"So, siya nga talaga iyon," pagsang-ayon naman ni Luther.

" Nakita mo ba kung saan siya umuwi after ng party, Luke?" tanong naman ni Peter kay Luke dahil pati rin ito ay hindi naniniwala sa mga sinasabi ng kaibigan nila.

"Hindi ko na siya nakita pa pagkatapos nang pagsakal niya sa akin. Ang bilis ng kilos niya, eh! Pero isa lang ang napansin ko sa kanya ng gabing iyon," sabi nito habang may iniisip.

"Ano naman iyon?" seryusong tanong niya sa kaibigan habang tumutungga ng wine.

" Gumanda siyang lalo tapos ang katawan niya, I can't imagine but she looked sexier than before. She looked more seductive. Parang mas lumaki ang boobs niya tapos bilog na bilog ang puwet." Hindi nakapagpigil si Luther binatukan na talaga niya si Luke sa ulo.

"Huwag ka ngang manyak d'yan, Luke! Seryuso ang problema ni Zacahria rito," naiinis na sabi ni Peter.

"Oo na. Hindi ko lang talaga makalimutan, eh. At para namang may iba pang nakikitang lalaki si Silvia bukod kay Zacahria Forbs Rockfeller, the most eligible millionaires," sabi nito habang iwinagayway ang kamay sa ere.

Naiiling na lang siya sa kakulitan ni Luke. Sa kanilang sampu ito talaga ang pinakamakulit sa lahat ng kaibigan niya. May pagka corny kasi ito at minsan naman ay may pagka childish. Pero ito ang pinakamasama kung dark side ang pag-uusapan. Wala itong pinakikinggan kundi sarili lamang nito. Kilala rin ito bilang isa sa batikang negosyante sa buong Asya. Si Luke ang pinakabata sa kanila, at si Luther naman ang pinakamatanda kaya hindi na kailangan pang itanong kung bakit matured itong mag-isip. Si Peter naman ang pinakaseryuso sa kanilang lahat. Kung si Luke ay parang damit kung magpalit ng babae ito naman ay pihikan, loyal ito sa isang babae lamang. Lahat sila may kaniya-kaniyang direksyon sa buhay subalit hindi iyon hadlang sa kanilang pagkakaibigan. Kilala rin sila sa the most eligible bachelors na milyonaryo sa Asya at sa ibang bansa. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming mga kababaihan ang naghahabol sa kanila dahil bukod sa perpektong katangian ay mayaman sila pagdating sa pera.

"So anong plano mo ngayon, Zach?" tanong ni Peter sa kanya.

Napatingin siya sa kaibigan. "Hindi ko alam kung tatalab ba itong plano ko gayong tatlo lang tayo ngayon."

"Tawagan natin sila para kompleto tayong lahat," komento ni Luther sa kanya.

" Nasa Dubai si Rhod at Rhad, umuwi naman ng Davao si Kevin, at si Baroon naman nasa operation sa Mindanao hindi iyon basta-bastang makakauwi. Si David naman hindi ko alam kung nasaan pero sa pagkakaalam ko nasa Mindoro hinahanap ulit si Daniella pagkatapos ng break up nila."

" How about Charlie and Frank? Nasaan naba ang dalawang 'yon?" tanong naman niya habang nag-iisip ng plano kung paano nila makuha si Silvia.

" I don't know. Tawagan mo na lang."

"Wait! Bago nga kayo gumawa ng mga plano ninyo d'yan, ang tanong saan natin maaaring makita si Silvia?" tanong ni Luke na ikinatigil nilang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status