Share

Chapter 2

" Kumusta ang unang linggo mo rito sa Bacolod, anak?"

Kasalukuyan siyang nagkakape sa veranda nang marinig niya ang boses ng Daddy niya mula sa loob ng bahay. Pababa ito ng hagdan at inaayos ang botones ng polo shirt nito.

"I really like here, Dad. Napaka presko ng hangin, tahimik ang lugar at masarap ang mga pagkain nila rito. Thank you for bringing me back here Dad," madamdaming sabi niya sa ama.

" Mabuti naman at nagustuhan ninyo ang Bacolod at pati na rin ang kapatid mo parang ayaw na rin umuwi sa Canada." Napabuntong hininga ito habang tinataw ang tubuhan at mga puno ng niyog na nakikita mula sa bahay ng tiya Miranda niya, ang Ina ni Elisse.

Speaking of Elisse mula kagabi ay hindi pa niya nakikita ang dalaga. Tulog pa raw ito dahil sa hang over sabi ni Yaya Seding.

" Tita Andrea also, Dad nagustuhan niya ang Bacolod. Actually she planed to buy some properties here," dagdag niya na ikinatigil ng Daddy niya. Si Tita Andrea ang asawa ng Daddy niya.

Ayon sa kwento, namatay ang ina niya dahil sa isang trahedya nabangga ang kotse nito habang nagmamaneho kaya mag-isang pinalaki siya ni Alfonso Clementine. Dalawang taon siya nang nag-migrate sila sa Canada matapos itong matanggap sa isang agency. Pitong taon na siya nang mag-asawang muli si Alfonso at nagpakasal kay Andrea Ricaforte. Mabait naman ang babae at itinuring siyang tunay na anak nito. Labinlimang taon siya bago ipinanganak si Elizar ang kapatid niyang lalaki. Hindi kailanman siya tumutol sa desisyon ng ama na mag-asawa itong muli. Simula kasi nang mag-asawa ito ay lagi na itong masaya at masigla. Hindi na ito nag-iinom at maaga nang uuwi. Malaki ang ipinagbago ni Alfonso simula nang dumating si Andrea sa buhay nila dahil nakalimutan na ng lalaki ang nakaraan.

Nagkakilala sina Alfonso at Andrea sa Toronto, Canada. Isang accountant sa bangko si Andrea at isang consultant sa law firm si Alfonso bago ito na hired bilang FBI agent. Maraming nakakilala sa Daddy niya dahil sa husay at galing nitong humawak ng kaso. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit pinasok din niya ang mundo ng law at nagpakadalubhasa sa paggamit ng mga armas.

"Dad, would you allow me to stay here atleast two months? Gusto kong mag unwind dito and visit Boracay Island maganda raw doon sabi ni Elisse," sabi niya sa ama nagbabakasaling payagan siyang magbakasyon.

Nilingon siya ni Alfonso at nabasa niya sa mukha ng ama ang pagtutol sa desisyon niya.

" Oh, come on, sweetheart mas marami pang magagandang lugar sa Canada kaysa rito sa Pilipinas. At saka may trabaho pang naghihintay sa'yo sa Canada."

" Sawa na ako sa Canada Dad. Ayaw mo ba sa lupang sinilangan mo?" naiiritang tanong niya sa ama.

" Huwag mong painitin ang ulo ko, Olivia!" Tumaas na ang boses nito na labis niyang ipinagtataka. " You're coming with me!"

" Dad! Masyado ko nang ikinulong ang sarili ko sa trabaho. At saka ano pa ba ang kinatatakutan mo? Hindi na ako bata Dad. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Ngayon lang naman ako humihingi ng oras para makapag pahinga. So please?"

Napapikit si Alfonso at huminga nang malalim.

"Okay, kung iyan ang gusto mo mag file ka ng leave para ipaalam ko sa agency na mawawala ka muna ng 6 months. But.. there's a but sweety, dalawang buwan ka lang dito sa Pilipinas and after that pagbalik ko sasama kana sa akin. Is that okay?"

" May magagawa pa ba ako?" kibit balikat niyang tugon sa sinabi ni Alfonso.

" Huwag kang basta-bastang gagala ha? Dapat kasama mo lagi si Elisse at magpapaalam kayo kay Tita Miranda mo, maliwanag? Para hindi siya atakehin sa puso paggumalaw na naman iyang paa mo at malaman na lamang niyang nasa Mindanao kana pala."

Tumawa na lamang siya sa ama bilang tugon sa pagsunod niya sa mga habilin nito. Sa edad niyang twenty five ay mahigpit parin ito sa kanya. Naalala pa nga niya noong highschool days sumama siya sa kanyang mga kaklase para sa school projects nila at hindi siya nakapag paalam sa daddy niya. Nagpa announce talaga ito sa media na nawawala siya at kung sino man daw ang makakita sa kanya ay bibigyan ito ng pabuya. Simula noon hindi na siya sumasama sa mga kaklase niya. Sinarili na lamang niya ang mga projects niya nang sa ganoon ay hindi na mabaliw sa paghahanap ang kanyang daddy.

" I'm serious, Olivia huwag kang ngumiti lang diyan na parang may binabalak ka namang magpapasakit sa aking ng ulo."

" May naalala lang ako, Dad."

" Okay then..aalis na mun ako may kikitain lang akong kaibigan."

Tinanguan lamang niya ang ama habang ngumunguya ng fresh salad na gawa ni Tita Miranda. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nag-iisip ng mga lugar na pwede niyang puntahan.

" WELCOME TO LAKAWON ISLAND!!!! An emerging destination in Cadiz that boasts of powdery cream sand and denim blue water." Iyon agad ang bumungad kay Jaeya pagbaba niya sa kanyang kotse. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng resort.

"I think mag e-enjoy ako rito," nakangiti niyang sabi at tumawag ng bellboy para kunin ang mga gamit niya sa kotse. Nakangiti siyang sinalubong ng mga tourist guide sa resort at nginitian din naman niya ang mga ito. Nakakatuwa talaga ang mga kapwa pinoy dahil kahit halatang pagod na sa trabaho ay nakuha parin nilang ngumiti.

" Room 508 ma'am. Welcome to LAKAWON ISLAND I hope you will enjoy your vacation here po."

" Salamat."

Zacahria's POV

Pabalibag na inihagis ni Zacahria ang maleta sa kamang inuukupa niya sa hotel. Ayaw sana niyang mag unwind pero hindi talaga siya tinantanan ni Lukas. Birthday kasi nito bukas at dito sa LAKAWON ISLAND ang napiling venue ng birthday celebrant.

"Oh! Akala ko hindi kana pupunta?" tanong ni Luke sa kanya.

" Sana nga eh, dahil marami pa akong trabahong iniwan sa office," sagot naman niya sa kaibigan habang tinatamad na umupo sa sofa.

" Grave ka naman Zach, ang sabihin mo hinihintay mo talagang lumabas ang ran away bride mo," natatawang sabi nito sa kanya.

"Anong ran away bride? Sira ulong tao lang ang papayag na magpakasal sa babaeng iyon," galit na sabi niya.

" Kaya nga inimbitahan kita rito para naman ma relax mo iyang utak sa kakaisip diyan kay Silvia. Masyado nang mataas ang dugo mo sa problemang iyan."

Napabuntong hininga siya sa tinurang iyon ng kaibigan at ipinikit ang mga mata habang nakaupo sa sofa. Pagod na pagod na talaga siya sa kakaisip diyan kay Silvia.

" Oh, siya maiwan na muna kita pare, susunduin ko pa si Appe," sabi nito na ikinakunot ng noo niya.

"Who's Apple?" takang tanong niya rito.

" My secretary," simpleng sagot naman nito at kinindatan siya.

Napasipol siya sa sinabi nito. " You mean your sexytary?.. napakasipag mo talaga pare," napapailing siya sa pagkindat nito sa kanya.

"Yeah sexytary pare, pero mas mabuti na lang siguro na mag sex toy na lang ako kaysa babaeng iyon. Napaka ubod nang sungit," nakasimangot na sabi ni Lucas.

" Akala ko ba tatalab ang charmings mo sa lahat ng mga babae. May umaayaw pala?"

" Biruin mo pare, ako na mimso ang nagpapakita ng motibo na gusto ko siya pero ayaw parin? Hinubad ko na talaga ang damit ko para landiin siya, ang tigas parin!"

" Parang natamaan kana ata niyan, Lucas!"

Nagkibit balikat lamang ito at nagpaalam nang umalis. Napabuntong hininga naman siyang tinignan ang cellphone kung sino ang tumatawag. Si Doña Isabel.

"Hello, Zacahria kumusta na, iho? May update kana ba kay Silvia?" agad na tanong ng Doña sa kanya.

"Ammh..wala pa po sa ngayon Tita. Tinawagan ko na rin lahat ng mga kaibigan niya pero kahit isa sa kanila ay walang alam. Hindi rin nila ma contact si Silvia at naka deactivate lahat sa mga social media accounts niya."

Narinig niyang napabuntong hininga ito sa kabilang linya. Pagod na rin siguro ang ina nito sa kakahabol sa kanyang anak.

"Iho, alam kong hindi mo gusto ang anak ko pero matututunan mo rin siyang mahalin, hindi ba?"

" Tita, alam naman po ninyo kung gaano kahalaga sa akin si Silvia, parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya pero sana'y maunawaan ninyo ang sitwasyon ko. Hindi ako mangangako sa inyo na tutuparin ko ang kagustuhan ni Silvia pero makakaasa po kayong hahanapin ko ang dalaga at ibabalik ko siya sa inyo," matatagag niyang sabi sa matanda. Alam niyang hindi nagustuhan ng matanda ang kanyang sagot pero iyon ang nararapat niyang gawin. Ang hindi ito dapat umasa na papakasalan niya ang anak nito.

" Pakiusap, iho, pagbigyan mo na si Silvia. Ikaw lang talaga ang susundin ng anak ko. Alam kong ikaw ang makakapaglambot sa kanya. Ako na mismo ang magmamakaawa na pakasalan mo siya."

"Tita, kasal po ang pinag-uusapan dito. Papayag po ba kayong makasal ang anak ninyo sa lalaking hindi siya kayang mahalin? Kapag susundin ko ang kagustuhan ni Silvia mas lalo lang po na lalaki ang ulo ng anak ninyo. At hindi pa po ako handa sa pag-aasawa kaya pasensya na po,tita, pero hindi ko kayang pakasalan si Silvia."

Alam niyang nainsulto ang Doña sa kanyang huling sinabi pero hindi pwede na pati siya magpakaalipin sa anak nito. Alam niyang may gagawing hakbang ang matanda at kung ano man iyon kailangan niyang mag-ingat at hindi magpadalos-dalos sa mga desisyon niya. Alam niya kung gaano katuso ang mag-asawang Mcmoran at iyon ang kailangan niyang paghandaan.

Kasalukuyang tumutungga ng wine si Zacahria nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Nilingon niya ito, it's Georgia one of his ex girlfriend at hindi na siya nagulat nang bigla itong kumandong sa kanya. Napasipol naman ang mga kaibigan niya, napahiyaw naman si Peter at kinindatan pa ang babaeng nakakandog sa kanya na ngayon ay humarap na sa kanya paupo.

"Hi, Zach kumusta?" sabi nito habang nilalaro nito ang necktie niya.

"I'm good," sarkasto niyang sagot sa babae.

Napabuntong hininga siya nang pumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Hindi siya manhid kung anong gustong mangyari ni Georgia, of course gusto nitong maglaro sila ng apoy sa kama. She was her ex 5 years ago, not totally girlfriend dahil kahit sino lang naman ang lalaking nakakarelasyon nito at ganoon din siya. It's just a plain sex dahil nagkikita lang naman sila kung pareho nang uhaw ang katawan nila. Minsan nga pumupunta lang ito sa opisina niya para magparaos then after that wala na.

"Well, I'm not Zach, namis kita masyado hindi na kasi kita mahanap sa office mo dahil lagi kang busy o binalaan mo lang talaga ang secretary mo na huwag akong papasukin?" sabi nito habang nakataas ang kilay.

Georgia is half spanish blood, kaya hindi mo maikakaila kung bakit maganda ito. She's too hot and sexy kaso nga lang hindi ito marunong makontento sa isa.

Napataas ang kilay ni Zacahria nang maingat nitong tinanggal ang mga botones niya. Mukhang naiinitan na ata ang babaeng ito.

"Stop that, Georgia hindi ako game sa gabing ito. I'm sorry." Napahiya ito saglit nang tinanggal niya ang mga kamay nito sa dibdib niya. Inayos niya ang sarili at tumayo.

" What's wrong bhabe? Okay kung ayaw mo rito.... ," malanding sabi nito habang tumayo ito at hinahalikan siya sa batok. " Call me nasa room 507 lang ako."

"Tsk. Dream on Georgia but I won't come. Nauumay na ako sa'yo,so just leave bago pa ako may magawa na pagsisihan mo sa bandang huli," matigas niyang sabi sa dalaga na ikinabigla nito pero umalis narin sa huli.

"Wow..what was that, pare?" natatawang tanong ni Lucas sa kanya. "Dati lagi kang game kay Georgia and now para kanang tatay na kung makatanggi ng babae ay may kinatatakutang asawa."

" Meron naman talaga kaso hindi nga lang niya mahanap. Naku pagnakita lang ni Silvia kung paano kumandog si Georgia sa'yo? Ewan ko na lang kung may mukha pa iyong ihaharap sa madla," napapailing na sabi ni Peter.

"Speaking of Silvia, looks who's coming here?" biglang sabi ni Lucas.

Lahat sila napatingin sa banda kung saan nakatingin din doon si Lucas. It's Silvia walking towards their direction. She was wearing fit faded ripped jeans and a simple white halter crop top. Napakasimple lang ang dating ng dalaga pero nag-uumapaw parin ang kagandahan nito n halos lahat nang madaanan ni Silvia ay napatingin sa kanya. Bumagay din sa dalaga ang blonde nitong buhok na maalon. Maganda naman talaga ito mula pa noong mga bata pa sila pero ngayon lang talaga siya na attract sa kagandahan nito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang tumingin ito sa direksyon nila. Mas maganda pala itong kapag walang make up na nakalagay sa mukha. Pero napakunot ang noo niya nang ma realized ang suot ng dalaga. Nanibago siya sa awra nito dahil ang Silvia na nakilala niya ay hindi nagsusuot ng jeans ,lagi itong naka skirt o kaya ay mga pang sosyal na kasuotan ng mga babae. Hindi rin umaalis si Silvia na hindi nakapag parlor o kaya nakapagpaayos ng buhok. Pero ibang Silvia ang nakita niya ngayong gabi.

Kinawayan ito ni Luke at Peter pero laking gulat niya nang hindi ito pinansin ng dalaga. Deretso lang ang lakad nito na parang hindi sila nito nakita. Normal lang din ang kilos nito. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Tatayo na sana siya para habulin ito pero naunahan siya ni Peter. Sinundan nito ang dalaga at hinila sa kamay. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito kung kaya ay napasunod narin siya sa direksyon ng dalawa.

"Excuse me?" magalang na sabi ng dalaga.

" Silvia..alam mo bang hinanap ka na ng mga magulang mo?"

" Look, mister. I am not Silvia so stop calling me that name. Now, I'm giving you a seconds para tanggalin iyang kamay mo na nakahawak sa braso ko," matigas na sabi ng dalaga na halatang nagtitimpi ito sa galit.

"Kung ano mang laro ito, please itigil mo na Silvia!"

" Ano bang nangyayari sayo? Nawalan ka ba ng memorya dahil hindi mo na kami maalala?". Napalingon ito kay Lukas na katabi lamang niya. Napansin niya ang iritasyon nito sa mata nang makita si Lukas. Inis na tinanggal nito ang kamay ni Peter pero matalas ang mata ng binata hindi nito binitawan ang dalaga.

" Ikaw na naman?" galit na sabi nito kay Lukas. " Uulitin ko, hindi ako si Silvia! I am warning all of you..bitiwan..ninyo ...ang...kamay...ko!"

" We are tired of your games Silvia," nagtitimping sabi ni Luther na kanina lang pala nakatingin sa direksyon nila na ngayon ay nakilasali na rin. " Bro, pakasalan mo na kasi nang sa ganoon ay titigil na ito sa kalokohang ginagawa nito. Masyado nang matigas ang ulo!"

Dahil sa sinabi ni Luther ay nabaling sa kanya ang atensiyon nito. Nakatitig ito nang masama sa kanya. And the moment na nagtama ang kanilang mga mata ay nakaramdam siya ng isang bagay na hindi niya alam kung paano ipaliwanag. Kung ano man ang bagay na iyon ay hindi muna niya aalamin ang importante ay nahanap na niya ang dalaga.

" Ikaw ba ang boss nila?" painsultong tanong nito sa kanya na mas lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Totoo bang hindi ito si Silvia o magaling lang talaga itong magpanggap. "Please tell those fucking boys of yours na lubayan na ako. Let me pass kung ayaw ninyong magkagulo tayo rito," matapang na sabi nito sa kanya at paisa-isang tinignan ang mga kaibigan niya na parang naghahanda kung may aatake sa kanya.

Hindi siya makasagot agad nanatili lang siyang nakatulala rito bagay na kinaiinisan niya sa sarili. Dahil nasa harap na niya ito pero hindi siya makagalaw.

Nang mapansin ng dalaga na walang gumalaw sa mga kaibigan niya ay alerto itong gumalaw at mabilis na tumalikod. Subalit agad itong nahawakan ni Luther pero hindi nila inaasahan ang kasunod na pangyayari bigla nitong sinalya si Luther and with one quick move, umigkis ang kamay nito sa mukha ni Luther. Hindi iyon napaghandaan ng kanyang kaibigan kaya nawalan ito ng balanse. Gumalaw si Peter para sana pigilan ang dalaga subalit mabilis na nasuntok si Peter sa sikmura. Napaigik ang binata dahil sa sakit. Napaatras naman si Lukas nang sa kanilang direksyon ito pumunta. Handa na sana siyang gapusin ito gamit ang necktie niya nang bigla nitong sinalya ang lamesa nila. Masyado itong matalino at halatang sanay na sanay sa bakbakan. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? Wala pa ngang isang buwan itong umalis natuto na agad sa combat?

" How many times do I need to tell you! I am not Silvia for fuck sake?! So please leave me alone and stop ruining my day! I am Olivia Rue Gomez Clementine!"

Ilang sandali pa bago sila natauhan mula sa pagkabigla. Hindi sila makapaniwala sa lahat nang nasaksihang ginawa ni Silvia. Ibang iba na ito ngayon at sa tingin niya kailangan nilang pagplanuhin nang maayos kung paano madakip ang dalaga.

"Tang-ina, bro! Ang sakit ng mukha ko!" hinihingal na sabi ni Luke kay Zacahria. "Magkakalimutan na talaga tayo Zacahria kapag wala ng babaeng magkakagusto sa akin nito," seryusong saad ni Lukas na inismiran lang ni Zacahria at binigyan ng ice para sa matang namamaga nito.

Tumayo siya at lumabas. Kasalukuyan silang nasa private beach ni Peter kung saan doon din niya iniwan ang yate. Balak niyang dalhin ang babae sa pribadong island na malayo sa kabihasnan. Gusto niyang kastiguhin at turuan ito ng leksyon.

Napaupo siya sa bench ng yate at nakatanaw sa malawak na karagatan. Tinignan niyang muli ang kwarto ng private yatch niya mula sa labas kung saan inilagay nila ang babaeng nagpapanggap na hindi si Silvia.

Malamig ang ihip ng hangin na dumampi sa kanyang balat. Napapikit siya hindi dahil sa nanghihina siya kundi dahil sa nasaksihan kanina. Hanggang Ngayon hindi parin siya makapaniwala sa nagawa ni Silvia. Masyadong malakas ito kumpara sa kanila.

Anim sila kanina na nagtutulungan para makuha ang babae subalit masydong matalas ito at parang sanay sa bakbakan. Ilang oras din nilang pinagplanuhan ang gagawing pag-kidnap kay Silvia. Nagpa as if silang umuwi na pero nasa labas lang sila inaantay nila kung kailan lalabas ang babae. Nakahanda sila at nakapwesto sa parking area na walang gaanong tao. Subalit naispatan nito si Luke at alerto itong luminga sa paligid at parang alam nito na nagtatago lang sila sa dilim. Palpak ang plano nila kaya isa-isang lumabas ang mga kaibigan niya at dahan-dahang nilapitan ang dalaga maliban lang sa kanya. Nasa likod siya ng kotse nakahanda ang sarili para sa gagawing krimen sa dalaga. Wala siyang balak na gawin iyon pero no choice sila.

Hindi pa nga nakalapit ang lima niyang kaibigan ay nakatanggap na ng flying kick sina Peter at Luther, pagkatapos ay mabilis itong bumaling sa likod at isang malakas na suntok ang pinakawalan nito sa mukha ni Luke. At sunud-sunod na ang ginawang pag-atake ng babae sa kanila. Totoong naglalaro sila minsan ng boxing at taikwando subalit iba ang bilis at kilos ng babae. Hindi nila napaghandaan iyon kaya ilang minuto lang ay lugmok na sa lupa ang mga kaibigan niya.

" Hindi talaga kayo marunong magtanda, ano!" Galit nanmay himig na pang-iinsultong sabi nito sa kanilang lahat bago tumalikod at binagtaas ang daan patungo sa kotse nito.

Iyon ang pagkakataong hinintay ni Zacahria bago siya tumayo at dahan-dahang nilapitan ang nakatalikod na dalaga. Bago pa nito mabuksan ang kotse ay niyakap niya ito agad, pagkatapos ay tinakpan ng panyon ang ilong nito. Subalit hindi ganoon kadali talunin ang dalaga nakatanggap pa siya nang tadyak sa paa. Nagpambuno pa silang dalawa, totoong nahihirapan siya dahil masyadong malakas ang mga kamay nito. Pilit nitong inaalis ang kamay niya sa ilong nito subalit determinado na siyang gawin iyon kaya nagtagumpay si Zacahria sa laban. Ilang minuto lang ay bumagsak na ang katawan nito sa lupa.

" What's your plan now, Zach?"

Napatingin siya kay Peter na papalapit sa kanyang kinaroroonan may bandage ito sa kaliwang balikat at may pasa sa panga. Sa tingin niya ay napuruhan ata ang kamay nito dahil sa malakas na pagkabagsak nito kanina sa lupa.

"Dadalhin ko muna siya sa isla para hindi na siya makatakas pa." May private resort ang pamilya niya sa Bacolod na malayo sa kabihasnan doon niya dadalhin ang dalaga. Siguro naman ay titigil na ito sa pagpapanggap na ibang tao.

"Si Silvia ba talaga 'yon? Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa atin kanina. Saan ba siya nag-aral ng martial arts?" kunot-noong tanong naman ni Luther na ngayon ay nagsuot na ng jacket nito.

" Aalis na kayo?" tanong niya sa kaibigan.

"Oo pare, baka magising pa iyong future fiance mo panibang pasa na naman matatamo ko riyan," napapailing na sabi nito sa kanya.

Tinanguan na lamang niya ito.

"Sigurado kana ba sa balak mong pag kidnap d'yan? Baka mamaya pag nagising 'yan sasakalin ka sa leeg."

" I can handle this. Si Peter ang maghahatid sa amin doon I will use my chopper kapag okay na or else tatawagan ko kayo," sabi ni Zacahria sa mga kaibigan niya bago ito umalis. Ibinigay niya kay Luther ang susi ng kotse niya at iilan pang mga gamit na kakailanganin nito sa opisina habang wala siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status