LOGIN"Nay, Tay, Janna, Karina?" sigaw niya ng mapansing sobrang tahimik ng buong bahay nila. "Nasaan kaya silang lahat?" nagtatakang tanong nito. Napaupo siya sa sofa at naghihintay kung may papasok o dadating ba. Pero ilang minuto na siyang naghihintay sa mga ito kaya naisipan niyang kumain na lamang mag-isa. Diretso siya ng kusina at nakita niya ang gga seafoods na paborito niya na nakatakip pa. Kaagad siyang nagutom nang malanghap ang amoy nito. "Ang sarap!" usal niya habang isa isang binabalatan ang hipon sabay subo. Nanhinginig pa siya sa asim ng sinigang na hipon na paborito niya na. Masarap at namiss niya talaga ang sinigang na may sampalok ng kaniyang Inay. Kaso bigla naman siyang nalungkot ng maalalang mag-isa lang siyang nakain. Saan kaya sila nag punta, bakit sabay-sabay naman yata. Dahil sa nawalan siya ng gana kumain. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at umakyat sa itaas. Nang makarinig siya ng pag tawag ng kaniyang kapatid na si Karina mula sa ibaba. Nagmamadali siyang
Halos manlaki ang mga mata ko sa ganda ng gown na nasa harapan ko. Mas maganda pa ito sa gown na sinuot ko sa Palawan. Pero paanong nakabili sila Inay at Itay ng ganito kagandang gown??? "Nay, s-saan nyo po ito kinuha? Saan po kayo kumuha ng perang pang bili ng ganito kamahal na gown? Benenta nyo po ba ang bahay ang bukid?" sunod sunod na tanong ko. "Hwag kang OA anak, inarkila lang namin yan sa may bayan," sagot ni Inay at nasabihan pa akong OA. "Ah! Ganon po ba Nay, arkila lang naman pala. Siya nga po pala Nay, nasabihan niyo na ba si Ino na siya ang magiging kapareha ko sa sagala." tanong ko. "Si I-Ino? Ah! Oo anak alam na niya." nagulat na sagot ni Nanay. "Mukhang nagkakape na naman yata kayo Nay at napapadalas yata ang pagiging nerbyosa niyo." wika ko. "Hindi naman anak, basta mamaya ha. May darating rin pala na mag-aayos sayo." saad nito. "Ano po, nag bayad na naman kayo Nay. Gastos lang po yan, hindi na lang po ako pupunta." protesta ko at bago ko pa masabi ang s
"Enjoy the moment," pang-aasar nito. Bigla akong natauhan at tinulak ito. Tumayo ako at pinamaywangan ko siya sabay sabi na; "Hoy! Tanda! Hwag kang assuming. At bakit ka pala sumunod rito. Hindi ba sinabi kung mag hiwalay muna tayo." inis na wika ko. "Ikaw lang naman ang may gusto niyan. Hindi ako pumayag and I can't do that. Lablab, I really miss you." wika nito sa malambing na boses. "Pwes hindi kita na-miss at makaka alis ka na tanda." singhal ko. "Sure ka na ba dyan? Baka pag umalis ako hanap hanapin mo ako." pang-aasar nito. "Ewan ko sayo. Umalis ka na lang at paki dala ang mga bulaklak mo. Aanhin ko yan, hindi naman ako magtatayo ng flowershop." saas ko sabay ismid. "Fine! I'm going to leave now. Good bye! Julianna." mariing wika nito. Sabay tayo at lakad palabas ng bahay. Hindi man lang ito lumingon, bahala nga siya sa buhay niya. Ilang oras na ang nakakalipas buhat ng umalis ito at mukhang tinotoo nito ang sinabi. Mabuti na rin iyon para tahimik ang buhay ko ri
Matapos magsalita ang crew kaniya kaniya ng babaan ang mga tao sa loob maging ako. Nang makalabas ako sa eroplano pumasok ako ng airport at naglakad sa lobby. Matapos i-check ang papers ko nagmamadali akong lumabas ng airport at mabuti na lang rin nandito na ang private driver ko, kaagad akong sumakay sa sasakyan at pinaandar na rin niya ito. Pinadaan ko muna ito sa flower shop para bumili kami ng bulaklak na ipapadala ko sa bahay nila atlis mauuna na ang mga bulaklak bago niya ako makita.. Nang makarating kami rito. Kaagad akong pumasok at nag order ng bulaklak na iba't-ibang klase. "Hi! Sir, pogi anong mapaglilingkod ng dyosang katulad ko sayo?" tanong ng may edad ng matrona siguro 'to. "Can you deliver 1000 different kinds of flowers to Miss. Julianna Angeles." sagot ko. Halos manlaki ang mga mata nito ng marinig ang sinabi ko. "Pardon! Sir?" ulit na tanong nito. "I said pick me 1000 different kinds of flowers and deliver it to Miss. Julianna Angeles." sagot ko. Did yo
Maaga akong umalis sa bahay ng kaibigan ko, hinatid niya lang ako palabas ng bahay niya at labis akong nagpasalamat sa tulong niya. Matapos kaming magpaalamanan pumasok na ako sa kotse at nag drive papalayo rito. Sa pag-alis ko ng Palawan, dala ko ang pag-asa na mahahanap ko ang babaeng pakakasalan ko. Sa buong byahe ko wala akong inisip na masama o badvibes basta ang mindset ko goodvibes lang. Hanggang sa makarating ako ng airport at tinawagan ko na lamang ang secretary ko para kunin ang sasakyan kung maiiwan dito. Pumasok ako sa loob, dahil may na book na rin ito sa'akin. Kaya habang nasa eroplano ako, hindi ako mapakali na makita at mayakap ito. 2 days pa lang na malayo na ito sa'akin hindi ko na agad kaya. Mababaliw siguro ko o mamatay sa labis na lungkot. Nakikibalita rin naman ako sa Mansyon at sa mga kapulisan kung nakita o umuwi na ang pamangkin ko, pero lahat sila ay walang maisagot na maayos sa'akin. Nang marinig ko ang boses ng piloto hudyat na palipad na ang eroplano
Sakto namang kakababa lang ni Kiefer sa sasakyan niya nang tumunog ang cellphone nito. Kagagaling niya lang ng Mansyon at wala pa ring update sa pagkawala ng kaniyang pamangkin. Ayaw niyang mag stay sa Mansyon, dahil ayaw niyang makita ang ate niya na nagkakaganon. Nang i-check niya ang inbox at para malaman kung sino ang nag messages sa'kaniya ng araw na 'yon. Bigla siyang napangiti bigla nang makita ang pangalan na Labs. Sa limang buwan na magkasintahan sila malimit lang mag-text ito sa'kaniya. Kaya excited siya na buksan ang laman ng messages nito at baka nagpapasundo na ito sa'kaniya, dahil ngayon rin ang araw ng discharge nito sa ospital. Pero gayon na lamang ang panlulumo niya habang binabasa ang messages nito. "Lablab, alam kong sa mga oras na ito ay magagalit ka at habang binabasa mo ang messages ko para sayo ay nakalayo- layo na ako. Patawad kung wala akong lakas nang loob na magpaalam sayo nang harapan. Alam kung mali itong ginagawa ko, pero ito lang ang alam kung tama sa







