Share

Chapter 2

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-26 07:53:33

Chapter 2

 

Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. 

 

"Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. 

 

Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.

 

Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dulo nito. She was thinking about Lukas. Buong-buhay niya ay nilaan niya sa lalaki. Sa loob ng limang taon ng relasyon nila ay inalayan niya ng tapat na pagmamahal ang lalaki. Dahil sa pagmamahal na iyon ay hindi niya lubos maisip na tatlong taon na pala siyang niloloko ng nobyo niya. Ang masakit pa ay sa kaniyang matalik na kaibigan na si Stephany. 

 

Bahagyang tumulo ang kaniyang mga luha nang maalala niya ang kaniyang nasaksihan kahapon. Pauwi siya sa apartment nila ni Lukas galing sa pinagtatrabahuhan niyang Coffee Shop. Masaya pa siyang lumakad papasok sa apartment marahil kahapon ang kanilang monthsary. It was a painful scene for her. Nakita niya na magkapatong sa ibabaw ng kama nila si Lukas at Stephany. Ang ungol ng kaibigan niya habang nangibabaw sa nobyo niya ang naging musika sa loob ng apartment.

 

Hindi mawala ang bawat "oh" at "ah" sa kaniyang isipan na para bang inukit na mga titik upang panghabang-buhay na ipaalala sa kaniya na hindi siya kayang hintayin ng kaniyang nobyo. 

 

Napag-usapan nila ang tungkol sa p********k at iyon ay gagawin nila sa takdang panahon, pagkatapos nilang maikasal. Subalit kahapon ay naudlot ang pangako nila na hihintayin nila ang araw na iyon. The man she loves the most cheated on her, and it's with the woman she trusted.

 

Wala na'ng mas higit na masalimoot sa kaniyang naranasan. Ang lalaking mahal na mahal niya at ang kaniyang kaibigan na pinagkakatiwalaan ay pinagtaksilan siya. 

 

Matapos niyang nahuli ang kaniyang nobyo at kaibigan ay agad siyang umalis sa apartment. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, kaya ay naglakad na lamang siya kung saan. 

 

Tinangay siya ng poot at sakit ng damdamin niya sa isang bar at doon niya binuhos ang lahat. She drowned herself in the depths of liquor. Hindi siya umiinom subalit upang malimit ang sakit ay nilunod niya ang sarili sa alak. 

 

Akala niya ay matutulungan siya ng alak, sa halip, kasi ay mas nilagay pa siya sa alanganin nito. 

 

"Bakit?" tanong niya sa sarili habang inunat niya ang bawat hibla ng buhok niyang nasa loob ng kaniyang mga palad. 

 

Inangat niya ang mukha niya at tumitig siya sa salamin. Umahon siyang muli at hinawakan niya ang repleksyon ng balikat niya sa salamin. 

 

Hindi niya dapat ginawa ang bagay na iyon. Hindi siya dapat humingi ng saklolo sa isang estranghero na hindi niya nakilala. Ni minsan ay hindi niya nga nakita ang lalaki, buhat sa abala siya sa pagtatrabaho at tanging ang nobyo niya lang ang lalaking tinitigan niya. 

 

Inaamin niya sa sarili niya na guwapo ang lalaking iyon. Maskulado ang katawan at magaling sa kama. Pero hindi pa rin tuwid ang kaniyang ginawa. Kahit ilang beses niyang timbangin ang lahat ay pareho lamang ang maibibigay niyang konklusyon dito. Mali iyon.

 

"Shit, Lyv! Shit!" Puno ng pagsisisi ngayon ang dalaga. Ang virginity niyang matagal niyang inalagaan at pinangakong isusuko lamang sa lalaking papakasalam siya ay kaniyang binigay sa isang lalaking hindi niya kilala. 

 

That man she fucked with was a total stranger. Ang alam niya lang ay sinaklolo siya nito sa daan kung saan siya nawalan ng malay at dinala siya nito sa malaking bahay. 

 

"Ano na ang gagawin ko?" tanong niya sa sarili. 

 

Litong-lito siya ngayon sapagkat wala na siyang alam na gawin maliban sa pag-iisip ng negatibo. Pinutok ng lalaki sa kaniyang kaloob-looban ang likido na alam niyang makakabuntis sa kaniya sakaling nakapasok ito sa kaniyang ovary. 

 

"Diyos ko, sana ay baog ang lalaking iyon," hiling na lamang niya matapos niyang naisip ang tungkol sa posibilidad na siya ay mabubuntis. 

 

Naagaw ng tunog ng kaniyang cellphone ang kaniyang pansin. Tumungo siya kung saan niya pinatong ang bagay na walang-sawa sa pag-iingay. Kinuha niya na lamang ito at sinagot. 

 

Nanginginig ang mga labi niya at ang kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa cellphone. 

 

"Best?" 

 

Nang pumikit siya ay agad na umagos ang mga luha mula sa mga mata niya. Kinagat niya ang kaniyang hintuturo upang mapigilan ang sarili na makagawa ng ingay dulot ng kaniyang pag-iyak sa mga oras na ito.

 

"B-Best, patawarin mo ako. H-Hindi ko sinasadya!"

 

Ang kapal naman ng mukha ng kaibigan niya na tawagin pa siyang "best" kung gayon ay nakipagtalik ito sa kaniyang nobyo.

 

"Stephany? B-Bakit? P-Paano?" Umiling na lamang siya sapagkat hindi na niya napigilan ang sarili niya na humagulhol.

 

"M-Mahal ko ang nobyo mo, best. I-Iniwasan ko naman ang nararamdaman ko sa kaniya pero hindi ko kaya. Ginawa k-ko ang lahat upang alisin ang maling pag-ibig na ito. S-Sinubukan ko, best. Sinubukan ko!"

 

Walang eksaktong salita ang naproseso ng utak niya upang sabihin sa taong pinagkakatiwalaan niya. 

 

"Noong una akong nakaramdam ng pag-ibig kay Lukas ay ikaw ang una kong sinabihan, Stephany! I-Ikaw pa talaga na kaibigan ko? Wala akong masabi dahil alam kong may pagkukulang ako kay Lukas, pero sana hindi mo pinuno iyon sapagkat alam mo na nobyo ko siya! G-Grabe ka, Stephany! Grabe ka!" 

 

"Best..."

 

Napahawak ang kaniyang kaliwang kamay sa desk upang halilihin ang kaniyang katawan na halos bumigay na dahil sa galit na nararamdaman niya. 

 

"Stop calling me with that bullshit endearment, Stephany! Kung "best" tayo ay hindi mo nagawa sa akin ito! Wala kang karapatan na sabihin sa akin na ginawa mo ang lahat dahil kung iyon ang ginawa mo ay hindi na umabot pa sa ganito ang lahat!" She sighed. "Mabuti pa siguro na layuan muna natin ang isa't isa!"

 

Para sa kaniya, ang mabuting kaibigan ay ipapaalam sa kaibigan ang tunay na nararamdaman. Kung ang nobyo niya man ang unang nagpakita ng motibo, sana ay sinabihan siya ni Stephany, upang masabihan niya ang lalaki. Kaso hindi iyon ang ginawa ng kaibigan niya kuno.

 

"B-Best, hindi ko kaya! Hindi ko kaya na mawala ka sa akin!"

 

Bahagya na lamang siyang natawa na puno ng pagkasarkastiko matapos na marinig ang linya ng kaniyang kaibigan. 

 

Hindi nito kaya na mawala siya rito? Tiyak ba ang sabi nito? Baka naman nakainom ito ng droga at iba yata ang hihip ng hangin sa utak nito. 

 

"Kilabutan ka sana sa sinasabi mo, Stephany. I invested a lot in this friendship, but all I've got is pain! Tinurin kitang kapatid, pero ahas ka pala. From now on, kalimutan mo na naging kaibigan kita at minsang naging magkaibigan tayo."

 

Tumingala siya upang maibalik sa kaniyang mga mata ang luha, pero balewala ang ginawa niya. 

 

"Best, naman..."

 

"Stephany, simula ngayon ay hindi na kita best friend. Ang magkaibigan ay hindi nagkakatalo. Pinaparaya ko na si Lukas! Pakisabi na lang din sa kaniya na hindi ko siya gustong makita. Kunin niya ang mga gamit niya rito sa apartment dahil naligpit ko na ang lahat-lahat! T-Tell him to never knock when he will take his things outside of this apartment!" 

 

"Best–"

 

Hindi na niya hinayaan pa na makapagsakita si Stephany. Sapat na ang nakita niya, at sapat na ang nalaman niyang matagal na panahon siyang niloloko ng dalawang tao na inikutan ng mundo niya. 

 

Binagsak niya ang kaniyang katawan sa kama at agad siyang humiga patakilid. Ngayon ay ang kama na minsan nilang pinagsaluhan ni Lukas ang siyang sumasalo ng lungkot na mayroon siya. 

 

Ilang tunog ng mga hakbang ang narinig niya. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang unan na halos kabuuan ay basa dahil sa mga luha niya upang hindi niya marinig ang ingay ng mga paa ng lalaki. 

 

Kusang bumangon ang katawan niya at sumilip sa pintuan ang kaniyang mga mata. Nakita niya na hawak na ni Lukas ang dalawang bagahe kung saan niya niligpit ang mga gamit nito. 

 

Muli na naman siyang sinaksak ng mga alaala niya kasama ang lalaki. Ang akala niyang masayang pagsasama nila ng lalaki sa apartment na ito ay hindi magwawakas. Nagkamali siya dahil ngayon ay tumalikod na ang lalaki at handa na ito upang lisanin ang apartment kung saan sila nagsamang dalawa. 

 

Sinarado niya ang pintuan at dinikit niya sa pinto ang kaniyang likod bago siya nagpadausdos hanggang sa makaupo siya sa sahig. 

 

Wala na talaga ang lalaking minahal niya nang todo. Iniwan na siya nito. Masakit man pero ito naman ang daoat niyang gawin. Hahayaan na lamang niya si Lukas na maging masaya sapagkat hindi na siya ang mahal nito. Kung mahal siya nito ay hindi siya lolokohin ng lalaki. Kahit na may pagkukulang siya rito ay hindi sapat na rason iyon para lokohin siya nito. 

 

Tapos na. Tapos na ang mga araw na bibilangin niya makasama ang lalaki. 

 

Hindi na sila. Hindi na sila sapagkat ang kaibigan na niya ang nagmamay-ari sa puso ni Lukas at wala siyang magagawa kun'di ang umiyak na lamang at humiling sa mahabagang langit na sana ay tumila na ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

 

Ilang araw ang natapos subalit hindi pa rin niya nagawang lumabas at lumakad nang maayos. Bukod kasi sa presko pa ang sugat ng panloloko ni Lukas at Stephany sa kaniya ay presko rin ang sugat na iniwan ng estranghero sa kaniyang pribadong bahagi ng katawan. Mabuti nga dahil nasa ilalim siya ng impluwensya ng alak noong sinuko niya sa lalaking iyon ang kaniyang virginity. Kung hindi ay tiyak na higit pa rito ang sakit na nararamdaman niya. 

 

"Ang hapdi," reklamo niya nang marahan niyang sinabon ang kaniyang pagkababae. Naiyak pa siya dahil sa hapdi nito. 

 

Gusto na nga niyang dumalaw sa doctor, pero nahihiya siya at baka isipin pa ng doktor na hindi siya matinong babae. 

 

"Lyv, hindi ka naman matino. Wala naman kasing matinong babae na isusuko na lamang sa kahit na sinong lalaki ang virginity nito. Nasaan na ang dignidad mo, Lyv? Nasaan na ba ang Lyv na matino at guwardiyang-guwardiya ang sarili?" 

 

Nang siya ay natapos sa pagligo ay nagbigis siya at tumihaya sa kama. She was exhausted looking around the room. Ang kalat ng mga famit niya. Pinangako naman niya sa sarili niya na okay lang na makalat siya, tutal ay wala naman siyang kasama na dapat isaalang-alang niya. She's living alone now, and it's alright if she doesn't clean her apartment. 

 

Inabot niya ang kaniyang cellphone at agad niyabg nakita ang isang mensaheula sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. 

 

"W-What? Hindi ito puwedeng mangyari! Shit! Shit! Shit!" 

 

Tinawagan niya ang boss niya. Ilang beses niyang tinawagan ang numero ng boss niya bago pa nito sinagot ang tawag. 

 

"Hello? Sir? Sir, naman. Pagpasensyahan niyo na po kung hindi ako nakapagsabi na hindi ako makakapasok. Give ne a chance, sir. Kailangan ko po ang trabahong ito."

 

"Alyvia, hindi halata na kailangan mo ang trabaho. You are just taking it for granted."

 

"Sir, may problema lang kasi. Naghiwalay po kasi kami ng boyfriend ko na ex ko na ngayon. Sir, please..."

 

"Miss Delarama, labas na ako sa personal mong problema. Pati ang trabaho mo ay labas din sa issue na mayroon ka with anyone. Sayang dahil ipopromote na sana kita bilang manager, pero nawalan na ako ng gana."

 

Tumayo siya. "Sir, papasok po ako ngayon. Hahabol—"

 

"Don't waste your time, Miss Delarama. Wala ka nang trabahong babalikan pa. Your space was occupied already. Good bye!"

 

Pumikit na lamang siya at diniin sa isa't isa ang kaniyang mga labi. 

 

"Shit ka! Shit ka! It's all your fault, stranger!" 

 

Hinagis niya sa kama ang kaniyang cellphone at sinundan niya ito. Tinaas niya ang mga paa niya at nagmistulang mga kamay na pinapalakpak niya dahil sa inis. 

 

"Kasalanan mo ito, lalaki ka! Kung hindi ganoon kalaki ang ari mo ay tiyak nakapag-duty ako kahit na hindi madali ang pinagdadaanan ko! Shit! Destroyed na nga ang buhay ko, destroyed pa ang kiffy ko!" 

 

Ilang beses din siyang sumigaw, pero wala ring mangyayari kaya ay tumahimik na lamang siya. Halos mapaos din kasi siya at baka isipin ng mga kapitbahay niya na siya ay nababaliw. 

 

Napaisip siya na sobrang pangit ng salubong ng bagong taon sa kaniya. Kasisimula pa lang ng ikalawang buwan ng taon, pero pakiramdam niya ay nangyari na sa kaniya ang lahat ng kabuwesitan sa mundo. 

 

"Wala ka nang choice kun'di maghanap na lang ng bagong trabaho, Lyv!" 

 

Umasa na lamang siya na makahanap siya ng trabaho. Kaniyang kinuha ang cellphone niya at agad niya itong binuksan. 

 

Pumunta siya sa search bar. Sumikip ang dibdib niya nang makita na nasa recent searches ang pangalang Lukas Abad. Sa kalikutan ng hinlalaki niya ay pinindot niya ito. 

 

Nakita niya na in a relationship, pa rin ang status ng lalaki. Huminga na lang siya nang malalim at mabilis na pinindot ang back button nang makita na kay Stephany Lagdameo na in a relationship si Lukas. 

 

Nagtype na lamang siya ng "job hiring," upang makahanap ng bakanteng trabaho malapit sa apartment niya. 

 

Nakita niya agad ang isang advertisement, kaya ay pinindot niya ito. 

 

"Z-Bar is looking for a waitress. She must be of legal age and beautiful. Preferably sexy." Umiling siya. "Ano raw? Baka naman prostitute ang hanap ng mga ito." Pinagpatuloy niyang basahin ang captions ng

ads.  "If you think you are the one that we are looking for,then contact Miss Lily through sending your profile details to her email address lilynunesa@yahoo.com." 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 7

    Chapter 7Tapos na siya sa paghatid ng mga order ng mga kustomer sa bar. Napaisip siya sapagkat mamahalin ang mga inumin dito. May isang shot lang ng alak dito na nagkakahalaga ng higit sa 30,000.00. Katumbas na iyon ng sahod niya sa bar sa loob ng isang buwan. Kung siya lang ay hindi siya gagastos para lang matikman ang isang shot ng Heaven's Pee na iyon. Its worth was so much money to waste."Lyv, alam mo ba na marami na ang nalunod dahil sa malalim na pag-iisip?" Sinamaan niya ng tingin si Ben. Inis na inis siya sa lalaki dahil una itong umalis kagabi. Inirapan niya nang malagkit ang katrabaho. "Bumalik ka roon sa trabaho mo, Ben. Huwag kang umasta na wala kang ginawa kagabi.""Talaga ba? Hindi naman ako ang sinabihan ni Miss Lily na mag-over time para bantayan ang amo natin, ah." Hinila ng lalaki ang upuan at umupo ito paharap sa kaniya. Isang mapagtanong na titig ang binato ng lalaki sa kaniya. "E, sana ay nag-boluntaryo ka na lang. Ako pa talaga pinabantay niyo sa lalaking

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 6

    Chapter 6Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. "Ah. Good job." Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 5

    Chapter 5Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. "Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? "Mag-usap tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan.""Mayroon," maikling sabi n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 4

    Chapter 4Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. Nagmadali s

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 3

    Chapter 3"Damn it!"Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari."Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 2

    Chapter 2Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. "Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dul

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status