MasukChapter 3
"Damn it!" Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari. "Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing nito. Tau had a restless week. Ito na naman kasing kaibigan niya ang inatasan upang trabahuhin ang isang malaking proyekto ng kanilang organisasyon. "Scorps, what happened to you?" nagtatakang tanong ng kaibigan niya. Tumitig siya rito. His eyes were asking his friend what he was trying to know. It might be that Taurus noticed something about him. "Why?" Tumayo siya. He stretched his arms before he flexed his biceps. He even revealed his well-filed abdominal muscles. "I'm good, Tau." "Good, my ass. You look mature lately." Umupo na lang siya at napabuntong-hininga. Nakalimutan niyang kaibigan niya ang kaniyang kausap. Malalaman naman talaga nito na may mali sa kaniya, kahit titigan lang siya nito. "Ano ba ang totoong nangyari sa iyo nitong mga nakaraang araw, Scorps? Don't tell me that Sheryl has been hunting your sanity lately." "Hindi." "Then, what? Hindi ako naniniwalang wala. And it couldn't be about the organization. Alam ko na barumbado ang mga kaibigan natin, pero pagdating naman sa trabaho ay ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila. Don't you think?" His friend was right. Gago lang ang mga kaibigan niya, pero seryuso ang mga ito sa kani-kaniyang trabaho na nakaatas sa kanila. Well, it's not his problem. Alam niya naman kung ano ang problema niya. It's that stranger with whom he had sex. The other problem was that he wasn't sure how to tell it to his friend. "Yeah." "Wait, Scorps. Baka naman kasi nahulog na ang loob mo sa babaeng nakita ko sa kuwarto mo. You told us that the woman I have seen inside your room, on top of your bed, was my hallucination. But I strictly disagree with that. Hindi naman ako baliw para hindi malaman kung tao o hindi ang nakita ko." Kinulit siya ng mga kaibigan niya. From time to time they would send messages to his inbox, asking if the woman that Tau gossiped about was real or not. He reasoned out that Tau was so drunk that night; that's why he could have had hallucinations. "Tau..." "What? Tell me." Pinag-isa niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa. Binasa niya rin ang kaniyang ibabang-labi. He was about to confess everything to his friend, but Tau's phone suddenly rang. "For a while. I will pick it up. It's Lily." Tumango na lamang siya at sumandal. He was looking at his friend, and he witnessed how every part of Tau's face struggles. Malamang ay tungkol ito sa isang problema nila sa Z-Bar. "Okay, Lily. Taasan mo na lang ang sahod nang sa ganoon ay may magka-interes. Hindi. We can't do that, Lily. Hindi natin puwedeng ibaba ang standard ng waitress na hinahanap natin. Remember that our waitresses are also our image. Mas maganda, mas maraming kustomer ang pabalik-balik sa bar. Alright then. Give me a call if there is any good news." His friend sighed deeply. Problemado ito tungkol sa hinahanap nilang qualified waitress para sa bar nila. "What was that?" "It's about the bar, Scorps. Hanggang ngayon ay wala pang naghahanap na waitress si Lily. Sinabihan ko rin siya na taasan niya ang sahod para may magka-interes." Umiling ang kaibigan niya. Tau was trying to get back to what they were talking about earlier. "Getting back, tell me everything." Obligado siyang sabihin sa kaharap niya ngayon ang lahat dahil nagsabi na siya na magkukuwento siya tungkol sa gabing iyon. Hindi siya ang tipo ng tao na binabawi ang sinasabi niya. "Tau, I took a woman's virginity that night." Tumayo ang kaibigan niya at lumapit ito sa kaniya. Ang kaninang nangangambang mukha ni Tau ay nawala at napalitan ng pananabik. "What the effing shit?! Totoo? You fucked a virgin woman that night? Iyon na nga ang sabi ko! I can't be wrong! Alam ko na hindi ako nalalasing. What's the sense of hiding it, Scorps? I am beyond grateful knowing that you had sex again after the long ago one. That was with Sheryl. Tama? Perhaps you took two women's virginity." "Tau, do not bring Sheryl in this conversation. Iba si Sheryl at iba ang babaeng iyon. Sheryl was my girlfriend. It's normal having sex with her. I took her virginity and promised to be accountable for her. But then, she left. This woman is different from Sheryl. Hindi ko naman mahal ang babaeng iyon. I just felt obligated because I took her virginity. Hindi ko nga iyon kilala." "Kaya pala biglang nag-iba ang mukha mo, Scorps. Bigla ka kayang nag-mature tingnan. Well, you might be feeling obligated because you have feelings for that stranger." "Crazy. Ano iyon? Love at first fuck?!" Tumawa nang bahagya ang kaibigan niya. "Well, yeah. Might go that way. Hindi naman kasi mahirap mangyari iyon. I've read a lot of novels that have the same theme as what was happening to you. Malay natin, ang babaeng iyan pala ang susi para malimutan mo nang tuluyan si Sheryl." Siya naman ngayon ang tumawa nang bahagya. Fan na fan ng mga romantic-novel ang kaibigan niya. Sometimes he was asking himself. How could Tau steal time to read novels despite his busy schedule? "I suggest you stop reading those kinds of books." "No, man. I'm serious." "I'm serious too. Atupagin mo na lang iyong waitress for hire mo pagkatapos inform mo ako kapag may nakita na kayo." "Pagkatapos lahat ng qualified para sa amin ay hindi naman nangangalahati sa qualifications mo. Wait, sobrang ganda siguro ng babaeng iyon kaya kayo nag-sex, ano? Overqualified siguro." "Umalis ka na lang bago ako mainis sa iyo, Taurus!" "Okay, virginity wrecker!" Tiim-bagang na lamang siyang pumikit nang makalabas ang kaibigan niya. Naging tahimik na naman ang buong opisina niya. Ayaw niya nito. Bigla na lang kasi niyang naaalala ang mukha ng babaeng iyon at ang ginawa nila. Hindi na talaga siya uulit pa sa lalaking may malaking k*****a. Mawawasak lang ulit ang kaniyang kuweba kapag ginawa niya pa iyon. Ngumiti siya at tinitigan niya ang sarili. Sana talaga ay matakpan ng mga ngiti ang mapait na nararamdaman niya. She put light makeup on her face. Napag-isipan niya kasing puntahan ang bar na naghahanap ng magandang waitress. Hindi sa binubuhat niya ang kaniyang sariling bangko, pero maganda siya at sa tingin niya ay pasado siya sa panlasa ng bar na iyon. "Hindi ka naman magiging prosti roon, Lyv. Waitress ang aapply-an. Kapag hindi mo nagustuhan, edi huwag kang magpatuloy," payo niya sa sarili niya. Panay ang pakikipag-usap niya sa sarili niya, kaya naman ay nagpasya siyang maghanap ng trabaho. Itong Z-Bar lang ang nakita niyang hiring malapit sa apartment niya. Bumuga siya ng hangin matapos niyang sinarado ang pintuan ng kaniyang apartment. Labin-limang minuto lang ang layo ng bar sa apartment niya kung siya ay magtataxi. Habang nasa biyahe siya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng insekyuridad. Education graduate siya, pero kung ano-ano lang ang trabaho na pinapasukan niya. Hindi kasi siya pasado noong unang pagkakataon na nag-take siya ng board exam. Sinubukan niyang mag-apply sa mga private school, pero hindi siya pinalad. Sadyang malupit sa kaniya ang tadhana, kaya ay hindi na siya namimili pa ng trabaho na akma sa tinapos niyang kurso. Inaamin niya na gusto niyang magturo at trabahuhin ang kurso na pinaghirapan niyang tapusin, pero wala naman siyang magawa kung ang kurso niya ang ayaw sa kaniya. Minsan, kapag nakakakita siya ng mga guro ay bigla na lang siyang naiinggit. Ganap na guro na rin sana siya ngayon kung mahal lang siya ng kurso niya. "Miss, nandito na tayo." "Bayad, manong." Nang siya ay bumaba ay naisipan niyang ayusin ang suot niyang maiksing palda. Ngumiti siya at nagdasal na sana ay matanggap siya. Lumakad siya papasok sa loob ng bar. Tanghaling-tapat pero parang gabi sa labas kung nasa loob ka ng bar. Nilibot ng mga mata niya ang buong paligid. Maraming tao ang nagtatawanan at nag-iinuman sa loob ng bar. Namangha siya dahil parang hindi bar ang lugar na ito. Ang expensive ng mga nakikita niya sa loob. Mula sa mga gamit at sa mukha ng mga taong pumapasok dito ay halatang para lang ito sa mga mayayaman. Lumapit siya sa bartender. Ngumiti sa kaniya ang bartender. "Greetings, beautiful. Anong drinks?" Umiling siya at sumenyas. "I-I am here to apply for the job offer. Nandito ba si Miss Lily ?" Tumango ang bartender at agad itong lumingon sa kabilang banda. Kinuha niya ang telepono at agad na nagpindot ng mga numero sa keyboard. "Hello, Miss Lily! Someone's looking for you." Binaba ng bartender ang telepono at tumitig ito sa kaniya. "Nakita mo iyong daan patungo sa restroom?" Tumango siya. "Pumunta ka lang doon at dumiretso pakanan. Nandoon ang opisina ni Miss Lily. Good luck, beautiful." "S-Sige, salamat." Humawak siya sa gilid ng ulo niya at marahan niya itong minasahe. Hindi siya sanay sa ganitong lugar, kaya medyo nahihilo siya. Isang beses lang siyang naglasing sa loob ng mumurahing bar at iyon ang araw na nahuli niya sina Stephany at Lukas na may milagrong ginagawa sa loob ng apartment niya. Kumatok siya nang nasa tapat na siya ng pinto. "The door's open. Come in." Ang sabi sa advertisement ay magsend ng details kay Miss Lily. Sa tingin niya ay abala ang babae, kaya ay nag-walk in na lang siya. Nang makapasok siya ay marahan siyang lumapit sa table ng babae. Nasurpresa siya sa kaniyang nakita. Akala niya ay bakla si Miss Lily. Minsan lang kasi siyang makakita ng babae na namamahala ng bar, kadalasan kasi ay mga bakla ang namamahala sa ganitong lugar. "Umupo ka muna. Nag-send ka ba ng personal details?" "Y-Yes po." Binuksan ng babae ang laptop niya at may hinanap ito. Tumingin sa kaniya ang babae at nakita niya kung paano ngumiti ang babae. "My apologies, miss. Hindi ko binuksan ang spam. Nasa spam kasi ang email mo. Sorry talaga. May I have your résumé?" "I-Ito po." Naiinis siya sa sarili niya. "Let me see." Kinakabahan kasi siya sa hindi niya mawaring rason. Hindi lang naman ito ang trabahong inapply-an niya. Ilang beses na rin siyang nakipag-usap sa kahit na sino. Lihim siyang huminga nang malalim. Matapos na basahin ni Miss Lily ang resumé niya ay tumingin muli ito sa kaniya. "Education graduate ka pala? By any chance, kapag iha-hire kita ay baka iiwan mo lang ang trabaho mo kapag tinawag ka na ng pagtuturo. I'm afraid that it will affect the bar." "N-No, ma'am. I just included everything in my CV, but I will not pursue teaching for now. Sinukuan ko na kasi iyan." "Are you sure of that?" "A hundred percent sure, ma'am." "Alyvia?" "Lyv for short, ma'am." "Tumayo ka nga roon." Saglit siyang natahimik. Niyakap niya ang sarili niya. Humalakhak nang malakas si Miss Lily. Malamang ay naabot nito ang nasa isipan niya. "For Pete's sake, Lyv. Hindi ko naman ipahuhubad sa iyo ang ang iyong mga saplot. I will just check if you are really qualified for the job." Patay-mali siyang tumawa na lang din. Lumakad siya at pumunta siya sa bahaging tinuro ni Miss Lily. "Sumali ka na ba ng pageant noon? You are gorgeous and sexy." "What do you mean, po?" "You're hired! Kahit na hindi na kita ipresent sa mga amo ko ay tiyak akong pasado ka sa panlasa ng mga iyon!" Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. Katatanggal lang sa kaniya mula sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya pero na-hire naman siya agad sa bar na ito. Mukhang mabait pa si Miss Lily kumapara sa unang amo niya. "M-Miss Lily, totoo po?" "Gusto mo bang bawiin ko?" "H-Hindi po. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hired ako rito, sa taas ba naman ng standard of qualifications niyo." "Sinobrahan mo pa ang qualifications namin, Lyv. Tara, sumama ka sa akin at kukunin natin ang uniform mo." "Sige po." Sumunod siya kay Miss Lily. Pumunta sila sa isang maliit subalit malinis na room. "Here are your uniforms. Color coded tayo rito. About your duty, 8 hours ang duty mo at ang available na schedule ay evening. Probably 4 pm to 12 AM ka rito. I will expect you tomorrow, okay?" "Yes, Miss Lily! Pagbubutihin ko po ang trabaho!" Matapos siyang kabahan ay bigla siyang naexcite. Sa tingin niya ay nangyari sa kaniya ang mga makasakit na bagay na iyon upang dalhin siya sa bar na ito. Triple ang sahod niya kumpara sa unang trabaho niya. "Excuse me," sabi ni Miss Lily nang tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag. "Yes, Tau. May nakita na ako at tiyak hindi makakaayaw ang mga kaibigan mo. Ang ganda niya. Para siyang anghel." Hindi niya napigilan ang kaniyang pag-ngiti. Natuwa kasi siya sa paghanga ni Miss Lily sa kaniya. "Ah, talaga? Pupunta kayo ni Scorps bukas? Way better so that you will meet her in person. Ipapakilala ko siya sa inyo bukas. Bye!" Lumingon sa kaniya si Miss Lily matapos ang kumbersasyon nito sa taong nasa kabilang linya. "You should come early tomorrow. Ipapakilala kita kay Scorps at Tau. Actually, labindalawa sila pero dalawa lang ang naiwan sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa ang sampo." Tumango siya. Kinuwento sa kaniya ni Miss Lily ang mga lalaking magiging amo niya. Natuwa siya habang nakikinig sa kuwento ni Miss Lily. Hindi niya aakalain na may mga lalaking tulad ng labindalawang amo niya na niloko ng mga babae. Hanggang nasa apartment na siya ay hindi pa rin siya makapaniwala na bukas na bukas ay magsisimula na siyang magtrabaho. Binabawi na niya ang sinabi niya. Hindi pala puro pait ang hatid ng bagong taon sa kaniya kun'di ay may tamis din. Tulad nitong bagong trabaho niya. "Welcome to Zodiac Bar, self!" nakangiting sabi niya habang ang mga mata ay diretso sa pagtitig sa kisame.Chapter 7Tapos na siya sa paghatid ng mga order ng mga kustomer sa bar. Napaisip siya sapagkat mamahalin ang mga inumin dito. May isang shot lang ng alak dito na nagkakahalaga ng higit sa 30,000.00. Katumbas na iyon ng sahod niya sa bar sa loob ng isang buwan. Kung siya lang ay hindi siya gagastos para lang matikman ang isang shot ng Heaven's Pee na iyon. Its worth was so much money to waste."Lyv, alam mo ba na marami na ang nalunod dahil sa malalim na pag-iisip?" Sinamaan niya ng tingin si Ben. Inis na inis siya sa lalaki dahil una itong umalis kagabi. Inirapan niya nang malagkit ang katrabaho. "Bumalik ka roon sa trabaho mo, Ben. Huwag kang umasta na wala kang ginawa kagabi.""Talaga ba? Hindi naman ako ang sinabihan ni Miss Lily na mag-over time para bantayan ang amo natin, ah." Hinila ng lalaki ang upuan at umupo ito paharap sa kaniya. Isang mapagtanong na titig ang binato ng lalaki sa kaniya. "E, sana ay nag-boluntaryo ka na lang. Ako pa talaga pinabantay niyo sa lalaking
Chapter 6Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. "Ah. Good job." Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye n
Chapter 5Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. "Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? "Mag-usap tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan.""Mayroon," maikling sabi n
Chapter 4Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. Nagmadali s
Chapter 3"Damn it!"Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari."Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing n
Chapter 2Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. "Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dul







