Share

Chapter 14

Chapter 14

Bella's POV

Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa.

"Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden.

"Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence.

Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence.

"Anong regalo mo sa akin?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Kami lang dalawa ni Klarence ngayon dito sa Underground Garden.

"Yun na." Sabi ko.

"Alin?" tanong niya.

Ang hina maman nitong kumuha.

"Yung surpresa ko. Ako kaya ang nagplano nun. Edi ayun na yung regalo ko sa'yo." sabi ko.

Sumandal siya sa bench.

"Hindi naman ako nag-enjoy." Sabi nya.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nag-enjoy? Edi sana, Sinabi niya para nakapagpa-party ako noh. Edi sana inimbita ko yung mga zombies para may kasama siya dzuh.

"Pero may isa pang paraan para madama ko yung kaarawan ko."

Agad akong tumingin sa kaniya, Hinihintay ang susunod na mga sasabihin niya. Go! Sabihin mo. Pagbibigyan na kita tutal, Birthday mo naman.

"Ano yon?" tanong ko agad.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras agad ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya halos mapako ako sa kinauupuan ko.

"Yung maging boyfriend mo."

Ngumisi ako at saka lumapit ng bahagya sa kaniya. Siya naman ang napaatras ngayon.

"ULOL!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

Halos mangisay na ako sa kilig dahil sa mga sinabi niya, Hindi ko lang ipinapahalata. Parang may kung anong meron dito sa dibdib ko at napakabilis ng tibok. Dinaig pa ang may karerang kabayo.

"Klarence? Andiyan ba kayo?" si Zach yun mula sa labas.

"Lumabas na tayo, Hinahanap na tayo dun." Sabi ni Klarence saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng underground garden.

"Epal talaga." pakinig kong bulong niya. 

Okay, Lakas maka-k-drama.

"Uh-huh..." tambad ni Zach pagkalabas namin habang nakatingin sa mga kamay namin ni Klarence na magkahawak.

Tiningnan niya kaming dalawa habang bahagyang nakaawang ang bibig. Tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni Klarence. Masyadong awkward at PDA masyado.

"Mag-uusap usap daw sabi ni Caleb." Seryosong sabi ni Zach kay Klarence saka kami iniwan.

Lahat na siguro sila ay nasa kwarto na nina Caleb. Kami na lang dalawa ang naiwan dito eh.

"Problema nun?" tanong niya sa kawalan.

Hinampas ko na. Nakakinis talaga 'tong lalaking 'to. Palagi na lang. Argh! Ang sarap ipakain sa pating.

"Aww!" pag-inda niya habang hawak ang braso niya na hinampas ko.

"Ikaw talaga!" sabay turo ko sa kaniya. "Masyado kang PDA!" bulyaw ko pa.

"Eh ano naman ngayon?" sabay ngisi niya.

Ang sarap talaga nitong batukan sa totoo lang. Nagsimula na kaming lumarga patungo sa kwarto nina Caleb dahil hahaba pa ang pagtatalo namin at saka, May naghihintay sa amin dun. Kami na lang ang hinihintay.

"What is it?" tanong ni Klarence.

"Si Dr. Wilson." nag-aalangang sambit ni Caleb.

"What about him?" nakakunot ang noong tanong ni Klarence.

"Na-detect namin siya. Mukhang may balak siyang pumunta dito."

Agad nagsitayuan ang mga balahibo ko. Totoo ngang nanganganib na ang mga buhay namin. Kung hindi kami maghahanda, Wala lang ang lahat ng pinaghirapan nila para sa formula at, Baka maging zombie na din kami nang hindi namin namamalayan.

"What?" si Klarence

"Mukhang nalaman niyang gumagawa din tayo ng formula para sa pagbabalik ng mga zombies sa pagiging tao." Si Caleb.

"Mukhang may plano siyang hadlangan tayo." Si Zach.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sipain ni Klarence ang lamesa.

"Tol Kalma." Pagpapakalma ni Dan.

"Hindi talaga siya titigil!" sabi ni Klarence.

"Tangina!" pagmumura niya pa. 

Tumingin si Klarence kay Zach nang kumalma ito. Mukhang may sasabihin.

"Zach, Samahan mo muna sina Bella at Ben." Tumango si Zach upang ipakita ang pagsang-ayon nito.

Sumunod ako kay Zach na maglakad para puntahan si Ben sa kusina. Naabutan namin siyang pana'y pa din ang kain ng spaghettie. Madumi na ang mukha nito.

"Hay naku Ben!" sabi ko.

Kumuha ako ng wet wipes saka pinunasan ang bibig niya. Mga kabataan talaga ngayon. HAHAHA Joke lang.

"So caring. Pwede nang magkaanak." Sabi ni Zach.

Binato ko siya ng wet wipes pero nailagan niya kaya tumawa siya. Napahiya lang ako dahil tinawanan lang din ako ni Ben. Ang papangit nilang kasama. Parang hindi mga kaibigan ah. Pinagtutulungan na naman ako dito.

"Grabe ka naman sa anak! Anak kaagad? Boyfriend muna tapos asawa." Sabi ko.

Nakapalumbaba si Zach na tumingin sa mga mata ko.

"Anong bang type mo sa isang lalaki?" tanong niya.

Umakto akong nag-iisip. Ano nga ba?

"Ahm, Yung mabait syempre. Kailangan mabait ka para hindi ako matakot sa'yo. Pangalawa, Dapat kaya mo akong buhayin. Ano pang silbi kung magpapakasal ako tapos hindi mo pala ako kayang pakainin. Nakakain ba yung matatamis na salita?" panimula ko.

Kung nakakain lang ang matatamis na salita, Baka matabang-mataba na ako ngayon.

"Pangatlo, Dapat caring. Kung kaya mong alagaan ang sarili mo, Dapat kaya mo din akong alagaan at ang mga magiging anak natin. Pang-apat, Dapat may takot ka sa Diyos dahil kung hindi, Salamat na lang sa lahat-lahat. Pang-lima, Dapat marespeto, Kung kaya mo akong respetuhin, Dapat kailangan mo ding respetuhin ang mga magulang ko kagaya ng pagrespeto mo sa akin. Dahil, sila ang pinaka-nakakakilala sa akin. Panghuli, Dapat, Mahal natin ang isa't isa. Hindi pwede yung one-sided love dahil bakit magpapakasal ang dalawang tao kung hindi naman pala mahal yung isa't isa hindi ba?" paliwanag ko.

Umayos siya ng upo.

"Ang sabi ko naman ideal boy hindi ideal husband." Sabi ni aka uminom ng juice.

"Oo nga pakinig ko. Pero sa akin kasi, Yung ideal boy ko, it's equal to ideal husband dzuh..." sabi ko pa.

Ipinatong niya ang juice niya sa lamesa bago ulit ako tingnan sa mga mata.

"I can be your ideal boy. I can do respect you, take care of you, I'm also a prayful type of person, I respect your parents, i can make you happy and I can revive you and lastly... I love you." Sabi niya sa akin.

Hala siya, Halatang seryoso ang gagi. Tapos yung 'I love you' niya walang can. Tapos panis! I can revive you daw ack! HAHAHAHA. 

Kaya kitang buhayin sa tagalog HAHAHA.  Pak na pak at may dating Yawa. 

Pero mukhang seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin. Kahit puro kalokohan lang ang nasa isip ko, Alam ko din kung seryoso ang kausap ko. Kasalanan din ni Lukas kung bakit puro kalokohan na din ang nasa utak ko. 

"Hoy may bata." Sabay turo ko kay Ben na busy sa pakikinig sa amin.

Napailing na lamang si Ben saka itinuloy ang pagkain niya.

"Tahimik akong kumakain tapos may nag-confess na? Tsk..."

Kami naman ni Zach ang napailing.

"Ang hihina niyo." Sabi na naman ni Ben Tenison na hindi man lang tumitingin sa amin.

"What do you mean?" tanong ni Zach.

Tiningnan kami ni Ben na parang ka-edad lang niya ang kinakausap niya.

"Kayo nasa confess stage palang. Kami ni Lisa, Mag-jowa na."

Hala, Lagot ka sa kuya mo HAHAHAHA. 

"Oh Ben, Saan ka pupunta?" tanong ko kay Ben dahil paalis siya sa kusina.

"Maliligo na po." Sabi niya sa akin nang tumigil siya.

"Eh busy ang kuya mo, Sino'ng magpapaligo sa'yo?"

"Kaya ko na pong maligo mag-isa. Malaki na ako."

Tumingin ako kay Zach para itanong kung papayag siya at tumango naman siya para sumang-ayon.

"Sige." Pagpayag ko.

Tumakbo na papunta sa kwarto si Ben kaya naiwan lang kaming dalawa ni Zach dito sa kusina.

"Grabe ka naman sa Revive." Sabi ko saka tumawa.

"Bakit?"

"Masyadong OA."

Yawa sa Revive HAHAHAHA.

"Eh di'ba sabi mo, Kailangan kaya kang buhayin?" tanong niya sa akin

"Oo nga HAHA, Pero ang ibig-sabihin ko dun ay yung mapapakain ako! Grabe ka naman sa Revive, Bubuhayin nga yon pero kung patay na! Revive Revive ka diyan. Hindi pa ako patay ano!" sabi ko saka tumawa na naman.

"Pinapatawa lang kita." Sabi niya.

Asus! Palusot ka pa eh. Ito talagang si Mr. Revive HAHAHA. Yawa tol sa Revive. Ang pahiyain ko talaga kahit kailan. Pasalamat siya, Sa isip ko lang siya pinapahiya at hindi sa naraming tao noh.

"Bakit hindi ka kasama dun sa loob?" pag-iiba ko ng topic.

Hindi ba't dapat ay kasama siya dahil kasamahan din siya at mukhang kanang kamay pa siya ni Klarence. Minsan nakakalito din kung sinong kanang kamay ni Klarence. Kung si Zach ba o si Caleb. Nung una kasing punta ko dito ay madalas niya ring kasama si Zach at si Caleb naman kung may kailangan siyang itanong.

Baka wala naman talaga siyang kanang kamay.

Edi putol ang kamay niya HSHSHS.

"Alam ko na ang plano eh."

Napatingin ako sa kaniya. Alam na daw niya ang plano? Kaya ba hindi siya kasama dun? Siyempre, Ano pa nga ba?

Ang slow mo self kahit kailan.

"Huh?"

"Alam ko na ang plano. Kaming dalawa ni Klarence ang nagplano niyan kagabi. Siya na ang magpapaliwanag sa iba para mas malinaw niyang maipaliwanag.Kapag kasi ako ang nagpahayag sa kanila ng plano, Magulo minsan."

Hehe, Same vibes pala tayo eh.

"Parehas pala tayo eh."

"Parehas na ano?"

"Parehas tayong magulo." Sabi ko saka nag-pose ng wacky na tinatakpan ang mukha ko.

"Meant to be talaga tayo." Sabi niya saka ngumisi.

Hala siya! Meant to be daw. Meant to be daw kami. Hala, Lagot ako kay Klarence nito.

Label asan ka na?

"Ang corny mo mag-joke. Hindi talaga bebenta."

"Hindi ko naman pinagbebenta ang joke ko ah." Sabi pa niya.

Grabe! Ang papangit talagang ka-bonding ng mga tao dito. Kung hindi man masungit eh nambabara sila. Parang hindi mga kaibigan 'tong mga adik na 'to.

"Tss, Ewan ko sa'yo. Ang pangit mong ka-bonding." Saka ako nag-tsk.

Kaunting oras kaming natahimik nang biglang dumating si Fiona na may iniinom na juice. Halatang kaliligo lang noya dahil nakatuwalya pa ang buhok niya. Kanina pa akong nakaligo dahil maaga akong nagising. Baka kasi may magsabing hindi pa ako naliligo.

"Oh, Andito pala kayo? What? Dating?" tanong niya na parang may ginagawa kami ni Zach.

"Shut up Fiona." Sambit ni Zach.

"Why?" ibinaba niya ang juice niya sa lamesa. "Nagtatanong lang naman ako ah."

Hindi na kami sumagot ni Zach dahil lahat na lang kay Fiona ay may malisya. Kapag sinagot namin siya ay baka sabihin pa niyang defensive kami. Baka paghinalaan niya kaming dalawa ni Zach kahit wala naman kaming ginagawang masama.

Sampalin kita diyan eh.

"By the way, Let me change the topic. Where's the others?" tanong niya saka ulit sumimsim ng juice.

"Nagme-meeting."

"Eh bakit hindi ka kasama?" tanong ulit ni Fiona.

"Alam ko na ang plano." Maikling sambit ni Zach.

"Oh, Okay. Andun din ba si Aiden?" napatingin ako kay Fiona.

Bakit ba palagi na lang niyang hinahanap si Aiden? Ano bang meron dito sa dalawang ito? Huwag niyong sabihin sa aking hindi pa din nahahanap ni Fiona yung panty niya? Anak ng tokwa naman oh. Gaano ba kahalaga sa kaniya yung panty na yun? Limited edition ba? Gawa ba sa ginto? Tsk, tsk.

"Uh-huh. Bakit mo hinahanap?" tanong ni Zach.

"W-Wala naman. May sasabihin lang."

"Bakit parang palagi kang may sasabihin kay Aiden?" tanong ko. Sumingit na ako.

Epal ka self.

"It's none of your business." Saka ako inirapan ni Fiona.

Kalma ka self, Barado ka dun.Wala kang maisasagot dun. Masyadong mataray iyang kausap mo kaya pagbigyan mo na. Madalas mo din namab 'yang nababara kaya minsan lang 'yan. Papasko mo na sa kaniya.

"Fiona naghahanap ka na naman ba ng away?" tanong ni Zach.

"Excuse me? Tama naman ako ah! It's non of her business." Saka ulit umirap si Fiona.

Hindi ba siya napapagod kaiirap? Ako itong nahihilo sa kaniya kanina pa eh. Nakakainis. Kunin ko 'yang eyeball mo eh at ipakain sa Zombie.

"Minsan kasi, Know your limits. Huwag puro katarayan. Kaya ang iniisip ng iba ay naghahanap ka ng gulo." Umiiling na sabi ni Zach.

Oh pak! Barado ka gurl.

"Why Zach? Masama ba ang nagtanong huh?"

"Wala naman akong sinabing mali ang magtanong, Fiona. Pero iyang katarayan mo, Ilugar mo naman."

Ohhhh... Barado ka gurl.

"Okay. It's none of your business, Bella. Sa kusina nina Klarence."

Napakunot ang noo ni Zach saka tumingin at nagsalita.

"Gago ka ba Fiona o bobo ka lang?"

Halos maibuga ni Fiona ang iniinom niyang juice dahil sa sinabi sa kaniya ni Zach.

Ohhh... Wala ka na ba gurl? Ubos na ubos ka na dahil sa pambabara sa'yo ni Zach.

Ito talagang si Zach, May ambag din pala 'yang pagiging mambabara mo. Parehas kayo ni Klarence.

"How dare you!" saka umalis si Fiona sa kusina.

Walk-out ka gurl? Ohhh, Panis!

Ilang segundo na naman kaming natahimik ni Zach. Ang boring talaga kapag walang babarahin itong mga tao dito. Kapag ako naboring ng husto, Makikipag-chikahan na talaga ako sa mga zombies. Tutal sila naman itong palaging gala ng gala kaya marami silang nasasagap na balita.

Like,

Yung kaklase mo dati! Nabaril. Ayun, Triple dead.

Ack!

"Hello, Zach?" pakinig ko sa device na dala-dala pala ni Zach.

Palagi nga pala nila dapat dala-dala iyong device na yon para in case of emergency.

"Hello?"

"Pumunta kayo dito sa kwarto. Andito na sina Ben at Fiona. Kayo na lang ang wala." Si Caleb yun.

"Okay." Sabay tago ni Zach sa device.

"Tara na."

Sumunod ako kay Zach patungo sa loob ng kwarto.

"Ihanda niyo ang mga armas!" sabay bato ni Klarence kay Zach ng baril.

Ito na naman ako, Kabado.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Dr. Wilson. Na-trace siya ni Caleb. Papunta na siya dito." Sabi ni Lukas.

Oh No! No! No! No!

Hell No!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status