แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: DarrenChen858950
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-07-07 15:31:33

Chapter 3

Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis.

Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko.

"Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.

Kami ni Klarence ang magkasama? What the heck!

"Kuya, Sasama ako." pakikiusap ni Ben sa kuya niya.

"No. You'll stay here."

"Pero kuya--"

"I said no!"

Halos mapatalon ako nang masigawan ni Klarence ang kapatid niya. Ngayon ko lang nakitang sigawan niya ang kapatid niya. Nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ni Ben. Napahigpit din ang hawak niya sa laruang robot niya na wari'y ipagtatanggol siya nito.

"I-Im sorry." sabi ni Klarence kay Ben bago ito yakapin.

"Gusto ko pong sumama."

Tumingin siya sa akin na parang humihingi ng tulong. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanila at tumingin sa kisame. Usap magkapatid yan, Bakit niyo ako idadamay diyan?

"Okay" pagsuko ni Klarence.

"Basta mag-iingat kayo. Lalo ka na Bella." pagpapaalala sa amin ni Zach.

Inilalagay na ni Klarence ang mga armas niya sa bag niya. Binigyan niya din ako ng baril. In case of emergency daw pero hindi naman ako marunong gumamit nito.

Ang sabi lang niya sa akin ay itong baril na binigay niya sa akin ay kayang-kayang gamitin kahit ng bata. Hindi mo na ikakasa kaya hindi daw ako mahihirapan. Tumango ako nang sabihin niya ang mga linyang iyon.

Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Klarence. Nagmamasid-masid siya sa paligid upang tingnan kung may zombie na paparating. Daig pa namin ang sasabak sa gera at nagmamasid kung may rebeldeng paparating.

"Basta ganito lang ang gagawin mo Bella. Huwag kang gagalaw kapag malapit na sa'yo ang zombie lalo na kapag wala ka nang matataguan." pagpapaalala sa akin ni Klarence.

Tumango naman ako. Aayaw ko munang ibuka ang bibig ko dahil sa kaba ko. Baka mapalakas ang pagsasalita ko at marinig ng mga zombie. Mahirap na tol.

Dahan-Dahan naming tinungo ang convenient store kung saan nila ako natagpuan noon. Kumuha kami ng mga delata at iba pang pagkain. Siguraduhin ko daw na matagal pa ang expired ng pagkain para magtagal din sa amin.

"Ate Bella." pagtawag sa akin ni Ben.

Nilingon ko naman siya na may awrang nagtatanong.

"Bakit?" tanong ko habang tinitingnan ang expiration date ng de latang hawak ko.

"Gusto ko nun" sabay turo niya sa marshmallow na nasa itaas.

Masyado itong mataas at hindi ko kayang abutin. Lumingon ako sa paligid at nakita ko naman si Klarence na kumukuha din ng mga pagkain kasabay ng paglinga-linga niya sa paligid. Walang tungtungan akong makita kaya pipilitin ko na lamang sigurong abutin ang marshmallow na gusto ni Ben.

Tumiad ako para subukang abutin iyon. Bakit ba kasi nasa itaas ang marshmallow. As in, Nasa pinaka-itaas siya. Konti na lang at maaabot ko na ang marshmallow pero hindi ko pa din maabot. Tiningnan ko si Ben at mukhang naghihintay pa din na makuha ko ang gusto niya.

Huminga ako ng malalim saka sinubukan muling abutin ang marshmallow pero isang tao ang umabot dito. Si Klarence. Kinuha niya ang marshmallow saka walang emosyon na ibinigay sa akin.

"Huwag pilitin kung hindi abot. Kung may kailangan ka, Sabihin mo sa'kin. Pandak ka tapos aabutin mo yun. Tss.." hindi nakawala sa paningin ko ang pagngiti niya.

Wait. Ngumiti siya? Si Klarence ,Ngumiti? Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang pagngiti niya. Kung normal lang siguro ang mga tao dito, Baka kinababaliwan na siya ng mga babae. Yung tipong kahit ngisi lang niya, Mahihimatay ka na.

Iniabot ko na kay Ben ang marshmallow na pinakukuha niya sa akin. Masyado akong pinahirapan ng batang to. Dagdag ko pa na dapat tahimik lang dahil baka may zombie pala dito tapos hindi namin alam.

"Bakit?" tanong ko kay Ben nang hilahin niya ang ibabang parte ng damit ko.

"Alam mo ate Bella, Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Kuya Klarence ko" bulong niya sa akin.

Bigla akong napatingin sa kaniya na busy ngayon sa pagbabantay ng lalabasan namin. May hawak na batuta at napaka-simple pero elegante kung tingnan. Lumingon din ako kay Ben, Para siyang ahhmm, Child version ni Klarence. Magkahawig talaga sila. Hindi na kailangan ng DNA test para patunayang magkapatid sila. Mukha nga silang magkambal eh.

"Fuck! Hurry!" pabulong na sigaw ni Klarence sa amin. Lumingon naman ako sa may labasan at nakita ang paparating na mga zombie.

Mga nasa sampung zombie ang paparating. Agad kaming nagtago sa CR ng convenient store saka ito ini-lock. Kaagad niya ring tinakpan ang bibig ko at at saka sinenyasan ng silent. Tiningnan ko naman si Ben na nasa loob ng t-shirt ng kuya niya ang ulo. Gusto kong tumawa sa inasta niya pero mas mautak pa talaga sa akin ang batang ito.

"They're gone." sabi ni Klarence sa amin saka tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon. Binuhat niya si Ben at saka kami nagsimulang umalis sa convenient store. Bawat hakbang namin ay tahimik at para rin kaming sidekick kung gumalaw.

"Kumusta?" tanong ni Lukas.

Ang gandang bungad 'no? Itanong ba naman kung Kamusta.

"Eto, Buhay pa." sagot ko bago uminom ng tubig.

Pumunta na sila sa sari-sariling kwarto kaya pumunta na din ako para maligo. Pawis-pawisan na din ang katawan ko. Nag dolphin short na lamang ako dahil kokonti pa lang din ang mga damit ko dito. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kusina para tulungan si Klarence na magsalansan ng mga kinuha namin.

"Tulog na si Ben?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga de lata.

Tumango naman siya. Galit talaga siguro 'to sa mundo. Napatingin naman ako sa lababo at may nakapatong na gitara. Umiling na lamang ako at hindi iyon pinansin. Imposibleng kumakanta 'tong si Klarence. Galit ba naman sa mundo tapos ang sungit tapos mala-dragon kung magalit at saka mala-yelo sa pagiging cold.

Pagkatapos niyang isalansan ang mga pack at cup noodles ay umuna na siya sa akin. Siguradong single 'to. Hindi man lang marunong mag-goodnight o babye man lang. Naghugas muna ako ng kamay bago umalis sa kusina para sana matulog na.

Napadaan ako sa pinto ng underground garden. Nakakawang ang pinto nito kaya't bukas ito ng kaunti. May narinig akong boses at tugtog ng.....

Gitara?

Sumilip ako sa pinto at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Klarence, Kumakanta? Nag-gigitara? Nananaginip ba ako? O baka namamalikmata lang ako? Kinusot ko ang mata ko pero hindi talaga ako nagkakamali! Si Klarence nga talaga iyon!

Pumasok ako sa garden at sabay...

"Aha! Marunong ka palang kumanta!" sabi ko with matching sobrang lawak na ngiti at may pa-palakpak pa.

Tumingin siya sa akin saka tumayo. Loh? Lalagpasan niya ako pero bigla akong bumaba sa kaniya.

"What the! Bumaba ka diyan!" sabi niya habang pinipilit na tanggalin ang braso ko.

"Hindi! Dito ka muna. Kantahan mo'ko" pagmamatigas ko.

"Hindi ako kumakanta."

"Anong hindi? Narinig kita kanina. Ang galing mo ngang mag-gitara."

"I said, Umalis ka diyan! Hindi nga ako kumakanta."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka umu-oo."

Huminga siya ng malalim. OMG! This is it! Papayag na yan ayieeee.

"Fine" pagsuko niya.

Naks!

Umupo kami sa bench. Medyo napapailing-iling pa nga siya. Wala ka nang magagawa. Um-oo ka na.

"Oh, Magsimula ka na." sabi ko sa kaniya.

Di'ba kakanta siya. Ang tagal niya. Naghihintay ako.

"Sinabi ko bang gagawin ko?"

Napanguso naman ako sa sinabi niya. Bakit ba hindi ko naisip yun?

"Alam mo ikaw..."

"What?"

Gago. Patapusin mo muna kasi. Masyado kang epal.

Tumingin ako sa kaniya saka pinitik ang ilong niya.

"Aww! What the hell are you doing?!" sabi niya habang hawak ang ilong niya.

Nakita ko kung paano siya mamula. Naku, Galit ata sa akin. Baka hindi to makakanta?

"Hehe. Alam mo gwapo ka sana kaso...."

"Kaso ano?"

"Patapusin mo muna kasi ako!"

Ang epal talaga.

"Kaso ikaw..." dinuro ko siya "...Ang sungit-sungit mo tapos dinaig mo pa ang Frozen sa sobrang cold mo. Kaano-ano mo ba si Elsa?"

Hindi siya sumagot bagkus ay binigyan niya ako ng Oh-tapos-look. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. KJ.

"Ahh, Siguro hindi si Elsa kamag-anak mo dun."

Kumunot ang noo niya. Tila ba nagtatanong ng Sino?

"Aha! Si Olaf talaga yung kamag-anak mo! HAHAHA."

"Who's olaf?"

Ay! Di siya nanonood ng Frozen.

"Yung carrot yung ilong HAHAHA. Oh diba! Parehas matangos ang ilong niyo tapos parehas din kayong malamig!" sabi ko pa.

"Ewan ko sa'yo!"

"Kantahan mo na kasi ako!" sabi ko sa kaniya habang niyuyugyog ang balikat niya.

Kanina pa akong naghihintay na kumakanta siya. Nakakabagot din ang naghihintay.

"Ano bang favorite song mo?"

Hmm, Ano nga ba? Ang dami kong favorite song pero isa talaga yung pinaka pinaka pinaka favorite ko.

"Yung 'Di ba Halata." sabi ko habang tinataas baba ang kilay ko.

"Singer?"

"Hindi song yun!"

"Pfft. I mean, Sinong kumanta?"

"Hmmm...Agsunta."

Kakantahin na yan ayieee.

"Di ko alam yun." sabi niya sa akin.

Ano ba yan! Sayang, Akala ko naman kakantahin niya yun ngayon sa akin. Na-excite pa naman ako.

"Edi kahit ano na lang." sabi ko sa kaniya.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. Mukhang napilitan pa ata siya sa akin. Pero waley na siyang magagawa. Panalo si Aketch!

Sinimulan na niyang patunugin ang gitara niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay patuloy sa pag-strum ng cords ng gitara niya. Para siyang professional sa pagkalabit ng bawat string ng gitara niya. Parang ibang Klarence tuloy ang kasama ko dito ngayon.

If the heart is always searching,

Can you ever find a home?

I've been looking for that someone,

I'll never make it on my own

Nakatitig lang ako sa kaniya habang kinakanta niya ang bawat liriko ng kanta. Ang ganda talaga ng boses niya. Para siyang anghel kung kumanta. Yung tipong 2 mo ang problema mo kapag narinig mo yung boses niya na kumakanta.

Dreams can't take the place of loving you,

There's gotta be a million reasons why it's true.

When you look me in the eyes,

And tell me that you love me.

Everything's alright,

When you're right here by my side.

Tumigil siya saglit at saka tumingin sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at saka binigyan ng tuloy-mo-lang look.

When you look me in the eyes,

I catch a glimpse of heaven.

I find my paradise,

"Antok ka na ba?" tanong niya sa akin habang inaayos ang gitara niya.

Akala ko ay itutuloy niya ang kanta niya pero tumigil na kaagad siya. Nabitin tuloy ako. Napahikab naman ako saka umunat. Muntik ko pa ngang masagi yung mukha niya eh.

"Oh saan ka na pupunta?" tanong ko sa kaniya nung akmang tatayo na siya.

"Tutulog na. Antok ka na eh." sabi niya sa akin.

"Wala naman akong sinabing Antok na ako ah."

Umunat lang, Antok na kaagad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-stretching?

"Sabi ko sa'yo eh.Magaling kang kumanta." sabi ko bago sumandal sa bench.

Ramdam ko namang tumingin siya sa akin.

"Talaga?" Tumango ako.

Ang galing naman talaga niyang kumanta. Dapat sumasali siya sa mga singing contest. Siguradong panalo siya kapag sumali siya. Maghahanda talaga ako ng banner para suportahan siya hihi.

"Ang astig nga ng boses mo eh. Pantawag ng tanghalan." sabi ko.

"Ikaw din naman." sabi niya sa akin.

"Ows? Talaga? Fan na ba kita? Gusto mo ng autograph? Grabe! Magaling talaga akong kumanta tingnan mo...." tumikhim ako "...Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do!"kaso pagdating ng Do, Bigla akong pumiyok.

"Pwede ka na sa tawag ng tanghalan, Kaso Gong ka agad." saka niya ako tinawanan.

Ay?! Happy ka na don?

"Kapag ikaw, Sumali sa singing contest, Gagawa ako ng banner tapos sisigaw ko yung pangalan mo!"

"Susuportahan mo'ko?"

"Oo naman!" agad kong sagot sa kaniya.

Kung akin lang yung boses niya, Kahit siguro sa panaginip ko, Kakanta ako tapos nagpapalakpakan yung mga braim cells ko. Ngumiti siya sa sinabi ko. Marunong din palang ngumiti tong nilalang na'to eh.

"Kailan nga pala ang birthday mo?" tanong ko sa kaniya.

Wala na talaga akong ma-topic. Masyadong boring kapag walang maingay tapos aayaw na naman niyang kumanta. Hanubayan, Hindi niya sinusulit yung boses niya.

"Why?"

"Kelan nga?! Wala na akong matopic eh."

"Sa'yo? Kelan yung sa'yo?"

"Aba! Teka lang. Andaya mo." tinuro ko siya.

"Bakit?"

"Ako nagtanong nun tapos tatanungin mo ako pabalik!"

"July."

"July ano?"

"26" sabi niya.

July 20 na ngayon. Ibig-sabihin malapit na pala ang birthday nitong kumag na to? Hmm, Ano kayang pwedeng iregalo? Mukhang nasa kaniya na naman lahat dahil galing din siya sa nayamang pamilya. Ang hirap talagang magregalo kapag mayaman yung reregaluhan. Di mo sure kung maa-appreciate niya yung ireregalo mo sa kaniya.

"Let's sleep." sabi niya bago tumayo kaya sumunod ako sa kaniya.

Sa kama pa din ni Ben ako natutulog. Ang pangit naman daw tingnan kung sa bodega ako matutulog samantalang pwede naman daw dito sa kwarto nila. At isa pa, Masyado daw maraming mapanganib na bagay sa bodega nila.

Tinanong ko naman sila kung pwedeng dun na lang ako sa kwarto sa itaas total nasa nasa ilalim ng lupa naman kami. Pero sabi nila, Delikado daw. Iba daw kasing bagay ang ginamit ng ama ni Klarence dito kaysa dun. High Quality materials. Sound proof yung pader at hindi basta-basta mabubuksan yung pinto. 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Epilogue

    A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 54

    Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 53

    Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 52

    Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 51

    Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 50- Lukas

    Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status