Share

Chapter 3

"Tayo maguusap? Para san ?ahh oo nga pala hahaha". Pagak kong tawa naalala ko naman yung mga sinabi ng kabit nya na hindi na ko mahal ng asawa ko. Tumayo ako at humarap sakanya muntik pa syang matumba ngunit nasalo naman sya nito agad. "Totoo bang hindi mo na ko mahal? Sabi nung kabit mo kanina na hindi mo na daw ko mahal? Tell me ?! Hindi ko na mapigilan pa ang emosyon ko sobra akong nasasaktan umagos muli ang mga luha ko na parang ayaw din papigil hindi sya nagsasalita nakatitig lang sya saken. " Diba sabi mo ako mahal mo? Ako lang babae sa buhay mo ako lang hanggang sa pagtanda naten? Nangako ka diba? Nangako ka sa pamilya ko sa harap ng altar at sa diyos na ako lang ang babaing mamahalin mo!pero bakit?! Bakit Adam? Nangako ka e nangako ka!"Ngunit hindi sya nagsasalita nakatitig lang ito sakanya ng may awa. "Ano magsalita ka!pipi ka ba ha?! Hindi na nya mapigilan ang galit dito pinagsusuntok nya ang dibdib nito na kahit papano ay makaganti sya ginawa nito sakanya. "Ang kapal ng mukha mo! Ang baboy mo! Napakagago mo! Bakit mo to nagawa saken ha?! Binigay ko sayo lahat buong buhay ko sayo lang nakatuon ni sarili ko hindi ko na magawang malagaan dahil sayo! Ang kapal ng mukha mo! Nakakadiri ka! Sabi mo bibigyan mo ko ng masayang pamilya pero bakit ganito ?!"

"Im sorry mahal".Niyakap sya nito ng mahigpit. " Bukas pagusapan naten to" habang nakayakap pa rin sakanya. Hinang hina na sya pagod na pagod at gusto nalang nya magpahinga hinayaan nalang nya itong nakayakap sakanya maya maya naramdaman na lamang nya na kinarga sya nito pataas sa kanilang kwarto. 

Kinabukasan.

Nagising sya na masakit ang ulo napansin nyang nakayakap pala sakanya ang kanyang asawa humarap sya dito pinagmasdan nya ang buong mukha nito na mahimbing na natutulog. Naalala nya ang lahat ng nangyari kahapon pinagmasdan nya lang ito. Ang lalaking minahal ko ng sobra pero sinaktan lang ako pinigilan nya ang nagbabadyang mga luha agad nyang pinunasan ito at dahan dahan nyang tinangal ang braso ng asawa na nakayakap sa bewang nya. Buti at hindi pa ito gising himala nga e andito pa din sya sa bahay samantalang gantong oras nasa trabaho na sya o baka nasa kabit nya lang. Tsk nainis sya sakanyang naisip. Mabilis syang naligo at nagpalit ng damit sa kotse nalang sya magaayos at magsuklay baka magising ang kanyang asawa at hindi na sya makaalis pa balak nyang puntahan ang kanyang kaibigang si Anya don muna sya maghapon ayaw nyang makita ang asawa dali dali syang bumaba ng hagdan bitbit ang susi ng kotse. Ng tapos na sya magayos ay pinaandar na nya ang kotse tinext na din nya si Anya na pupunta sya sa condo nito sakto at wala itong pasok kaya makakapagusap sila.  Medyo malayo din ang condo ni Anya at hindi rin alam ng kanyang asawa kung saan na ang condo ni Anya dahil lumipat na ito kaya alam nyang hindi sya masusundan nito. 

"Alam kong may problema ka kaya ka nandito, oh ano tama ba ko sa iniisip ko may kabit yang asawa mo?" nakapamewang pa ito sakanya. Agad syang napabuntong hininga tumingin sya sa kaibigan "totoo ang nasa isip mo may kabit nga ang asawa ko". Sabi ko sakanya.

" ohmaygod! Totoo ba talaga na may kabit ang asawa mo?! Grabe hindi ako makapaniwala! Tell me nakita mo ba yung kabit?!" tanong nito sakanya "Oo, pati ang kababuyan nila nakita ko ginawa nilang hotel yung office ng kompanya at don ko sila nahuli". Saad ko dito. Mas namilog naman ang mga mata nito sa narinig "Nakaraan lang nagtalo pa tayo tapos ngayon hayss walanghiya yang asawa mo dapat dyan pinuputulan ng tit*, Anong itsura ng babae maganda ba? Sexy ba ? Tanong ulit nito sakanya. "Oo maganda at sexy, anong gagawin ko e mukhang mas bata pa to saken, Sobrang sakit ng ginawa nila saken Anya". Malungkot kong saad dito. "Nako wag lang papakita saken yang asawa at kabit nya malilintikan sila saken! Wag lang talaga sila papakita! Hmp. Nangangalaiti ito sa galit. "May karma din ang mga yun Anya wag kang magalala". Saad ko dito. "Karma? Wag mong sabihing aantayin mo pa ang karma nila! Iwan mo na yang lalaking yan niloko kana at hindi na yan magbabago pa". Sabi nito sakanya. "Diko kaya Anya, mahal na mahal ko si Adam alam mo yan. Gusto ko lang naman ng masaya at buong pamilya e". Hindi ko na napigilan pa ang luha ko at sunod sunod na itong pumatak naisip ko palang na iwan sya ay hindi ko na kakayanin sa tagal ng pinagsamahan namen di lubos maisip na mawawala sya saken. "Anong balak mo nyan? Kung ano desisyon mo andito lang ako". Tumingin ako sa mga mata nya at kita ko ang awa nya para saken. Mag alas kwatro na at naisipan kong umuwi na napagisip isip ko na kalimutan nalang ang lahat ng nangyari alang alang sa mga pinagsamahan namin. Naalala ko na maguusap pala kame ngayon kaya dali dali kong pinaandar ang kotse,Ng sa kalagitnaan na ko ng pagdadrive ng mapansin kong ang isang kotse na kaparehas nung kotse ng kanyang asawa ganon din ang plate number nito napansin nyang nakaparada ito sa tapat ng obygyne clinic bigla syang kinabahan imposible na pupunta sa gantong lugar ang kanyang asawa inihinto na muna nya ang kanyang sasakyan. Hindi nya alam kung bakit parang masama ang kanyang kutob nakatitig lang sya sa entrance ng obygyne clinic. Don sya nagulat ng makita ang kanyang asawa na kasama ang kanyang kabit na lumabas galing clinic na yon at hindi sya tanga para hindi nya alam yon. Kitang kita nya kung gaano kasaya ang mga ito nanikip ang kanyang dibdib sa nakita kailangan nyang harapin ang mga ito bumaba sya ng kotse at walang paligoy ligoy na naglakad patungo sa dalawang nanggago sakanya.

Agad naman napatigil sa paglalakad ang dalawa parang naistatwa ang mga ito ng sa nakita nila. Hindi ako nagdalawang isip pa at sinampal ko sya todo "Ang kapal ng mukha mo! Buong akala ko magkakaroon ako ng masayang pamilya nangako ka saken hayop ka! Ang kapal mo Adam kaya pala ayaw mong magkaroon tayo ng anak dahil ba sakanya ha?! Wala na kong pakealam kung may mga taong nasa paligid. "Pwedi bang wag kang magiskandalo dito?! Bat di mo nalang kase tanggapin na hindi kana mahal ng asawa mo. Ayaw ka nyang mabuntis kase nga ako ang mahal nya at saken nya gustong magkaroon ng anak!". Ang kapal din talaga ng kabit nato anlakas ng loob. "Naniwala ka naman? Mas makapal pa pala sa kalyo yang pagmumukha mo dika ba nahihiya nakasira ka ng pamilya dahil sa kakatihan mo wala ka na bang ibang mahanap na tit*? Anlaki ng mundo,Seriously wala ka talagang mahanap at asawa ko ang kinakapitan mo Hahaha sabagay yung mga kagaya mo hindi pinapakasalan hanggang kabit lang kase ang role mo sa mundong to!"

"Pwes antayin mong pakasalan ako ni Adam, diba Hon nakaready na lahat para sa annulment nyo? Kawawang asawa ops or should i say Exwife soon?? Hahaha". Napatingin sya sa kanyang asawa na ngayon ay nakatitig lang sakanya hindi mo mabasa kung ano ang sinasabi ng mga mata nya. "Okay, bigay nyo nalang saken para mapirmahan ko kaagad, total kating kati ka naman na pakasalan hayok na hayok ka sa pag mamayari ng iba e !bigay ko sayo yang tira tira ko kawawa ka naman e namamalimos ka ata. Bagay nga kayo isang linta at isang hayop. Ngayon na nakabuo kayo sa kababuyan nyo sana hindi yung bata ang magdala sa karma nyo!" buong lakas kong sabi sakanila. "Tumigil na kayo, wag mong idamay ang bata sa sinapupunan nya. Umuwi kana magusap tayo sa bahay". Biglang sabi ng kanyang asawa na ikinabigla nya. " Anlakas din ng loob mo Adam, alam mo di na kita kilala o talagang sa tagal ng pinagsamahan natin ay hindi pa pala kitang lubusan na kilala! Masaya ka ba sa ginagawa mo? Sana meron ka pang hiya sa lahat ng mga ginawa mo saken ! Balak ko nalang sana kalimutan ang lahat alang alang satin pinagsamahan at magsimula ulit pero diko akalain na gusto mo na palang kumawala sa pundasyon na ginawa naten at sumama lang sa linta mong kabit!Pwes wala na tayong dapat pagusapan pa!"agad syang bumalik ng kanyang kotse at pinaharurot ito ng mabilis di nya akalain na mamalasin na naman sya sa araw na ito yung akala nya na maaayos pa ay wala na pala talaga kasi sirang sira na hindi na pweding buuin pa dahil sya na mismo ang gustong bumitaw sa relasyon namin. Halos di na nya makita ang kalsada dahil sa kakaiyak. Akala ko aayusin namin ang gusot na tong magkasama pero ako nalang pala ang may gusto ako nalang pala ang nakakapit sa relasyon na to dahil matagal na syang bumitaw. Pagkapasok nya ng bahay agad syag umakyat pataas buo na ang kanyang desisyon aalis na sya dito para saan pa at manatili pa sya dito gayong wasak na ang relasyon nilang magasawa nagumpisa na syang magimpake nilagay nya lahat ng kanyang gamit sa maleta iniwan nya na din ang kanyang singsing sa kama aanhin nya yun kung maghihiwalay na din naman sila. 

Pagkatapos nyang magimpake ay ibinaba nya lahat ng kanyang gamit at dinala iyon sa kanyang kotse tinawagan na din nya si Anya na pansamantala na muna syang magstay sa condo nya, umoo naman kagaad ito balak sana syang puntahan nito ngunit pinigilan nya na wag ng pumunta dahil kaya naman na nyang magisang iimpake ang kanyang mga gamit. Ng mailagay nya na lahat ng kanyang gamit ay sinulyapan nya muna ang buong bahay, mamimiss nya ang lahat lahat dito. Iiwan na nya ang mga pangarap nya na magkaroon ng masayang pamilya dito. Hindi na din sya nagtagal at umalis na sa bahay na iyon.

๐—–๐—ข๐—ก๐——๐—ข

"Pasensya kana Anya kung naabala pa kita di ko na rin kase alam kung saan ako pupunta". Naalala nya ang kanyang pamilya sa ibang bansa halos lahat ng pamilya nya ay nasa canada kaya wala din syang ibang mapuntahan ayaw din naman nyang malaman ng kanyang biyenan ang problema nila ng kanyang asawa. " Ano ka ba Ana, wala yon. Welcome na welcome ka dito kahit kelan mo gusto tsaka boring din na ako lang magisa dito atleast ngayon andyan may makakausap ako". Sabay yakap sakanya ng kaibigan. "Bat di ka pa kase magasawa ng may makasama kana sa buhay." pabiro nyang sabi dito. "No. Never! Tingnan mo nga nangyare sayo! Nakakatakot pumasok sa ganyang relasyon baka diko kayanin magpakamatay nalang din ako". Agad naman syang nalungkot dahil naging miserable ang buhay nya nakakatrauma nakakagalit. Kinwento nya lahat kay Anya ang mga nangyari kanina at kung bakit sya nag alsabalutan kaya heto sya kulang nalang may umusok sa kanyang tenga sa sobrang galit nya. " Ang kakapal ng mukha nila! Alam mo Ana may laban ka pwedi mo silang kasuhan lalo na ang kabit na yun hmp! Nakakagigil.  Hindi nya alam kung anong gagawin nya ayaw din naman nyang humantong pa sa demandahan.

" kahit naman idemanda ko sila wala din naman magbabago hindi na babalik ang dati kong buhay ang asawa ko at higit sa lahat ang pangarap ko na magkaroon ng masayang pamilya kay Adam, tsaka magkakaanak na sila kawawa naman ang bata".

Paliwanag nya sa kaibigan hindi na ito nagsalita pa alam kase nito na kapag ayaw nya ay ayaw nya talaga. 

"Alam mo magpahinga ka nalang muna matulog ka gisingin nalang kita maya maya kapag kakain na tayo don kana sa kwarto mo magpahinga".

Alalang sabi nito

" Salamat Anya, papahinga lang ako saglit".

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto feeling ko pagod na pagod ako hanggang ngayon iniisip ko pa din ang annulment matamlay akong napahiga sa kama. Iniisip palang nya na mawawala na sakanya si Adam ay naiiyak na naman sya hindi nya alam kung anong nagawa nya para lokohin sya nito ang mas masakit pa don ni hindi manlang sya nito inintindi bagkus ay tuwang tuwa pa ito at masayang masaya kasama ang kabit nya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status