Share

๐—”๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ'๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐—ฒ
๐—”๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ'๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐—ฒ
Author: Jobelle Vellejo

Chapter 1

"Alam mo Ana kung ako sayo mag ayos ayos ka naman mukha ka nang losyang wala ka pang anak pero sa itsura mo daig mo pang may sampung anak"!Hindi ka ba inaalagaan ng asawa mo? Daig mo pa ata nagpapadede e. Napailing nalang ito at kinuha ang isang baso ng juice at deri deritsong nilagok ang laman nito. Halata sa itsura nito ang pagkadismaya sa kaibigan parang hindi manlang nito maalagaan ang sarili malayong malayo sa dating napakaganda at seksing Ana na nakilala nya.

" Grabe ka naman saken Anya, Dapat pala di nalang ako pumunta dito kung lalaitin mo lang ako akala ko pa naman ay namimiss mo ko". Hinanakit nitong saad sa matalik nyang kaibigan.

"Pano naman kase umalis lang ako ng ibang bansa tapos paguwi ko e halos di na kita makilala".Buntong hininga ito sabay lagok ulit ng juice.

" E kelangan ko pa ba yun? May asawa naman na ko tsaka di ko na muna uunahin yun kase kailangan ko alagaan ang asawa ko tsaka ako din gumagawa ng mga gawaing bahay ayoko din kase ng may katulong gusto ko ako lahat nagmamanage sa bahay at ayaw ko din na may ibang tao gusto ko kame lang dalawa. Kaya wala nakong panahon sa sarili ko".Paliwanag nito sa kaibigan.

"Ofcourse,Ana ! Kahit magasawa na kayo kailangan mo pa din alagaan sarili mo hindi lang dapat sya inaalagaan mo pati na rin dapat sarili mo. Pwedi ka namang kumuha ng tagalinis every weekend yung hinde kelangan ng stay in kung ayaw mo ng may ibang tao sa bahay nyo husko! Maloloka ako sayo. Tamo! Pagnakahanap yang asawa mo ng sariwa at seksi magsisisi ka". Sermon nito sa kaibigan.

Nakaramdam naman agad ng kaba si Ana sa mga sinabe ng kanyang kaibigan. Pano kung maghanap nga ang asawa nya pano kong ipagpalit sya nito sa mas bata at seksi di ata nya kakayanin. Buong buhay nya kay Adam lamang umiikot ang mundo nya. Iwinaksi nya ang kanyang nasa isip ayaw nya kung ano man nasa isip nya mahal sya ng kanyang asawa at hinde sya lolokohin nito, tama yun ang dapat nyang isipin. 

" Kung ano ano iniisip mo, mahal ako ng asawa ko trabaho lang inaatupag non hinding hindi non magagawa ang lokohin ako". Pagtanggol nya sa kanyang asawa.

"Edi maganda kung ganon. Subukan lang nya ako makakalaban nya wag na wag syang magkakamali na lokohin ka! Basta ako sinabihan na kita alagaan mo sarili mo. Sa susunod na linggo sama ka saken mag gym tayo para naman pumayat ka tumataba kana o". Sabay hawak nito sa bilbil nya. Tama sya tumaba nga ko nawala na ang dati kong slim at magandang hubog ng katawan. Pero wala na syang time mag gym dahil marami syang ginagawa.

" Nako, wala na kong time dyan Anya. Marami akong gawain sa bahay tsaka walang magaasikaso sa asawa ko". Tanggi nito sa paanyaya ng kaibigan.

"Okay, fine. Pagsuko nito sa kaibigan dahil wala na syang magagawa kahit ano pang pagkumbinsi ang gawin nya. " Inom nalang tayo sulitin nalang naten ang araw nato at magiging busy din ako sa kompanya ko kaya malimit lang tayo makakapagusap at magkita"malungkot na saad nito. 

"Wag kang magalala punta puntahan nalang kita kapag di ako busy". Umaliwalas naman ang mukha nito. Halos mag alas syete na ng gabi ako nakauwi napasobra kame ng kwentuhan ni Anya wine lang ininom namin kaya hindi naman ako nalasing napasarap lang ng kwentuhan. Pagbaba ko ng kotse ay nagmamadali akong pumasok baka parating na ang asawa ko at wala pa din akong nailutong pagkaen panigurado gutom na gutom na yun. Pagbukas ko ng pinto madilim kaya binuksan ko ang ilaw malapit lang sa pinto, malaki ang bahay namin at maaliwalas kaya hirap din talaga ako sa paglilinis siguro tama nga si Anya na kumuha ako ng katulong ko sa paglilinis ng bahay every weekend. Umakyat ako papuntang kwarto nagpalit lang ako ng damit at bumaba din agad papuntang kusina para magluto at magsaing.  Espesyal na kare kare ang iluluto ko ngayon at pininyahang manok dahil paborito nya ang mga ito napapangiti syang inihanda ang karne at ingredients tiyak na matutuwa ang asawa nya nito. 

Alas nwebe na pero wala pa din ang kanyang asawa nakahapag na rin sa lamesa ang mga niluto nyang ulam. Nagtataka sya dahil gantong oras nasa bahay na ito kaya hindi na sya nagdalawang isip na tawagan ito nagaalala sya baka kung ano na nangyari sa asawa nya. Ngunit hindi manlang nito sinagot ang mga tawag nya naisip nya na antayin na lamang ito baka hindi narinig ang tawag nya kase madalas naka silent ang phone nito. Naupo muna sya sa sala at binuksan ang tv sakto naman na ang palabas ay kay Anne curtis kinilig sya ng makita ito idol nya kase ito tungkol pala ito sa magasawa at kabit bigla tuloy nya naalala ang mga sinabe ni Anya pano kung mangyari ito samin ng asawa ko ?agad nyang pinalitan ang channel dahil hindi na nya nagugustuhan ang mga nasa isip nya pinanood na lamang nya ang tom and jerry sa CN. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto agad syang tumayo para puntahan ito alam nya na asawa na nya iyon at hindi nga sya nagkamali sa itsura palang ng asawa ay pagod na pagod ito ni hindi manlang sya tinapunan ng tingin.

"Mahal okay ka lang ba?? Kumaen kana? Nagluto ako ng paborito mong ulam kare kare at adobong manok".Nagaalalang tanong nito sa asawa. 

" pasensya kana pagod ako ngayon gusto ko ng magpahinga kumain ka nalang dyan mauna na kong umakyat sa taas matutulog na ko wag ka magalala kakain nalang ako pagka nagutom ako." Ni hindi manlang sya nito tinapunan ng tingin umakyat agad ito sa taas at sinundan na lamang nya ng tingin ng may pagtataka. Tinanggihan nya ang paborito nyang ulam parang anlaki ng problema ng asawa ko mukhang may problema ata sa kompanya. Napailing nalang syang pumunta ng kusina sumubo lang sya ng konti dahil nawalan sya ng gana kumaen niligpit na lamang nya ang niluto nyang ulam hinugasan ang pinagkainan at umakyat na din sya para makapagpahinga.

Kinabukasan. 

Maagang nagising si Ana na wala na sa tabi nya si Adam marahil ay naliligo na ito para pumasok sa trabaho kaya bumaba sya para initin ang natirang ulam na halos hindi naman nabawasan kagabi. Hindi na nya ito inistorbo pa kagabi dahil tatanungin nya sana ito kung may problema ba sa kompanya ngunit tulog na ito kaya natulog nalang din sya ngayon nalang nya ito tatanungin. Bumaba na din ang kanyang asawa na may hawak na suitcase napakagwapo nito sa suot nyang business attire naamoy din nya ang pabangong gamit nito hindi nya mapigilan titigan ang asawa napakagwapo pa din nito hanggang ngayon matitipuno ang katawan at matangkad kaya hindi imposible kung madami pa din ang nagkakagusto dito hanggang ngayon bigla syang nainis sa naisip nyang iyon di nya ata kakayanin kapag may ibang kalaguyo ang kanyang asawa. "Stop staring eat your food". Natauhan naman sya agad. " So..sorry. Agad naman syang pinamulahan dahil nakita pala sya nito na nakatitig sakanya. Kung ano ano pumapasok sa isip ko kaya diko namalayan na nilagyan na pala nya ng pagkaen ang pinggan ko. 

"Ano bang iniisip mo? Di mo manlang bawasan ang pagkaen mo?. Kunotnoong tanong nito sakanya. 

" ahm wala naman. Tatanong ko lang sana kung may problema ba sa kompanya mukha kasing ang tamlay mo kagabi at anong oras kana din nakauwi." sabay lagok ko ng juice sa baso. Tumingin lamang ito sakanya at maya maya pa ay inayos nito ang kwelyo. "Wala naman problema sa kompanya pagod lang talaga ako kahapon dahil marami akong meetings at tinapos ko na din ang mga paperworks kaya late na ako nakauwi kagabi". Paliwanag nito sakanya at pinagpatuloy ang pagkain. 

Ahh. Okay". Yun na lamang ang nasabi ko at pinagpatuloy ko na din ang pagkaen. Nagvibrate naman ang cellphone nito kaya napaangat ako ng tingin sakanya habang binabasa nito ang message napansin nyang umaliwalas bigla ang itsura nito tinago na nito ang cellphone sa bulsa at nagmamadaling sumubo ng pagkaen at nilagok ang isang baso ng juice sabay tayo. " I have to go, malilate na ko sa meeting at kiniss sya nito sa noo at umalis na ni hindi manlang sya inintay na magsalita. Wala syang nagawa kaya sinundan na lamang nya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng pintuan. 

Nilibang na lamang nya ang kanyang sarili sa pag linis ng kwarto nila ng asawa pinalitan din nya ng bedsheet ang kama at kurtina. Napansin nyang magulo na din ang mga damit ng kanyang asawa sa kabinet kaya inayos nya itong muli. Kinuha na din nya ang mga labahan nito para dalhin sa laundry area kinuha din nya ang nakasabit na puting polo sa pinto may naamoy sya dito na ibang pabango sigurado sya na hindi ito sakanya o sa asawa nya inamoy nya ulit ito matamis ang pabangong iyon at hindi sya mahilig sa ganong pabango hindi na lamang nya ito inintindi. 

"Sa wakas natapos din. Sabi nya habang iniistretch pa ang katawan dahil sa pagod. Bumaba sya para kumuha ng makakain sa ref at nakita nya ang isang slice na cake at ice cream dinala nya ito sa sala at doon nilantakan lately napansin nyang nahilig sya sa mga matatamis kaya siguro tumaba sya dahil dito binuksan din nya ang tv at nanood. Tuwang tuwa sya sa pinapanood nya dahil ang kukyut ng mga bata sumasayaw ang mga ito habang kumakanta. Naisip nya sa limang taon na pagsasama nila hindi pa sila biniyayaan ng anak ng kanyang asawa. Sa tuwing binabanggit ko ang tungkol sa gusto ko ng magkababy ay bigla nalang nagiiba ang timpla nito dahil ayaw pa daw nito ng anak at hindi pa handa maging ama. Nalulungkot sya sa tuwing naiisip nya ang pinagusapan nila ng kanyang asawa pinatay na lamang nya ang tv at naidlip.

Pagkagising nya ay napatingin agad sya sa orasan " magalas singko na pala napasarap ako ng tulog. Tiningnan ko ang cellphone ko baka sakaling tumawag ang aking asawa walang tawag o text mula rito ganoon siguro kabusy ang asawa nya sa kompanya ni hindi manlang sya kamustahin kung ayus lang ba sya sa bahay. Malungkot syang napahiga ulit sa sofa habang tumatagal napapaisip sya parang nagbago na nga ang asawa nya di na ito masyado malambing sakanya.

Maya maya pa ay nagluto na sya ng ulam pritong baboy at pakbet na gulay ang inihapag nya sa lamesa tinakpan nya muna ito para maligo. Pagkatapos nyang maligo nagsuot sya ng sexy na damit napatingin sya sa salamin isang pantulog na sando at maikling shorts ang suot nya kulay itim ito kaya mas umangat ang pagiging makinis at puti ng balat nya kahit medyo tumaba na sya at may bilbil bumagay pa din sakanya ang suot na pantulog sinuklay nya ang mahaba nyang itim na buhok hanggang balikat na lagi nyang ipinupuyod kaya hindi nya pansin na mas humaba na to hinayaan nya itong nakalugay lang naglagay din sya ng lipbalm sa kanyang lips napangiti sya medyo omokey ang itsura nya pagkatapos nyang ayusin ang sarili naglagay din sya ng lotion balak nyang akitin ang asawa aminado syang matagal na din na walang mangyare sakanila kung hindi sya kikilos walang mangyayari baka tumanda sya ng walang anak at ayaw nya mangyari yun. Napangiti sya sa kanyang naisip. Dito na lamang nya sa kwarto aantayin ang kanyang asawa kaya nahiga muna. 

Nagising sya ng may naramdaman syang may humahalik sakanyang leeg hindi nya namalayan nakatulog pala sya kakaantay dito. Ramdam nyang nakayakap na to sa kanyang likod habang nahalik sa leeg nya amoy na amoy din nya ang pinaghalong pabango at alcohol nakainom pala ito hinarap nya ang kanyang asawa at nagsalita "san ka galing at amoy alak ka??." pero hindi manlang sya nito pinansin patuloy pa din ito sa paghalik sakanyang leeg hindi na sya nagsalita pa at baka mawala na naman ito sa mood. Pinagmasdan nya ang kanyang asawa hindi nya maipagkakailang na napakagwapo nito at matipuno mahahabang pilikmata matangos na ilong at mapupulang labi hindi nya mapigilang magisip na baka may iba itong babae na baka ipagpalit sya nito sa mas bata at mas maganda

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status