Share

Chapter 4

Nagising ako dahil sa naamoy kong nilutong ulam ni Anya bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom napatingin ako sa orasan mag alas syete na pala ng gabi baka wala na kong maitulog pa nito mamaya kinapa ko ang cellphone ko na nasa tabi ko lang in-on ko yung screen may isang missed call galing sakanya bigla akong nakaramdam ng sakit ng maalala ko lahat ng mga ginawa saken ng aking asawa ang sakit sakit pa din sobra. Agad kong pinunasan ang aking luha sa ngayon isasantabi ko muna ang lahat lahat dahil kailangan ko maging matatag lalo pa at magisa nalang akong lalaban.

"Oh buti naman at gising kana, gigisingin na pa naman sana kita sakto tapos na ko magluto tara na kaen na tayo sunod ka nalang at maghahain na ko sa kusina".

Umalis naman agad ito at dumiretso na sa kusina para ihanda ang hapunan. Chinarge ko muna ang phone ko at lumabas na din ng kwarto naabutan ko si Anya na naghahanda na ng plato at kubyertos.

" Kainan naahh!" ani Anya na takam na takam ng kumaen maging sya ay natatakam na din sa ulam na niluto ni Anya buttered shrimp at pritong baboy pala ang niluto nya. 

Tahimik lang kaming kumakaen ni Anya grabe ang babaing to antakaw nakailang sandok na sya ng kanin mukhang iisa pa ata napapailing nalang sya dito. Pagkatapos namin kumaen ako na ang naghugas ng pinagkainan nakakahiya naman kung wala akong ginagawa dito ayaw pa sana nya ako paghugasin ngunit nagpumilit ako kaya ayun mauna na daw sya sa kwarto nya at inaantok na daw sya pagkatapos kung maghugas bumalik na ulit ako sa kwarto para matulog na din.

Nagising ako dahil sa ring ng phone ko agad ko naman itong kinuha  at tiningnan kung sino ang natawag saken ng gantong oras bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ko ang pangalan ng aking asawa  ang nakarehistro na tumatawag matagal bago ko ito sinagot.

"H-hello?. Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya maya maya pa ay pinatay din nito ang tawag napabuntong hininga nalang sya sa inaasal ng kanyang asawa. Mabuti pa sigurong pumunta nalang ako ng kusina para maghanda ng almusal may pasok si Anya kaya ipagluluto nya ito ng agahan. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso na sa kusina binuksan ko ang ref at tiningnan kung ano ang mga pwede kung lutuin andaming laman ng ref ni Anya punong puno ng pagkain juices at chocolates meron din icecream mamaya kayo saken hihihi. Habang niluluto ko ang bacon at ham pinagtimpla ko na sya ng kape para mamaya ay hindi na ito ganon kainit ayaw kasi ni Anya na sobrang init ng kape nya, Ng matapos ay sinunod ko na isangag ang natirang kanin kagabi nilagyan ko din ito ng itlog hotdog at maling na chinopped ko ng maliit na pa square inihanda ko na din ang pinggan at kubyertos nagtimpla na din ako ng kape ko.

"Wow mukhang ansasarap nyan ah ang bait naman ng beshy ko ipinagluto pa ko".

Napalingon ako kay Anya na nakabihis na ito ng office attire habang pinupunas pa ng tuwalya ang kanyang basang buhok at mukhang takam na takam sa kanyang niluto.

" tsk antakaw talaga". Di naman sya nito pinansin na sinimsim ang tinimpla nyang kape at nagumpisa ng magsandok ng sinangag at ulam umupo na din ako at ininom ang kape na ginawa ko para saken. Habang kumakaen ay naalala ko na may aasikasuhin pala ako sa aking cafe resto may mga kailangan pala akong pirmahan na mga papeles. Oo tama kayo bukod sa pagiging isang mabuting asawa ay meron din akong Cafe resto pero may pinagkatiwalaan ako dito para sya mismo ang tututok sa negosyo ko gawa ng mas gusto ko maalagaan ang asawa ako at magkaroon ng oras dito pero ngayon mas mabuti siguro kung ako na mismo ang mag focus sa cafe resto ko ito nalang ang pagtutuunan ko ng pansin.

"Anya aalis pala ako mayamaya puntahan ko lang yung Cafe resto ko diko lang alam kung anong oras ako makakauwi." 

"Okay sige. Bigay ko nalang sayo yung duplicate ng susi dito incase na wala pa ako mamaya ".

At nilantakan na ang pagkain. Maya maya pa ay nagpaalam na din ito saken.

" Ana pasensya kana ah ikaw na muna bahala dito at sa hugasin kelangan ko na talagang pumasok ng opisina may biglaan na meeting e". Madaling madali sya sa pagsuot ng kanyang sandal.

"Oo, ako na bahala dito yung duplicate pala ah. Habang nililigpit ko na din mga hugasan.

" Ay oo nga pala. Ito oh, aalis na ko ha ikaw na bahala dito text or tawagan mo ko pagka nagkaproblema" dali dali itong lumabas habang may kinakalikot pa sakanyang bag. Tinapos ko na din ang paghugas at mga ligpitin inayos ko din ang lamesa at pinunasan. Ng matapos na ko sa kusina ay pumunta na ko ng banyo para maligo napansin ko ang malaking salamin lumapit ako dito inisa isa kong tanggalin ang mga saplot ko sa harap ng salamin pinagmasdan ko ang sarili ko mula sa nangingitim na eyebags bagsak na bagsak ang itsura ng aking mukha losyang na rin malaking bilbil at malaking pata malayong malayo sa dati kong katawan na kinaiingitan noon ng mga kaibigan ko dahil sa maliit na tyan at magandang hubog ng balakang ang buhok ko na hindi ko na din maalagaan at laging nakapuyod bigla kong naalala ang aking asawa agad na tumulo ang aking luha dahil sa naisip kaya siguro iniwan nya ako dahil iba na ang itsura ko hindi na ko maganda kasalanan ko bang unahin sya at alagaan sya ganon ko sya kamahal pero diko akalain na pati sarili ko ay napabayaan ko na. Iwinaksi ko ang aking isipan hindi ito ang tamang oras para magemo pinihit ko ang shower at nagumpisa ng maligo.

Simpleng damit lang ang isinuot ko isang tshirt na kulay kaki tenernohan ko ito ng itim na jeans at sinuot ko ang aking skechers na sapatos naglagay din ako ng light makeup inayos ko din ang aking buhok na nakaponytail ng makuntento na ko sa ayos ko at itsura ay kinuha ko na ang aking maliit na slingbag na binili ko pa sa states kinuha ko din ang susi ng condo chineck ko muna kong wala akong naiwanan lumabas na ko ng pinto at sinara ito. Laking pasalamat ko at di ko iniwan ang kotse ko kundi mahihirapan akong magcommute lalo pat ako na muna ang mag aasikaso sa cafe resto ko agad ko kung pinaandar ang kotse at lumabas na ng gate, ng makarating na ako ng cafe resto ay agad akong lumabas ng kotse at dumeritso sa entrance nagulat pa ako ng batiin ako ng guard sya pa din pala ang guard ng cafe resto nakakatuwa dahil tumagal sya dito binati ko din naman sya at pumasok na sa loob binati din ako ng mga staffs binati ko din sila isa isa at pumasok na ko sa head office.

"Kamusta po kayo Maam Ana, maupo ho muna kayo"

bati saken ng pinagkakatiwalaan ko sa resto sya din ang may pinakamataas na posisyon sa aking cafe resto. 

"Ayos lang ako Miss Canez". At umupo na din ako sa upuan na katapat nya.

" Pasensya na ho kayo Maam Ana kelangan po kasi na ikaw ang lahat na pipirma sa mga dokuments na to lalo pat ikaw ang mayari ng resto kailangan mo din ireview ang mga papeles na ito at magbigay ho kayo ng mga suhestyon tungkol dito." Paliwanag nya saken.

"Okay sige, ako ng bahala dito. Tatapusin ko ito ngayong araw. 

" Sige po, kailangan ko na din pong umalis dahil may appointment po ako ngayong araw tungkol sa Cafe resto nyo, pasensya na po di ko kayo masasamahan ngayon". Alinlangan itong napakamot sa ulo.

"No problem, maraming salamat sa pag asikaso mo sa cafe resto hayaan mo from now on tutulungan na kita, sige na umalis kana baka malate ka pa". Ngumiti ako ng walang alinlangan sakanya ngumiti din ito saakin at nagpaalam na aalis na sya. 

Habang binabasa ko ang mga dokumento ay biglang tumunog ang aking phone sa bag kinuha ko naman ito tiningnan ang screen ng phone ko nagpop up ang pangalan ng asawa ko at binuksan ko naman ang message nya.

Asawa.

  ๐š†๐šŽ ๐™ฝ๐šŽ๐šŽ๐š ๐š๐š˜ ๐š๐šŠ๐š•๐š”. @๐š˜๐šž๐š› ๐š‘๐š˜๐šž๐šœ๐šŽ ๐Ÿผ๐š™๐š– ๐šœ๐š‘๐šŠ๐š›๐š™.

Bigla akong kinabahan, pupunta ba ako o hindi ? Paano kung gusto nyang maayos ulit ang relasyon namin?bigla akong napangiti sa naisip pano kung babalikan na nya ako at iiwan nya ang kabit nya para saken hindi na ako nagdalawang isip pa nireplyan ko agad sya na pupunta ako at maguusap kami sana naman maayos na kaya ko pang patawarin sya basta magbago lang sya at iiwan na nya ang kabit nya kakalimutan ko ang lahat alang alang sa pinagsamahan namin marupok na kung marupok tanga na kung tanga importante hindi sya tuloyang mawala saken ganon ko sya kamahal at alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin. Pagkatapos kong replyan ay inilagay ko ulit ang phone ko sa bag at nakangiti ako habang tinatapos ang mga dokumento.

Magalas kwatro trenta na ng matapos ko lahat ang mga pirmahin at dokuments dali dali akong lumabas ng resto tinext ko na din si Ms Canez na natapos ko na lahat at umalis na ko sa resto ni hindi ko manlang naisip na kumaen hindi ko kase mapigilan na hindi maexcite na makita muli ang aking asawa aminado naman ako na namimiss ko sya at gustong gusto ko na syang makita. Agad kong pinaandar ang kotse alam kong matrapik kaya malalate ako sa usapan namen habang nagdadrive ay tinawagan ko si Anya na baka late na ng gabi ako makakauwi hindi ko sinabi sakanya na uuwi ako ng bahay para magusap kame ni Adam sinabe ko nalang na marami akong aasikasuhin sa cafe resto naniwala naman ito at nagpaalam na din dahil may tinatapos pa syang importante. Ng malapit na ko sa bahay ay hindi ko mapigilan ang mapangiti naiisip ko palang na sasabihin nyang aayusin namen ang aming relasyon ay hindi na ako mapakali gustong gusto ko na din syang mayakap sobrang namimiss ko na sya, ng makapasok na ko sa gate ay pinatay ko na ang makina ng kotse at mabilis na lumabas dito kinakabahan man pero di ko maiwasan na mapangiti dahil makikita ko ang asawa ko. 

Pinihit ko ang pintuan at bumukas naman ito dumeritso sya sa sala dahil alam nyang doon ito nagiintay at hindi nga ako nagkamali nakaupo sya sa couch habang nasimsim ng wine alam nyang wine ito dahil may tatak itong carlos rossi agad naman syang napansin nito at lumingon ito sakanya napatitig ako sa mukha nya mukhang di rin ito nakatulog ng maayos kagaya nya.

"Maupo ka. Tumabi naman sya dito di nya mapigilan ang tumitig sa kabuuan nito sobrang namimiss ko ang aking asawa. Napansin naman nito ang pagtitig nya kaya tumikhim ito at may iniabot sakanyang envelope.

" Here, Im sorry Ana. Ni hindi manlang ito makatingin sakanya ng deritso nakayuko lang ito.

"Ahm ano to? Agad naman akong kinabahan dahil alam ko na kung ano ang laman nito nanginginig ang nga kamay nya na binuksan ang envelope at hindi nga sya nagkamali annulment papers ang mga ito napatakip ako saaking bibig di ako makapaniwala na mismo ang asawa ko ang gusto ng divorce nanginginig ang aking mga kamay naninikip na din ang aking dibdib sobrang sakit masyado akong nag expect na maaayos pa ang relasyon namin akala ko kaya nya ako pinapunta para ayusin ang lahat ng ito mali pala ako naramdaman ko nalang na sunod sunod ang pagtulo ng luha ko.

" Bakit Adam? Buong akala ko kaya pinapunta mo ako dito ay para ayusin ang relasyon naten k-kase willing naman akong tanggapin ka ulit ee-e handa akong kalimutan ang laha-aat alang alang sating dalawa". Wala na akong pakealam kung umiiyak man ako sa harap nya wala na kong pakialam kung kaawaan nya ko basta ang alam ko lang sobrang nasasaktan na ako.

"Im sorry Ana, bigla nalang naramdaman ko na hindi na kita mahal na paggising ko isang araw wala na kong maramdaman para sayo".

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status