All Chapters of The not so Beauty and the Beast (TAGALOG): Chapter 21 - Chapter 30
34 Chapters
Chapter 21
Tahimik akong umuwi sa bahay ni Spencer at naghanda ng hapunan. Pagdating niya, saglit niya lang akong tinignan bago umakyat sa kwarto niya.Napabuntong hininga ako. Ano ba talagang nangyari at naging ganito kami?Hanggang dumating ang linggo ng umaga ay hindi pa rin kami muling nakapag-usap tungkol sa nangyari. Ang pag-uutos niya lang sa akin ang pinakapag-uusap naming dalawa.Malalim akong nag-iisip habang nagwawalis sa labas ng bahay ng biglang may matinis na boses ang umagaw ng pansin ko."Ishaaa!" pasigaw na tawag ni Megumi habang patakbong palapit sa akin kasama si Kenji. Napatitig ako sa dalawa. Ngayon lang nangyari na nagsabay sila."Oh, guys" bati ko matapos nilang makalapit. "Anong meron, at napadaan kayo""Well, pupunta talaga ako dito para kausapin si Spens" sagot ni Megumi. Binitawan ko na ang walis na hawak ko't itinabi sa gilid.
Read more
Chapter 22
"Bakit ang tagal mo" di pa man ako nakakapagsalita ay nagreklamo na siya. Si Spencer pala ito, akala ko rapist na."B-bakit nandito ka?" tanong ko saka siya bahagyang itinulak papalayo sa akin."Bawal na ba akong umuwi sa bahay ko" napansin ko ang pagkakunot ng noo niya gamit ang sinag ng buwan na pumapasok sa bintana ng kusina."Ibig kong sabihin, diba dapat ay nasa bahay ka pa nila donya Alicia para sa birthday mo?" pagtatama ko saka ko bahagyang itinago sa likod ko ang paper bag na hawak ko."Dahil gusto na kita makita" sagot niya. Ang weird ha? Akala ko ba ay kalimutan na namin yung kami? "Don't get me wrong, alam kong tinapos ko na ang relasyon natin pero kasi--""Ano ba k
Read more
Chapter 23
"Sa birthday party ni Spens kahapon, inannounce niya na sa oras daw na makagraduate na siya ng highschool ay magpapakasal na sila ni Carmen" kwento sa akin ni Megumi matapos kong magtanong ng nangyari sa party ng kaarawan ni Spencer kahapon. "Hindi ko alam kung bakit nagmamadali yung dalawang iyon magpakasal, porke ba disi-otso na sila parehas ay ganun na?"Sana pala hindi na ko nagtanong."Manhid ka ba Andes at talagang kinwento mo pa yang announcement ng gunggong mong pinsan" kunot noong sabi ni Kenji kay Megumi saka lang nagsink in kay Megumi ang sinabi niya."S-sorry Isha, nakalimutan ko ang nararamdaman mo" bahagya ko na lang siyang nginitian na sakto namang pagpasok ni sir Johan sa klase."Miss Makabajo and miss Andes, pwede ba kayong sumama muna sa akin sa offi
Read more
Chapter 24
 "Pinayagan kita sumama sa camp para lalong matuto hindi para lumadi kung kanino!" bungad na pagalit sa akin ni Spencer matapos niya akong makitang bumaba sa kotse ni Gil. Hinatid kasi ako nito pauwi matapos ang camp. Kakauwi ko lang galing camp, ito na agad ang bungad niya."Hindi naman ho ako nakikipaglandian, hinatid niya lang ako kasi parehas kami ng daan pauwi" malumanay na paliwanag ko."At sinong niloloko mo? Kitang kita ko kung paano siya tumingin sayo! May gusto siya sayo!" kumunot pa lalo ang noo niya. Dahil di naman tinted ang kotse ni Gil, kitang kita nga naman ang loob nito na mukhang tinignan talaga ni Spencer."Eh ano naman ho ang problema? Dalaga naman ako at walang karelasyon! Mali ho bang tumanggap ako ng manliligaw? Wala naman ho sa trabaho ko ang ipaalam sa inyo ang
Read more
Chapter 25
Dumaan ang December na hindi manlang ako nakauwi sa amin dahil sa pagkabusy sa school na maging ang sembreak namin ay damay dahil sa mga project. Malimit ko na rin matawagan sila inay dahil sa mga gawain ko dito sa bahay.  Miss na miss ko na sila..Maaga akong pumasok dahil maaga umalis ng bahay si Spencer. Tahimik akong naglalakad papasok ng school ng mapansin ko ang isang lalaking tila may hinahanap. Nakatalikod siya sa banda ko kaya hindi ko siya makilala pero agad akong napahinto ng bigla itong pumaharap sa akin. Napangiti siya ng makita ako."Isha, kamusta?" Nakangiting lumapit sa akin si Gil na mukhang nag-iintay talaga sa labas ng gate ng school namin."Gil, napadalaw ka" bati ko sa kanya saka siya sumabay sa paglalakad ko papasok ng school. "Pwede ka ba ditong pumasok?" Tanong ko pa matapos mapahinto sa harap ng main gate ng school."Oo nama
Read more
Chapter 26
Di ko na inintay mag-umaga matapos ang madramang pag-uusap namin. Mabilis akong nag-impake at agad na ding bumyahe pauwi sa amin.Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Megumi at Kenji na aalis na ako. Maging kay donya Alicia ay nagpaalam na ako't nagpasalamat at sa reply niya sa akin ay napagtanto kong alam na niyang ganito ang mangyayari. Mukhang nag-usap na sila ni Spencer bago pa man kami nag-usap.Bandang alasingko ng umaga ako nakarating sa amin. Hindi man sadya ay masaya akong makauwi sa bahay namin."Inay" kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pagtawag ko kay inay."Isha anak, di ka nagpasabing uuwi ka" agad kong niyakap si inay saka ako humagulgol ng iyak. "A-anak, anong nangyari?""Nay, ang sakit nay" patuloy akong umiyak hanggang makapasok kami ng bahay at mapagod ako kakaiyak."Makikinig si inay, ano ang nangyari sayo?" tanong niya habang nakaupo't nakaakbay sa
Read more
Chapter 27
Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis akong nasanay sa trabaho ko sa grocery at talagang kasundo ko na ang mga kasamahan ko."Ate sino yun?" Tanong sa akin ni Solar matapos akong makitang nagpaalam sa kasabay ko umuwi."Katrabaho ni ate," sagot ko kay Lunar na nakadungaw sa mga katrabaho ko. Dito din sila nakatira kaya nagsasabay sabay na kaming umuwi."Wala ka doong crush?" Natawa ako sa tanong niya. Itong batang to talaga, saan kaya niya natutunan iyong crush crush na iyon."Wala Lunar, trabaho lang nasa isip ni ate," tugon ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.Naupo muna ako sa plastik na silya para makapagpahinga. Halos buong araw kasi akong nakatayo sa grocery."Anak, nandyan ka na pala," bati ni inay matapos makapasok sa bahay. May bitbit bitbit siyang plastik na may lamang gulay. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka nagmano sa kanya.
Read more
Chapter 28
Sabado ngayon at sakto namang pinasara ang grocery dahil may gagawin ang boss namin."Dito po ba nakatira si Miss Loukrisha Makabajo?" may paninigurong tanong sa akin ng lalaking nakamotor matapos niyang huminto sa tapat ng bahay namin."Yes po, ako po iyon," sagot ko saka siya bumaba sa motor niya't kinuha ang isang may kaliitang kahon sa compartment ng motor niya't iniabot ito sa akin."Pakipirmahan na lang po ito ma'am" marahan kong pinirmahan ang iniabot niyang papel saka siya nagpaalam at umalis.Ano ito? Mariin kong sinuri ang kahon na ibinigay sa akin saka ko ito binuksan.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad ko itong kinuha saka tinawag si inay. "INAY!!!""Anong nangyari? May sunog ba?!" may pagkahysterical na tanong ni inay matapos makalabas sa banyo kung saan siya naliligo. Nakatapis lang siya't may shampoo pa sa ulo na talaga
Read more
Chapter 29
"Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb
Read more
Chapter 30
"Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya. Gusto daw.. "Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anong anong nangyari? Anong gusto
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status