Share

Chapter 27

Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis akong nasanay sa trabaho ko sa grocery at talagang kasundo ko na ang mga kasamahan ko.

"Ate sino yun?" Tanong sa akin ni Solar matapos akong makitang nagpaalam sa kasabay ko umuwi.

"Katrabaho ni ate," sagot ko kay Lunar na nakadungaw sa mga katrabaho ko. Dito din sila nakatira kaya nagsasabay sabay na kaming umuwi.

"Wala ka doong crush?" Natawa ako sa tanong niya. Itong batang to talaga, saan kaya niya natutunan iyong crush crush na iyon.

"Wala Lunar, trabaho lang nasa isip ni ate," tugon ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.

Naupo muna ako sa plastik na silya para makapagpahinga. Halos buong araw kasi akong nakatayo sa grocery.

"Anak, nandyan ka na pala," bati ni inay matapos makapasok sa bahay. May bitbit bitbit siyang plastik na may lamang gulay. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka nagmano sa kanya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status