All Chapters of The not so Beauty and the Beast (TAGALOG): Chapter 31 - Chapter 34
34 Chapters
Chapter 31
Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot. “Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian. “College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay. “Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo. “Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.
Read more
Chapter 32
MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano
Read more
Chapter 33
Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview. “Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto. “Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer. “Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.” Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy. 
Read more
Chapter 34
“Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina. “Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya. “Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko. “Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?” “Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya. “Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status