All Chapters of Manhater (Filipino): Chapter 61 - Chapter 70
115 Chapters
Kabanata 61
(ALONA's Pov)   Dahil sa lakas ng ulan ay naisipan naming maghanap muna ni Dylan ng matutuluyan pansamantala. Hindi naman kasi ako makakabalik kaagad sa bahay namin, gayung hindi pa humuhupa ang galit sa aming dalawa ni Papa at tiyak ko na malayo pa ang lalakbayin naming dalawa, bago niya kami patawarin.   Tumuloy kaming dalawa sa isang motel. Sa totoo lang, wala na talaga kaming ibang choice dahil ito lang naman ang bukas sa ganitong oras. Mag-aalas dose na kasi ng hating gabi at parehas pa kaming basang-basa sa malakas na ulan, kaya napilitan na lang kaming tumuloy sa ganitong lugar.   Hindi naman gaano kalakihan yung nirentahan naming kwarto. Sakto lang para sa dalawang tao, ngunit ang mas pinoporoblema ko ay nung mapalingon ako sa kama at napansing nag-iisa lamang iyon.   Sa hindi maipaliwanang na kadahilanan ay biglan na lang akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking buong katawan.
Read more
Kabanata 62
Magkatabing nakahiga sa kama sina Alona at Karlos. Nakapatong ang ulo ng dalaga sa braso ni Karlos habang yakap-yakap siya nito.     Parehas din hubo't-h***d ang mga katawan nila at tangging yung makapal na kumot lamang ang nagsisilbing pantakip sa kanila. Maagang dinaos ang kasal nilang dalawa, mga bandang hapon naman nangyari ang honeymoon nila. Kung kaya't inabot na rin sila ng pagtakipsilim at madilim na sa labas nang makapaghinga silang dalawa.   "Puwede ba ko magtanong sa iyo?" mahinang sambit ni Alona mula sa kaniyang bibig. "Hmm?" ang nasabi lang niya habang nakapikit ang dalawa niyang mga mata.   "Ito ba ang unang karanasan mo sa pakikipagtalik?" pagkasabi niyang iyon ay napamulat ng mata si Karlos at napatingin sa kaniya. "What do you mean by that?" usisa niya.   "Ako kasi... ang totoo niyan, ito ang unang karanasan ko." Mahin
Read more
Kabanata 63
"Ma, tama na. Ano ba ang nagawang kasalanan sa inyo ni Alona? kakatapos lang ng kasal naming dalawa pero ganiyan na kaagad ang pinapakita niyo sa kaniya. Hindi ba kayo nahihiya sa mga sinasabi niyo sa kaniya?" ang tinuran naman ni Karlos sa kaniyang ina.Napangisi na lang ang ginang sa gilid ng kaniyang labi at may guhit ng kunot sa kaniyang noo na animoy hindi niya matanggap ang isinagot ng binata sa kaniya.Tipong kokontra sana siya sa sinabi nito ngunit kaagad naman siyang napigilan ng kaniyang asawa at hinawakan sa braso niya."Tama na 'yan. May punto naman ang anak mo at saka, baka may makarinig pa sa inyong mag-ina. Mas nakakahiya kung magkataon at baka isipin pa ng iba ay sinisermunan mo na sila kaagad gayung kakakasal pa lamang nila. Huwag kayo gumawa ng ikahihiya ng pamilya natin. Hindi 'ko ito sinasabi para lang sa kapakanan natin kundi para na rin sa iyo, Alona. Kasal ka na ngayon kay Karlos at siya lang dapat ang inaasikaso mo, hindi ang ibang tao. L
Read more
Kabanata 64
Hindi naman nakatugon ang binata sa sinabi nito, bagkus ay iniba na lamang niya ang pinag-uusapan nilang dalawa."Nga pala, hindi mo pa nasasagot yung tinanong ko sa iyo nung minsan. Kung bakit ka biglang nawala at hindi nagparamdam sa akin, pagkatapos ng huling pagkikita nating dalawa." Ani ni Karlos sa kaniya.Bigla naman naging seryoso ang mukha ng dalaga at ibinaba saglit ang hawak niyang binokulo."Mabuti at naitanong mo ulit iyan sa akin. Kung tutuusin 'yan din sana ang gusto kong marinig mula sa iyo." Ang tinugon naman niya."Kung ganoon sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari sa iyo at bigla ka na lang nawala. At saka, ano yung tungkol sa mga taong nakamasid sa aking paligid. Sino sila at papaano mo nalaman ang tungkol doon? ano ba ang pakay nila sa akin? may kinalaman ba roon si Shaina?" pagkarinig ni Nara sa sunud-sunod nitong usisa sa kaniya ay halos napakamot na lang siya ng kaniyang ulo at binalingan ng tingin ang ilang espiyang nakaka
Read more
Kabanata 65
"Balitaan mo ako pagkalipas ng isang linggo. Bantayan mo ng maigi si Shaina at kung maaari ay sundan mo siya kahit saang lupalop pa siya ng mundo magpunta." Ang huling salitang narinig ko mula kay Karlos, bago pa man ako humiwalay sa kaniya at sundin ang pinapautos niya sa akin.Nakilala ko siya sa isang lansangan, noong ako ay hinahabol ng mga pulisya.Masyadong delikado ang trabahong mayroon ako dahil sariling buhay ko ang nakasalalay dito, maraming batang nagugutom ang umaasa sa akin at hinihintay ang aking pagdating.Sa lansangan ako lumaki, kasama ang mga badjao at mga pulubi.Subalit nang magkaisip na ako ay ginamit ko naman ang sariling kakayahan ko at katalinuhan. Hindi ko kailanman naranasan ang mag-aral sa isang magandang eskwelahan. Ang lahat ng bagay ay natutunan ko lamang sa kalye o kalsada. Nakikisilip at tagapagpakinig lamang ako nuon sa mga batang nag-aaral.Paunti-unti ay tuturuan ko ang aking sarili at napag-aaralan ko ang
Read more
Kabanata 66 : Nara's POV
"Bakit mo 'ko tinulungan?" ang itinanong ko nuon kay Karlos, matapos niyang iligtas ang buhay ko sa binggit ng kamatayan.   Dinala niya ako sa isang liblib na lugar, sa isang isla. Kung saan malabong matunton o masundan pa ako ng mga pulisya.   Tahimik lang siyang nakaupo sa harapan ko habang ginagamot niya ang sugat na natamo ko mula sa likod ng aking hita.Mabuti na lang at hindi iyon masyadong bumaon kaya natanggal niya kaagad at tinakpan niya ito ng puting bendahe.   "Ayan, tapos na!" aniya sabay tumayo na siya. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakatuwad ko kanina dahil ayoko namang dumapa at baka lalong bumaon pa ang bala mula sa loob non.   Sinundan ko siya ng tingin na may bakas ng pagtataka sa aking mukha. Pinagmasdan ko rin buong awrahan niya mula ulo hanggang paa, pabalik. Hindi maitatanggi na may itsura siya at talaga namang nakakaakit tigna
Read more
Kabanata 67 : Nara's POV
Mariin niyang binitawan ang aking mukha at malakas na pagsampal ang gumising sa aking diwa."Mukhang palaban ang isang ito. Tignan lang natin kung saan hahantong ang katapangan mong iyan," pagkasabi niyang iyon ay bigla niya inutusan ang dalawang tauhan niya.Pinatayo nila ako at saka dinala sa kung saan. Parehas silang nakahawak ng mahigpit sa braso ko, kung kaya't hindi ko magawang makapalag sa kanila at hindi ako makagalaw. Huminto kami sa paglalakad nang matunton namin ang aming karoroonan. Pinakinggan ko ng maigi ang buo kong paligid hanggang sa itulak na lang niya ako mula sa aking likuran, dahilan para mahulog ako sa pinakamalalim na balon. Bumagsak ako sa ilalim na ramdam ang sakit at kirot mula sa bahagi ng aking katawan.Unang bumagsak ang kanang braso ko kung kaya't namanhid ito at hindi ko magawang maigalaw. Mukhang lumang balon ang pinagbagsakan ko. Walang tubig roon at nilulumot na rin sa katandaan.Iniwan nila akong
Read more
Kabanata 68
Hininto ni Ivan ang motorsiklo sa isang tabi, sa tapat ng isang mall kung saan maraming tao at marami rin ang nakakakita sa amin.Hindi ko alam ang iniisip niya o binabalak niyang gawin pero mukhang ito lang din ang tangging paraan upang hindi na kami masundan pa ng mga lalaking humahabol sa amin."Mabuti pa't maghiwalay-hiwalay na tayo rito," ang sinambit niya na ikinabigla ko.Ibig ba niyang sabihin ay magkaniya kaniya na kami? pero paano kung masundan pa rin kami ng mga taong iyon? Paglalayag ko mula sa aking isipan.Tumango na lang din sa ulo si Mira at tumalikod na ako sa kanila upang ibalita kay Karlos ang mga nangyari sa akin, pati na rin ang mga nalaman ko tungkol sa personal bodyguard at nurse ni Alona.Ngunit hindi pa man ako nakakalayo-layo ay may bigla namang pumigil sa akin at hinawakan ako sa braso ko, kung kaya't mabilis akong napalingon sa likuran ko at tipong susungaban sana siya ng suntok sa mukha nang matigilan ako at napagta
Read more
Kabanata 69 : Nara's POV
Sinundan ko ang ambulansyang sinasakyan ni Shaina, patungong hospital. Napansin ko sa bandang likuran na may isa pang sumusunod sa ambulansyang iyon. Napakunot noo ako nang mapansin ko sa side mirror ang kotse ni Karlos.Anong ginagawa niya? saan niya balak magpunta at saka, bakit siya nandito?Hindi ba't kakatapos lang ng kasal nilang dalawa ngayon? kaya bakit pa niya sinusundan si Shaina? bulong ko mula sa aking isipan.Nag-iba ako ng route para hindi niya mapansin na nakasunod din ako sa ambulansyang iyon. Alam ko rin naman kung saan sila patungo at iisa lang naman ang hospital na pinakamalapit sa destinasyon namin.Sa mahigit na isang taong iginugol ko sa pag-iimbestiga tungkol sa pagkatao ni Shaina, Karlos, Ivan at Alona. Mukhang kulang pa ang aking kaalaman at may mga bagay pa akong dapat na malaman.Alam ko naman na ang hangarin ni Karlos ay mapakasalan si Alona, upang maangkin niya ang lahat ng minana nito sa kaniyang pamilya. Sa oras na ma
Read more
Kabanata 70
Nang magkamalay na si Shaina ay si Jake kaagad ang unang nakita niya sa pagmulat ng kaniyang mga mata.Sinubukan niyang ibangon ang kaniyang sarili ngunit nabigo lamang siya sa kirot at hapdi na naramdaman niya mula sa tahi niya, sa bandang kanan tagiliran dahil sa pagkakasaksak sa kaniya."Ipahinga mo muna ang iyong sarili at hindi pa gaano naghihilom ang sugat mo." Ani ng binatang doktor sa kaniya na may halong pag-aalala sa tono ng kaniyang boses.Napakunot naman sa noo ang dalaga nang mapagmasdan niya ang mga mata ni Jake na animoy nag-aalala sa kondisyon niya.Sino ba talaga ang lalaking ito? bakit parang pakiramdam ko ay nagkita na kaming dalawa nuon?Saan ko nga ba nakita ang mga mata niyang iyan?Naging customer ko ba siya nuon o nagkita na ba kaming dalawa nuon sa club?Ang sunud-sunod na paglalayag mula sa isipan ng dalaga habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ni Jake."Ayos ka lang ba? may iba pa bang masakit sa i
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status