All Chapters of Manhater (Filipino): Chapter 51 - Chapter 60
115 Chapters
Kabanata 51
"Hi, beautiful lady. Can i sit here next to you?" ani ni Karlos sa dalagang si Alona, habang nakaupo ito sa bench.Tila nabosesan naman siya ng dalaga, kung kaya't bigla ring sumimangot ang mukha nito. Nakangiting umupo si Karlos sa tabi niya na may gumamelang hawak sa isang kamay niya."Kumain ka na ba?" tanong niya nang makaupo na siya. Hindi naman tumugon ang dalaga sa kaniya at napatayo ito."Oh, saan ka pupunta? kakaupo ko lang e, aalis ka na kaagad?" ani ni Karlos sa dalaga.Subalit hindi siya pinansin nito at tinalikuran siya.Napatayo tuloy siya at sinusundan niya ito ng tingin, habang kumakapa naman sa bawat gilid ang dalaga gamit ang sarili niyang kamay. Tipong lalapitan na sana siya ng personal nurse niya, subalit pinigilan naman siya ng binata at ikinumpas na lamang ang kaniyang kamay upang pahintuin ito sa paglapit kay Alona."Ako na ang bahalang maghatid sa silid niya," mahinang tinuran niya sa babaeng n
Read more
Kabanata 52
Na-discharge na sa hospital ang binatang si Karlos ngunit araw-araw pa rin naman niyang binibisita si Alona sa silid nito dahilan upang magkapalagayan sila ng loob sa isa't-isa.Paunti-unti ay nakukuha na niya ang tiwala at kalooban ng dalaga. Tila ang matigas at pusong bato ni Alona ay napaamo ng isang pilyong binata at romantikong si Karlos.Bagamat madalas pa rin siyang pinagtatabuyan at sinisigawan ng dalaga ay pinagpapasensyahan na lamang niya ito at iniisip ang kapakanan niya.Subalit ang hindi niya alam ay paraan lamang iyon ng dalaga, upang hindi ipahalata sa kaniya ang hiya at kabang nararamdaman niya sa tuwing naririnig niya ang boses nito.Makalipas ang mahigit isang taon ay muling nakauwi at nakabalik si Alona, sa dating mansyon na tinutuluyan nila noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang.Naninibago pa rin siya at hindi pa siya gaanong sanay, gayung nawalan siya ng kakayahang makakita at tanging metal stick lamang ang ginagamit niyang
Read more
Kabanata 53
"Welcome to our sweet home, hija!" bungad na bati ng ina ni Karlos sa dalagang si Alona, habang naglalakad ito papasok sa may pintuan.Pansamantala na munang pinatuloy ni Karlos ang dalaga sa kanilang tahanan habang nililinis at nirerenovate ang mansyon nito.Wala rin naman kasi siyang ibang mapupuntahan at hindi rin siya puwedeng manuluyan sa mga hotels o sa ibang lugar, gayung ganoon ang kalagayan nila. Medyo nahirapan din ang binata na kumbinsihin ito dahil masyado itong maingat sa sarili at hindi basta-bastang nagtitiwala sa kahit na sino.Napalagay lang ang kalooban niya nang marinig niya ang magalak na pagsalubong ng ginang sa kaniya at saka siya niyakap ng mahigpit."Masaya akong makita ka muli, hija." Buong galak niyang batid na may malawak na ngiti sa kaniyang labi."It's been a long time, Alona." Ang sinaad naman ng ama ni Karlos sa dalaga at nakatayo sa bandang likuran ng kaniyang asawa."Thank you po. It's been a long time di
Read more
Kabanata 54 : Alona's POV
Bago pa man mangyari ang lahat ay mayroon na akong natanggap na mensahe mula kay Ivan. Nag-aalala pa rin ako sa kaniya at hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo nagpunta.     Basta na lang siyang nagpaiwan ng mensahe niya mula sa personal nurse ko at hindi ko inakalang matalik pala niya itong kaibigan.   Nasagot din ang katanungang bumabagabag sa isipan ko. Naiitindihan ko na kung bakit pormal ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko at hindi katulad ng ibang nurse sa hospital.     "Ako nga po pala si Kathlyn, Ms. Alona. Kath na lang po, for short." Pagpapakilala niya sa akin.   Sa mga oras na iyon ay nasa hospital pa ako. Hindi pa kami masyadong nagkakapalagayan ng loob ni Karlos non at madalang lang din siyang bumisita sa akin.   Nakaupo ako non sa wheel chair habang nakatapat sa bintanang nakabukas at dinadama ang malamig na
Read more
Kabanata 55 : Alona's POV
Nang mangyari ang insidente sa loob ng aking silid at nang pasukan ako ng misteryosong tao sa loob ay nagkataon namang pumasok sa loob si Karlos na may halong pag-aalala sa tono ng boses niya.Sa mga sandaling iyon ay bigla akong nakaramdam ng pagdududa. Bakit siya nandito? at paano niya nalaman na may naganap ditong insidente? Nagkataon nga lang ba ang lahat? o baka may kinalaman siya sa mga naganap doon?Sa kabila ng pag-uusisa kong iyon ay pinili ko pa rin ang magtiwala sa kaniya. Kung tutuusin, mabuti namang tao si Karlos at nararamdaman ko na totoo ang mga sinasabi niya sa akin. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang magduda ako sa kaniya, lalo na't madalas ko siyang sinisigawan at pinagtatabuyan. At bihira lang sa mga lalaki ang may mahabang pasensya, lalo na sa mga katulad kong may pagkamatigasin at walang pakiramdam sa kaniyang paligid.Habang tumatagal at habang lumilipas ang oras ay paunti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya. Hindi naman s
Read more
Kabanata 56 : Alona's POV
"You may kiss your bride." Napuno ng hiyawan at palakpakan sa loob ng simbahan. Halos kurutin ko ang aking sarili para lang piliting maging masaya.     Gustuhin ko man ang itulak siya papalayo at iwasan na lang ang labi niyang iyon, ngunit ano naman ang magagawa ko? isa akong bulag, walang kakayahang makatakbo o makatakas man lang sapagkat hindi ko nakikita ang mga nasa paligid ko.   Kaya naman sa halip na umatras ay pinandigan ko na lamang.   Palabas na kami ngayon ng simbahan. Nakaakbay ako sa isang braso niya habang binabati kami ng mga taong madaraanan namin.   "Congrats." "Congratulations to the both of you!" "Congratulations, Mr. Sermiento." Sunud-sunod na pagbati sa kaniya at sa akin. Ngunit tikom lamang ang aking bibig at mapait na ngumingiti sa aking labi.   "I'm so happy for you, hijo. Sa wakas
Read more
Kabanata 57
"Alona," halos namilog ang mga mata ni Alona sa gulat nang marinig niya ang pamilyar na boses."Iv... Ivan, ikaw ba 'yan?" aniya habang kumakapa siya sa paligid niya at hinahanap kung saan naroroon ang binata."Ako nga, Ms. Alona." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya. Pagkarinig niya sa sinabi nito ay mabilis siyang napatayo at niyakap ng kay higpit ang tapat niyang alalay."Nagbalik ka. Bumalik ka!" mahinang sambit niya sa kaniyang bibig na may pagpatak ng luha sa gilid ng kaniyang labi.Mapait namang napangiti ang binata at sandali siyang binitawan nito, upang pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang mga kamay ni Alona na may bahid ng dugo ni Kath, pati na ang puting bistidang suot nito ay namantsahan na nang pulang likido na nagkalat sa lupa."Napakaganda mo sa suot mong wedding gown, Ms. Alona. Nagagalak akong makita kang muli." Aniya sa paos na boses at animoy pahina ng pahina.Napakunot-noo naman ang dalaga sa tono
Read more
Kabanata 58
"Shaina?" mahinang sambit ni Karlos sa kaniyang labi, matapos niya matuklasan na ang dalagang si Shaina pala ang pasyenteng sakay ng ambulansyang sinundan niya.Kaagad siyang napababa at napalabas sa loob ng kotse niya habang sinusundan niya ng tingin ang ilang nurses na umaalalay sa dalaga. Sinugod nila ito kaagad sa loob ng ER o emergency room. Nakatago lang sa isang gilid ang binata at pasimpleng sinisilip ang silid na pinasukan. Patingin-tingin sa kaniyang paligid hanggang sa magtama ang tinginan nila ng isang lalaking doktor na animoy kanina pa pala nakamasid sa kaniya mula sa hindi kalayuan.Mabilis siyang napaiwas ng tingin at tumalikod sa kaniya. Tinakpan ang sariling mukha gamit ang dalawang kamay at pasimpleng lumalakad palayo sa kaniya. Nang bigla siyang tawagin nito at nilapitan siya."Excuse me!" ang boses na narinig niya mula sa doktor, kung kaya't natigilan na lang siya at nahinto sa paglalakad.Hays! ano ba kasi ang kailangan niya sa akin?
Read more
Kabanata 59
Pagkarating ni Karlos sa hospital kung saan dinala si Ivan ay naabutan naman niyang nakaupo sa waiting area si Alona at namumugto ang mga mata.Napabuga muna siya ng malalim na paghinga bago niya lapitan ang asawa niya."Hindi man lang ba magpapalit muna ng damit?" bungad niyang turan nang makalapit na siya sa kaniya. Nabosesan naman siya kaagad ni Alona, kung kaya't inangat nito ang kaniyang ulo at pinalis ang luha sa mga mata gamit ang sariling kamay.Umupo si Karlos sa tabi niya at nakaharap sila sa ICU, kung saan kasalukuyang naka-coma ang binatang si Ivan. "Ano ang sabi ng doktor? malala ba raw ang kondisyon niya?" tanong niya kay Alona habang minamasdan niyang maigi ang ekspresyon ng mukha nito. "Nakacoma siya. Hindi ko alam ang buong detalye kung anong nangyari sa kaniya, pero bakit kailangan niyang umabot sa ganito?" nangangatal ang boses niya at niyuko ang sariling ulo na may pagtulo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinunasan naman
Read more
Kabanata 60
Magkahawak-kamay na pumasok sa sariling tahanan sina Alona at Karlos. Medyo naninibago pa rin si Alona dahil hindi pa niya gaanong kabisado ang bagong pinatayo nilang mansyon. Sa laki at lawak nito ay puwedeng magkasya ang limang pamilya, ngunit dahil silang dalawa lamang ang nakatira roon ay maituturing iyon na parang palasyo sa kanila. May ilan din silang kasambahay at mga taga-pagbantay. May ilan ding mamahaling kagamitan sa buong sulok ng bahay nila, na kung saan yung iba ay niregalo sa kanilang kasal at nagmula pa sa iba't-ibang bansa. Halos nasa kanilang dalawa na nga ang lahat at tangging mga batang maiingay na nga lamang ang kulang doon upang maituring silang isang pamilya.Binati rin naman sila kaagad ng mga katulong doon at hardinero, habang nakahalera sila at animoy inaabangan talaga ang kanilang pagdating."Maligayang pagdating po, Ma'am Alona at Sir Karlos. Nagagalak po kaming pagsilbihan kayo at congratulations po pala sa inyong dalawa." Ani ni ma
Read more
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status