Semua Bab Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog): Bab 21 - Bab 28
28 Bab
Kabanata 21
KABANATA 21 HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas dahil kahit nanginginig na ang buong katawan ko, nagawa ko pa ring ilipat ang kuwaderno sa susunod na pahina.Elyne, Anak, alam mo ba’ng hindi ako naniniwala sa mga akusasyon ng Papa mo sa ‘yo? Pero nang makita ko ang mga larawan ninyo ng nobyo mo, parang bumagsak sa akin ang mundo. Masakit. Nasaktan ako. Bakit mo ginawa ‘yon? Paano kung mabuntis ka? Masyado ka pang bata, Anak. Hindi mo dapat ginagawa iyon dahil ayokong matulad ka sa akin. Ayoko, Elyne. Hindi ko kakayanin. Hindi ako tututol sa pakikipagnobyo mo pero sana, unahin mo muna ang pag-aaral. Mas mahalaga ‘yan, ‘Nak. Patawad kung wala akong nagawa nang pagbuhatan ka ng kamay ng Papa mo. Mahal na mahal kita. Alam kong galit ka pero sana ay bumalik ka na. Umuwi ka na, ‘Nak. Pakiusap. Hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi k
Baca selengkapnya
Kabanata 22
KABANATA 22 HUMIGOP ako nang isang malalim na hininga, bago ako nagdesisyong pumasok sa isang silid na nagsisilbing hintayan ng mga taong gustong bisitahin ang mga ka-anak nilang nasa kulungan. Ito ‘yung lugar na sinasabi nilang para sa mga taong makasalanan. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ‘to. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito. Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob para harapin pa siya matapos ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon ko oras na makita siya ulit. Hindi ko alam. Dahil ang tanging alam ko lang, kailangan ko ng kasagutan.Kailangan kong mabigyan ng paliwanag ang aking nalaman. Kailangan kong alisin kung ano man ‘tong bumabagbag sa ‘kin. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Alam kong siya lang ang makakasagot at makakapagbigay nang katotohanan na gusto ko.
Baca selengkapnya
Kabanata 23
KABANATA 23 MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto. “Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama. “Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo
Baca selengkapnya
Kabanata 24
KABANATA 24 “TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha. Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
Baca selengkapnya
Kabanata 25
KABANATA 25 “ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa. “Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko. Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
Baca selengkapnya
Kabanata 26
KABANATA 26 NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan. Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin. “Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
Baca selengkapnya
Kabanata 27
KABANATA 27 KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father. Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
Baca selengkapnya
Kabanata 28
KABANATA 28 ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon. “Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.” Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon. “Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123
DMCA.com Protection Status