Semua Bab Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog): Bab 11 - Bab 20
28 Bab
Kabanata 11
KABANATA 11 “PATAY na si Miana Devera.”Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi. “Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya pa
Baca selengkapnya
Kabanata 12
KABANATA 12 UMIHIP ang malakas na hangin nang huminto ako sa harap ng isang pribadong kapilya kung saan inilagak ang mga labi ni Miana. Ayoko sanang pumunta dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan niya. Pero parang may tumutulak sa akin para pumunta rito. Nanigas ang buong katawan ko nang matanaw ang puting kabaong ni Miana. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Pati ang mga paa ko ay hindi ko maihakbang. Para bang ang lahat ng lakas na mayroon ako, sa isang iglap ay bigla na lang nawala.Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung makakaya kong silipin ang bangkay ni Miana. Natatakot akong lumapit. Hindi ko alam kung makakaya ko bang silipin man lang siya. Natatakot akong makita mismo ng dalawang mata ko na wala siya. Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit upang palakasin ang loob ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kapilya. Napili kong umupo sa dulo kung saan
Baca selengkapnya
Kabanata 13
KABANATA 13  NAGMADALI akong bumaba ng hagdan nang marinig ang malakas na boses ni Papa. “Tigilan mo ako, Erlinda! Tatamaan ka sa ‘kin!” Halos hindi na makatayo nang tuwid si Papa sa sobrang kalasingan. Pulang-pula na ang mukha niya at halos hindi na maidilat ang mga mata. Pero patuloy pa rin siya sa pagtungga ng alak at paghithit sa hawak na sigarilyo. Naningkit ang mata ko nang mas lumapit si Mama kay Papa at ipinakita ang loob ng isang itim at maliit na bag na walang laman. Pamilyar sa akin ang bag na iyon.“Pinagbibintangan mo ba ako, ha?” sigaw ni Papa. “Hindi ako ang kumuha ng pera riyan!” Ibinaba ko ang tingin nang umigting ang panga niya sa galit. Nakakatakot. Parang wala sa sarili. Parang sinaniban ng demonyo. Parang handa niyang saktan si Mama ano mang oras.Maraming isinenyas si Mama na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan niy
Baca selengkapnya
Kabanata 14
KABANATA 14 MAS lalong lumala si Papa. Pati ang titulo ng bahay naming ay hinahanap at balak isangla. Hindi lang iyon. May natuksalan si Mama pero patuloy niya itong itinatanggi. Naabutan ko si Mama na nasa likod ng bahay at naglalaba. Napansin kong nakatulala siya sa hawak na puting polo ni Papa. Para bang iniinspeksyon iyon ng mga mata niya. Pinagmasdan ko lang siya. Mayamaya pa, napansin kong bigla na lang siya naluha. Lumapit ako kay Mama at walang habas na inagaw ang hawak niya. Nagulat siya at sinubukang agawin ang damit, ngunit nagmatigas ako at pilit iyong inalayo. Nanuot sa ilong ko ang pambabaeng pabango na nakakapit sa polo. Napansin ko rin ang ilang bahid ng pulang lipstick doon. “Hindi naman ganito ang amoy ng pabango mo, ‘di ba, ‘Ma? Hindi ka rin naman nagli-lipstick.” Mataman akong tinitigan ni Mama. “Isa lang ang ibig sabihin nito.” Napalunok
Baca selengkapnya
Kabanata 15
KABANATA 15 MATAPOS ang mga pangyayaring iyon, minabuti kong umiwas na lang. Mas lalo lang akong mabubuwisit kapag nakikita ko si Mama na pinaglilingkuran ang mala-hari niyang asawa. Hanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatanga si Mama. Nakakainis na ang pagiging martyr niya. Ang sarap tayuan ng rebulto. Hindi ko siya pinapansin sa tuwing gusto niya akong kausapin. Tinatalikuran ko na lang siya at dumidiretso sa kuwarto. Ayoko munang marinig ang mga paliwanag ni Mama. Mas gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang pansamantalang magtago. Bumalik ako sa reyalidad nang huminto ang sinakyan kong tricycle sa harap ng bahay namin. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa gate, parang bumigat ang pakiramdam ko. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko nang marinig ang malakas na boses ni Papa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at halos patakbong pumasok. Naestatwa ako nang maabutang binubugbog ni Papa si Mama na nagmamakaaw
Baca selengkapnya
Kabanata 16
KABANATA 16 NOON ay iniisip kong totoo ang kasabihang pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Pero nagkamali ako. Kung pantay-pantay ang lahat, bakit pakiramdam ko, ako lang ang nakakaranas ng ganito? Bakit pakiramdam ko, ako lang mag-iisa ang lumalaban? Bakit ako na lang palagi? Ano ang mayroon ako at ako ang kan’yang pinili? Bakit ako?Gusto ko nang lumabas sa ospital na ito. Ayoko nang makita si Mama na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sana ay ako na lang ang nabundol ng sasakyan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.“Elyne.” Sa kabila ng ngiting iyon ni Roan, alam kong nalulungkot din siya sa nangyari kay Mama. Umupo siya sa tabi ko. “Kumusta na si Tita?”Bumuntonghininga ako at dahang-dahang umiling. “Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.” Hinaplos ni Roan ang likod ko. “Bibilisan niya ang paggising dahil alam niyang naghihintay ka.&rdquo
Baca selengkapnya
Kabanata 17
KABANATA 17 HUMINGA ako nang malalim upang humugot ng lakas ng loob. Nang dumilat ako’y dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng isang maliit kapilya dito sa Ospital. Hindi ko alam kung sa’n ako humugot ng lakas ng loob para gawin ‘to, pero habang palapit ako nang papalapit sa maliit na altar, may kung ano sa dibdib ko na nagpapabigat ng aking pakiramdam. Bawat hakbang na ginagawa ko’y parang tinutusok ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Tahmik ang buong lugar dahil walang ibang tao kundi ako. Pinili kong umupo sa gitna at mataman Siyang pinagmasdan. Napagtanto kong matagal na pala mula noong huling beses na humuharap ako sa Kan’ya. Limot ko na nga ‘yung huling beses na dumalaw ako sa tahanan ng Diyos.“Hindi ko alam kung bakit ako narito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito,” halos pabulong na sabi ko. “
Baca selengkapnya
Kabanata 18
KABANATA 18 BIGLANG kinuha ni Sister Lovelle ang dalawang kamay ko at marahan na hinawakan ang mga ito. Muling gumuhit ang bahagyang ngiti sa labi niya. “Ibinigay Niya ang pagsubok na ‘yan dahil alam Niyang kaya mo. Alam Niyang ikaw lang ang may kakayahang makalampas sa pagsubok na ibinigay Niya sa ‘yo. Naniniwala Siya sa kakayahan mo.” Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko, kasabay nang muling pagtulo ng butil ng luha sa aking pisngi. Naniniwala Siya sa ‘kin dahil alam Niyang kaya ko? Pero bakit pakiramdam ko hindi? Bakit pakiramdam ko ito lang ang pagsubok na hindi ko kayang lampasan?“Kung iniisip mong pinaparusahan ka ng Panginoon, nagkakamali ka. Sinusubok ka Niya.” Marahan niyang pinisil ang mga kamay ko. “Inihahanda ka lang Niya. Magtiwala ka sa Kan’yang plano. Hindi sa pansamatalang sakit na nararamdaman mo, Everlyne.”Ngumit
Baca selengkapnya
Kabanata 19
KABANATA 19 HALOS patakbo akong naglakad papasok sa loob ng ospital. Hindi ko maitago ang pinaghalong saya at lungkot sa aking matamlay na ngiti, ngunit ngayon, mas nangingibabaw ang saya sa puso ko. Katulad ng dati, napahinto ako sa labas ng pinto ng kuwarto ni Mama. Hindi ako makagalaw. Hindi ako handang makita siya na wala pa ring malay.Huminga ako nang malalim. Kailangan kong labanan ang takot ko. Hindi dapat ako maging mahina. Magiging matatag ako. Kailangan ako ni Mama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Mariin akong napalunok kasabay ng dahan-dahang paghakbang ng mga paa papasok sa loob. Hindi ko inialis ang tingin ko kay Mama. Habang palapit ako nang papalapit sa kan’ya, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Parang daan-daang naglalakihang bato ang nakadagan sa dibdib ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang muli kong makita ang sandamakmak na aparatong nakakabit sa kan’ya. Mga aparatong
Baca selengkapnya
Kabanata 20
KABANATA 20 ELYNE, nasabi sa akin ng Papa mo ang ginawa mo. Bakit naman ginagawa mo ‘yon, Anak? Hindi tamang gawain 'yon ng isang menor de edad pa lang na kagaya mo. Hindi tama ‘yon kaya sana’y ‘wag sumama ang loob mo kung pinagalitan ka man ng Papa mo. Gusto lang niyang ipaalam na mali ang ginagawa mo. ‘Nak, sabi ko naman sa ‘yo kung may problema ka nandito lang ako 'di ba? Hindi lang ako makakasagot pero handang makikinig si Mama sa ‘yo. Sabihin mo lang sa ‘kin ang lahat. Handa akong gumawa nang paraan upang resolbahin ang problema mo sa abot nang makakaya ko, dahil ayokong nakikitang nagkakagan’yan ka. Ayokong panoorin ka lang na sirain mo ang buhay mo nang wala man lang akong magawa. Ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa ‘yo ng Diyos. Kung naiintindihan mo lang sana ako’y mas madali sanang ipaliwanag sa ‘yo ang lahat. Pero sana’y matuto kang pahalagahan a
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123
DMCA.com Protection Status