All Chapters of A Writer's Romance (Filipino-English): Chapter 11 - Chapter 20
33 Chapters
Chapter 11
CHAPTER 11 SA LOVER'S Sanctuary siya dinala nito. Obviously, it was a place for lovers. Ni minsan ay hindi pa siya nagawi sa first-class restaurant na iyon kahit hindi lang naman pang-lovers ang ambiance ng lugar. Puwede rin naman pumunta kahit mag-isa lang o may kasamang mga mahal sa buhay. Pero para sa kanya ay mas magiging romantic ang lugar kung magkasintahan talaga ang magkasama. Nilapitan kaagad sila ng mga lalaking sabay sabay na tumutugtog ng violin at parang sinusundan ang malamyos na romantikong musika na nililikha ng live pianist. Napaka sarap nito sa kanyang pandinig at para bang siya ay ipinaghehele. Bago siya umupo ay inabutan siya ni Rusty ng boquet ng tulips na ikinabigla niya. “For you.”She smiled. “Wow, thank you.”Naalala niya tuloy noong huli siyang makatanggap ng bulaklak. Tatlong pirasong rosas iyon na sumisimbolo raw ng ‘I love you’ s
Read more
Chapter 12
CHAPTER 12 ‘SMILE. Because when I see your smile, it also makes me have a smile.’Ito ang mga salitang nabasa ni Syler sa kulay blue na sticky note na nakadikit sa ibabaw ng lamesa niya sa opisina. Kinuha niya iyon at hindi niya namalayan na unti-unti na siyang napapangiti. May ideya na siya kung kanino ito galing kaya naman kaagad din niyang binura ang ngiti na ‘yon sa kanyang labi. She pursed her lips. Idinadaan lang siya nito sa paglalambing at panunuhol. Hindi siya kaagad bibigay kung iyon man ang intensyon ng note na ‘to.“Sy.”Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Halos lumundag sa dibdib niya ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ito ang bumibigkas ng pangalan niya ay masarap sa pakiramdam. Masarap sa pandinig. Para bang bigla na lang nawawala lahat ng iniisip niya.“Hmm?” sagot niya nang hindi inaalis a
Read more
Chapter 13
CHAPTER 13 “THE first time I met you I didn't think I would fall in love with you, but I did.”Napasinghap si Syler nang marinig ang boses na iyon sa tabi niya. Nadala siya sa kanyang isinusulat dahil nandoon na siya sa nakakakilig na eksena na magtatapat na ‘yong hero sa heroine ng nararamdaman nito. Nawala tuloy sa isip niya na nandito siya ngayon sa unit ni Rusty at wala sa unit niya. Mabilis niyang pinatay ang kanyang laptop. “N-nand’yan k-ka n-na p-pala.”Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi nito. “Turn it on, Sy. I’m enjoying your story.”“No!” mariing usal niya.Alam niyang nabasa na nito ang ibang nobela na ginawa niya, ngunit hindi siya sanay sa tuwing nagsusulat siya at may ibang taong nagbabasa. Nawawala siya sa focus dahil naiilang siya. Mabilis siyang nadidistract.He backed out. “Okay.”Mabuti n
Read more
Chapter 14
CHAPTER 14 BAKIT ba ang tagal niya?  tanong ni Syler sa isip.Kanina pa siya hindi mapakali habang hinihintay sa kusina si Rusty. Naihanda niya na ang kakainin nila pero hindi pa rin ito tapos maligo. Mas lalo tuloy siyang natataranta sa hindi malamang dahilan.“Ano ba’ng nangyayari sa akin?” tanong niya sa sarili. “Nababaliw na ba talaga—”“Sy.”“Ay malaking kalabaw!” Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang gulat. “Bakit ka ba nanggugulat?”Natulala siya nang makita niya si Rusty na walang suot na pang-itaas. Her jaw dropped. Halatang bagong ligo talaga ito dahil bumabagsak pa sa matipuno nitong dibdib ang maliliit na butil ng tubig.Hindi na niya napigilan ang sarili na lantarang pagmasdan ang katawan nito. He had the most magnificent body of a man she had ever seen. Kung ilalaban man ito sa mga lalaking modelo na naki
Read more
Chapter 15
CHAPTER 15 MAHIGIT isang linggo nang iniwasan ni Syler si Rusty. Sa tuwing nasa opisina siya nito ay minsan na lang niyang kinakausap ang binata. Sa tuwing niyayaya nga siya nitong lumabas ay tumatanggi na siya at naga-alibi na lang. Sa tuwing sinasabi nga ni Rusty na pupunta ito sa unit niya ay um-aapela kaagad siya at nagdadahilan na hindi siya makapag-concentrate sa pagsusulat kung may ibang tao sa paligid. Iniiwasan na niya talaga si Rusty kahit hindi iyon ang inuutos ng kanyang puso. Dahil alam niyang kapag lumala pa ang nararamdaman niyang iyon, sa huli siya rin naman ang masasaktan. Siya rin naman ang uuwing luhaan. At ayaw na niyang mangyari ulit iyon. Tama na ‘yong isang beses siyang nasaktan. Baka hindi na niya kayanin kung may pangalawa pa. Romance writer siya, hindi lang talaga halata, kaya alam niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa binata. Alam niya ang ibig sabihin ng kusang pagguhit ng ngiti sa kanyan
Read more
Chapter 16
CHAPTER 16 “DO YOU like the ice cream-cake?”Buong ningning na ngumiti si Syler habang nakatitig kay Rusty. “Yes, it’s so delicious.”Pero mas masarap ka pa rin titigan! hirit niya sa isip.“Try this one.”Nagulat siya nang inilapit nito sa bibig niya ang kutsara nito na may laman na kapirasong chocolate ice cream-cake. Susubuan niya ako? Oh my God.Wala na siyang nagawa kundi ibuka ang bibig niya ay kainin iyon kahit ang puso niya ay umaarangkada na naman. She couldnt help but admire this good-looking man in front of her. Napaka-sarap nitong pagmasdan lalo na kapag malapitan. Bigla rin siyang napaiwas ng tingin ng ito naman ang tumingin sa kanya. Sinubukan niyang ituon ang buong atensyon sa kanyang kinakain ngunit hindi niya maiwasang mailang sa lantarang pagtitig nito sa kanya. “Why are you staring like that?”&ldq
Read more
Chapter 17
CHAPTER 17 “BILIS! Baka hindi na natin maabutan,” saad ni Syler habang tumatakbo sila ni Rusty papunta sa seaside sa harap ng Mall of Asia. Pasado alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin sila umuuwi.“Ano ba’ng mayro’n? Bakit tayo nagmamadali?”“Basta—ayy!” Bigla na lang siyang napatid. Mabuti na lang at nahawakan siya kaagad ni Rusty. He chuckled, a bit. “Kahit kailan talaga, lampa ka.”“Heh!”Nagulat na lang siya nang biglang nitong hawakan ang kamay niya. “Halika na nga.”Hindi na siya nakapagsalita habang tumatakbo sila. She had never held hands with a guy before in public place. Para tuloy silang mga bida sa isang action movie habang tumatakbo. Nagkaroon na naman tuloy siya ng ideya na magagamit niya sa nobelang isusulat niya. Napansin niyang bakas ang pagtataka sa mukha nito nang huminto sil
Read more
Chapter 18
CHAPTER 18 PAKANTA-KANTA si Syler nang sumakay siya sa elevator ng Vergara Holdings. Hindi niya magawang itago ang malaking ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Parang lumulutang pa rin siya sa nag-uumapaw na saya. Hindi pa rin mabawasan ang kilig na nadarama niya. Ilang beses niyang hinawakan ang kanyang labi na dinampian ni Rusty nang masuyong halik. Mas lalo pang nadaragdaragan ang kilig na kanyang nadarama sa tuwing inaalala niya ang sandaling iyon. Sa buong buhay niya ay iyon lang ang unang beses na nahalikan siya nang totoo. Mas masarap pala ang mahalikan nang totoo kaysa sa halik na inilalarawan niya sa kanyang nobela sa tuwing naghahalikan ang mga bida. Parang gusto na niyang magsulat ulit ng isang nakakakilig na eksena. Gusto niyang ilabas sa pamamagitan nito ang kanyang nararamdaman dahil pakiwari niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang kilig at saya kung hindi niya ito maisusulat. Sinuot niya ang earphon
Read more
Chapter 19
CHAPTER 19 ILANG beses pinilit ni Syler na um-attend ng meeting si Rusty pero hindi rin niya ito nagawang mapasunod. Talagang desidido na itong ihatid siya pauwi. Malas lang nito dahil hindi siya ganoon karupok. Hindi dahil gusto nitong ihatid siya pauwi ay papayag na siya. Hindi gano’n kadaling paamuhin ang nagmamaktol niyang puso. Manigas ka, Vergara! “Pinapatawag ka ng Daddy mo,” aniya matapos i-reschedule ang meeting nito ngayong araw na ikinansela niya.He nodded. Ngunit halata sa tingin nito na parang tinatantya pa rin ang kilos niya. “Can I leave you here for a minute? Kakausapin ko lang sandali si Dad at ihahatid na kita pauwi. Sandali lang iyon.”Tumango lang siya bago iniligpit ang mga gamit niya sa mesa. Buong akala niya ay aalis na ito agad, pero natigilan siya nang makitang nakatayo pa rin ito sa kanyang tabi. Halata ang pagdadalawang isip sa mukha nito.
Read more
Chapter 20
CHAPTER 20 PAGKARATING nila Syler sa kanyang unit ay hindi agad umalis si Rusty. Ang buong akala pa naman niya ay uuwi na rin ito agad pero dire-diretso lang itong pumasok sa loob ng tinutuluyan niya.“Magpalit ka agad ng damit para hindi ka magkasakit.”Tumango siya at agad na sumunod sa sinabi nito. Sandali lang siyang naligo dahil nilalamig ang buo niyang katawan. Maling-mali na nagpaulan siya kanina dahil masyado pa naman siyang lamigin. Hindi na siya magugulat kung bigla na lang siyang sipunin. Pagbalik niya sa sala ay naabutan niya si Rusty na nanonood ng action movie. Napatigil sa pagsusuklay ng kanyang buhok upang sandaling pagmasdan ito. Napansin niyang nakaangat na hanggang siko ang kulay puting long sleeve na suot nito. Maging ang leather shoes at medyas nito ay nakahubad na rin. Seryoso itong nanonood habang kumakain ng banana chips na tingin niya ay nakuha nito sa ibabaw ng kanyang ref. Kung ti
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status