All Chapters of Behind The Lies : Chapter 31 - Chapter 40
45 Chapters
Chapter 31 - Heather
 Sa isang sikat na five star hotel idinaos ang reunion party. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang makapasok kami sa magarang lobby ng hotel.Para akong nasa renaissance period dahil sa medieval na desenyo ng wallpaper. May mahabang medieval stairway din kung saan ang ibang guest ay naroon at nagkukwentuhan. A castle style wrought iron chandelier was hanging on the ceiling, medyo dim lang ang ilaw nito. May mga poseur table din sa paligid to accomodate us.Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mapansin kong nagtitinginan na sa amin ang mga tao. I recognized them as my schoolmates, some of them are my classmates. And I guess, naaalala rin nila ako.Pinilit kong huwag magpaapekto nang marinig ko na ang mga bulong-bulungan nila. I got a little anxious but then I felt Brix and Danika hold my hands trying to put me at ease."We're here. You have nothing to worry about," seryosong bul
Read more
Chapter 32 - Aconitum
 GabrielLumabas muna ako saglit sa may pool area ng hotel para magpahangin. Pakiramdam ko kasi, masu-suffocate lang ako kapag nanatili ako sa loob.Kung alam ko lang na pupunta sina Brix at Kelly, hindi ko na sana sinamahan pa si Stella.Alam ko, wala akong karapatan magselos habang nakikita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't-isa. Hindi ko na dapat 'to maramdaman pero para akong tinatraydor ng puso ko. Hindi ko kayang makita siyang masaya na sa iba, habang ako durog na durog na naman.Tangina.Mabilis kong nilagok ang laman ng bote ng beer na hawak ko. Gusto kong magpakalango sa alak at lunurin 'tong selos na nararamdaman ko, pero biglang dumating si Stella at inagaw ang beer na iniinom ko."Bakit ka umiinom? Magda-drive ka pauwi 'di ba?" nag-aalalang tanong nito. Hindi ko na lang siya inimikan. Inagaw ko ulit ang bote mula sa kanya pero inilayo niya ito sa a
Read more
Chapter 33 - Lily of The Valley
 Gabriel"S-She's sick?" Nag-aalangan kong tanong kay Brix at nang tumango siya, parang gusto kong hilingin na bawiin na lang niya ang mga sinabi niya. Na sana isang malaking biro lang ang lahat."Kelly was diagnosed with leukemia noong third year college tayo."Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko inaasahan ang katotohanang tuluyan na nilang nilahad.Napatingin ako sa E.R kung saan kasalukuyang tinitignan pa ng doctor si Kelly. Parang tinatambol ang puso ko dahil sa labis na kaba at takot lalo na nang dumako ang tingin ko kay Danika. Nakaupo ito sa pahabang upuan sa tapat lang ng E.R. Nakayakap si Jules sa kanya habang sinusubukan itong patahanin. Kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak. Maging si Jules ay labis na rin ang pagkabalisa."Wala namang mangyayaring masama kay Kelly 'di ba?"Malalim na napabuntong-hininga si Brix bago siya tumango ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi mapanatag ang kalo
Read more
Chapter 34 - Black Dahlia
 "Gab? Man! What happened to you? You looked like a mess!"Gulat na gulat si Thao nang pagbuksan niya ako ng pinto sa condo unit niya. Aligaga siyang pinapasok ako sa loob at inalalayan na makaupo sa sala. Hating-gabi na, mukhang naistorbo ko ang pagtulog niya.Hindi ko na rin alam kung paano ako nakarating dito. Tulirong-tuliro ang utak ko. Ang alam ko lang, gusto ko munang lumayo. Ayoko munang umuwi sa amin dahil baka may magawa akong isang bagay na pagsisisihan ko sa huli.Galit na galit ako kay mommy sa mga sandaling ito. Ayokong lamunin ako ng galit na 'yon. Alam kong walang perpektong magulang, pero hindi ko kayang palampasin ang ginawa niya. Napakabuting tao ni Kelly. Paano niya nagawa sa kanya ang bagay na 'yon? Paano niya nagawa sa amin 'to? Paano niya nagawang saktan ang babaeng pinakamamahal ko?Muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Maisip ko pa lang ang mga paghihirap ni Kelly habang wala ako sa tabi niya, parang pi
Read more
Chapter 35 - White Poppies
 Pagod na pagod ako, mentally at emotionally. Nang makabalik ako sa condo ni Thao, tuluyan na akong nilamon ng pagod ko at hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sofa.Nang magmulat ako, agad akong napatingin sa wall clock. Mag-aalas singko na pala ng hapon. Hindi pa rin ako nakakapagbihis ng damit. Suot ko pa rin 'yung suot kong damit kagabi.I decided to take a quick shower. Plano kong puntahan sa ospital si Kelly para malaman kung ano na ang kalagayan niya. Nang matapos akong maligo at makapagbihis, kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa center table."Aalis ka?" tanong ni Thao na kadarating lang.Nag-grocery ata siya dahil may bitbit siyang dalawang plastic bag."Pupuntahan ko muna si Kelly," tipid na sagot ko. He just gave me a nod.Nang tignan ko ang cellphone ko, kinabahan ako nang makita kong maraming text at miss calls galing kay Brix. Agad kong binuksan ang message niya. Halos malaglag ang puso ko sa sahig nang
Read more
Chapter 36 - Primrose
 KellyNakaupo ako sa malambot na kama ng ospital habang pinagmamasdan si Gabriel. Tahimik siyang nakaupo sa isang wooden chair sa gilid ng kama ko at nagco-concentrate sa librong binabasa niya. Ang isang kamay niya naman ay hawak-hawak ang kamay ko. Maihahantulad ko sa isang napakagandang panaginip ang nangyayari sa akin ngayon. Kasama ko ang lalaking mahal ko habang hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ayoko na itong pakawalan pa. Natatakot ako na kapag bumitaw ako sa kanya, baka bigla siyang maglaho na parang bula at magising na ako mula sa magandang panaginip na ito.Kung sa panaginip ko na lamang siya muling makakasama, parang gusto ko na lamang manatili sa pantasya kong ito at huwag nang gumising pa. Ayoko nang mawalay pang muli sa kanya."May dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pa nakatitig diyan," a familiar gentle voice pulled me out from my daze.I had to blink twice just to make sure that he's r
Read more
Chapter 37 - Dead Leaves
 "Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on
Read more
Chapter 38 - Cattail
 KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang
Read more
Chapter 39 - Blue Salvia
 "Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin. But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet
Read more
Chapter 40 - Bluebell
 "Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status