All Chapters of Tears of Pain: Chapter 11 - Chapter 20
20 Chapters
Chapter 10
Pagkagising sa umaga ay nag-asikaso na agad si Eleonor at Matilda. At sa unang pagkakataon ay gumising ang dalawang dalaga na magaan ang pakiramdam, walang bigat na nakapasan sa kanilang mga puso at ang lahat ng bagay na madadapuan ng kanilang mga mata'y tila napaka-ganda. Ganito nga siguro kapag ika'y natulog nang hindi nagki-kimkim ng sama ng loob.Nagpasiya sila'ng maglibot muna at mag-tungo sa isang mall na isang sakay lamang ng jeep ang pagitan. At habang naglalakad sila'y hindi mapigilan ni Eleonor ang mamangha sa buong paligid — napaka-laki at napaka-lawak nga talaga ng Maynila.Habang binabagtas nila ang malawak na daan papunta sa sakayan ng jeep ay lalong nag-umapaw ang saya na nararamdaman ni Eleonor.Marami s'yang nakita na mga maliliit na tindahan sa bawat gilid na dahan-dahang itinatayo ng mga tao. Kaya naman maya't maya niyang kinakalabit si Matilda sa kaniyang braso. Napapa-lingon naman s
Read more
Chapter 11
Pagkatapos ng tagpong 'yon ay ipinagpatuloy ni Eleonor ang kaniyang paglalakad. Sa isang gilid na kung saan ay maraming tao ang nagku-kumpulan ay napansin niya ang kaunting kababaihan na naka-suot ng pormal na panamamit at may takong na hindi kataasan. Pagod na ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha na nahalata ni Eleonor, ngunit pilit nila itong ikinu-kubli sa pamamagitan ng kanilang ngiti habang inaasikaso ang mga mamimili.Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa tapat ng kanilang glass door at doon ay nabasa niya na naghahanap sila ng mga Sales lady. Sa tingin niya'y disente naman ang ganitong trabaho kaya nag-isip siya nang mabuti.At sa kaniyang pagbabalik sa kanilang pwesto ni Matilda'y naabutan niya'ng may hawak na itong mga supot ng damit at tsinelas. Saglit siyang napa-hinto dahil hindi niya inaasahan na may sapat na salapi pala si Matilda upang bilhin ang mga ganitong gamit."Nandiyan ka na pala.
Read more
Chapter 12
Ito na ang pinaka-hihintay ng dalawang dalaga. Sa wakas ay makakarating na rin sila sa paaralan na kanilang papasukan. Suot ni Eleonor ang magandang bestida na binili ni Matilda para sa kaniya kaya mas lalo siyang natutuwa. Hanggang sa sumakay muli sila sa isang jeepney na ang ruta ay hindi naman kalayuan mula sa kanilang apartment. At nang pag-baba nila mula sa sinasakyan ay hindi na napigilan ng dalawa ang ma-lula. Malaki ang labas ng paaralan na may bilog na logo sa gitna ng gate. May estatwa rin na makikita mula sa labas na kanilang kinatatayuan na kinakawayan naman ng katamtamang sinag ng araw. Lalo lamang gumanda ang paaralan sa kanilang paningin."Grabe, Matilda! Ang laki pala ng school na 'to!" Mangha'ng saad ni Eleonor habang binabagtas ng kaniyang paningin ang itaas ng paaralan. "Oo, Eleonor. Wala
Read more
Chapter 13
Isa lamang si Eleonor sa mga mag-aaral na masiglang nakikilahok sa mga aktibidad sa kanilang paaralan. Ngunit iisa lamang ang tumatak sa bawat isa. "Teresa Montenegro. I'm 19 years old..." Isa sa mga kaklase ni Eleonor ang nag-boluntaryo upang sumagot sa tanong ng kanilang guro tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang pamilya."I have a complete family." Huminto ito saglit at ngumiti nang malawak bago nagpatuloy. "Mahal na mahal nila 'ko. At ang swerte-swerte ko kasi sila ang mga naging magulang ko. I'm actually doing this for them. Excited ako'ng bumabangon para makapasok sa school, I love the way they hug and kiss me bago ako umalis. Gusto'ng gusto kong nakikita 'yung ngiti nila sa tuwing may iu-uwi akong achievements. I really want to make them proud." Nagpalak-pakan ang mga estudyante, at ang lahat a
Read more
Chapter 14
Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon. At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady. Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda. Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib
Read more
Chapter 15
Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita. Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay. Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e." Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili. Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito
Read more
Chapter 16
Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele
Read more
Chapter 17
Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah
Read more
Chapter 18
Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor. Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.  Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya. Sa ganap na alas-kwatro ng hapon
Read more
Chapter 19
Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status