All Chapters of BAGAC: Chapter 71 - Chapter 80
108 Chapters
Chapter 70
Sinukuan din ni Jing-Jing ang paulit-ulit niyang pagtawag kay Chyna. Pakiramdam niya ay malaking oras ang masasayang kung hindi naman din sasagot ang kanyang kinokontak.Kapagdaka'y naghanda na siya ng ilang damit-pamalit. Kumuha lamang siya ng sa tingin niya ay sasapat sa planong ilang araw na pagpalagi sa tahanan ng pamilya namin. Pinili niya ang isang maliit na bag upang hindi masyado maging mainit sa mga mata ng kanyang mapunang ina.Mabait naman ang kanyang inang si Mama Feliz. Yun nga lang, talagang maduda at mapagtamang hinala. Kaya sigurado siyang uusisain siya to the max bago ang imposibleng pagpayag.Makalipas niyang makapagempake, mabilisan na siyang naligo, at nagsuot lamang ng pambahay. Plain shirt at ordinary floral short. Tumuloy siya ng kusina ang nagsalang ng ilang gatang na pansaing na bigas sa rice cooker matapos hugasan ito.Ganito na ang gawi ng kanilang pamilya. Madaling araw pa lang naiiwan na si Jing-Jing mag-isa sa bahay. Maaga ka
Read more
Chapter 71
Halos hindi na nalunok ni Papa Lino ang kasusubo nya pa lang mula sa kutsara nang mamalas ang biglaang pangingisay ng kanyang anak. Agad siyang tumayo at nilapitan si Jing-Jing na halos humilamos na ang buong mukha at nakalugay na buhok sa pinggang kinakainan."Beshie... ano'ng nangyayari sa'yo?," tarantang sambit ni Eloisa na hindi malaman kung ano ang gagawin. Nanatili siya sa kanyang upuan na puno ng pag-aalala."Aba'y Jing-Jing ano iyan?," pagtataka ni Mama Feliz matapos lumunok at uminom ng tubig bago tumayo at lapitan rin ang anak.Hindi natinag ang pangingisay ni Jing-Jing kaya inilayo na ni Mama Feliz ang mga kubyertos at pinggan na malapit sa kanya.Iniangat nila ang mukha niya at nagkalat nga rito ang sankaterbang mumu mula sa kinakain. Kung anong linis niya kaninang pagkaligo ay siya namang dungis niya at pangangamoy sa mga sarsa ng ulam.Hinablot ni Eloisa ang kanyang panyo at dagling ipinunas sa mukha ng kanyang kababata.Sa puntong i
Read more
Chapter 72
Muling nabulabog ang looban ng magkakamag-anak nang mamataan nila na may ipinasok na balot ng kumot sa bahay namin."Parang awa n'yo na, tulungan n'yo ang anak ko!," panaghoy ni Papa Lino nang makaharap ang aking mga magulang na noo'y di pa niya nakikilala."Ano po'ng nangyari?," usisa ni Tatay Bong."Sinapian ang anak ko at magagamot n'yo raw siya sabi ni Eloisa...," sagot ni Papa Lino na halos manikluhod na sa bigat ng anak.Saka lamang napuna ni Tatay Bong at Mama Belsa na kasunod pala nito si Eloisa.Nang alisin ni Tatay Bong ang takip ng kumot, nagulat sila na si Jing-Jing ang buhat nito. Pawisang walang malay ito."Naku, si Jing-Jing iyan ha...," pagkilala ni Nanay Belsa."Sige, ipasok n'yo ho sa loob...," pag-anyaya ni Tatay Bong sa ama ni Jing-Jing habang inaalalayan rin paloob ng bahay."Emong, sunduin mo ang Tito Ato mo at may pasyente kamo...," tawag pansin ni Nanay Belsa na kakasulpot pa lamang mula sa kusina.Hindi i
Read more
Chapter 73
"Besh?!...," taas kilay na pagtawag ni Eloisa sa nakaupo pa sa folding bed. "You mean to say na acting lang ang lahat ng 'yun???," sarkastikong patuloy nito sa kaibigan.Natawa na lamang si Jing-Jing sa naturan ng matalik na kaibigan na kalaunan ay namangha rin at napalundag sa tuwa:"Ayyyy Beshie... Best Actress ka don!," paglapit ni Eloisa na nakipaghigh five pa sa kababata.Huli na nang matumbok ng mga naroon ang ibig sabihin ng pagtawa ng dalawa."Loko ka, Jing.... pinagtripan mo sina Papa at Mama mo?...," magaan na puna ni Kat sa ngayo'y masiglang kondisyon na ng kausap.Bukod sa kaharap, nilingon niya lahat ng nakapaligid saka nagwika:"Pasensiya na sa inyong lahat ha... hindi ko naman kasi sadyang balak gawin 'yun. No choice na kasi ako eh...," panimula niya sa pagbibigay dahilan sa nagawa sabay baling sa isa pang malapit sa kanya:"Eto kasing si Eloisa eh, babanat ng walang bwelong paalam kaya hindi tuloy ako nakapaghanda, nasupalpal
Read more
Chapter 74
"Chy, nagsasabi ng totoo ang pinsan ko...," pagtatanggol ni Carey kay Max. "Mula ng makaluwas tayo galing Bagac, hindi pa siya lumayo dito dahil binabantayan namin si Chadie at bilin na 'wag kami maglayo-layo dahil hindi pa tapos ang mga kababalaghan...," patuloy ni Carey na tila proud sa kanyang mga binitiwang salita.Walang kasinungalingan ang mga nasabi ni Max. Maging si Chyna mismo ay alam niyang walang ibang impormasyong inalam sa kanya ang binatang ito, maliban sa kaswal na atraksyon nila sa isa't isa."At paano'ng ikaw ang maituturo ng anak ko kung hindi ikaw iyon?," bigkas ng ina ni Chyna na pumatak na rin ang luha bunga ng awa sa sitwasyon ng anak.Napuna niya rin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng anak. Higit siyang nakaramdam ng habag sa pagkatulala nito na pakiwari niya ay naghahanap na ng pagdudugtong dugtong ng mga bagay matapos marinig ang sinabi ni Max at ng pinsan nito."Imposible hong ang pamangkin ko ang gumawa ng inyong ibinibinta
Read more
Chapter 75
Pakiramdam ni Mang Lindo, nakabawi na siya kahit paano ng pahinga matapos ang ilang magkasunod na araw na inabala kaming lahat ng mga kababalaghan.Ninamnam niya ang ilang oras na nakahiga siya sa isa sa mga kama sa ospital at dumadampi ang tamang lamig ng aircon sa kanyang mga balat.Walang ano-ano'y tumulo ang kanyang mga luha sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata.Nasa pakikipaglaban man ang buo niyang katauhan sa ilang magkasunod na araw, hindi niya maikakaila sa sarili na nasugatan siya. Hindi sugat na pumipilas sa kanyang umeedad na balat kundi ang hapdi na malaman mo na lumaking kriminal ang mga kapatid mo.Masakit para sa kanya na bilang panganay ay hindi niya nagabayan ang mga kapatid niya at hindi siya kalugod-lugod sa oras na makaharap niyang muli ang kanilang mga namayapang magulang. Pakiwari niya'y malaki ang pagkukulang niya sa pagtuturo sa mga ito. Hindi siya naging epektibong kuya sa buong buhay niya at marahil, hindi siya nakita ng mga
Read more
Chapter 76
Pagkababa ng tawag ni Mang Salde ay lumipas na ang gana ng lahat sa handang pananghalian ni Marissa.Tila nilukob sila ng isang malaking dagok. Mas mahahalata ang pagkadismaya at poot mula kay Pete.Napadabog siya sa mesa bago dinuro ang katutubo na siya lamang sa aming lahat ang kasalukuyang nakakakita."Ano ba'ng ginawa mo?! Hindi mo man lang siya tinulungan???! Alam mo bang malaki ang maitutulong niya sa'yo tapos pinabayaan mo lang siya??!," galit na panduduro niya sa Mangyan.Muling bumalik sa pagkayukod ang katutubo hanggang sa paunti-unti itong naglaho sa kanyang paningin.Inalalayan ko na muling makaupo si Pete at pakalmahin siya sa kanyang nararamdaman."Relaks lang, Bro...," yakag ko sa kanya."Hindi ko alam kung makakapagrelaks pa tayo ngayong nawala na si Mang Lindo. Relaks lang ako ng mga nakaraang araw dahil alam ko may katuwang ako sa mga nakikita at nararamdaman nating kababalaghan. Siya lang yung kabisado ang gagawin at maram
Read more
Chapter 77
"Hello, Bhy?," bungarang bati ng tumawag sa akin."Bhy, ano na balita diyan?," pangunguna ko sa kanyang pangangamusta."Nandito na kami nila Eloisa & Chyna sa bahay n'yo. Medyo nagkaroon lang ng problema pero okey naman na...,"munting hayag ni Jing-Jing na kahit papaano ay nagpakampante sa akin."Sabi ni Nanay at Tatay, doon na lang daw kmi mga babae matulog sa kwarto at doon na lang daw muna sa sala sila matutulog mamaya. Bhy, nakakahiya naman sa kanila dito tapos wala ka pa...," patuloy na pagkukwento nito."Tiis muna, Bhy. At least safe kayo diyan at hindi na kami gaano pa mag-aalala sa inyo...," pilit kong pagpapagaan sa hiya niyang nararamdaman."Hindi pa ba kayo uuwi? Magti-three days na kayo diyan... baka hindi ka na makapagpahinga bago bumalik sa trabaho niyan?," binitiwang pag-aalala niya sa akin."May bad news, Bhy...,""Ano 'yun? Ano'ng nangyari?," gulat niyang interes sa aking nabanggit."Asan ka ba banda?,""Nand
Read more
Chapter 78
Pagkababa ng tawag ay binuksan ko na ang usapan sa kung ano ba ang dapat naming gawin. Sabik na akong makauwi. "Since nabanggit mo na in two to three days ay luluwas na tayo matapos man o hindi ang misyon natin dito, ano ang plano mo?," pagpuna ko sa mga salitang nabanggit ni Pete sa tawag namin kanina sa mga nasa Maynila. Sa mga naturan ko, bumaling rin ang ibang kasama ko sa hapag na iyon sa maaaring solusyon na ilalatag ni Pete. "Sa totoo lang, binigay ko yung dalawa hanggang tatlong araw para makapaglamay man lang tayo kay Mang Lindo para pasasalamat na rin sa mga naitulong niya sa atin...," panimula ni Pete. "Oo, tama lang naman yung ganoong ilang araw bilang respeto na rin kay Lindo," ayon kay Kuya Bobby. "Ano ang gagawin natin dito sa ilang araw na 'yon para maresolba lahat ng misteryo dito?," may halong interes at pagkainip sa mungkahi ni Pete ang datingan ng tono ni Brix. "Nawalan na ako ng balak na tulungan pa ang katutubo da
Read more
Chapter 79
Nakaplano na ng araw na iyon ang pagbisita ng Mag-asawang Lenny at Tupe sa puntod ng kanilang panganay na anak nang magkaroon ng emergency na tawag sa trabaho ang mister. "Gaano ba ka-urgent 'yan? Nagpaalam ka na hindi ka papasok ngayon, di ba?," inis na hayag ni Lenny sa asawa habang tinatapik pahele ang tulog na bunsong anak sa kanilang papag. "Eh, wala rin ako magagawa kung pinapasok rin ako...," depensa ni Tupe na nagsasapatos na ng mga sandaling iyon. "Nakapangako ka sa anak mo na pupunta tayo eh....," paalala ng misis na may simangot na pagmumukha. Napahinto si Tupe at nag-isip. "Ganito na lang, pag-uwi ko, doon na lang ako dederetso. Basta pumunta na lang kayo ngayon para hindi na magtampo si Angelo...," tanging naibigay na ideya ni Tupe sa asawa. Dahil sa trabaho at importante naman ang dahilan ng mister, walang ng ibang naging pagtutol pa ang babae hanggang sa makaalis si Tupe. Makalipas ang ilang sandali, sa bukas na
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status