All Chapters of SENSUAL REVENGE (FILIPINO): Chapter 11 - Chapter 20

124 Chapters

"ANOTHER DINNER"

“SERYOSO ka bang mahihintay ka dito?”Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang dumating si Marius nang itanong ko iyon sa kanya.Nagtatrabaho pa rin naman ako. Siya nang mga sandaling iyon ay hindi kumilos at nanatiling nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table ko. Habang inaabala niya ang kanyang sarili sa binubuklat na magazine.“Pwede kang lumipat doon sa couch para mas komportable ka,” ang muli kong sambit nang sulyapan lang niya ako saka nginitian.“Seryoso naman talaga ako sa lahat ng ginagawa ko para sa’yo eh,” aniyang sinagot ang una kong sinabi. “At sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako o mao-offend sa pangalawa mong sinabi,” pagpapatuloy pa niya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ko matapos kong marinig ang huling sinabi ni Marius.“Bakit ka naman mao-offend eh ikaw lang ang inaalala ko?” tanong ko sa kanyang hindi napigilan ang matawa ng mahina pagkatapos.Nagkibit ng mga balikat niya si Marius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi na baka nagsasawa ka na
Read more

"HOLDING HANDS"

MASASABI kong malaki ang pagkakaiba ng dinner na iyon kung ikukumpara sa ginawa namin kahapon ng gabi ni Marius. Siguro nga dahil officially ay magkaibigan na kaming dalawa. “Okay ka na?” tanong sa akin ni Marius nang mapuna niyang tapos na akong kumain. Tumango ako saka sa panghuling pagkakataon ay uminom ng tubig sa baso ko. “Yeah, grabe nabusog ako ng sobra,” pagsasabi ko ng totoo saka ko iyon sinundan ng mahinang tawa. Nakita kong nangislap ang maiitim na mga mata ni Marius habang nanatili siyang nakatitig sa akin. Nasa mga iyon ang paghanga na aware naman akong noon pa mang umpisa ay hindi na niya itinago sa akin. “Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin nang naglalakad na kaming dalawa patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya. Mabilis akong nagkibit ako ng mga balikat bago nagsalita. “Okay lang naman sa akin kung gusto mong maglakad-lakad muna sa park,” sabi ko. Hindi kasi malayo sa kinaroroonan namin ay tanaw ang isang parke na may nangilan-ngilan ring naglalakad. Paw
Read more

"FIRST DATE"

HINDI ko alam kung dahil lang ba iyon sa pagiging busy ko. Pero naging mabilis ang takbo ng mga araw to the point na hindi ko na namamalayan.“Are you sure, Mama Cecille?” tanong ko habang kumakain kami ng agahan sa komedor.Nagsabi kasi ako sa kanya na niyaya akong lumabas ni Marius para sa araw na iyon. At dahil maraming ganap ang inaasahan ko ay pinaunahan ko na si Mama Cecille na baka gabihin ako ng uwi.“Akong bahala kay Andrea, Sam,” aniyang ngumiti pa sa akin.Alam ko naman iyon. Bakit nga hindi gayong sa loob ng mahabang panahon noon na wala ang kuya ko sa piling nina Lana at Andrea, bukod kay Marius ay si Mama Cecille ang nakasama ng mga ito. Kaya kung sa pag-aalaga at pagtingin lang sa pamangkin ko. Tiyak akong nasa mabuting kamay si Andrea.Ang totoo, hindi ko lang kasi maiwasan ang makaramdam ng hiya kay Mama Cecille. Kung kaya ko nga lang kontrolin ang sarili ko, hindi ako sasama kay Marius. Pero hindi ko rin kasi kayang i-deny ang totoo. Na gusto ko palagi ko siyang naka
Read more

"MOVIE"

PAGKATAPOS naming magsimba ay sa mall ako niyaya ni Marius. Nagkape muna kami sa isang coffee shop at doon napasarap ng husto ang aming kwentuhan.“Bakit hindi tayo doon sa coffee shop ninyo nagkape?” tanong niya sa akin.Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan kong ine-enjoy ang bibingka na inorder ko kasama ang black coffee sa nasa aking tasa.Nagkibit ako ng mga balikat saka humigop ng kape bago sinagot ang tanong ni Marius.“Ayoko lang kasing isipin ng mga empleyado namin na nag-i-store visit kami.,” sagot ko. “At isa pa, gusto ko ring matikman ang kape at bibingka nila dito para naman magkaroon ako ng idea kung paano namin sila matatapatan,” dugtong ko pa saka ko sinadyang hinaan ang huli kong sinabi para hindi marinig ng kahit sino.Tumawa si Marius sa sinabi kong iyon. At masasabi kong naging mas attractive siya sa paningin ko. Although hindi iyon ang unang beses na narinig ko ang kanyang tawa na totoong nagmimistulang musika sa aking pandinig.“Negosyante ka nga,” sagot niyang
Read more

"BABAENG SELOSA"

KUNG ilang beses kong hiningi kay Marius na hayaan niya akong tulungan siya sa kusina. Ganoon rin karaming ulit niya akong tinanggihan. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang ganoon. Pero masasabi kong nakadagdag iyon sa maraming puntos na na-earn niya para sagutin ko siya. “What do you think?” tanong pa niya nang magkaharap na kaming kumakain ng lunch. Una kong tinikman ang niluto niyang Chicken Tinola. Kanina kasi habang namimili kami ay tinanong niya ako kung anong paborito kong Filipino dish. Iyon ang sinabi ko sa kanya dahil iyon ang totoo. Agad akong na-impress nang matikman ko iyon. Pagkatapos ay nakangiti ako sumulyap sa kanya. Hindi pa rin napapalis ang magandang ngiti sa aking mga labi. “In fairness, masarap,” sagot ko na siya naman talagang totoo. Nakita kong kumislap ang mga mata ni Marius matapos ang sinabi kong iyon. Alam kong nasiyahan siya at hindi ko pinagsisisihan iyon. Ang totoo hindi pa rin ako maka move on at hindi rin ako makapaniwala sa paraan ng panlili
Read more

"DANCING IN THE MOONLIGHT"

GINISING ako kinagabihan ng masarap na amoy ng pagkaing niluluto ni Marius sa kusina. Napangiti nalang ako nang makita kong unan na ang totoong nakasapo sa ulo ko. Talagang napasarap ng husto ang tulog ko. Bumangon ako saka sinulyapan ang suot kong wrist watch. Pasado alas seis na ng gabi.Noon ako napamulagat sa pagkagulat. Grabe, apat na oras akong tulog?Tuluyan na nga akong tumayo saka tinungo ang kusina kung saan naroon ang gwapong nilalang na busy sa paghahanda ng makakain namin sa kusina.Noon ko nga napansin na nakaligo na pala si Marius. Simpleng white shirt nalang ang suot nito na humapit ng kaunti sa maganda nitong pangangatawan. At pang-ibaba naman nito ay sweat pant.“Gising kana pala,” nang maramdaman nito marahil ang presensya ko doon . Inilapag niya ang dalawang plato sa mesa at pagkatapos ay hinila ang isang silya na alam kong para sa akin saka ako doon pinaupo.“Bago kita ihatid sa inyo gusto kong kumain ka muna. Okay?” aniyang hindi na nagsayang pa ng panahon.Agad
Read more

"ANDREW AND LANA RETURNS"

ANG mga sumunod na araw ko ay totoong napuno ng kilig sa piling ni Marius. Iyon ay sa kabila ng katotonang nanliligaw pa rin naman siya sa akin at hindi ko pa siya sinasagot.Hindi rin iyon ang una at huling beses akong nagpunta sa condo unit ni Marius. Nasundan pa iyon. Gustong-gusto kasi niya akong pinagluluto at sa huli ay parang hinahanap-hanap ko na rin iyon. At dahil nga malapit lang ang inuuwian niya sa kanyang work place ay hindi nagiging mahirap para kay Marius ang gawin iyon.“Bukas pumunta ka sa bahay kasi babalik na sina Kuya at Lana.”Biyernes ng gabi at katulad ng dati sinundo ako ni Marius. Sa pagkakataong iyon ay napagkasunduan naming sa office ko nalang mag-dinner dahil sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin.“Really? Akalalin mo ‘yun? Nakakaisang buwan na rin pala ako sa panliligaw ko sa iyo?” aniyang tumawa ng mahina pagkatapos.Napangiti ako saka itinuloy ang pagkain. “Naiinip ka na ba?” tanong ko pa sa kanya saka ko tinitigan ng tuwid sa mga mata.Dahil nga n
Read more

"OFFICE VISIT"

KINABUKASAN ng before lunch ay nasa office na ako ni Marius. Hindi naman ako nahirapan dahil sa entrance pa lamang ng building kilala na ang ng mga guwardiya. Sinabi ko lang ang pangalan ko sa kanila gaya ng instruction na ibinigay sa akin ni Marius. “Samahan ko nalang po kayo, Ma’am sa office ni Sir,” iyon ang mabait pang alok sa akin ng lady guard na naroroon. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto nitong mangyari. Nasa pinakaitaas at pang anim na palapag ng gusaling iyon ang opisina ni Marius. Sa may lobby kung saan inabutan ko ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa pagitan ng twenty-one to twenty-two years old. Naisip ko sa puntong iyon na mabuti na rin at lalaki ang assistant ni Marius. Dahil kung sakali, well. Noon ako wala sa loob na napangiti nang maalala kong tinawag niya akong babaeng selosa nang unang beses niya akong dalhin sa unit niya. “Hello, good morning,” bati ko para kunin ang atensyon ng lalaki na nakita kong abala sa harapan ng computer nito. “Ah, good mornin
Read more

"CITY OF PINES"

DALAWANG linggo lang ang lumipas at mabilis na nasimulan ang bagong branch ng Scott’s Café sa Baguio. At dahil nga sa akin ibinigay ni Andrew ang pamamahala ay nauna na akong nagpunta doon.“Sigurado ka ba hindi mo kailangan ng makakasama?” tanong sa akin ni Manang Sela nang umagang iyon at naghahanda na nga ako paalis.Gaya ng inaasahan, nang makabalik sina Andrew at Lana galing sa honeymoon, gaya ko ay nagbalik na rin sa normal ang buhay nilang dalawa.Ang dating bahay nina Lana na nabili ng kapatid ko sa tiyahin namin at dati nitong manager na si Tina Silverio ang tinutuluyan ngayon ng mag-asawa kasama si Andrea. Habang si Mama Cecille ay naiwan naman sa townhouse ng Mercedes Estate.“Okay lang po ako, Manang. Sanay naman akong magluto eh. At isa pa, independent naman ako kaya wala kayong dapat na alalahanin sa akin,” sagot ko habang isinasara ang maleta kung saan nakalagay na ang lahat ng personal na gamit na kakailanganin ko.“Nagbilin ka sana kay Sonia na ipamalengke ka,” aniya
Read more

"NIGHT WALK"

TINAWAGAN ako ni Marius pasado alas siyete kinagabihan. Mas maaga iyon kumpara sa inaasahan ko. Alam naman niya ang address ng bahay ko dahil ibinigay ko na ito sa kanya kanina. Iyon ang dahilan kaya sa mas malapit na hotel sa bahay ko siya nag-check in. Anyway, mas mabuti na rin ang ganoon. Hindi malayo sa mismong project site. Dahil gaya ng nasabi ko na rin sa kanya noon pang una. Katabi lang ng lote ng resthouse ko ang lote ng pagtatayuang branch ng Scott’s Café.“Na-miss kita, alam mo ba?” Iyon ang naging bungad sa akin ni Marius nang magkita na nga kami. Ngumiti lang ako kahit deep inside gusto kong sabihin sa kanyang kung ano ang nararamdaman niya ay ganoon rin ako. Pero gawa ng hindi pa rin naman kami magkasintahan ay nagpigil ako.“Kain tayo? May alam akong masarap na kainan.”Iyon ang sa halip ay isinagot ko sa kanya. Kasabay ng paglapad ng ngiti ni Marius ay ang pagkislap ng mga mata niya. “Talaga? Oh, eh ano pang hinihintay natin? Halika na!” aniyang umakmang hahakbang
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status