Share

"DANCING IN THE MOONLIGHT"

GINISING ako kinagabihan ng masarap na amoy ng pagkaing niluluto ni Marius sa kusina. Napangiti nalang ako nang makita kong unan na ang totoong nakasapo sa ulo ko. Talagang napasarap ng husto ang tulog ko. Bumangon ako saka sinulyapan ang suot kong wrist watch. Pasado alas seis na ng gabi.

Noon ako napamulagat sa pagkagulat. Grabe, apat na oras akong tulog?

Tuluyan na nga akong tumayo saka tinungo ang kusina kung saan naroon ang gwapong nilalang na busy sa paghahanda ng makakain namin sa kusina.

Noon ko nga napansin na nakaligo na pala si Marius. Simpleng white shirt nalang ang suot nito na humapit ng kaunti sa maganda nitong pangangatawan. At pang-ibaba naman nito ay sweat pant.

“Gising kana pala,” nang maramdaman nito marahil ang presensya ko doon . Inilapag niya ang dalawang plato sa mesa at pagkatapos ay hinila ang isang silya na alam kong para sa akin saka ako doon pinaupo.

“Bago kita ihatid sa inyo gusto kong kumain ka muna. Okay?” aniyang hindi na nagsayang pa ng panahon.

Agad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status