All Chapters of Marry Me Or I Will Marry You: Chapter 31 - Chapter 40
69 Chapters
Chapter 31
NGAYON pa lang alam ni Argel na may mababago sa kanilang samahan. Mamimis niya ang naging katauhan nito pansamantala bilang Fancy na pangit.NAGISING si Franki na masakit pa din ang buong katawan at mukhang may lagnat pa siya. Ilang segundo din na nakatitig siya sa kisame bago inilibot ang paningin sa loob ng kanyang kuwarto, akmang uupo siya sa ibabaw ng kama ng may maramdaman siyang masakit sa isa niyang kamay.Dextrose? nag taka siya bakit may nakakabit na dextrose sa kanya.Sa muling paglibot ng kanyang paningin nakita niya sa kanyang tokador ang tatlong paper bag, napangiti siya.Para pala sa kanya ang binili ng amo niya ng nasa mall sila. Nag isip pa naman siya na para iyon kay Steffie. Kahit marami siyang ayaw sa binata meron din naman itong katangian na gusto niya, ito 'yong tipo ng tao na ayaw ipakita ang totoong nararamdaman. Kunwari lagi galit sa kanya pero 'yon totoo may pag aalala din pala ito sa kanya.Maingat na bum
Read more
Chapter 32
"OKAY lang naman sakto lang," ngiting sagot niya. "Ikaw kumusta na?""Very light busy lang naman itong friendship mo. Wala pa kasing nakukuhang kapalit na secretary ang kuya Arth, kaya pansamantalang ako muna ang nag tatrabaho sa kanya bilang secretary.""Wow, office girl kana pala friend," tuwang turan niya. "Buti naman naalala mo pa akong dalawin,"Kunwa'y nag tatampo na hinawakan ni Franki ang mga kamay ng kaibigan."Sorry na, busy lang ako. Pero kaya ako nandito para yayain ka mamasyal, na mis ko na kayang e treat ka," anito na sinabayan ng mahinang tawa.Natawa din siya sa huling sinabi nito. Sa kanilang dalawa ito ang mahilig manlibre sa kanya, mahilig kasi ito mamili nang kung anek-anek. Basta magustuhan nito bili agad, iyong tipong hindi na nag dadalawang isip muna."Buti sana kong payagan ako ng amo ko," ani Franki.Tinapik siya sa kanang balikat ng kaibigan."Ano ka ba, naipag paalam na kita. Pumayag naman siya, but in one co
Read more
Chapter 33
PANAY ang silip ni Angela sa mga bagong dating na kustomer."Naku friend sa katabing table natin ang inukopa nilang table." Balita sa kanya ni Angela."Anong gagawin natin?" Kinakabahan niyang tanong kay Angela. Pinag close - open niya ang mga daliri, mannerism niya talaga iyon lalo na kapag kinakabahan siya o kapag may nagawa siyang ikagagalit ng mga magulang niya. "Hindi naman puwedeng dito na lang ako sa loob ng banyo, paano kong may ibang gumamit nito?""Mukha naman silang abala friend. Mag takip ka na lang ulit ng mukha tapos e - cover na lang kita para hindi ka makita ng dad mo." Suhestiyon ni Angela.Nalukot ang mukha ni Franki sa sinabi nito. "Effective kaya?""Lets try," sagot ni Angela.Gaya ng ginawa ni Franki kanina, muli niyang itinakip sa mukha ang kanyang sling bag habang nasa kanang gilid naman niya ang kaibigan upang matakpan siya.Natapos nang kumain si Argel pero hindi pa din bumabalik sa table nila ang dalawang dalaga. Na
Read more
Chapter 34
NAPANSIN ni Argel na tila nag iisip ng malalim ang kaibigan na si Arth."Why, did you know her?" Usisa ni Argel."Her name sound familiar, pero parang hindi din ako sigurado." Sagot naman ni Arth."What do you mean?""Never mind! inom na lang tayo, enjoy natin ang birthday nitong playboy natin na kaibigan!" Itinaas pa ni Arth ang hawak na isang bote ng wine.Natatawa na naiiling na lang si Argel."Guy's hindi lang ako ang nag ce- celebrate ng birthday ngayon," ngiting wika ni Akie at makahulugan na sumulyap ito kay Argel. "Birthday din ng twin sister ko!""Ayon!" Hiyawan ng mga kaibigan ni Argel sa nanunuksong boses na sa kanya nakatingin. Pilit na napangiti siya. Sigurado, siya na naman ang laman ng usapan hanggang matapos ang kanilang inuman."Hoy, hindi kayo nakakatuwa!" Kunwa'y reklamo ni Argel."Kumusta na ang puso natin pare?" Kantiyaw na tanong ni Mike sa kanya.Hindi nakaimik si Argel. Pinakiramdaman niya
Read more
Chapter 35
TINATAMAD na inilatag ni Franki ang katawan sa ibabaw ng kama. Dinukot niya ang family picture nila na nilagay niya sa ilalim ng kanyang unan."Goodnight!" Kausap ng dalaga ang litrato, hinalikan niya ang hawak na litrato at initapat iyon sa kanyang dibdib.Muling humikab ang dalaga, tumagilid ng higa at ipinikit na ang mga mata. Hindi naman nag tagal at nakatulog na ang dalaga.TULOY pa din ang kasiyahan nilang mag kakaibigan pero nagtira si Argel ng para sa sarili niya, gusto niyang umuwi kahit na nga hating - gabi na. Inaalala niya ang mag-isang kasambahay sa kanyang bahay at palagay niya ay mahimbing na itong natutulog sa mga oras na iyon.Naramdaman niya ang pag akbay sa kanya ni Arth, pilit na pinapatagay pa siya nito pero tumanggi siya."Pass na ako pare, uuwi pa ako." Aniya."Dito na kayo matulog, delikado nang umuwi sa ganitong oras lalo na at nakainom pa kayo." Si Akie na medyo bulol na ang boses."Oo nga naman pare, dit
Read more
Chapter 36
KANINA pa nag paikot-ikot si Argel sa pool area pero hindi niya makita ang hinahanap na kasambahay."Nasaan na ba ang babaeng 'yon?" Napasulyap siya kay Steffie na nakalubog ang kalahating katawan sa tubig ng pool. Ngumiti naman ito sa kanya. "Dito ka muna, hahanapin ko lang si Fancy.""Huwag ka ng umalis," pigil nito sa kanya. "Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi baka nag ikot-ikot lang.""Saglit lang ako, promise babalik ako." Hindi na niya hinintay na makasagot ang dalaga umalis na siya.Naiwan naman si Steffie na nag pupuyos ang kalooban. Hindi nito matanggap na iiwan siya ng binata mag isa para lang hanapin ang tsimay nito.Pumunta si Argel sa golf area kung saan niya kanina iniwan ang dalaga, baka naroroon pa din ito.Malalaki ang hakbang na mabilis na tinungo niya ang lugar na iyon. hindi pa man siya nakakalapit sa golf area ng matanaw niya ang kasambahay at hindi ito nag
Read more
Chapter 37
"MISS, patingin ako ng two piece swimsuit, iyong black color."Tumalima naman ang tindera, sinungkit nito ang tinuro ni Steffie. Iniabot iyon sa dalaga. "Ito na po Mam,"Humarap si Steffie kay Argel. "Tingin mo, bagay sa'kin ang mga ito?""Oo naman. You have a perfect body, kahit anong isuot mo bagay sa'yo." Tugon ni Argel.Para namang linta sa paningin ni Franki ang dalaga ng bigla itong yumakap sa amo niya.Ang sarap lang budburan ng asin! Lihim na himutok ni Franki.Napalingon siya kay Akie ng bigla itong mag salita. "Ano Fancy, may napili ka na ba? Ako na ang bibili para saiyo.""May dala naman akong pera," mabilis niyang sagot."I insist!"Pero bago pa makasagot si Franki may lumipad na tela sa kanyang mukha, inis na kinuha niya iyon."Ayan ang isuot mo!" utos ni Argel sa kasambahay pagkahagis niya dito ng two piece swimsuit na long sleeves at below knee na fitted short.Napamaang na napatingin si Franki sa kanya
Read more
Chapter 38
Pagak na natawa ang dalaga. "Because of that woman?""Sino ang tinutukoy mo?""Your stupid maid!""Of course not." Lumagpas ang tingin niya sa gilid ng mukha ng dalaga. Mula sa kinaroroonan nila natanaw niya ang dalawa na papalapit sa pool, parang mga bagong kasal lang ang mga ito na buhat ni Akie ang dalaga. Parang umakyat sa ulo niya ang lahat ng kanyang dugo dahil sa nakikita. Lalo pa siyang nainis nang mapansin na naka two piece lang ang dalaga."That bastard!" Inis na bulong niya na ang tinutukoy ay ang kaibigan na si Akie. Parang nanlaki ang ulo niya. He wanted to wring hes friend neck! at ito namang kasambahay niya mukhang nag eenjoy naman sa ginawang pagbuhat dito ng kaibigan niya.Agad na umahon sa pool si Argel nang makita na nag dive na sa pool ang kaibigan, narinig pa niya ang pag pigil sa kanya ni Steffie pero hindi niya ito pinakinggan. Mabilis niyang nilapitan ang dalaga na tila inaayos ang string sa suot nitong undies.Natigilan si
Read more
Chapter 39
NAPAKAGAT labi si Argel. Dapat magalit siya sa kasambahay kapag nakikipagtalo ito sa kanya, pero mas na nanaig ang lihim na kilig na kanyang nararamdaman.Ang cute lang ng dalaga kapag naiinis sa kanya.Tinapos na ni Argel ang paliligo, humarap siya sa salamin kunwa'y galit ang kanyang mukha para mapagtakpan lang ang tuwa na nadarama niya dahil kasama niya sa kuwarto ang dalaga.Naabutan niya ang dalaga na nakatayo malapit sa kama, palipat-lipat ang tingin nito sa kama at sa sahig na tila ba nag-iisip kung saan ito pupuwesto ng matutulugan mamaya."Maligo kana."Napaigtad si Franki sa gulat. "Tikbalang ka!"Awtomatikong napataas ang isang kilay ni Argel."Makatikbalang ka diyan. Maligo kana, ayoko ng mabaho na katabi." Ani Argel at kumuha na ng damit na isusuot.Todo iwas naman ang dalaga na huwag pagmasdan ang bagong ligo na binata, nakatapis nam
Read more
Chapter 40
MULING napangiti si Argel dahil sa isang eksena na ginawa niya kagabi.Hindi niya pinagsamantalahan ang dalaga, hinagkan lang naman niya ito sa mga labi habang natutulog ito, isang madiin na smack kiss lang naman dahil na curious lang naman kasi siya. Pero hindi na nito dapat malaman pa ang tungkol doon at sigurado siyang magtatatalak na naman ito.Napabuntong hininga siya. Kahit anong pigil niya sa kanyang damdamin na huwag magustuhan ang kasambahay ay pilit naman iyong nag susumiksik sa kanyang puso na para ba'ng ito na ang babaeng nakalaan para sa kanya.Ang babaeng pakakasalan niya at magiging ina ng kanyang mga anak.Hindi maaari! kailangan may gawin na siyang hakbang para huwag matuloy ang nag babadyang pag-ibig na nararamdaman niya para sa dalaga. Kung maaaring muli niyang mahalin si Steffie ay gagawin niya huwag lang dito sa babaeng hindi pa niya lubos na kilala.HINDI na niya ipinasok sa loob ng gate sa bahay ng kanyang mga magulang
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status