Lahat ng Kabanata ng Marry Me Or I Will Marry You: Kabanata 51 - Kabanata 60
69 Kabanata
Chapter 51
"ANG mahalaga ay uuwi na siya." Sagot ni Mabel na kinuha sa kamay nang asawa ang dala nitong brown attache case.Naupo si Francine sa isang sofa na katapat nang kinauupuan nang ama."Kung gusto mo po dad, bukas sunduin natin si Franki." Sabad ni Francine.Panabay na napatingin ang mag-asawa sa dalaga."Bakit? Alam mo ba kung saan natin makikita ang kapatid mo?" tanong ni Frederico."Yes, dad," pag- amin ni Francine. "Magkasama sila ni Argel Montero sa iisang bahay.""Ano?!" Biglang tayo sa kinauupuan niya si Frederico. Nakamata lang naman dito ang asawang si Mabel. "Anong ibig mo sabihin? nagtanan ang dalawa?""Hindi naman sa ganoon dad." Agad na paliwanag ni Francine. "Noong una ko siyang makita sa bahay ni Argel Montero ang akala ko nagsasama silang dalawa, pero dahil sa ayos nang kasuotan ni Franki mukhang namasukan siya bilang kasambahay nang binata.""Kasambahay?!" Ulit nang mag - asawa."Namasukan bilang kasambahay ang kapa
Magbasa pa
Chapter 52
PINAGMASDAN ni Argel ang kababata. Nakasuot lang ito nang white tube at black shorts na sobrang iksi. Ang seksi nitong tignan sa suot kaya hindi niya maiwasan na iiwas ang paningin dito.Biglang rumihestro sa kanyang balintataw ang magandang mukha nang kanyang nobya, na para bang umaapoy sa galit ang mga mata na nakatingin sa kanya. "Kanina lang," sagot ni Steffie. "I'm with my friend pero nasa kuwarto siya nauna nang matulog. Ikaw, kailan ka pa dito?"Ipinamulsa ni Argel ang mga kamay. "kanina lang din,""Talaga? what a funny coincidence!" turan ni Steffie na sinabayan nang mahinang tawa. "Are you with your maid? Or, should i say girlfriend?"Pinagmasdan ni Argel ang mukha ng dalaga. Bakas dito ang tila paglungkot nang mukha nito. Alam niya ang dahilan, dahil hindi pa din nito matanggap na nobya na niya si Fancy."Im alone," sagot niya. "Naparito lang ako para makita nang personal ang mga report ng mga tauhan ko dito sa resort.""Arge
Magbasa pa
Chapter 53
NAG NGINGIT-NGIT ang kalooban na napasulyap sa nakasarang pinto si Steffie. Hindi siya lasing, kaya parang gusto niya mapahiya sa kanyang sarili sa pang babalewala sa kanya nang binata. Hinalikan na nga niya ito sa labi pero parang mas matigas pa ito sa kahoy na hindi man lang nagawang gumanti sa halik niya.Dati - rati kapag hinahalikan niya ang binata sa pisngi, madalas na natitigilan ito at napapalunok pa nang sariling laway. Pero ngayon, parang wala na itong epekto dito. At iisang tao lang ang sinisisi niya, iyon ay walang iba kundi ang tsimay na nobya nito."Kainis!" Inis na dinampot ni Steffie ang isang unan at ibinato iyon sa pinto na biglang bumukas, kaya tumama iyon sa tapat nang dibdib nang nagulat na si Devon."Hey! bakit parang saakin ka yata galit." Sita dito ni Devon. Isinara nito ang pinto at lumapit sa kama kung saan nakaupo ang kaibigan na gusot ang mukha."Im sorry, hindi ko naman akalain na bigla kang papasok nang kuwarto." Sagot ni Ste
Magbasa pa
Chapter 54
"HINDI pa ba malinaw sa'yo, na niloloko ka lang ni Argel? Pagmasdan mo muli ang mga larawan, hindi pa ba 'yan sapat na dahilan para matauhan ka?!" Nanlilisik ang mata nitong sabi.Nag flash back sa kanyang balintataw ang masasayang araw na mag kasama sila nang nobyo. Ang mga salitang mahal kita na paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya. Mga maiinit na yakap at mga halik na kanilang pinagsaluhan. Ibig lang sabihin, balewala lang pala ang lahat nang mga iyon sa binata. Dahil mag pahanggang ngayon, si Steffie pa rin pala ang mahal nito. Ang babaeng unang minahal nito na hindi naman lingid sa kanyang kaalaman.Buong akala niya, nawala na sa puso nang binata ang pagmamahal nito para kay Steffie, iyon pala lahat nang mga paglalambing nito sa kanya at mga salitang mahal kita ay hindi totoo. Dahil ang totoo, ginamit lang siya nitong rebound girl para saglit na makalimot sa pagkabigo nito kay Steffie.Naramdaman niya ang pag uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata, ramdam niy
Magbasa pa
Chapter 55
SAMANTALANG si Steffie naman ay umuusok ang mga butas ng ilong dahil sa galit. Sapo pa din nito ang magkabilang pisngi na sinampal ni Franki. Gaganti sana ito kay Franki, pero mabilis na iniharang ni Francine ang katawan sa harap nito."Hep! hep! subukan mo na muling saktan ang kapatid ko." Pigil ni Francine dito.Ibinaba ni Steffie ang isang kamay na isasampal sana kay Franki. Matalim ang tingin na ipinukol iyon kay Francine."Kapatid mo ang tsimay na 'yan?!""Hindi lang kapatid, kadugo ko siya." Sagot ni Francine. "Nagulat ka ba?""Hindi," nang-uuyam na sagot ni Steffie. "Wala akong pakialam kung magkapatid kayo. Umalis na kayo dito, bago pa ako tumawag nang pulis para ipadampot kayo."Mabilis naman na pumasok nang bahay si Franki at kinuha ang kanyang maleta na nakahanda na kahapon pa, para sana sa pag-uwi niya bukas sa bahay nila. Hindi niya maiwasan titigan ang kama na kung saan una niyang ipinaubaya ang sarili niya kay Argel.Hindi na
Magbasa pa
Chapter 56
"ATE balikan natin sina dad, baka kung anong gawin niya kay Argel." May pag-aalalang turan ni Franki sa kapatid. Pilit na binubuksan ni Franki ang pinto ng kotse pero naka locked iyon."Dito na lang tayo," sagot ni Francine. "Naandoon naman si mom, mamaya lang palabas na ang mga 'yon." "Bakit naman ganoon na lang ang galit ni dad, kay Argel?" Tanong niya pero ang mga mata nasa labas ng bintana. Tanaw niya ang kanilang ina na mahigpit na nakayakap sa mukhang galit nilang ama. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ng kapatid."Tingin mo ba, nakakatuwa ang ginawa mo?"Hindi siya nakaimik."Iniisip ni dad na nagsasama kayo bilang mag-asawa ng Argel Montero na 'yon."Ang bilis nang sulyap niya dito. "Hindi kami nagsasama bilang mag-asawa ni Argel. Namasukan ako bilang kasambahay niya.""Namasukan ka na kasambahay," ulit nito sa sinabi niya. "Pero nakipag relasyon ka. Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nilang magk
Magbasa pa
Chapter 57
HINDI man lang siya binigyan nang kaunting oras ng nobya para makapag paliwanag. Kung tutuusin, may karapatan din siyang mag tampo dito dahil napakadami nitong inilihim sa kanya. Kung nalaman lang niya ng mas maaga, na ito pala ang babae sa likod ng arrange marriage niya, e 'di sana natuloy na ang kasal na iyon. Hindi na sana umabot sa ganitong sitwasyon.Humakbang si Argel papunta sa kusina.Parang nag flash back sa kanyang paningin ang mga masasayang araw na mag kasama sila ng nobya. Ang pagtuturo nito sa kanya kung paano mag bake ng cupcake at cookies na nauwi sa pag papahiran ng harina sa kanilang mga mukha.Umalis siya nang kusina. Nababaliw na yata siya, dahil kahit saan sulok ng bahay niya mapadako ang kanyang paningin, ay nakikita niya ang maganda at masayang mukha ng dalaga. Umakyat siya ng hagdan at tinungo ang kuwarto ng dalaga, 'yong pakiramdam na pagbukas niya ng pinto ay makikita niya ang nobya na nakaupo sa kama at hinihintay siya.Mabigat ang
Magbasa pa
Chapter 58
ILANG araw nang sumasakit ang kanyang mga nipples na hindi naman niya binigyan pansin.Bumaba si Franki ng kama, lumapit siya sa tokador at binuksan ang drawer para mag hanap ng gamot na maiinom para mawala ang sakit nang puson niya. Hindi naman siya nabigo. Kinuha niya ang nag-iisang gamot na nakita niya at binuksan iyon.KASALUKUYAN na nasa beranda ang mag ama na Armando at Argel.Panay ang pagmamakaawa ni Argel sa kanyang ama na tulungan siya nito na makausap ang magulang nang nobya. Sermon ang inabot niya dito na pinalagpas niya lang sa kanyang magkabilang tainga."Pinasok mo ang gulo na iyan kaya matuto kang lumabas!" Sabi pa nito sa kanya sa mataas na tono ng boses."Please dad, help me. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko.""Nakakahiya ang ginawa mo, hindi mo ba 'yon alam?" "Dad, hindi ko naman alam na ang girlfriend ko at Franki Avella na anak ni Mr. Avella ay iisa. Please dad, tulungan mo na ako na makausap ang pami
Magbasa pa
Chapter 59
"HINDI ka pa nakontento, pati anak ko isinali mo pa sa mga babaeng laruan mo." Dagdag ni Frederico sa sinabi niya."Si Fancy lang po ang girlfriend ko," magalang na sagot ni Argel."Franki ang pangalan ng anak ko at hindi Fancy." Pagtatama ni Frederico."Sir, maniwala naman po kayo saakin. Kaya nga po kami nandito para linawin ang lahat. Mahal ko po ang anak ninyo. Katunayan nga po, usapan namin na pagbalik ko galing baguio, pupunta kami dito sa bahay ninyo para pormal na ipakilala bilang nobyo niya.""Pero mali pa din ang ginawa mo. Hindi mo man lang kami ni-respeto bilang magulang niya. Para na din kayong mag-asawa na nakatira sa iisang bahay.""Handa po ako na pakasalan ang anak ninyo Sir, kahit anong oras ninyo gustuhin. Kahit ngayon po o kaya bukas basta muli ko lang po siyang makasama.""Kumpadre, mahal nang anak ko ang anak mo. Binalak din naman natin na ipakasal sila noon, bakit 'di nalang natin ituloy?" Singit ni Armando."Madali la
Magbasa pa
Chapter 60
DOBLENG sipag ang ginawa ni Argel sa panunuyo sa nobya. Tuwing papasok siya sa trabaho ay dumadaan siya sa bahay ng mga Avella, para mag hatid ng bouquet of flowers sa nobya. Pagkatapos naman ng kanyang trabaho, dumadaan ulit siya sa bahay ng mga Avella para naman mag paabot ng mga prutas para sa nobya.Hindi pa din siya hinaharap ng nobya, kulang na lang ay mag makaawa siya sa dalaga para mapatawad na siya nito. Pero hindi pa rin siya susuko, alam niyang dadating ang araw ay lalambot din ang puso nito. Ang mahalaga, nag kaayos na sila ng ama nito. HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ni Franki habang pinagmamasdan ang loob ng kanyang kuwarto. Nag mukha na itong garden dahil sa dami nang bulaklak na araw-araw niyang natatanggap kay Argel. Ang iba nga noon mga tuyo na ang talulot pero ayaw niyang itapon sa basurahan, gusto niya iyong pagmasdan araw-araw. Wala din siyang ibang gusto kainin, kundi ang mga prutas lang na bigay nito.Nalukot ang mukha ni
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status