Lahat ng Kabanata ng Marry Me Or I Will Marry You: Kabanata 11 - Kabanata 20
69 Kabanata
Chapter 11
MULA sa kuwarto ni Argel ay tanaw niya ang kanyang maliit na garden. Wala naman siyang hilig sa pag aalaga ng mga halaman o bulaklak, ang kanyang ina ang may ideya niyon para daw magkaroon ng kulay ang kanyang bahay.Nakita niya ang kasambahay, nakatalikod ito sa kanya. Nakatapat ito sa mga bulaklak na rosas, hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Malamang nakikipag usap ito sa mga bulaklak. Umalis siya sa bintana, lumapit naman siya sa kanyang closet upang mamili ng kanyang isusuot. Simpleng t-shirt lang ang napili niya na kulay white at isang jag pant na fit sa kanyang mga hita. Paborito niya talaga ang kulay white dahil mukhang malinis at maaliwalas sa mga mata. Mabilis siyang nag bihis at inayos naman ang kanyang buhok. Nag lagay lang siya ng kaunting gel, marami siyang pabango pero pinili niya ang Dolce & Gabanna dahil hindi iyon masakit sa ilong.Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin, pinatikas niya ang kanyang dibdib at ngumiti. Pinaprak
Magbasa pa
Chapter 12
"SINO ka?" Nakatulalang tanong ni Franki sa lalaking kaharap. Mataman itong nakatitig sa kanyang mga mata."Kaibigan ako ni Argel," sagot nito.May bisita pala ang amo niya. Ang sarap nga siguro ng kanyang tulog, dahil hindi niya namalayan na may dumating palang panauhin ang kanyang amo."My name is Akie," pakilala nito sa kanya sabay lahad ng isang kamay."Ah eh-- F-fancy po, ako ang bagong kasambahay dito ni Sir Argel." Pakilala niya sa sarili, tinanggap niya ang kamay nito para makipag shake hands. Wow, ang soft! sa isip-isip niya sabay bawi ng kanyang kamay."Ah, ikaw pala ang tinutukoy ni Argel. Nice to meet you!"Nakita niya ang pasimple nitong ngiti. Napakunot-noo siya. Ano kaya ang tsinismis ng amo niya sa lalaking kaharap niya?"You have beautiful eyes, bakit hindi mo subukan gumamit ng contact lense kaysa naman diyan sa hawak mo na salamin?" Suhestiyon ni Akie sa dalaga.Hindi sumagot si Franki, pero napatitig siya sa mukha n
Magbasa pa
Chapter 13
"Anak, sobrang nag aalala na ako sayo. Iniisip ko, kung kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw. Kung maayos ba ang ang lagay mo, sa tinutuluyan mo ngayon kung nasaan ka man. Kung safe ka ba. Anak, kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo. Halos hindi na ako makakain kaiisip sayo, kaya please naman anak umuwi ka na." Mahabang sabi ng kanyang ina na sinasabayan na ng pag-iyak.Pakiramdam ni Franki, nadudurog ang puso niya sa bawat iyak ng kanyang ina. Pero kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya, hindi siya uuwi hanggat hindi niya nalalaman na wala ng arrange marriage na mangyayari."Mom, pakiusap huwag na kayong umiyak. Promise, araw-araw akong mag te-text sa'yo, para ipaalam na ayos lang po ako. Hayaan niyo na lang po muna akong mamuhay na mag isa, para mag mature na ako. Babalik naman po ako ng bahay, pero hindi na po muna ngayon. Lagi niyo tatandaan na mahal na mahal kita kayo ni dad at ate.""Sige, pag bibigyan kita anak. Basta ipanga
Magbasa pa
Chapter 14
DADATING din ang araw na kapag nag karoon siya ng sariling pamilya, magiging obligado na siyang mag trabaho sa kusina. Pangarap niya kayang ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang magiging asawa at magiging mga anak."Haist!" Piksi niya. Maghuhugas na nga lang siya, kung anu - ano pa ang naiisip niya.Nag simula na nga siyang mag hugas ng mga ginamit na utensils, isusunod na lang niya mamaya ang paglilinis ng sahig dahil nag kalat doon ang mga harina at icing na ginamit niya."AAAHHHHH!!!!" Nag-inat si Franki ng mga bisig pagkatapos na mag linis ng kusina. Naalala niya ang bilin sa kanya ng amo. Mag luto lang daw siya ng pagkain na para lang sa kanya mamayang hapunan, dahil marami siyang na baked na cupcakes iyon na lang ang kakainin niya mamaya."Maka idlip na nga muna, masakit na ang panga ko kakahikab," pabagsak na inihiga niya ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Dala siguro ng pagod, kaya agad naman siyang nakatulog.
Magbasa pa
Chapter 15
TANAW na ni Akie ang gate nang sabdivision. Mabuti nalang at malapit na sila. Gusto niyang mag kape dahil pakiramdam niya sinisikmura siya.PAGKATAPOS maligo, agad na nag bihis ng pantulog si Franki. Terno iyon at medyo makapal. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa wall, quarter to ten na ng gabi pero wala pa din ang amo niya. Siguro wala ng balak umuwi kaya hanggang ngayon wala pa ito.Hindi na niya muling isinuot ang mga ginagamit niyang pang- disguise, mukhang hindi naman uuwi sa bahay nito ang kanyang amo. Sinuklay niya ang mahabang buhok, nag lagay ng night cream sa mukha at nag pahid na din ng lotion, ugali na talaga niya iyon bago siya matulog.Nag pasya siyang bumaba na muna ng sala, upang muling siguraduhin na naka lock ang lahat ng bintana kahit na nga alam niyang naka locked na ang mga ito kanina. mag double check lang siya. Pati na din ang pinto sisiguraduhin niyang naka lock ito, bago siya matulog."PARE gising! Na'ndito na tayo sa tapat
Magbasa pa
Chapter 16
HINDI malaman ni Franki kung sasagot ba siya ng 'OO' sa nagtatanong na binata. Basta ang alam lang niya kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Nagkatinginan pa silang dalawa nang biglang alisin ng lasing na si Argel ang braso nito na nakaakbay kay Akie."Eeeeeehhhh!" Napasigaw si Franki sa gulat ng biglang mag lambitin sa leeg niya ang mga braso ng kanyang amo. Ang bigat pa naman nito, feel na feel pa ang pagkakayapos sa leeg niya."Wraaaaaaak...!" Sumuka pa ang binata."Eeewwww!!!" Bigla niyang nailayo ang kanyang mukha ng biglang sumuka sa leeg niya ang amo.  Ramdam niya ang init ng likido na isinuka nito. "Kadiri ka talaga Sir!"Hindi niya alam kong maiinis ba siya o maaawa sa amo."Steffie, my love. Hindi mo ba alam, kung gaano mo ako nasaktan ng sobra?" Halos pabulong na sambit ng binata at ipinilig nito ang ulo sa kanyang balikat. Napakunot- noo si Franki sa narinig.Agad naman na hinawakan ni Akie ang kaibigan na nakayapos sa leeg ng
Magbasa pa
Chapter 17
"ANO ang tungkol sa father mo?" Usisa ni Akie.Tumikhim muna si Franki. "Gusto ng father ko, na ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya.""You mean, arrange marriage?" Parang gulat ang mukha ng binata ng mag tanong sa kanya.Tumango si Franki."Uso pa pala 'yon, akala ko panahon pa ng kupong-kupong 'yon.""Sa father ko uso pa," ani Franki na humihigop ng kape. "Ayoko mag pakasal sa lalaking hindi ko pa nakikilala at higit sa lahat sa taong hindi ko naman mahal.""Paano ka napunta dito sa bahay ng kaibigan ko?" Tanong ulit ni Akie."The day na nalaman ko ang plano ng father ko tungkol sa arrange marriage, lumayas ako. Saktong nag hahanap ng bagong kasambahay si Sir Argel, kaya nag apply ako.""Pero bakit kailangan mo mag disguise?"Para itong imbestigador kung makapagtanong."Biglaan nga po kase ang paglalayas ko, para maiwasan ang father ko kaya naisip ko na mag disguise. Kaya pati kay Sir Argel, tinago ko ang totoong mukha k
Magbasa pa
Chapter 18
KAHIT late na si Franki nakatulog kagabi, ay nagawa pa din niyang magising ng maaga pa sa alas siyete. Bumangon siya sa kinahihigaang kama at mabilis na inayos ang mga unan at tinupi ang ginamit na kumot.Dating gawi, nag stretching exercise siya mga twenty minutes lang siguro. Lumapit siya sa kanyang closet at kumuha ng maluwang na t-shirt at long pants.Humihikab na pumasok ng banyo ang dalaga para maligo.Naunang nagising si Argel. Pag dilat niya ng mga mata ang kisame ang una niyang nakita. Masakit ang kanyang ulo, napasobra yata ang inom niya ng alak kagabi.May naramdaman siyang mabigat na bagay na nasa ibabaw ng kanyang dibdib, napakunot noo siya.Biglang kinabahan si Argel, nanlalaki ang mga mata. Unang pumasok sa kanyang isip na baka ang kanyang kasambahay ang kanyang katabi. Nasa ilalim ng comforter ang kanyang katabi.Hindi kaya inakit siya ng kasambahay kagabi?Tapus dahil sa sobrang kalasingan niya ay nag padala naman siya at hi
Magbasa pa
Chapter 19
TUMANGO si Akie. "Sige na nga kung ayaw mo papilit," ani Akie. "Dude, try mo itong cupcake ni Fancy, masarap.""Kumain na ako ng cookies eh," tanggi ni Argel."Tikman mo lang, baka hanap-hanapin mo kapag nasarapan ka.""Itulad mo naman ako saiyo," sagot ni Argel pero dumampot naman ng isang cupcake."Kung anong ganda niya, ganun din ka sarap ang cupcake niya." Puri ni Aki sa dalaga.Nabulunan si Argel sa kinain na cupcake dahil sa sinabi ng kaibigan, inabot niya ang tasa nito na may kape at uminom. "Nagagandahan ka kay Fancy?" "Oo. Nakakaakit ang kagandahan niyang taglay." Napapangiti pa na sagot ni Akie. Hinagilap nito ang tasa na may kape. "Akin na nga 'yang kape ko!"Ibinigay ni Argel sa kaibigan ang tasa na may kape. "Alam mo dude, tingin ko mas malabo pa ang mga mata mo kaysa kay Fancy. Pa check up ka mamaya sa opta." Suhistiyon niya."Malinaw ang mga mata ko, maganda sa paningin ko si Fancy." Deretsahang sagot ni Ak
Magbasa pa
Chapter 20
"NAG paluto ako ng nilagang baka, 'yong paborito ninyo ng mga anak mo." Nakangiting turan ni Mabel.Hindi nakapag salita si Frederico, pinagmamasdan lang nito ang asawa na minamasahe na ang kanyang mga paa.Tumayo na din si Mabel pagkatapos niyang masahiin ang mga paa ng asawa."Sumunod ka na lang sa kusina, ihahanda ko na ang iyong pagkain." "Sabayan mo ako ha," tila pag lalambing ni Frederico sa asawa.Mula kasi ng mag layas ang bunso nilang anak lagi na siyang mag-isa kumain sa hapagkainan. Si Francine ang panganay niyang anak, lagi siyang iniiwasan dahil masama pa din ang loob nito sa kanya sa nagawang niyang pananampal dito. Hindi naman niya iyon sinasadya, pero nagawa na niya hindi na niya mababawi ang sampal na natamo sa kanya ng anak."Sige, hindi pa din naman ako kumakain." Ngiting sagot ni Mabel.Natuwa sa kanyang narinig si Frederico. Ang totoo, namimis na niya na makitang kumpleto ang kanyang pamilya. Pero dahil alam niyang
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status