Lahat ng Kabanata ng Hacienda Del Puedo #1 Hara: Kabanata 41
41 Kabanata
HARA CHAPTER 40
Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay.  Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob.    "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi.    "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan."   "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala."   "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran.    "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia.    "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status