Lahat ng Kabanata ng Hacienda Del Puedo #1 Hara: Kabanata 21 - Kabanata 30
41 Kabanata
HARA CHAPTER 20
Maagang gumising si Hara. Madilim pa kaya tiyak na walang makakapansin sa kaniya. Mga katulong pa lang ang gising at naghahanda ng pagkain ang nakakita sa kaniya. Nagbalot ng sarili niyang makakain ang dalaga. Hindi niya ipinakita iyon sa mga takot pa rin sa kaniyang kasambahay. Lihim niyang kinuha ang kaniyang paboritong kabayo. Walang kaingay-ingay sa paligid dahil na rin sa tulog pa ang karamihan sa mansyon. Kung may mga gising man ay nananatili pa sa kanilang mga silid.  Walang paalam na umalis ng mansyon si Hara. Ayaw muna niyang magtrabaho kasama si Mia. Hindi niya rin alam kung paano haharapin ngayon si Xandro dahil kagabi pagkatapos niyang umiyak habang yakap nito ay biglang iniwan niya ang lalaki.Galit rin ang lolo niya at tiyak baka pati ang papa niya ay gano'n din. Gusto niyang takasan pansamantala ang kaniyang paligid. At sa talon lamang siya makakahanap ng kapayapaan sa ngayon. "Hays, ang gulo n
Magbasa pa
HARA CHAPTER 21
Masayang ninanamnam ni Hara ang lamig ng sariwang tubig. Kahit katanghaliang tapat ay presko ang dulot nito sa kanyang katawan. Maging ang isip niya ay nakakalma rin ng bawat agos nito. “Whooh! Lola, mama, bumalik na lang kaya ako ng kumbento? Pakiramdam ko ay lalo akong nagkakasala habang narito ako sa hacienda,” sigaw ng dalaga. “Nakakapagod na! Gustong-gusto ko kayong bigyan ng katarungan pero wala pa nga akong nasisimulan, gumagawa na sila ng actions. Alam kong sinadya ang aksidenteng iyon ni papa. Ah, hindi ako susuko!”  parang baliw na kinakausap ng dalaga ang sarili niya. Paulit-ulit na nilangoy ni Hara ang tubig mula sa pampang na kinaroroonan niya patawid sa kabilang bahagi. Gusto niyang mapagod hanggang sa humina ang katawan niya para makatulog siyang muli. Marami siyang dalang pagkain kaya hind
Magbasa pa
HARA CHAPTER 22
Walang imik si Hara pagkatapos niyang isuot ulit ang mga nagkalat na niyang mga damit. Umiiwas siya kay Xandro dahil nahihiya siya sa binata. Ang init ng katawan na kanina ay dumarang sa buo niyang pagkatao ay nawala na. Tiningnan niya ang sahig kung saan naganap ang malupit na digmaan at nakita n'ya roon ang kulay pulang mantsa.  "Galit ka ba?" tanong ng binata. "Hindi. Ginusto ko naman iyon eh." Mahinang sagot niya. Hindi matapunan ng tingin ni Hara ang binata dahil sa hiyang nadarama. Mukha kasi siyang nakawala sa hawla kanina. Kahit iyon ang unang beses niya ay hindi iisipin ng sino man na nagsasabi siya ng totoo dahil dinaig pa niya ang toro sa tindi niyang maglaro ng batuta.  "Mahal kita," malambing na sabi ng lalaki habang nakayakap sa nakatalikod na dalaga. "I love you too. Magbihis ka na kasi naasiwa ako." Hindi napigilang sabihin ni Hara. Nararamdaman niya kasi ang pagkalalaki nit
Magbasa pa
HARA CHAPTER 23
Tumakbo si Mia papasok ng mansyon ng marinig niya ang sinabi ng lolo nila. Alam niyang pwede s'yang saktan ni Hara kapag nagalit ang huli. Iniiwasan niya iyon dahil natatakot siya sa pinsan niya kapag galit ito. Si Xandro naman ay lumakad ng marahan palapit sa kapatid na natigilan. Nagdadalawang isip siya kung paano niya haharapin ang kapatid na naniningkit  ang mga mata ng mga oras na iyon. Nananalangin siya na sana ay hindi siya bigwasan ng kamao ni James.  "Bro, bago ka lang ba rito?" tanong ni Xandro kay James. "Ako nga pala si Xandro."  Inilahad ng binata ang kamay niya upang makipag-kamay kunwari sa nakababatang kapatid. Tiningnan niya ito sa mga mata para doon ay kahit paano makakonekta siya at maiparating niya sa kapatid ang kaniyang lihim na gustong s
Magbasa pa
HARA CHAPTER 24
Sa kalaliman ng tulog ni Hara ay naririnig niya ang palahaw na iyak ng lola at mama niya. Gusto niya silang abutin ngunit tila kay layo nila.  "Hanapin n'yo si Hara! Ang alam ko nandito ang anak ni Fernando!" utos ng lalaking humalik sa mama niya. "Ikaw, itali mo ang dalawang iyan! Iyang tatanga-tangang katulong sa hadanan, sipain mo pababa nang hindi iyan nakabalandra iyan." Narinig ni Hara na sabi ulit ng lalaki sa inutusang kasama nito. Sinilip ni Hara ang mga kriminal sa sala. Ang isa ay paakyat na sa ikalawang palapag kung saan siya naroroon. Sinipa pababa ng lalaking nakamaskara ang patay ng katulong nila. Patuloy ang sigaw ng mama at lola niya na nakikita niyang pinapalo ng latigo ng lider ng grupo at ng isa pang lalaking nakamaskara. Duguan na ang buong katawan ng mga ito. Impit na umiiyak si Hara. Gustong sumigaw ng dalaga ngunit nanginginig siya sa takot. Nakikita niyang hirap na hirap na ang mama at lola
Magbasa pa
HARA CHAPTER 25
Walang pinagsabihan si Hara na bumalik na ang alaala niya noong nangyari ang malagim na pagpatay sa lola at mama niya. "Panahon na para kumilos at alamin pa ang ibang katotohanan," sabi ng isip n'ya. Ngayon ay tiyak na niyang paghihiganti dahilan ng nangyari limang taon na ang nakakaraan. Hindi lang si Ramon ang salarin noon. Nasaan ang tatlo pang mga lalaki? Aalamin niya ito sa mga susunod na araw. Gusto ikwento ng dalaga kay Xandro ang lahat ngunit napansin niya ang pananahimik ng binata nitong mga nakaraang araw. Si James naman ay palagi lang nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Ayaw na niyang lapitan pa ito lalo na at hinahanap pa ng utak niya ang alaala ng lalaki. Madalas mang magkasama sina Hara at Xadro ay hindi naman sila halos nag-uusap. Madalas pa ngang malayo sa kaniya ang binata kaya nagtataka ang dalaga. Kumukulo ang dugo niya dahil sa tila pag-iwas ng lalaki. "Ang walang hiyang ito, nak
Magbasa pa
HARA CHAPTER 26
Gusto ni Hara na malaman ang lahat bago ang kaarawan niya. Dalawampu't-isa na siya sa susunod na buwan kaya naman gusto na niyang makamit ang katarungan. Hindi na kasi siya pwedeng maghintay pa. Naiinip na ang dalaga.  "Gusto ko sanang lumuwas ng Maynila para puntahan ang pulis na sabi mo ay naroon na. Marami akong gustong malaman mula sa kan'ya. Ang daming  tanong sa isipan ko na gusto kong masagot." Nagulat si Xandro sa sinabi ng dalaga. Hindi pa pala niya naibigay sa kaniyang kasintahan ang kompletong detalye ng pulis  dahil sa gulong nangyari noong araw na umuwi siya galing sa bahay nila sa kabilang bayan. Nawala na iyon sa isip niya dahil din sa pagdating ni James sa Hacienda Del Puedo. "Saan mo siya hahanapin doon?" tanong niya sa babae upang maarok kung
Magbasa pa
HARA CHAPTER 27
Naging mabilis ang pagkilos ni Xandro. Tinabig niya ang kaninang nakalahad na kamay ni Mia. Hindi niya nagustuhan ang ngisi ng huli at tiyak niyang katapusan na niya kapag nagsalita ang magkapatid na Del Puedo.  Halos patakbo niyang tinungo ang kwarto ni Hara na kasalukuyang naghahanda ng mga dadalhin bukas. Hindi pa man lang nangangalahati ang dalaga sa paglalagay ng mga gamit sa bag ng magmadali ang binata.  "Bilisan mong mag-impake, Hara," utos niya sa nabiglang dalaga. "Bakit?! Anong problema?!" Hindi kumibo ang binata at maliksing tumawid ito sa silid niya. Wala pang ilang minuto ay bumalik ulit si Xandro sa kwarto ni Hara. Tumutulo ang pawis nito at lukot ang mukha. Malalamig din ang mga kamay nito dahil sa sidhi ng kaniyang emosyon.  "Tapos ka na ba? Naihanda mo na ba ang mga kailangan mo?" "Hindi pa. Bakit ba? Naguguluhan ako sa'yo. May
Magbasa pa
HARA CHAPTER 28
Kinabukasan ay maagang umalis ang magkasintahan. Pareho silang nagpapakiramdaman dahil sa gusot sa pagitan nila. Salubong ang kilay ni Hara at ngingiti-ngiti naman si Xandro.  "Sobrang bait yata ni lolo. Bakit kaya ayos lang sa kaniya na nagpanggap ang unggoy na ito?" bulong ni Hara sa sarili.   Sinulyapan niya ang lalaking katabi sa sasakyan. Ito ang nagmamaneho kasi ayaw niyang may iba pang makaalam ng lakad nilang ito. Kampante lang ito at para bang lalo siyang inaasar ng loko.  "Pwede mo akong halikan, hawakan or more. Iyon eh kung gusto mo," nakangising turan ng lalaki. "Masama iyan, maraming nababaliw sa pagpigil ng sariling damdamin." Hindi sumagot ang dalaga ngunit kinilig ang puso niya. Sa halip na ibuka ang bibig ay tumingin na lamang siya sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na magkapatid ang mga lalaking minahal niya. Si
Magbasa pa
HARA CHAPTER 29
Sermon ang inabot ni Xandro mula sa ina ni Klein na tiyahin ng kasintahan niya. Napasugod ito sa hospital ng tawagan niya ang bahay ng mga ito. Panay ang lakad ng babae kasabay ng pagsasalita. Pinauupo ito ni Klein ngunit agad rin itong tatayo para humakbang ng paulit-ulit.  "Mama, tama na iyan," saway ni Klein sa ina. "Walang may gusto sa aksidenteng iyon." "Kapag may nangyaring masama sa pamangkin ko, humanda kang lalaki ka! Hindi ko talaga maintindihan ang kapangahasan n'yong dalawa. Bakit naman kasi pinayagan kayo ni papa?" Nakayuko lamang si Xandro. Hindi niya nagawang mangatwiran. Ang isip niya ay nasa dalagang hindi pa rin gumigising hanggang sa mga oras na iyon. "Good morning. Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor na kakatapos lang tumingin sa dalaga. "O-opo doc," tugon ni Klein. "Oh, Klein kamag-anak mo pala siya," wika ng doktor ng
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status