Lahat ng Kabanata ng STEPBROTHER: Kabanata 11 - Kabanata 20
52 Kabanata
Chapter 11
 Kanina pa ako nakauwi sa bahay at ilang beses ko na ring tinawagan si Hyujin ngunit ilang beses niya ring hindi sinagot ang tawag ko. Siya ang nagsabi sa akin kanina na tawagan ko siya pagnakauwi na ako ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko. He's acting strange since last day. It all started at the mall when we met Faye Alonzo.Kahapon ay hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. At kahit ang mag-reply sa mga text ko ay wala. Mabuti na lang at may usapan kaming magkikita ngayon dahil ibibigay ko ang cookies na hiniling niyang gawin ko. Isa pa sa pinagtataka ko ay ang suot niyang gloves. Why all of a sudden? Although he has his reasons but I found it weird.Nagkataon lang ba talaga lahat?--------------Tinanghali na ako ng gising dahil sa pag-iisip kay Hyujin. Buti na lang at nagamit ko sa pag-re-review ang pagkapuyat ko kagabi. May magandang naidulot naman kahit papaano."Ma, alis na po ako." I
Magbasa pa
Chapter 12
 Nakapag-review ako kagabi pero halos wala akong maisagot sa quiz namin kanina. Nablangko na ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Noella. Bakit sobrang daming cooincidence at timing na timing pa sa nagyayari ngayon kay Hyujin.Alam kong hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganitong bagay dahil ang lumalabas ay wala kong tiwala sa relasyon namin ni Hyujin. Para ko na ring sinabi na wala akong tiwala sa boyfriend ko. Alam ko na kung may mga bagay na makakaapekto sa relasyon namin ay agad din naman naming pinag-uusapan upang maayo agad namin at hindi na lumala pa.Pero bakit ngayon ay iba ang pakiramdam ko sa mga nangyayari? Para akong pinagtataksilan na hindi ko maintindihan. Ayokong mag-isip ng mga ganitong mga bagay na alam kong makakasira sa relasyon namin ni Hyujin pero hindi na ito maalis sa isipan ko simula nang sabihin sa akin ni Noella.Nabalik ako sa reyalidad nang pitikin ako sa noo ni Noella. "Aw!
Magbasa pa
Chapter 13
 "Seira, ayoko na... Itigil na natin 'to...""H-Ha? A-Anong ayoko na? Ano bang pinagsasabi mo? Hyujin, mabuti pa umuwi ka na lang muna. Magpahinga ka muna at uminom ng gamot. Inaapoy ka ng lagnat! Sa susunod na araw na tayo mag-usap kapag magaling ka na." Hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa itsura niya ngayon. Namumutla na siya at parang ilang minuto lang ay babagsak na sa sahig. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko."Seira, mag-break na tayo."A-Ano raw?Para akong nabingi sa sinabi niya. Natulala at hindi makakilos. Na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko."Seira, mag-break na tayo.""Seira, mag-break na tayo.""Seira, mag-break na tayo.""Seira, mag-break na tayo."Paulit-ulit kong pinakinggan sa isip ko ang mga salitang binitawan niya. Para akong binu
Magbasa pa
Chapter 14
Wala na...Ang babaeng pinakamamahal ko ay wala na sa akin. Itinulak ko siya palayo sa akin. Sinira ko ang sarili ko para iligtas siya sa kapahamakan. Dapat masaya ako para sa kaniya dahil hindi niya na kailangan pang mamatay para sa kapakanan ko.Dapat masaya ako...Ligtas na siya...Ligtas na si Seira...Dapat masaya ako...Dapat masaya ako...Dapat...Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit nasasaktan ako?! Bakit ako pa?!!!Nagdugo ang kamao ko nang sapakin ko ang pader sa parking lot. Nandito pa rin ako sa puwesto ko. Kung saan ako iniwan ni Seira.Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Gusto kong maging manhid dahil sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pagnagpatuloy pa ito.Muli kong sinuntok ang pader na gawa sa bato. Hindi ko man lang magawang wasakin ang pader pero ang puso ko durog na durog na sa sobrang sakit."Aaaaahhhhhhh!!!" Para akong batang sumisigaw sa sakit.
Magbasa pa
Chapter 15
"Break na kami ni Hyujin." Natahimik silang dalawa dahil sa sinabi ko. Si Noella ay tila hindi pa napo-proseso sa utak ang sinabi ko. Kabaligtaran naman kay Jinx na seryoso lang na nakatitig sa akin. "Ano?!!!" sigaw na tanong ni Noella na gulat na guat. Napatayo pa siya at agad na lumapit sa akin. "Break na kayo? Paano? I mean, bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Noella. "Mahabang kwento. Sa susunod ko na lang sasabihin," rason ko. "Kahit gaano pa 'yan kahaba, handa akong makinig. Sabihin mo sa akin, anong nangyari? Bakit kayo nag-break? Humanda talaga sa akin yang Hyujin na yan!" pagbabanta niya. "Noella, hayaan mo muna siyang magpahinga. Sasabihin niya naman kapag handa na siya, 'di ba?" tumango naman ako sa sinabi ni Jinx. Sa ngayon hindi pa talaga ako handang pag-usapan ang tungkol doon. "Hmp! Sige! Basta sabihin mo agad sa akin ah. Tatamaan talaga sa akin ang Hy
Magbasa pa
Chapter 16
"Hyujin!" Sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko pagkakita nila sa akin. Inaya ko sila kanina para uminom dito sa usual place namin. Ito ang pinakakilalang bar dito sa lugar namin dahil puro mayayaman ang tumatambay at umiinom dito. Nakipag fist bump ako sa kanila bago umupo sa tabi ni Gavin. "Ilang araw ka lang na hindi nagpakita sa amin tapos ganiyan na agad ang itsura mo. What the fuck are you doing to yourself?" tanong ni Karrius na medyo natawa pa. Sinang ayunan naman siya ng iba pa naming kaibigan. Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. "Fuck off!" sabi ko bago tinungga ang alak sa ibabaw ng mesa. "Woah! Easy, Dude. Baka ikaw na naman ang unang malasing niyan," natatawang puna ni Leyo. "Kaya nga ako pumunta dito, para malasing. Bakit, akala niyo ba pumunta ako dito para sa inyo? Ulul! Dream on!" natatawa kong biro at saka muling tumagay. "Ouch! Ganiyan ka ba sa amin, p
Magbasa pa
Chapter 17
"Ikaw ang nakipag-break?!!" sabay-sabay ulit nilang tanong. Mga gulat na gulat sa sinabi ko. Nagkatinginan pa ang mga loko para siguraduhin na tama sila ng pagkakarinig. "Hyujin, maysakit ka ba?" tanong ni Gavin na sinapo pa ang noo at leeg ko. Nilayo ko naman ang sarili ko sa kaniya. "Stop it. Wala akong sakit. I have my reasons," sabi ko saka muling tumungga ng alak. "What the hell. Does it mean the 'One Night Stand Devil' is back?" makahulugang tanong sa akin ni Xavier. "Devil your ass. "Anong nangyari? Bakit kayo naghiwalay? I'm sure it's not a simple lover's quarel since you are the on who broke up with her," tanong ni Leyo. Hindi ko alam kung dapat ko bang iopen sa kanila ang problemang kinakaharap ko ngayon. Knowing na madaldal ang mga kupal na 'to at family matters ang pag-uusapan. "Don't mind it. I already have a plan to make her mine again," paninig
Magbasa pa
Chapter 18
"Seira!" "Noella, anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na nambubulabog ka pa," sermon ko sa kaniya. Nagtaka pa ako lalo dahil may dala siyang box ng pizza. "Pish! Hindi ba halata?" Inangat niya ang dalang pizza, ipinapahiwatig ang gusto niyang ipaalam. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko malaman kung ano ang gusto niyang sabihin. "Mag-o-overnight ako dito!" masaya niyang anunsiyo. Napairap na lang ako at nag-cross arms dahil sa naisip niya. "Ano na naman ang naisipan mo at gusto mo mag-overnight dito, aber?" tanong ko at sumandal pa sa gate ng bahay namin. Inirapan niya naman ako at saka siya pumasok. Hindi na nag-abalang sagutin ang tanong ko. "Aisht! Tigil-tigilan mo na nga ang kakatanong! Papasukin mo na ako. Ang tagal mo magbukas ng gate, kanina pa ako dito sa labas!" Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay kahit hindi ko pa naman siya pinapapasok. Napanganga na lang ako dahil sa kakap
Magbasa pa
Chapter 19
"What?!" Napatayo ako dahil sa gulat ng marinig ko ang sinabi niya. Para akong sinampal nang katotohanan na hindi na maayos pa ang gusot na ito. Pinaglaruan at ginamit niya lang talaga ako! Walang hiya siya! Napahilamos siya nang mukha ng makita ang reaksiyon ko. "Hays, sabi na nga ba eh!" sabi niya at saka tumingin sa akin. "A-Anong ibig mong sabihin? Anong sabi na nga ba?" tanong ko na gumulat sa sinabi inya. Halata sa mukha niya ang kaba dahil sa tanong ko. "Noella, may alam ka ba dito?" nang uusig kong tanong. Saglit siyang natigilan, tila tinitimbang ang bawat salitang sasabihin. Kabado siyang napalunok habang hindi mapakali ang mga matang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa baso. Kilala ko si Noella, ilang taon ko na siyang kaibigan. Alam ko kung kailan siya masaya, malungkot, kinakabahan o may itinatagong lihim. "Ah, kasi Seira... Ang totoo niyan m-matagal ng may kumakalat na balita tungkol
Magbasa pa
Chapter 20
"Hyujin! Hyujin!" paulit-ulit na tawag sa akin ni Daddy habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Labag sa loob na napabangon ako at tinungo ang pinto ng kuwarto. "Ano 'yun?" naiinis kong tanong dahil sa naabala kong tulog. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakauwi kagabi at kung paano ako nakauwi. Ang huling naaalala ko ay nakikipagkuwentuhan ako sa mga kaibigan ko. "Mag-ayos ka. May pupuntahan tayo," maotoridad niyang utos sa akin. "Per-- hayst! Oo na, maliligo lang ako." aangal pa sana ako dahil kulang pa ang tulog ko pero bigla kong naalala na wala nga pala ako sa posisyon. Hawak niya nga pala ako sa leeg kaya nagawa kong sundin ang utos niya kahit labag sa loob ko. Sinara ko ang pinto at saka ako muling bumalik sa kama. Dumapa ako sa kama at saka ako huminga ng malalim bago ako muling bumangon at nagtungo sa c.r para maligo. Hindi ko alam kung bakit napapadalas ang pag-uwi dito ni Daddy.
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status