Naglakad paabante si Nuwa habang nakangiting sinasabi na, “Hindi mo kailangang magpanic junior. Kahit na buhay pa si Archfiend Antigonus, bakas na lang nito ang natitira kaya natural lang na humina ito nang husto. Sigurado naman ako na hinding hindi niya mapapabagsak ang Godly Region sa sandaling magkaisa tayong lahat.”Naging kalmado at mahinahon ang kaniyang boses habang kumakalat ang nasa tama niyang aura sa buong Imperial Sky Palace.Tumango naman dito nang husto si Nine Heaven Emperor at ang iba pang mga opisyal.“Tama ka nga riyan Senior!” Desididong sinabi ni Nine Heaven Emperor. Agad na tumama ang kaniyang paningin sa paligid habang malakas na sinasabing, “Ako, si Nine Heaven Emperor ay nanunumpang mamumuno at lalaban hanggang sa huli sa sandaling magpunta man dito si Archfiend Antigonus!”“Susundan ka naming, Kamahalan, at makikipaglaban din kami hanggang sa aming kamatayan laban sa lahat ng mga kalaban,” Sigaw ng mga opisyal. Agad ding naimpluwensyahan ang mga ito ng mga
Read more