Lahat ng Kabanata ng His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version): Kabanata 41 - Kabanata 50
52 Kabanata
Kabanata 40
"Baliw ka!" Sigaw ni Angelo habang tinutulak ang mukha ni Mark palayo sa kanya, "Nang hihingi ako sayo ng gantimpala ngunit, ano... bakit mo ako hinalikan!"Ginawa ni Angelo ang kanyang makakaya upang makalaya mula sa pagkakahawak ni Mark, at nang makalayo na siya: nagpasya si Angelo na ihagis ang kanyang tsinelas patungo sa mukha ng pangit na Homosapien. Nang makita ni Mark ang lumilipad na tsinelas- patungo sa kanyang direksyon, agad niya itong iniwasan.Nagalit naman si Angelo nang naiwasan ni Mark ang tsinelas, napapadyak na lamang siya ng kanyang mga paa dahil sa pagkabigo."Diba sabi mo, gusto mo ng gantimpala?" Nagtanong si Mark habang nakaupo siya sa sopa, tsaka sumenyas sa mga tauhan sa kusina na nagmumuni-muni sa labas, dahil takot silang pumasok sa loob, at baka sakaling magambala nila ang mag-asawa.Nang makita ng tauhan ng kusina na; ang kanilang young master ay sumenyas sa kanila na- ihatid na ang mga pagkain, masaya silang napabuntong
Magbasa pa
Kabanata 41
"Isang normal na paraan upang batiin ang isang tao." Nagkibit balikat si Mark, na parang hindi big deal sa kanya- ang nangyaring halik kanina. "Isang smack lang yun. Hindi mo pwedeng ihanay ang nangyari kanina sa isang tunay na; halik. Kung hindi mo alam- kung paano gawin  ang isang tunay na halik- kung gayon pwede kitang bigyan ng isang halimbawa.""Pagbati, your face. Kung ang paghalik ay; ang bagong anyo ng pagbati sa isang tao, bakit hindi kita nakitang hinalikan mo ang iyong ina- sa kanyang mga labi, kanina?" Argumento ni Angelo. Kung iniisip ni Mark na siya ay isang taong madaling lokohin- nagkakamali ang pangit na Homosapien na iyon. Hindi siya isang taong madaling maniwala sa mga sabi-sabi; after all, siya ang nangunguna sa kanyang klase dati. "Kahit na iyon ay isang smack lamang- isang halik pa rin iyon. Nakakasuklam ka talaga, tsaka wala akong balak na malaman ang halimbawa mong iyon. Maaari mong i-modelo ang iyong halik sa aso mo. Marahil ay payagan ka niyang
Magbasa pa
Kabanata 42
"Bagaman nakikita ko na pareho kayong nagkakasundo ngunit, hindi ibig sabihin na naniniwala ako sa mga salaysay niyo- na pareho kayong na love at first sight sa; isa't isa- kaya nagpasya kayong magpakasal sa isang iglap lamang." Naisip ng ina ni Mark na ipagpaliban muna ang tunay na pakay niya sa dalawa, at sa halip, nagpasya siyang iwanan ang dalawa- upang ipagpatuloy ang ginagawa nila kanina. "Dahil, tulad nga ng sinabi mo na- iyo ang iyong bahay na ito, mahal kong anak, ngayon bibigyan na kita ng kalayaan upang ipagpatuloy ang ginagawa niyo kanina. This unwanted mother of yours ay; iiwan na kayo. Kaya't mangyaring mag-enjoy kayo."Napatulala si Angelo; sa sinabi ng ina ni Mark at, hindi niya maiwasang magreklamo- sa kanyang isipan. "Kanina lang, sinabi sa amin ng biyenan ni Aimie- na ayaw niyang makakita ng mga bagay na hindi maganda ngunit, bakit ngayon ay hinihimok na niya na- ako at ang masamang pangit na Homosapien na ito na magpatuloy. Bakit biglang sinasalungat ng in
Magbasa pa
Kabanata 43
Si Angelo ay nanatili lamang sa kanyang silid sa natitirang bahagi ng araw; ni wala siyang ganang kumain ng hapunan sa gabi dahil sa ginawa sa kaniya ng masamang pangit na b*st*rd*. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinilit nina Mark at ng kanyang ina- na sumali sa kanila- upang kumain sa iisang hapag-kainan. Tumanggi pa nga si Angelo sa mungkahi ng mga kasambahay- na dalhin ang kanyang pagkain; sa kwarto; katuwiran niya na kumain na siya ng maraming meryenda nang mas maaga, at ngayon kailangan niyang magdiyeta dahil ang kinain niya kanina ay ang mga pagkaing puno ng mga calory at asukal.Ang maid ay walang nagawa kundi ang pilit na sumasang-ayon sa mungkahi ng kanilang madam, bagaman labag ito sa kanilang kalooban na; hindi hainan ng pagkain ang kanilang; madam, wala siyang magagawa. Makikita sa expression; ng kasambahay- na para bang binibigyan siya ni Angelo ng hindi patas na pakikitungo. Kaya nagpasya si Angelo na baguhin ang kanyang isip at hiniling sa kasambahay na dalh
Magbasa pa
Kabanata 44
Ang kanyang isip sa halip; ay hindi makatulog, at hindi maiwasan ni Angelo na isipin ang halikan nila ni Mark kanina. The kiss that has taken his breath away; na nagparamdam sa kanya ng kahinaan at nakapagpawala sa kanyang sarili. Napailing si Angelo sa kanyang iniisip- tungkol sa halik at pilit na pinakalma ang sarili. Na sa halip na siya ang nag-enjoy, ang katawan na kasalukuyang pinapalooban niya ang nasiyahan sa halik. Dahil ang katawang pinapalooban niya ay babaeng anatomy at hindi ng lalaki: natural lang sa katawan ni Aimie na magustuhan ang halik. Tutal babae naman siya."May katuturan ba ito!" Bigong sigaw ni Angelo habang ginulo ang buhok. "It doesn't make sense, na ako na, isang lalaki, ay masisiyahan sa halik ng kapwa lalaki. It doesn't explain anything, kahit na ako'y nasa katawan ng babae. Nakakadismaya talaga nito."Humiga muli si Angelo sa queen-sized bed na may malambot na velvety pink na kumot at hinila ito pataas hanggang sa kanyang baba. 
Magbasa pa
Kabanata 45
Habang nasasarapan si Angelo sa kanyang pagkain ay; may biglang umupo- sa tapat niya. Napasulyap siya sa taong nakaupo sa tapat niya, at nagulat si Angelo- nang makitang ito ay ang napakarilag na tigre; na nakaupo- sa tapat niya. Seryosong tumingin sa kanya ang biyenan ni Aimie; dahilan upang magsimulang lumabas ang mga goosebumps sa kanyang balat.Biglang ngumiti ng matamis sa kanya ang ina ni Mark, at bigla siyang nakaramdam ng panginginig sa buong balat: "May problema ba, ma?"Nagpasya si Angelo na tanungin ang biyenan ni Aimie dahil una palang silang nagkita; hindi siya komportable- sa kung paano siya tinginan ng ina ni Mark."Mukhang hindi nakatulog ng maayos kagabi." Napangiti ang ina ni Mark habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang manugang. "May ginawa ba kayo ng anak ko, alam mo na..."Iniluwa ni Angelo ang pagkaing nginunguya niya at naglabas ng ilang pagmumura sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na ang napakarilag na tigre na ito na nasa k
Magbasa pa
Kabanata 46
Walang magawa ang ina ni Mark kundi ang pagkatiwalaan ang sinabi ng kanyang manugang. Hindi naman kasi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Aimie. Ang tanging magagawa lamang niya, ay ang pagmasdan ang pakikitungo ni Aimie sa kanyang anak."Kung gayon pagkakatiwalaan ko ang iyong mga salita," ang sabi ng ina ni Mark. "Gusto mo bang magpaluto ng mga bagong pagkain? I'll ask the kitchen staff to cook a new batch of foods for lunch."Bago pa man tanggihan ni Angelo ang mungkahi ng ina ni Mark, umalis na ang napakarilag na tigre sa silid-kainan at nagtungo sa kusina upang pakiusapan ang mga tauhan sa kusina na magluto ng bagong set ng mga pagkain. Nakatitig lang si Angelo sa pagkain na hindi pa niya natatapos- pakiramdam niya may ugali ang mga mayayaman na; madalas mag-aksaya ng pagkain. He helplessly breath out at nagsimulang kainin ang pagkaing hindi niya naubos kanina.Ang mga tauhan sa kusina; ay mabilis na inilapag ang mga bagong lutong pagkain, kahit na buso
Magbasa pa
Kabanata 47
Namula tuloy si Angelo sa kahihiyan matapos magpaliwanag sa kanya ang ina ni Mark. Hindi siya sanay sa paraan ng pagkain ng mga mayayaman na ito; nakasanayan na niya kasi- na diretsong kainin ang kanyang mga pagkain ng hindi inisa-isa ang pampagana at panghimagas.Napabuntong hininga si Angelo at, tahimik na kinain ang nag-iisang pritong ravioli sa kanyang plato, at pagkatapos niyang maubos ang pampagana, sinenyasan ni Mark ang mga tauhan na ihain sa kanila ang pangunahing ulam. Ang mga kawani ng kusina- ay mahusay na pinalitan ang mga ginamit na plato at kagamitan- bago inihain- ang mga pangunahing pagkaing binubuo; ng isang high-grade na medium-rare steak at inihurnong patatas. Bigla tuloy nagutom si Angelo nang makita niya ang nakakatakam na mga pagkain.Bago pa makain ni Angelo ang pagkaing nakahain sa harapan- niya, napahamak siya sa sari-saring kutsara, tinidor, at kutsilyong nakalagay: sa gilid- kung saan nakalagay ang plato. Dahil sa ayaw niyang mapahiya,
Magbasa pa
Kabanata 48
"Bakit ba ang lakas-lakas ng nanay ni Mark o sadya lang talagang napakahina ng katawang ito?" Sa isip ni Angelo habang hinawakan ang kanyang palapulsohan na mahigpit na hinawakan ng ina ni Mark. Nang makita niya ang palapulsohan na kasing nipis ng isang kawayan ay nais niyang maiyak ng walang luha."Bakit bigla mo nalang akong hinawakan?" Tanong ni Angelo habang minamasahe ang kanyang kamay."Well, mali kasi ang direksyon mo, hindi diyan ang papunta sa kwarto mo." Ang sabi ng nanay ni Mark.Luminga-linga si Angelo sa kaliwa't kanan, sinisikap alamin kung tunay ngang mali ang direksyon siya papunta sa kumikinang at magarbong pink na kwartong ginagamit niya. Hindi pa siya nakuntento at tiniginan pa niya ang pinto- upang makasigurado siya na nasa tamang kwarto.“Siguro ay namali ka lang, ma, ito po yung kwarto ko,” sabi ni Angelo nang makasigurado na siyang nasa tamang direksyon siya ng kanyang silid. "Pasok na po ako sa loob."Pero bago p
Magbasa pa
Kabanata 49
Masiglang inutusan ng ina ni Mark ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga gamit ni Angelo at nang siya ay tapos nang mapahalaan ang mga katulong ay nagpasya ang nanay ni Mark na pagpahingahin na sila. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tagapagsilbi dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila sa kanilang kwarto.Nang makita ang magandang trabaho ng kanyang mga tagasilbi ay masayang pinuntahan ng ina ni Mark ang kanyang anak na abalang nagbabasa at pumipirma sa mga papeles sa study table nito."Are you satisfied with the attendant's work?" Tanong ng ina ni Mark habang isinandal ang ulo sa study table.Tumango lang si Mark bilang tungon sa ina dahil ang buong atensyon nito ay nasa dokumentong binabasa nito. Nang makita ang walang ganang sagot sa kanya ng anak ay napahilamos na lamang ng mukha ang ina ni Mark, at agad na iniwaksi ang mga papel- na hawak ng kanyang anak at inilagay ito sa tambak ng mga papel na nasa gilid ng study table."Bakit mo pa tiniti
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status