Lahat ng Kabanata ng His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version): Kabanata 51 - Kabanata 52
52 Kabanata
Kabanata 50
Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa. Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa. Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan."Bakit ka
Magbasa pa
Kabanata 51
Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status