Lahat ng Kabanata ng His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version): Kabanata 11 - Kabanata 20
52 Kabanata
Kabanata 10
Nang makarating si Angelo sa terminal, ay agad niyang hinanap ang bus na may karatolang nakapaskil na "Haven."Nagpaikot-ikot siya sa terminal at nang makita na niya ang kanyang hinahanap na bus ay agad siyang sumakay dito, baka kasi mamaya ay siksikan na naman at hindi siya makaupo, kaya minabuti na niyang sumakay agad-agad. Mabuti nalang at hindi pa madami ang nasa loob ng bus, nasa sampu pa lang nakakasakay  kaya makakapili pa siya nang pwestong nais niyang upuan.Nang makaupo na siya ay inilibot niya ang kanyang paningin sa mga nakapaskil sa bus, baka kasi mamaya kokotongan na naman siya.Nakahinga siya nang maluwag ng walang makitang pandadaya, "makakatanong ako ng maayos mamaya."Habang prenteng nakaupo ay big
Magbasa pa
Kabanata 11
Dahil sa pagod ay mahimbing na natulog sa buong biyahe si Angelo, habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa tiyan ng kuneho na animo'y isa itong unan. Pagdating nila sa ikatlong bus stop ay linapitan siya ng konduktor upang gisingin."Ma'am nandito na po tayo sa Haven." Kasabay nito ang mahinang pag-alog niya upang gisingin si Angelo."Ano ba, limang minuto pa, di pa ako excited pumunta sa heaven. Kung gusto mo ikaw nalang mauna doon." Ang wala sa sarili niyang suhestiyon sa taong gumagambala sa kanyang masarap na pagtulog."Pero ma'am, baka lumampas na po kayo sa patutunguhan niyo kapag di pa po kayo gumising diyan." Ang pangungulit ng konduktor, at mas lalo pang pinalakas ang pag-alog kay Angelo."Naman kuya eh!" ang malakas na sigaw
Magbasa pa
Kabanata 12
"Nandito na po tayo sa Garden of Peace Resting Place, ma'- sir nga pala," ang sabi ng guardya habang tinuro ang karatolang nakapaskil. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa loob?""Naku, wag na po manong, nakakahiya po sainyo.""Buti alam mo." Sarkastikong sabi ng guardya sa kanya."Po?" Ang takang tanong ni Angelo, "Ano bang problema ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon, bakit ba karamihan sa kanila ang papangit ng ugali?""Wala, ang sabi ko mag-ingat ka po sa loob," napaubo naman ang guardya, hindi niya inakalang maririnig ng babae ang kanyang sinabi. "Oh siya, aalis na ako.""Salamat po, manong." Nagpasalamat muna si Angelo sa guardya at pagkatapos ay nagpaalam na
Magbasa pa
Kabanata 13
Habang tumatakbo si Angelo, ay parang may nararamdam siyang sumusunod sa kanya. Kaya mas bilisan pa niya ang kanyang pagtakbo, gumagabi na kasi. Baka maging delikado pa sa kanya kung tatagal pa siya sa lugar dahil dayo lang siya, at hindi niya kabisado ang daan. Baka mamaya bumangon pa ang mga patay dito, kahit patay na ang katawan niya, ayaw niyang makakita ng mga kalahi niyang multo.Napahinto naman siya sa kanyang pagtakbo ng may makaramdam na naman siyang malamig na hangin sa bandang likuran niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod, habang nananalangin na sana hindi nakakatakot na multo ang makikita niya.Nang makatalikod na siya ay nanginginig na imulat niya ang kanyang mata, at tumambad sa kanya ang kunehong pinakawalan niya kanina.Bumuntong hininga siya tsaka linapitan ang ku
Magbasa pa
Kabanata 14
"Nandito na pala tayo," ang pagbabasag muli ni Rain sa katahimikan nababalot sa kanilang dalawa. "Nandon pala yung bahay ko. Yung ikalawang bahay na may kayumangging pintura."Sinundan ng mga mata ni Angelo ang tinuturong bahay ni Rain. At nakita niyang maliban sa bahay ni Rain ay may iba ding mga istrukturang nakatayo doon."Gusto ko sanang imbitahan ka para maghapunan pero, baka hinahapan ka na sa inyo." Habang nakatignin si Angelo sa kinaroroonan ng bahay ni Rain, ay bigla itong nagsalita."Salamat nalang, pero tulad nga ng sinabi mo maggagabi na. Sa susunod nalang siguro." Magalang na tinangihan ni Angelo si Rain dahil kailangan na niyang makauwi at baka magwala sa galit ang panget na nilalang."Sige, kung dadayo ka ulit dito. Ala
Magbasa pa
Kabanata 15
Matapos magtangal ang mga tinga sa kanyang ngipin, naisipan na ni Angelo na bumalik sa terminal ng bus. Buhat-buhat ang kuneho ay nakipagpatentero siya sa mga sasakyang dumadaan.Pagkatapos ng pakikipagpatentero ay narating na din niya ang terminal ng bus."Ano nga ulit yung pangalan ng bus na sinakyan ko kanina?" Napakamot nalang sa kanyang ulo si Angelo, dahil hindi na niya matandaan ang pangalan ng bus na sinakyan niya kanina papunta sa bus terminal.Nagpaikot-ikot siya sa terminal, nagbabasakaling matatandaan yung bus na dapat niyang sakyan."Ano nga ulit yung pangalan ng lugar kung saan nakatira si Mark," sising-sisi si Angelo kung bakit niya kinalimutan ang isang napakaimportanteng bagay. Kung alam sa
Magbasa pa
Kabanata 16
Sinundan naman ni Angelo ang lalaki papunta sa isa sa mga opisina ng istasyon. Nang makapasok na sila sa loob ng opisina ay bigla nalang siyang binulyawan nito."What the h*ll are you doing here?!" Bakas ang galit sa mukha ng lalaki, nang makita niya ang pagmumukha ni Aimie sa lugar ng kanyang pinagtratrabahuan."Ingleserong palaka toh, kala mo kung sino. Di ka kagwapohan kaya wag kang high blood, mas lalo kang pumapanget." Napasimangot naman si Angelo dahil sa inasal ng lalaking kaharap niya. Kung makaasta ito parang may ginawa siyang nakakasuklam na bagay."Do you think I'll feel sorry for you, because you're here in front of me with that pathetic face of yours." Mas lalo pang nagalit ang lalaki nang makita nito ang expresyon ng mukha ni Aimie, na parang nagpapaawa sa k
Magbasa pa
Kabanata 17
"Yur mi brader?""Pisti, bigla akong napaingles." Hindi mapigilan ni Angelo na murahin ang sarili dahil sa kanyang sinabi.Samantalang ang kuya naman ni Aimie ay napaigting dahil sa kanyang narinig. Di niya akalaing naglayas lang ito sa pamamahay ay pumangit na ang pag-englis nito. "What's your problem, why are you speaking like that?" napataas ng kilay ang kuya ni Aimie habang tinatanong si Angelo. Sa tingin niya kasi ay parang lumuwag ang turnilyo ng nakababatang kapatid niya."Anong what's your problem diyan, pede bang magtagalog ka nga, nakakarindi kang palaka ka." Hindi mapigilan ni Angelo ang magalit dahil kanina pa niya sinabing magtagalog nalang ang mukhang palakang kaharap niya, pero englis pa rin ng englis. "Kapag ako hindi nakapagpigil masasapak talaga kita, isa pang englis diyan babatuhin kita ng sapatos."Nakita naman ng kapatid ni Aimie na seryoso ang kausap niya kaya napaubo muna siya bago magsalitang muli.
Magbasa pa
Kabanata 18
"Enough!" Hindi mapigilan ni Anton ang sigawan ang nakababata niyang kapatid. "Bumalik tayo sa paksa. Sino ba yang Mark na yan?Nagkibit-balikat lang si Angelo sa tanong ni Anton. Hindi naman napigilan ng huli na panlisikan ng mata si Angelo, dahilan upang mas lalong ibaon niya ang sarili sa kinauupuan niya."Mark Akkin Castro ang buo niyang pangalan. Sa kung papaano sila nakasal ni Aimie, yun ang hindi ko alam." Walang nagawa si Angelo kundi sabihin ang katutuhana sa palakang kausap niya."Kung makapagsalita ka parang ibang Aimie ang kinasal sa Mark na yan." Napatawa nalang si Angelo sa sinabi ng kapatid ni Aimie. Totoo naman kasi ang sinabi nito- si Aimie ang ikinasal sa panget na iyon at hindi siya."Naku kung alam mo lang brad
Magbasa pa
Kabanata 19
Nabasag ang katahimikang bumabalot sa dalawa, nang dumanting ang pulis na naatasang bumili ng pagkain."Heto na po chief." Inabot ng pulis kay Anton ang supot na naglalaman pagkain. Agad namang nagpasalamat si Anton nang matanggap na ang pinabili niya.Nang makita ito ni Angelo, at ng kuneho na kanina nagtatago ay takam na takam nilang tinignan ang supot na may lamang pagkain. Napalunok ang dalawa sa kanilang nakita, at kulang nalang atakihin nila si Anton upang makuha ang supot na may pagkain."Penge." Hindi makatiis si Angelo kaya humingi na siya kay Anton, samantalang napangisi naman si Anton sa inasal ng kapatid."Bakit naman kita bibigyan?" ang tanong niya kay Aimie habang kinukuha sa supot ang mga pagkaing pinabili niya.
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status