All Chapters of Chased by Her: Chapter 11 - Chapter 20
42 Chapters
KABANATA 10
KABANATA 10  "So I guess, we're done for today?" Halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante sa classroom na pinapasukan ko nang sabihin 'yon ng professor. Nagmamadali akong lumabas dahil medyo malayo-layo sa classroom na 'yon ang meeting room ng mga miyembro ng student council. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko, makarating lang doon.  Pagkarating ko roon ay nagpapasalamat akong kakaumpisa lang nila. They're having a meeting because of interhigh kase. Malapit na 'yon kaya naman nagpatawag agad 'yung president namin ng meeting. Umupo ako sa tabi ni Rio, 'yung president namin.   "Congratulations, Emma. First time mong ma-late," biro niya sa'kin. Kahit alam kong biro 'yon ay nag-paumanhin pa rin ako dahil late naman talaga ako.   
Read more
KABANATA 11
KABANATA 11  "Water break!" sigaw ni coach. Agad na nagsitakbuhan ang mga co-players ko sa mga gamit nila. Ganon din ang ginawa ko. Marami pang minuto nang matapos akong uminom kaya sumilip ako kung nasaan sina Freya nagpa-practice. Sa BEG (Blue Eagle Gym) sila naglalagi ngayon dahil chants lang naman ang pinapractice nila.  "Sst!" tawag ko kay Freya. Mukhang water break din nila kaya naman lumapit siya sa'kin.  "What? Water break niyo rin?" tanong niya. Tumango ako. Mukhang masama ang timpla ni Freya dahil nakakunot ang dalawang kilay niya.   "Ba't ganyan mukha mo? May nangyari ba?" tanong ko. Inayos ko ang isang takas ng buhok niya at inilagay 'yon sa tainga niya.   
Read more
KABANATA 12
KABANATA 12  Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkita ni Yael. Tuwing magyayaya si Cloud na mag bar ay hindi ako sumasama lalo na't alam kong nandoon si Yael. Hindi ko pa siya kayang harapin kaya kung ano ano ang idinadahilan ko para lang hindi makasama.  "Hey, let's talk nga." Humarap ako kay Freya. Kanina niya pa ako hinahabol sa hallway pero hindi ko siya pinapansin dahil alam kong mamimilit lang siya na sumama ako mamaya mag bar hopping sa BGC.  "Kung pipilitin mo pa rin ako na sumama sa lakad niyo mamaya nina Cloud, wala kang mapapala sa'kin, Freya. Hindi ako makakasama dahil busy ako." Nagsimula ulit akong maglakad. Kakatapos lang ng last subject ko ngayong araw pero hindi pa rin ako umuuwi dahil nagpatawag ng meeting 'yung President ng student council. Ewan ko kung para saan
Read more
KABANATA 13
KABANATA 13  "OUCH..." daing ko. Kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko, matigil lang 'yung sakit ng ulo.   "Baliw ka kase. Bakit andami mong ininom? Broken ka ba, girl?" Lumapit sa'kin si Mia. Umupo siya sa kama ko bago ilagay ang palad niya sa noo ko. Tinitigan ko siya. Anong ginagawa niya?  "Hoy Mia anong ginagawa mo? Hangover 'yan te, hindi lagnat. Ito oh, inumin mo." Lumapit sa'kin si Kiara at may ibinigay na gamot. Pang-hangover daw 'yon kaya naman ininom ko agad.  "Salamat." Pumikit ako nang mariin. Mamaya na kami uuwi at ayoko umuwi sa bahay na ganito kasakit ang ulo. Baka paulanan na naman ako ng sermon ni mommy.   "Baba na kami, ah?" paalam ni Mia
Read more
KABANATA 14
KABANATA 14  Simula noong araw na 'yon ay nabawasan ang awkwardness sa'min ni Yael. Nakakapag-usap na kami kahit hindi katulad ng dati. Pero okay lang 'yon sa'kin dahil kahit papaano, bumabalik na kami sa dati. Nabawasan man 'yung dating closeness, atleast hindi niya ako tinataboy palayo.   "YAEL!" malakas na tawag ko. Humabol ako sa kanya nang makita ko siyang papalabas na ng ateneo. Tumambay kase sila rito ni Kai. Hindi kasama si Cloud dahil hindi siya bakante ngayon. Nauna namang umalis si Kai dahil mas maaga ang pasok niya kesa kay Yael.   "Bakit?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Tipid akong ngumiti, ang pogi talaga ng lalaking 'to.   "Date tayo." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Noong isang araw ko pa pinag-i
Read more
KABANATA 15
KABANATA 15  After that day, hindi ko na nakita si Yael. I didn't asked Kai about him pero nang narinig kong hindi niya rin alam kung nasaan ito, roon na ako nagsimulang mag-alala. Kai even told me na pinuntahan niya sa bahay nila 'to at tiningnan kung naroon ba, ang sagot lang ng mama niya ay nagpaalam si Yael na sa condo niya muna siya tutuloy. Mawawala na sana ang pag-aalala ko until Kai told me that Yael's condo is empty. Kahit anino lang ni Yael ay hindi niya nakita roon. He even asked the receptionist kung tumuloy ba si Yael doon pero wala.  "Where do you think he is right now, Frey?" tanong ko kay Freya. Siguradong asar na asar na 'to sa'kin dahil kanina ko pa siya tinatanong tungkol kay Yael kahit alam ko namang mag kasama kami simula noong nakaraan.   "Uh...maybe sa bar? I do
Read more
KABANATA 16
KABANATA 16  Days had passed but still no sign of Yael. Sa bawat araw na lumilipas na wala kaming balita sa kanya, mas lalong lumalala ang pag-aalala ko. Minsan nga ay naiiyak na lang ako dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. Saan siya natutulog? Pumapasok pa ba siya? May pera pa ba siya sa wallet niya? Paano kung magkasakit siya?  God, please take care of him.  "EMMA!"  "HUY IWAS!"  "DIZON!"  Huli na nang makita ko ang papalapit na bola papunta sa'kin. Saktong pagpikit ng mga mata ko ay siya namang pagtama ng bola sa'kin.  Aray.
Read more
KABANATA 17
KABANATA 17  Lumipas ang maraming araw na sarili ko lang ang tinutukan ko. Bumalik na rin si Yael at nakakasama na uli siya sa'min. Tuwing siya ang pumapasok sa isipan ko, agad akong nag-iisip ng panibago para lang maiwasan na isipin siya.  Simula noong gabing 'yon, narealize ko kung grabe na pala ako kadesperada para lang mahalin niya ako. Wala na rin akong pinagkaiba sa mga babaeng naikukwento ni Cade sa New York. Hindi nga ako nagpanggap na buntis, inalay ko naman ang pagkababae ko.  Kung malaman ito ng mommy ko, paniguradong hindi lang sermon ang aabutin ko. Baka nga ipagdasal pa ako non at tanungin kung anong pumasok sa kaluluwa ko para gawin 'yon. Pero kahit ganon, wala akong pinagsisihan sa lahat ng sinabi ko dahil alam ko sa sarili ko na kaya kong gawin lahat 'yon.
Read more
KABANATA 18
KABANATA 18  "Where are you going?" tanong ni mommy nung nakita akong paalis. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.  "Mag-g-gym ka?" Tumango ako. Sports bra at dolphin shorts lang kase ang suot ko. Naka high ponytail ako at may dalang gym bag.  "Opo. Wanna come?" aya ko. Agad siyang umiling, tila ba isang masamang panaginip ang pag-g-gym.  "Thanks but no thank you. I almost died the last time I went to gym. Grabe, ang sakit ng lower back ko noon." Umiling-iling siya uli. Tumawa ako nang mahina, naalala ko 'yon. Halos murahin ni daddy 'yung dumbbell noong triny ni mommy na buhatin 'yon tapos natumba siya kase hindi niya kinaya.  "Okay. Gotta go, bye." Luma
Read more
KABANATA 19
KABANATA 19 "Mommy, I'm going!" sigaw ko mula sa pinto. Tanging 'I love you' lang ang narinig ko sa kanya bago ako makalabas ng bahay. Susunduin ako ni Yael ngayon pero hindi rito sa loob ng subdivision, sa labas siya naghihintay. Hindi rin naman kilala ang sasakyan niya rito kaya hindi na kami nag aksaya ng oras na papasukin siya.   Pagkalabas ko ng subdivision ay hinintay ko pa siya ng ilang minuto bago siya nakarating. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at nakangiting bumati sa'kin.  "Hey. You look beautiful," puri niya sa'kin bago nakangusong tingnan ako mula ulo hanggang paa.   "Thank you." Hindi na ako naghintay ng sagot niya at pumasok na sa loob. Nang makaupo ako sa tabi niya ay sinalubong niya ako ng mapang-asar na tingin. Tumaas ang kilay ko.  Bakit ganyan siya makatingin sa'kin?  
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status