All Chapters of Game of Love: Chapter 11 - Chapter 20
88 Chapters
Kabanata 11
Game of Love   Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..."  patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya  nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Read more
Kabanata 12
Game of Love     Mario's POV Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya. Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugto
Read more
Kabanata 13
Game of Love   Katulad ng usapan, nauna ng bumalik ng Pilipinas si Mario at ngayon naman pasunod na sina Yumi at Kevin. Nasa loob s'ya ng kwarto at nag-iimpake ng mga gamit habang pinagmamasdan s'ya ng kambal madaling araw kasi ang flight nila ni Kevin. "Mamamee, are you going back to the Philippines now?" tanong ni Naya kay Yumi. "Yes Baby Bunny pero don't worry after one or two weeks susunod naman kayo nila Lola n'yo eh." Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Naya. "Huwag ka nang masyadong mag-alala Mommy habang wala ka, akong bahala kay Naya at Lola. I can take care of them, hindi ko sila pababayaan," ang sabi naman ni Junior. "Big boy na talaga ang Baby Bear ko, halika nga rito pa-hug ako," sabi ni Yumi at mahigpit na niyakap si Junior. "Paano naman ato? Hindi mo ba ato love," naka-pout na sabi ni Naya kaya naman biglang n
Read more
Kabanata 14
Game of Love "Hey! Did you see them?" sigaw na tanong ni Mint habang nakahiga sa mahabang sofa. Naglalaro s'ya ng online games, narinig n'ya kasi ang usapan nila Kim kaya naman iniwanan n'ya ang phone n'ya at nakichismis sa kanila. Pag-uwi kasi ni Yumi, sinabi n'ya ang nangyari tungkol sa secret garden. "I told you naman, hindi ba? Avoid those varsity guys, ang kulit mo," sermon ni Kim kay Yumi. "Hindi ko rin naman alam na makikita ko sila eh, saka ano ba 'yong sinasabi nilang territory?" curious na tanong ni Yumi. "Sa University kasi maraming gang at 'yong secret garden, isa sa mga hide out ng varsity guys," paliwanag ni Nychaa. "Teka Yumi, may nakakita ba sa 'yo no'ng pumasok ka sa secret garden?" tanong naman ni Mint. "Hindi ko sure eh." "Wish mo lang na walang nakakita sa 'yo, lagot ka talaga," sabi naman ni Mint.
Read more
Kabanata 15
Game of Love Nakahiga si Barry sa mahabang sofa habang nakangiting binabasa ang profile ni Yumi pina-background check n'ya kasi ito. Hindi n'ya maintindihan kung bakit naging interesado s'ya dito. "Ibang klase, simula ng highschool s'ya iskolar na kaya naman pala gano'n sobrang kapal ng salamin n'ya," kausap  ni Barry sa sarili. "Hoy Barry, tumayo ka na d'yan late na tayo," sigaw sa kanya ni Mark. "Kanina ka pa titig na titig d'yan! Don't tell me, interesado ka sa kanya? Baka naman type mo na?" sabi ni Masu. "No way! Hindi ako magkakagusto sa Manang noh! I'm just curious, 'yon lang." "Curious? Talaga lang huh? Kaya pala pinatalo mo 'yong racing natin para lang balikan s'ya. Alam mo ba kung magkano ang natalo sa 'tin?" sambit naman ni Mario. Tumayo si Barry at pinaghahampas sila ng folder sa ulo. "Kung hindi ko
Read more
Kabanata 16
Game of Love Yumi felt something really weird. Kailan lang naman n'ya nakilala si Barry pero bakit gano'n na lang kalakas ang impact nito sa kanya. Honestly, her feelings towards Barry becomes deep and she's so scared about it. Wala sa sariling naglalakad si Yumi para kinakalma ang sarili habang tinatapik ang kanyang dibdib. "Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala naman akong sakit sa puso ah," iling-iling n'ya habang naglalakad. " 'Yong transfer na probinsyana raw ang kaangkas ni Ryuu at kasabay nilang kumain sa cafeteria kanina!" Napahinto si Yumi dahil sa narinig n'ya. "Hindi naman maganda at old-fashioned, hindi gano'n ang tipo ni Ryuu," sabi pa ng isa. "Kung gano'n, nilalandi n'ya si Ryuu. Humanda s'ya dahil pag nakita ko s'ya tuturuan ko s'ya ng leksyon!" Dahan-dahang tumalikod si Yumi at unti-unting naglakad palayo. "Just what I thought, mapapah
Read more
Kabanata 17
Game of Love Pakanta-kanta pa si Barry habang sakay ng kanyang kotse na Ferrari Roma. Latest model ito at bilang lang ang mayroong kotse na ganito. This time, hindi s'ya nagmotor dahil papunta s'ya sa bahay ng Daddy n'ya. Nang biglang may malakas na kung ano ang tumama sa salamin ng kotse n'ya. Nabasag ito at pumasok sa loob. May tumamang bubog sa mukha ni Barry at na-out of  balance ang kotse kaya naman tumama s'ya sa pader. Sigurado s'ya na malaki ang tama ng bumper ng kotse n'ya at basag pa ang salamin n'ya. Galit na galit na lumabas ng kotse si Barry at nakita n'ya ang babaeng nakatalikod. Dahan-dahan itong naglalakad palayo na para bang gustong takasan ang ginawa n'yang kasalanan. "Hoy Miss!" sigaw ni Barry sabay punas sa pisngi na nagdudugo dahil sa bubog na tumama sa kanya. "Hoy Miss, bingi ka ba?" Dahan-dahang lumingon si Yumi, sobrang kinakabahan s'ya at
Read more
Kabanata 18
Game of Love Paglabas ni Yumi ng cr, nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya. "Manang!" "B-barry?" biglang nasambit ni Yumi pagkita sa lalaking kaharap. "Wow, Barry talaga. Close ba tayo?" "Eh di Ryuu." "Do you think na makakatakas ka sa kasalanang ginawa mo?" "T-teka, ano bang gusto mong mangyari? Sinabi ko naman sa 'yo wala akong perang pambayad sa damage ng kotse mo."" 80,000 ang nagastos ko para ipagawa ang kotse ko dahil sa katangahang ginawa mo. Kaya mo bang bayaran?" "W-wala nga akong pera! Saka 80,000 saan naman ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga." Saan naman si Yumi kukuha ng ganoong kalaking pera? Pamasahe nga lang pabalik sa province nila 7 thousand na kaya nga hindi s'ya makauwi dahil wala s'yang pamasahe tapos dumagdag pa itong 80,000.
Read more
Kabanata 19
Game of Love Nakaupo si Yumi sa isang bakanteng upuan habang inaayos ang mga reviewers na ginawa n'ya para do'n sa tatlo. Kinausap n'ya kasi ang mga professors nila para hingin 'yong mga mabababang subjects nila nang sa gano'n makahabol sila Mint, Kim at Nychaa sa final exams. Hindi lang naman 'yong tatlo ang dapat n'yang problemahin pati na rin ang exam n'ya.  Kailangan n'ya rin makapag-review buti sana kung pare-pareho sila ng course madali lang sana kaso hindi eh kaya nga pigang-piga na ang utak n'ya. "Yumi!" kumakaway na sigaw ni Mint papunta sa kanya kasunod 'yong dalawa. "What are you doing?" tanong ni Kim nang makaupo na sila. "Gumagawa ng reviewer para sa inyo,  nakuha ko na sa mga professors n'yo 'yong mga mabababang subjects n'yo." 'Yong tatlo naman sabay-sabay na napakamot sa ulo. "Ano ba kayo! Madali lang naman.
Read more
Kabanata 20
Game of Love Dinala ni Barry si Yumi sa isang restaurant. Nagtataka man si Yumi pero sinundan n'ya na lang si Barry baka kasi kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Ang iniisip n'ya mula pa kanina baka totoong ibebenta s'ya ni Barry at nandito ang buyer na pagbebentahan sa kanya. "This way sir,"  sabi ng isang waiter at dinala sila sa isang private room. "Ito na ba 'yon? Ibebenta n'ya talaga ako," kausap ni Yumi sa sarili. Habang papasok sila sa private room. May mga tinuro si Barry sa menu pagkatapos umalis na 'yong waiter. "Manang, sign it," sabi ni Barry pagkatapos may ibinato sa kanyang white folder. "Ano ba 'to?" "Read it, engot!" Nag-pout lang si Yumi kay Barry at sinimangutan s'ya. "80,000 in 60 days to pay what you've done. Hindi na masama, pwede na siguro." Dahil
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status