All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 91 - Chapter 100
2346 Chapters
Kabanata 91
“Syempre hindi. Sa akin niya lang naman ginagawa iyong mga kasinungalingan na iyon.” Kutya ni Shaun“...”Walang masabi si Chase.Tila’y niyayabangan siya ng lalaking ito.‘Ewan ko sa’yo, wala na rin namang pakialam si Catherine sa’yo ngayon.’Kutya nito pabalik sa loob loob niya bago sabihing, “Kung titignan ang nakaraan ng mga Jones, marahil ay hindi nila ito palalampasin. Kinulong nga nila siya noon na muntik na niyang ikamatay. Tingin mo ba’y nasa panganib ulit siya? Kailangan ko na bang kumuha ng taong magmamatiyag sa kanya?”Bumalik sa pagbabasa ng mga dokumento si Shaun. “Huwag muna hangga’t hindi pa siya nagmamakaawang tulungan ko siya.”Makalipas ang ilang segundo, nagpatuloy ito, “Ngunit tinignan muna nila dapat bago sila sumabak. Hindi nagpapakita ng respeto sa akin ang mga Jones. Gusto kong sumikat ang bidyo na ito sa lalong madaling panahon. Bukod dito, huwag mong hayaang ipatanggal ito ng mga media.”“Uh… Sige.”Hindi na nag-abala pang kutyain ni Chase si Shaun.
Read more
Kabanata 92
Matinding pagkabagot ang sumapi kay Shaun.P*cha naman! Kinakailangan ba talagang nagagalak pa ang tono nitong papunta na sila sa registry office?Maliban na lang kung ikinagagalak nitong makita siyang muli?Iyon siguro iyon.Noong isang gabi, bigla bigla na lamang itong umalis. Marahil ay nagsisisi na ito sa kanyang desisyon ngunit ay masyado rin siyang nahihiya upang aminin ang kanyang pagkakamali.Marahil ay ginagamit niya itong dahilan upang yayain siyang lumabas. Nakabubuti sigurong lambingan niya ang kanyang tinig kapag sila ay nagkita mamaya?Kung sa bagay, hindi pa siya nakakakain ng matinong pagkain mula nang umalis ito.Sige, bibilhan niya na rin ito ng keyk bago pumunta roon.Bumili si Shaun ng isang pirasong cheesecake bago ito umalis upang kitain si Catherine.Pagkarating niya sa registry office, napansin nitong suot ni Catherine ang isang mahabang bestida na kulay puti na binili niya para rito noon sa ilalim ng isang kulay beige na amerikana. Lalong nagliwanag an
Read more
Kabanata 93
Nilamigan lamang ni Shaun ang kanyang ngiti sa halip na pigilan umalis si Catherine. “Isang salita ko lamang at walang kahit sino sa buong Australia ang malakas ang loob na kunin ang kaso ng ating paghihiwalay. Subukan mo kung ayaw mo akong paniwalaan, ngunit pagdating ng panahong iyon, tatlumpung taon mo ako makakasama, hindi lamang tatlo.”Tumalikod si Catherine upang tingnan ito nang masama. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung sino ang kanyang kinakalaban.Hindi niya masasabing isa itong karaniwang tao lamang dahil matalik niyang kaibigan ang isang Chase Harrison.Hindi niya rin naman masasabing nagmula ito sa isang mayamang pamilya dahil wala itong magagarbong mga sasakyan at hindi rin siya nakatira sa isang mansyon.“Hindi ako susuko sa iyong pananakot. Mas gugustuhin ko pang hindi pirmahan ang mga papeles na ‘yan kaysa manirahan kasama ang lalaking tulad mo.”Bakas ang kawalan ng pakiramdam sa kanyang tinig. Tumalikod itong muli at naglakad papalayo.Isa pa, wala na rin n
Read more
Kabanata 94
Sumimangot si Jeffrey. Naghiwalay ng saglit ang kanyang labi ngunit walang salitang lumabas mula rito....Makalipas ang dalawampung minuto.Sa loob ng palikuran.Nag-iingat na nilapitan ni Aunty Helen si Rebecca. Hindi mapalagay ang kanyang hitsura.“First Young Lady, pagsususpetyahan ba ako nina President at Madam Jones sa nangyari kanina? Wala ho akong kinalaman doon. Kayo ho ang nagtulak sa aking gumawa ng maling paratang.”“Wala iyon. Inalis ko na agad iyan sa kanilang mga isip.” Kinuha ni Rebecca ang credit card mula sa kanyang pitaka at ibinigay ito sa babae. “Ito ang parte mo. Wala kang sasabihin kahit kanino. Ayokong may nakakaalam sa mga nangyari ngayon araw.”Kumislap ang mga mata ni Aunty Helen. Agad niyang tinanggap ang regalo at tuloy tuloy na tumango. “Ikinagagalak ko ho kayong pagsilbihan.”“Isa pa…” Kumibot ang mga sulok ng labi ni Rebecca upang gumawa ng isang masamang ngisi. “Alagaan mo nang mabuti ang aking lola. Ayoko makita na bumubuti ang kanyang kondisyo
Read more
Kabanata 95
“Marahil ay mamalagi ako rito nang ilang mga araw sa susunod. Siguro nama’y papayagan akong bumisi-bisita rito kahit kailan ko gusto?” Biglang turo ni Elder Lyons sa kanyang harap gamit ang kanyang tungkod. “Teka, bakit may tubig na dumadaloy?”Bumagsak ang mukha ni Wesley. Napasigaw sa gulat si Sonya.“Parang binabaha ata ang bahay.”Napansin din ito ni Wesley. Itinuon naman nito ang kanyang paningin kay Catherine. Naninigas ang kanyang itsura. “Bakit may tubig sa buong lugar?”Nauutal si Builder John. “Hindi… hindi ho namin alam. Naiwan hong nakabukas ang gripo magdamag…”Tinakpan ni Sonya ang kanyang bibig at sumingap. “Anong hindi niyo alam? Ibinigay sa inyo ang responsibilidad sa pagsasaayos nitong bahay ngunit ngayo’y sinusubukan niyong mamintang ng iba? Diyos ko po, maisasalba niyo pa ba itong bahay? Sana’y hindi tumagos ang tubig sa pader.”Idinabog naman ni Elder Lyons ang kanyang tungkod. “Anong pipitsugin na kumpanya naman ang iyong kinuha? Bilisan mo at tawagan ninyo
Read more
Kabanata 96
Hindi isang hangal si Wesley. Kagabi, biglang bumalik sa tahanan ng mga Lyons si Sonya. Pagkatapos nito, tila’y bigla na lamang nagyaya si Elder Lyons na pumunta sa kanyang villa upang makita ang pagsasaayos nito.“Miss Jones, partido ko ang may pananagutan rito at wala kayong kinalaman sa nangyari, kaya’t pwede muna kayong umuwi. Sa sandaling masuri muli ang villa, babalikan ko kayo kung gugustuhin ko pang ituloy ang pagsasaayos.” Taimtim na ipinaliwanag ni Wesley.“Masusunod. Naniniwala ako sa iyo, President Lyons. Kasabay nito, malaki rin ang simpatya ko para sayo.” Tumungo si Catherine at umalis kasama si John.Sa loob ng villa, natataranta pa rin si Elder Lyons hanggang sa nilapitan ito ni Wesley at sinabing, “Dad, ipahatid ko na kayo pauwi.”Nang makapasok na ito sa sasakyan, tumalikod ito at sinabi kay Sonya, “Sis, pakisabi kay Ethan na pumunta sa aking opisina.”Natigilan si Sonya. Gaano bang katalino itong nakababata niyang kapatid? Alam na niya agad ang lahat...Makalip
Read more
Kabanata 97
Maya-maya’y tumawag ang ama ni Ethan na galit.“Wala ka talagang kwentang anak, ano nanaman ang ginawa mo? Na pati ang uncle mo’y napuno na at inatras ng Golden Corporation ang kanilang mga pondo. Bumalik ka nga dito ngayon din!”…Kinaumagahan, nakatanggap ng tawag si Catherine mula kay Wesley.“Pwede ka ba mamaya para makasama sa tanghalian? Gusto kita kausapin tungkol sa villa.”“Sige.”“Susunduin kita gamit ang sasakyan ko,” Mahinang sinabi ni Wesley, “Baka hindi mo kasi alam ang daan papunta sa restawran.”Pumayag lamang si Catherine sa kaayusang ito.Tanghali impunto nang lumabas sa ibaba ang sasakyan ni Wesley.Pumasok si Catherine at binigyan ito ni Wesley ng isang baso ng milk tea. “Pasensya na’t napagkamalan ka pa kahapon.”Hindi gaanong kamahal ang milk tea, kung kaya nama’y hindi na nagdalawang-isip pa si Catherine na tanggapin ito.“Pagkatapos ng hamakin nang patago ng isang kamag-anak, palagay ko’y hindi rin mabuti ang iyong kalagayan ngayon, President Lyons.”
Read more
Kabanata 98
Ahhhhhhhh pinagtitripan ba siya ng langit?Gusto siya ng tiyuhin ni Ethan, ngunit pinakasalan niya ang maling tao!Punong puno pa siya ng sugat. Paano siya magkakaroon ng lakas na humantong papunta sa panibagong relasyon?“Pa… Pasensya na, Mr. Lyons. Ka… Kaibigan lamang ho ang tingin ko sa inyo.”“Mabuti na lamang kung gayon.” Pinanghinaan ng loob si Wesley, ngunit patuloy pa rin ang pagngiti nito. “Huwag kang mag-alala. Inilahad ko lamang ang aking damdamin hindi upang ibalik mo ito, kundi upang maunawaan mo ang nararamdaman ko upang maligawan kita.”Naramdaman ni Catherine na nagpintig ang ulo niya. “Ngunit wala akong intensyon na makipagrelasyon sa ngayon. Gusto ko muna ituon ang atensyon ko sa aking trabaho.”“Mahihintay kita. Sige, maupo muna tayo upang makapag-order.” Maginoong hiinila ni Wesley ang isang upuan para sa kanya.Walang nagawa si Catherine kung hindi iyuko ang kanyang ulo at ibigay ang kanyang order....Sa kanto sa labas ng bintana ng restaurant, may isang
Read more
Kabanata 99
Hindi maitatanggi na gwapo siya, ngunit kung magalit… Huwag na, nakakawala lang ng gana.Subalit, bakit siya naririto? Nagkaroon bigla si Catherine ng hudyat upang kunin ang kanyang mga dalahin at lumisan na sa lugar na iyon.“Mr. Hill, Young Master Harrison.” Tumayo si Wesley sa at kinamayan ang dalawa.Subalit nang abutin niya ang kamay ni Shaun, tinignan lamang siya nito ng kanyang mga mahahabang pilikmata.Lumipas ang ilang mga sandali at nakaramdam na ng kahihiyan si Wesley. Nang inakala niyang hindi na ibabalik ni Shaun ang pagbati nito, iniabot ni Shaun ang kanyang kamay. “Pasensya na. Wala ako sa mood ngayong araw.”Ilang beses na rin nitong nakausap si Shaun Hill noon, lalo na noong binalak niyang kuhanin si Shaun upang asikasuhin ang isang kaso tungkol sa negosyo para sa kanya. Maayos sa simula ang naging usapan, ngunit ‘di kinalauna’y ipinaalam sa kanya ng tanggapan nito na may iba siyang inaasikaso.Sa totoo lang, medyo dismayado siya kay Shaun Hill.Subalit kilala s
Read more
Kabanata 100
Makakahindi ba siya? Hindi naging madali para sa kanya ang makakuha ng reservation dito.Catherine. “...”Makakatanggi ba siya? Masyado ngang mahirap harapin ang malademonyong mukha ni Shaun.“Kayong dalawa… Parang hindi kayo masyadong natutuwa sa ideya. May naistorbo ba kami?” Tumingin sa kanila si Shaun, ang boses nito ay malalim at nanghihikayat.“Ah, hindi. Tara, maupo kayo.” Nagtanong si Wesley sa isang tauhan doon upang sila’y abutan ng menu.Ngayong may apat ng tao sa lamesa, sumikip lalo ang lugar dahil naroon pa rin ang bouquet ng mga bulaklak sa lamesa.Aabutin sana ito ni Catherine upang ilagay ang mga rosas sa kanyang tabi, ngunit mas mabilis si Shaun kaysa sa kanya at iniabot nito ang mga bulaklak sa isa sa mga tauhan. “Pakialis ito. Hindi ako hiyang sa polen.”Nagtaka si Catherine kung tama ba ang kanyang narinig. Hindi ito nakakita ng anumang reaksyon sa tuwing nag-uuwi siya ng mga bulaklak upang ilagay sa mga paso. Marahil ay sinasadya na itong gawin.“Hindi k
Read more
PREV
1
...
89101112
...
235
DMCA.com Protection Status