All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 71 - Chapter 80
2346 Chapters
Kabanata 71
Pabigla-bigla, iniangat ni Chase ang kanyang kilay at interesadong nagtanong, “Matagal mo na siyang nakakasama ngayon, pero talaga bang wala kang nararamdaman para sa kanya?” “Nararamdaman?” Nangutya si Shaun. “Paano ‘yung nararamdaman mo para sa housekeeper na nagluluto para sa pamilya? Siguro matitiis ko pa ang kanyang presensya kung dati, pero ngayon… hindi ko siya mapapatawad.” Umirap si Chase. “Paano kung… magplano ka rin laban sa kanya? Ikulong mo siya sa isang kwarto at hayaang maramdaman ang sinapit mong sakit.”Nanigas ang mga sulok ng bibig ni Shaun. Nagtatampong sumagot ang lalaki, “Minamatahan niya na ako dati pa. Kapag ginawa ko ‘yon, siguradong magagalit siya at baka sirain pa ang pinto sa bahay ko.”“...”Nanginig si Chase nang maisip ang eksenang iyon. “Manahimik ka na. Hayaan mo nalang akong mag-isa.” Nakaramdam si Shaun ng pagkauhaw. “Kuhanan mo ako ng isang basong tubig.”...Nang alas cuatro ng umaga, tapos na si Shaun sa IV infusion. Bumalik lang siya ng
Read more
Kabanata 72
”Nag-ooverthink ka lang.”Na may mapait na ngiti, inilarawan ni Catherine kay Freya na na-overwhelmed sa pakiramdam ng pagkakasala. “Pasensya na, Cathy. Hindi ko naisip ng ayos ang mga bagay…”“Dahil sa hindi niya ‘ko gusto, dapat ay hindi ko na pinilit. At isa pa, naging kami dahil sa makasariling mga rason. Freya, sa tingin mo ba dapat hindi ako nagpakasal kay Shaun para lang makapaghiganti kay Ethan?”Nataranta ng sandali si Catherine.Nagbuntong hininga si Freya. “Tinahak mo na ang daang ito. Ano pang magagawa mo kung naabot mo na ang puntong ito? Titigil ka na ba sa kalagitnaan at makikipag-divorce?”Nanatiling tahimik si Catherine.‘Tama. Dapat akong kumuha ng divorce, ‘di ba?’Tumayo siya matapos ibaba ang tawag. Sa bukas na pinto ng master bedroom, napansin niyang nakaalis na si Shaun.Nagbuntong hininga siya. Matapos ang insidente, ang lalaki ay tila nag-iba ang pagkatao, na nagdulot sa kanya makaramdam ng tensyon.Kaswal siyang nagluto ng noodles. Matapos niyang malu
Read more
Kabanata 73
Matapos ang lahat, isang dalaga si Catherine. Baka isuko niya ang pagdidisenyo sa villa ng lalaki sa isang sandali. Naaawa sa babae, talagang gusto ni Wesley na tulungan ang babae.“Oh.” Ang sagot ng lalaki ay tulad ng inaasahan ni Catherine. “Hayaan mong ipaliwanag ko sa’yo ng detalyado ang sketch, Mr. Lyons.”Tumango si Wesley. Isinaalang-alang na hindi siya propesyonal, medyo limitado ang pagkakaintindi nito sa detalyadong sketch.Sa una, nakatayo si Catherine sa harap ng office desk habang ipinapaliwanag ang sketch. Subalit, hindi komportable ang tayong ito dahil baliktad ang sketch mula sa kanyang anggulo.Tumuro si Wesley sa kanyang kanang tabi. “Halika at tumayo rito.”Nang makuha ang pahintulot ng lalaki, naglakad si Catherine palagpas ng mesa at pumunta sa kanang tabi ng lalaki. Yumuko siya, iniunat ang daliri para magamit panturo. “Nag-alala ako na baka hindi sapat ang espasyo para ilagay ang bookshelves, kaya nag-ayos ako ng isang pang hanay rito…”Tumitig si Wesley sa
Read more
Kabanata 74
Sandaling natigilan si Catherine. Ng nakangiti, sinabi niya, “Madam, sa tingin ko nagkakamali ka. Medyo mataba lang ang pusa ko.”“Sa tingin ko hindi. Nakasalubong ko ang asawa mo kanina at tinanong ko pa siya tungkol dito. Inamin ng asawa mo na ang pusang ito ay buntis.”“Asawa ko?”Si Shaun ba ang tinutukoy ng babae?Totoo, paminsan-minsan ay nilalakad ni Shaun ang pusa. Gayunpaman, hindi buntis si Fudge.“Madam, sigurado akong nagkakamali ka na si Shaun ‘yun.”“Malabong mangyari ‘yan. Siguro ay medyo far-sighted ako, pero ang itsura ng asawa mo ay walang katulad. Wala sa neighborhood na ito ay kahawig niya. Kahit ang mga artista sa TV ay hindi kasing gwapo niya. At isa pa, ang pusa ko ay pamilyar sa pusa mo dahil maraming beses na silang nakapaglaro.” Habang nagsasalita ang babae, lumapit ang pusa nito. Mabilis na nagmeow si Fudge para batiin ang pusa. Mukha silang malapit na tila dati nang magkakilala.Si Catherine ay tuluyan nang pinanghinaan ng loob. Buntis si Fudge?Sa
Read more
Kabanata 75
”Huwag ka nang magpanggap! Sinabi mo sa kapitbahay na buntis si Fudge. Nang pumunta ako sa vet para magtanong tungkol dito, sinabihan ako na malapit na siyang manganak. Nagsuka siya dahil lang sa buntis siya hindi dahil sa pagkaing hinanda ko.”Mas nainis si Catherine habang nagsasalita siya. Biglang sobrang nagalit ang babae. “Shaun, sa tingin mo ba nakakatuwa na lokohin ako sa pagtrato sakin na parang bobo?”Nanging magulo ang ekspresyon ni Shaun. Medyo napahiya siya.“Catherine, dapat lang na makuha mo ‘to nang malinaw. Ikaw ang may gusto lumipat dito bago ang lahat, at tinupad ko lang ang hiling na ‘yon sa pagbibigay sa’yo ng pagkakataong pasayahin ako.”“So dapat bang pasalamatan kita sa pagsisinungaling sa akin…” Nagngalit ang ngipin ni Catherine.“Hindi ka ba natuwa na nabigyan ka ng pagkakataong lumipat sa lugar na ‘to dati? At saka, niligtas pa kita dalawang beses matapos ‘nun. Kung hindi dahil sakin, sa tingin mo nandito ka pa at kinakausap ako ng buo?”Sumimangot si Sh
Read more
Kabanata 76
Pinilit ni Catherine na maglakad pabalik sa villa ni Wesley para mangasiwa sa renovation progress.Nanatili siya sa site buong araw. Dumaan si Wesley nung hapon para mamigay ng regalo bilang token of appreciation sa pagsisikap ng mga tauhan.Naoverwhelemed siya sa makapal na envelope na inilagay sa kanyang mga kamay. “President Lyons, ang regalong ito ay higit pa sa karapat dapat sa akin.”“Ito ay simpleng maliit na token of appreciation.” Inaral ng lalaki ang mukha ng babae. “Mukhang hindi mabuti ang lagay mo. May sakit ka ba?”“Sipon lang siguro.”“Magday off ka at magpahinga. Naniniwala akong magpapatuloy ang renovation ayon sa schedule. Hindi ako masamang boss.” Ang boses niya ay mahina at marahan.Tumango ang babae. Ang isang tagalabas ay mas maalalahanin kaysa kay Shaun na nakatira kasama siya.Hindi man lang nagtanong si Shaun tungkol sa pakiramdam niya.Siguro ay sorang kinamumuhian na talaga ng lalaki ang babae ngayon, so bakit pa ito mag-aabala?Ang isang babae ay hi
Read more
Kabanata 77
Isang oras na ang nakalipas mula nang makauwi si Shaun galing sa trabaho ngunit wala pa ring bakas kung nasaan si Catherine. Nawalan na rin siya ng pakialam kay Fudge. Mukhang sinasagad niya talaga ang hangganan.“Halika, Fudge. Sumama ka sa akin mamili ng prutas.”Binitbit niya ang pusa sa kanyang mga braso.Nagmeow si Fudge ng ilang beses para tumanggi. Ang buntis na pusa ay tumangging lumabas, pero dinala pa rin siya ng lalaki. Maraming pamilihan na makikita sa main entrance ng neighborhood. Wala sa ulirat na pumasok si Shaun sa isang bilihan ng prutas. Tinignan niya at sinuri ang mga prutas pero hindi sigurado sa kung ano ang bibilhin.Bakit wala pa sa bahay si Catherine?Ang babaeng may-ari ng bilihan ng prutas ay nakatayo sa may pinto at palihim na humahanga sa walang katulad ang kagwapuhan na binata.Ano ang nangyayari rito? Nagpaikot ikot ang lalaki sa pamilihan mas maraming beses pa sa kaya niyang bilangin ngunit walang binibili. Napansin din ng babae na pasulyap sulya
Read more
Kabanata 78
”Alam kong ako ang asawa mo sa batas, pero kahit kailan ba ay trinato mo na ‘ko na parang isang asawa?” pangungutya ni Catherine. “Sa opinyon mo, isa lang akong walang hiyang babae, mas mababa sa lahat ng kakilala mo.”Pati na rin si Ethan at si Rebecca.Kung ganon ang kaso, bakit niya pa kailangang magkompromiso?Nagalit si Shuan sa mapagmataas na ugali ng babae. “Mabuting alam mo ‘yan…”“Tama. Hindi ko alam ‘to dati at patuloy na inisip na baka may pagkakataon ako. Hayaan mo na lang akong mag-isa simula ngayon! Nakakontrata lang naman ang kasal natin kung sabagay. Hindi pa nga sana magtatagpo ang landas natin kung hindi ko pinilit ang sarili kong tumira rito.”“Mabuti naaalala mo na ipinilit mo ang paraan mo para makapunta rito.” Malupit ang tono ng lalaki. “Ayoko na ring magkaroon pa ng kahit ano sa’yo. Ayoko lang mahawa pa ng maduming sakit na dala mo pauwi matapos ito makuha sa ibang lugar.”Ha… Madumi.Naramdaman niya ang kanyang dugo na dumaloy paakyat ng kanyang ulo. Mak
Read more
Kabanata 79
Sa wakas ay malaya na si Catherine.40 minuto ang lumipas, lumitaw siya sa lugar ni Freya.Ang buhok ni Freya ay magulo. Inaantok na humikab ito sa hindi inaasahang bisita. “May pagtatalo na naman kayo? Ilang araw mong pinaplanong manatili rito ngayon?”“Seryoso na ito ngayon. Hindi na ako muling babalik doon.” Nagpalit si Catherine ng pambahay na tsinelas bago pumasok.“Nagbibiro ka. Sinakripisyo mo ang kasal mo at ngayon nagbago na ang isip mo?”Itinikom niya ang kanyang maputlang mga labi bago ipinilit ngumiti ng mapait. “Hindi lahat ng usapan ay garantisadong may kita. Iisipin ko ito bilang hindi nagtagumpay na investment.”Talagang ikinagulat ito ni Freya. “Seryoso ka ba?”“Oo.” Tinilapon ni Catherine ang kanyang sarili sa sopa. Mukha pa rin siyang masama ang pakiramdam at pagod. “Pagod ako. Sobrang, sobrang pagod.”Kumunot ang noo ni Freya. “Sinisipon ka ba?”“Oo.” Nilabanan ni Catherine ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Napansin ito ng lahat bukod sa kanya. Hilin
Read more
Kabanata 80
Golf course.Boom! Inindayog ni Shaun ang gold club at ang bola ay mabilis na nawala sa kalayuan.Si Chase, na nakatayo sa gilid, ay naramdaman ang dumaang ihip ng hangin at walang kontrol na nanginig.Mula ng iwan ni Catherine ang lalaki, si Shaun ay nagtatampong kagaya nito bawat araw. Nagagalit na si Chase dahil dito.“Hindi pa bumabalik si Catherine?”“Wala na ‘yun sa akin kung patay siya o buhay.” Si Shaun ay suminghot ng paghamak bago maglakad papunta sa harap. Sa isang iglap ay biglang kumalam ang tiyan niya.Kinamot ni Chase ang dulo ng ilong nito. “Alam ko sanay ka sa pagkain niya, pero hindi mo dapat ginugutom ang sarili mo ngayon na umalis na siya…”“Hindi ko ginugutom ang sarili ko,” sagot ni Shaun, tunog na halatang naiinis. “Sa wakas ay mapapanatili ko ang pagiging fit ko ngayong umalis na siya.”“...”Namuo ang pawis sa noo ni Chase. Hindi pa niya natutuklasan ang parteng ito ng kanyang kaibigan.Bigla niyang hinangaan si Catherine na natiis nitong mabuhay kasam
Read more
PREV
1
...
678910
...
235
DMCA.com Protection Status