Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1671 - Kabanata 1680
1747 Kabanata
Kabanata 1671
Tiningnan siya ni Little Cupcake. Nagulat siya.Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik siya sa kaniyang sarili Wala siyang sinabi. Dinala lang niya ang kaniyang mga gamit at tumalikod para umupo sa tabi ng iba niyang kaklase.Ayaw niya rin itong gawin, pero ayaw niya talagang i-share ang mommy niya sa iba.Tinanong siya ng bago niyang deskmate na si Little Snowy, “Huh? Hindi ba’t magkaibigan kayo ni Sirius Night? Bakit hindi mo siya pinapansin ngayon?”Sumandal si Little Cupcake sa mesa at pahikbing sinabi, “Boring siya.” Hindi siya isang hangal para sabihin sa iba ang tungkol sa alitan sa pagitan nila ni Sirius.Sumang-ayon si Little Snowy sa sinabi niya, “Ngayon mo lang ba nalaman iyan? Alam naming lahat na boring siya. Hindi siya nakikipaglaro sa amin. Loner siya. Minsan, hindi siya nakikinig sa teacher. Napakayabang niya, Narinig kong ganiyan siya dahil sa daddy niya…”“Huh? Dahil sa daddy niya?” Naalala ni Little Cupcake ang masamang tito.Oo, ang sabi ng mommy niya ay masama
Magbasa pa
Kabanata 1672
“Mommy, nakakaawa po si Sirius,” Bumuntong-hininga si Little Cupcake.Naguluhan si Quincy matapos marinig ang sinabi nito. “Bakit mo nasabi iyan?”“Iniwanan siya ng mommy niya, at walang pakialam sa kaniya ang daddy niya. Hindi nagpakita ng pag-aalala sa kaniya ang daddy niya kahit na nagkasakit siya.”Naintindihan na rin ni Little Cupcake kung bakit loner si Sirius. Kulang siya ng atensyon at pagmamahal, kaya hindi ito nagtitiwala sa mga taong nasa paligid niya.Kumirot ang puso ni Quincy sa sakit matapos marinig ang sinabi ni Little Cupcake. Gusto niyang sumagot at sabihin na hindi inabanduna si Sirius ng mommy niya. Gayunpaman, hindi niya dapat sabihin kay Little Cupcake iyon.Kasabay nito, matagal na niyang alam na hindi nararapat na maging ama si Dayton. Kung hindi ay hindi sana magiging autistic ang anak niya sa ilalim ng pangangalaga nito.“Ibig sabihin ay pumapayag ka ng maging mommy niya ako?”Kahit na ayaw na ayaw talaga ni Little Cupcake na maging nanay siya ni Siriu
Magbasa pa
Kabanata 1673
Nadatnan niya si Sirius na bumubuo ng isang plane model matapos niyang buksan ang pinto at pumasok sa kwarto nito. Nakaupo nang tuwid ang maliit nitong katawan sa harapan ng isang malaking mesa. Mag-isa lang ito. Napakalungkot nitong tingnan.Tumalikod si Sirius matapos marinig ang boses sa likuran niya. Kumunot ang noo niya nang makita niyang pumasok sa kwarto si Little Cupcake. “Sinabi ko ng ayaw kitang makita. Bakit hindi ka pa umaalis?”“Nalaman kong mayroon kang sakit, kaya nagpunta ako rito para makita kung ano ang kondisyon mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Ilanga raw na itong hindi pumapasok sa eskwelahan.Walang eskpresyon siyang tiningnan ni Sirius. “Pinutol mo na ang pagkakaibigan natin, hindi ba? Bakit mo ito ginagawa?”Pinantayan ni Little Cupcake ang tingin ni Sirius. Matapos ang maikling sandal, sinabi niyang, “Napag-isipan ko nan ang mabuti. Pumapayag na akong maging mommy mo ang mommy ko.”Hindi siya dumiretso sa punto, pero naintindihan ni Sirius ang sinabi n
Magbasa pa
Kabanata 1674
Napansin ni Quincy na kanina pa mayroong nakabuntot na kotse sa likuran niya. Mukhang sinusundan siya ng kotse na ito.Naningkit ang kaniyang mga mata at tinitigan sa rearview mirror ang kotseng malapit nang makaabot sa kaniya. Nakita na niya ang kotseng ito noon. Ito ang kotse ni Dayton noong pumunta ito sa bahay niya para sunduin si Sirius nang umagang iyon.Mayroon siya biglang naisip. Masama ito. Siguradong Nakita siya ni Dayton.Nang malapit na siyang maabuta ng kotse sa likuran, tinuon niya ang atensyon sa harapan at binuksan ang taillights ng kotse. Saka siya lumiko at nagpunta sa ibang direksyon. Kasabay nito, binilisan niya rin ang pagmamaneho.Sa pagliko niya, nagawa niyang makalayo nang kaunti sa kotseng nasa likuran. Gayunpaman, mabilis na umikot ang kotse at sinundan siya.Nanigas ang ekspresyon ni Quincy. Kumpirmado na niya na kay Dayton Night nga ang kotseng iyon.Nag-dial siya ng isang numero habang mabilis na minamaneho ang kotse. “Terry, mayroong sumusunod sa akin. Ma
Magbasa pa
Kabanata 1675
Alam niya kung saan ang bahay ni Little Cupcake. Marahil ay nag-short-circuit din ang utak niya. Bakit niya kailangan na habulin ang kotseng iyon? Hindi ba’t mas maganda kung didiretso na lang siya sa bahay nila para mahuli sila?…Naalis na ni Quincy ang kotseng sumusunod sa kaniya. Gayunpaman, alam niyang hindi susuko si Dayton sa paghabol sa kaniya. At saka, alam na nito kung saan sila nakatira ni Little Cupcake.Kaya naman, hindi niya pwedeng iuwi si Little Cupcake ngayon.Inutusan ni Dayton ang tauhan niya na bumaba sa kotse. Saka siya nagmaneho nang mabilis papunta sa bahay ni Little Cupcake.Nang dumating ang kotse niya sa entrance ng bahay nila, nakita niya ang pagdating ng kotse. Iyon ang kotse na bigo niyang mahabol kanina!Ngumisi siya. Paano na ito magtatago mula sa kaniya?Dumiretso ang kotse imbes na umikot. Naningkit ang mga mata niya at tinuon ang tingin sa driver’s seat.“Kapag tumakas siya, banggain mo kaagad ang kotse niya!” Malakas niyang sigaw sa kaniyang tauhan.H
Magbasa pa
Kabanata 1676
Tinitigan ni Dayton ang batang babae na napaka inosente ng mukha. Naningkit ang mga mata niyang mayroong bahid ng panganib.“Bibigyan kita ulit ng pagkakataon. Sabihin mo sa akin, mommy mo ba ang nagmamaneho ng kotse kanina?” Mababa ang tono niya nang magtanong.Kumurap ang itim na mga mata ni Little Cupcake habang nakatingin kay Dayton at saka tumango. “Siya ang mommy ko.”Nagliwanag ang mga mata ni Dayton. “Nasaan siya?” Kaagad niyang tanong.Tinuro ni Little Cupcake si Renee at sinabing, “Hindi ba’t naroon siya?”Muling nagdilim ang ekspresyon ni Dayton. Bakit parang niloloko siya ng batang ito?“Hindi siya ang mommy mo. Huwag mong isipin na wala akong alam!” Malakas niyang sigaw. Naiinis na siya.Nairita si Renee nang marinig ang sinabi ni Dayton. “Sino ang nagsabi sa iyo na hindi ako ang mommy niya?”Malamig siyang tiningnan ni Dayton at nagtanong, “Ikaw ba ang tunay niyang ina? Dapat ba akong magsagawa ng paternity test sa inyong dalawa?” Upos na ang pasensya niya.Nagki
Magbasa pa
Kabanata 1677
“Ate Quincy, ano na ang dapat nating gawin ngayon? Kailangan ko bang tawagin yung mga tauhan ko para sila na yung makipaglaban para mailigtas si Little Cupcake?” Tanong ni Renee.Umiling si Quincy at nagsalita, “Hindi mo na kailangan isipin ‘yan. Ako na ang bahala rito. Ako ang mag-uuwi kay Little Cupcake.”Labis na nag-aalala pa rin si Renee. “Ano kaya ang gagawin niya sa kaniya pagtapos niya itong kidnapin nang ganito na lang?”“Wala siyang gagawin.” Alam ni Quincy na dinakip niya si Little Cupcake para pilitin siyang magpakita. Kaya naman, hindi niya sasaktan si Little Cupcake.Sinuri siya ni Renee gamit ang mga mgata niya. “Bakit parang kilalang-kilala mo siya?”Nagising sa katotohanan si Quincy at sinabing, “Kung tutuusin, siya ang business enemy ko. Kaya natural lang para sa’kin na mas intindihin siya.”Naniniwala si Renee sa kaniya matapos niyang sabihin ang lahat ng ito. “Oo, alam mo naman kung gaano ka-traydor ‘yan.”Nagdilim ang paningin ni Quincy. “Sandali lang, Dayton Night
Magbasa pa
Kabanata 1678
Tumalikod si Dayton para tingnan ang kaniyang anak. Walang maririnig na tuwa o galit sa kaniyang boses. “Mommy mo na ngayon ang nanay niya?”Pinagmasdan ni Sirius ang walang emosyong ekspresyon sa mukha ng kaniyang ama. Bilang anak nito, alam niyang kapag mas kalmadong tingnan ang tatay niya, parang isa itong masamang pangitain sa paparating na bagyo.Gayunpaman, bilang anak nito, hindi siya natatakot sa kaniyang ama.Bahagya siyang tumingala at sinabing, “Oo, mommy ko na ngayon ang mommy niya. Siya na rin ang magiging mommy ko sa mga susunod pang panahon. Magiging mabuting anak ako sa kaniya!”“Ikaw…” Tinaas ni Dayton ang kamay at sinubukang sampalin sa mukha si Sirius. Sobra ang galit niya ngayon!Kung wala sa tabi niya ang butler at hindi siya nito nahawakan kaagad, nasampal niya sa mukha si Sirius.“Young Master, napakabata pa ni Little Young Master. Bata pa ang isipan niya. Huwag niyo siyang saktan.”Tinabig ni Dayton ang kamay ng butler at tinulak ito. Malamig siyang sumin
Magbasa pa
Kabanata 1679
Kinuha niya ang pinakamagaling na hackers sa mundo para idesenyo ang security system ng kumpanya, pero sa isang gabi lang ay nahack ito. Ang laki ng nawalang pondo sa kaniya!“Nasa gitna na ng tracking ang technical team, pero napakatuso ng kalaban natin. Siguradong napakagaling niyang hacker. Hindi namin makukuha ang eksakto niyang kinaroroonan ngayon!”“Kung hindi natin mapipigilan ang fund transfer na ito at mabawi ang pera, umalis na lang kayong lahat!” Binaba niya ang tawag at tumalikod para kunin ang kaniyang suit jacket. Kailangan niyang magpunta sa mga nasirang business venues.Sino ang gustong sumira sa kaniya nang ganito kalaki?Maghintay ka lang!Habang nagmamadali siyang lumabas ng bahay, bilang lumitaw sa harapan niya ang inosente at maamong mukha ni Little Cupcake. “Tito, aalis kayo?”Sobra siyang naiinis ngayon. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ang maamo nitong mukha. Hindi niya mapigilang magtanong, “Gusto ka pa ba ng mommy mo?” Ilang araw na ang lumipas, p
Magbasa pa
Kabanata 1680
Natuwa nang sobra si Little Cupcake nang malaman niyang susunduin na siya ng mommy niya.Kailangan niya kaagad puntahan si Sirius.“Sirius, tinawagan ako ni Mommy. Sinabi niyang susunduin niya tayo mamaya. Bilisan mo na at mag-impake ka na. Sumama ka sa amin,” Sabi niya habang binubuksan ang closet ni Sirius. Naglabas siya ng isang suitcase at tinulungan si Sirius na mag-impake.Hindi gumalaw si Sirius. Tiningnan niya si Little Cupcake at nagtanong, “Bumalik na ang mommy mo?”Tumango si Little Cupcake at sinabing, “Uh-huh, bumalik na siya.”“Kung ganoon, kailangan kong sabihan ang daddy ko para magkita sila ni Mommy.” Iniisip pa rin ito ni Sirius.Hinawakan siya ni Little Cupcake pagkatapos itong marinig. “Huwag mong gawin iyan. Kapag sinabi mo iyan sa daddy mo, siguradong pipigilan niya tayong makaalis.”Nasa katwiran ang mga sinabi ni Little Cupcake. Kumunot ang noo ni Sirius at sinabing, “Pero nangako ako kay Daddy na pagkikitain ko sila.”“Uh…bakit hindi ganito ang gawin na
Magbasa pa
PREV
1
...
166167168169170
...
175
DMCA.com Protection Status