Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1741 - Kabanata 1747
1747 Kabanata
Kabanata 1741
Tinitigan siya ni Yvonne. Bigla siyang nawalan ng sasabihin.Tinulak si Quincy pabalik sa kaniyang kwarto. Sinarado ang kaniyang pinto. Narinig niya ang tunog ng lock mula sa labas.Bwisit, Dayton Night. Inutusan nito ang mga tauhan na ikulong siya. Tuluyan na siyang nawalan ng kalayaan.Wala ng ideya pa si Quincy. Hindi na lang siya kumain. Mas gusto niya pang mamatay kaysa ikulong ni Dayton.Hindi na siya kumain.Kaagad na sinabi ng mga tauhan ni Dayton ang sitwasyon sa kaniya. Gusto niyang pumunta at makita si Quincy, pero wala na talaga siyang anumang lakas ngayon.“Dalhin mo siya rito.” Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang utusan sila na dalhin sa kwarto niya si Quincy.Bago dumating si Quincy, nagpatulong siya kay Yvonne na dalhin siya sa sofa upang maka-upo siya. Hindi niya hahayaang makita siya ni Quincy na nanghihinang nakahiga sa kama.Hindi mapigilang magtanong ni Yvonne, “Bakit kailangan mo itong gawin? Pinapahirapan mo ang sarili mo sa pagpapanggap sa harapan ni
Magbasa pa
Kabanata 1742
Namula ang mukha ni Quincy sa sobrang galit. Kung hindi siya hawak ng mga bodyguards ni Dayton, siguradong sinasakal niya ito ngayon hanggang sa mamatay!Si Yvonne na nanonood sa kanila ay hindi na kaya pang patuloy silang panoorin. Sobra siyang naiilang bilang ibang tao. Kaya naman, tumayo siya at sinabing, “Kumain kayo nang dahan-dahan.” Umalis siya sa kwarto pagkatapos magsalita.Hindi niya talaga maintindihan ang katulad ni Dayton Night. Bakit ba pinipilit niya ang sarili niya kay Quincy Lane?Mapilit siyang lalaki. Gayunpaman, siguradong isa siyang bangungot para kay Quincy.Nakikita niya kung gaano kagalit si Quincy kay Dayton. Kung hindi ay hindi nito gagawing hostage si Lennon. Gusto nitong umalis sa islang ito.Marahil hindi lang tungkol sa pagbibigay ang pag-ibig. Mayroong mga klase ng pag-ibig na posas at pagkukulong ang nagbibigay ng kahulugan.Hindi lang kinukulong ni Dayton si Quincy, kinukulong niya rin ang sarili.Marahil, ito ang huling hiling niya sa buhay niya
Magbasa pa
Kabanata 1743
“Doctor Leif, hali kayo at tingnan niyo ang Young Master. Nagsuka siya ulit ng dugo,” Sabi sa kaniya ng isa sa mga tauhan ni Dayton nang makita nila si Yvonne.Lumapit si Yvonne sa harapan ni Dayton. Nakita niya ang dugong sinuka nito sa sahig. Hindi na siya nagulat pa.“Masanay na dapat kayo sa ganito. Lalo na’t madalas na itong mangyayari sa susunod.”Natulala ang mga tauhan ni Dayton. Anong ibig sabihin nito? Dadalas ang pagsusuka ng dugo ng Young Master?Sumandal si Dayton sa sofa na nasa likuran niya at pinikit ang mga mata. Wala na siyang lakas para magsalita pa.Hindi na siya gustong pagalitan ni Yvonne matapos makita ang kasalukuyan niyang kondisyon. Alam niyang matagal nang sumuko si Dayton sa sarili. Hinihintay na lang nito ang kamatayan.Kaya naman, hindi siya nagmamadaling bigyan ito ng acupuncture treatment.Mayroon biglang dumagundong…Umalingawngaw ang ingay sa labas. Kaagad na dumilat ang mga mata ni Dayton. Parang mayroong eroplanong dumating?Kaagad niyang si
Magbasa pa
Kabanata 1744
Malamig na pinagmasdan ni Quincy ang direksyon na iyon. Matapos ang ilang sandali, sinabi niyang, “Tara na.”Hindi alam ni Terry kung anong tinitingnan kanina ni Quincy. Napansin niya lang ang masamang ekspresyon sa mukha nito.Sinundan niya ito at tinanong, “Miss, nasaan ang gagong si Dayton Night? Dapat ko ba siyang personal na hulihin?” Hindi niya inisip na pakakawalan ni Quincy si Dayton.Hindi huminto si Quincy sa paglalakad. “Ayos lang. Alam ko kung anong gagawin sa kaniya.”Mayroong bahid ng karahasan sa malamig niyang boses. Bahagyang natigilan si Terry. Tila mayroon siyang naintindihan. Hindi na niya kinausap pa si Quincy pagkatapos nito.Hinihintay sila ng helicopter sa labas. Sumakay sina Quincy at Terry sa helicopter.Sa baba nila, napakagulo ng isla. Wala nang makakapigil sa kaniya na umalis ngayon.“Miss, babalik na ba tayo?” Tanong ni Terry.Sinulyapan ni Quincy ang sitwasyon sa baba at tiningnan si Terry. Mayroong napakahinahong ekspresyon sa kaniyang mukha. “Na
Magbasa pa
Kabanata 1745
Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Dayton habang nakatulala sa direksyon ng isla. Nakatikom ang kaniyang mga labi. Wala siyang balak na magsalita.Ayaw niyang umalis sa isla. Pinwersa siyang umalis ni Yvonne at mga tauhan niya.“Mas gusto kong manatili sa isla,” Sabi niya.Gulat siyang tiningnan ni Yvonne. Matapos ang ilang segundo, mapanghamak siyang tumawa. “Gusto mong bagsakan ka niya ng bomba at mamatay, tama? Mas maganda iyon kaysa tiisin ang hirap ng sakit mo, tama?”Matapos ang sandaling katahimikan, sumagot si Dayton, “Utang ko iyon sa kaniya.”Hindi rin naman magtatagal ang buhay niya. Tutuparin na lang niya ang hiling ni Quincy at hayaan itong personal siyang patayin.Hindi siya magkakaroon ng pagsisisi kung mamamatay siya sa mga kamay nito.Hindi mapigilan ni Yvonne na sampalin ang sarili. Saka niya malakas na pinagalitan ang sarili, “Bakit ako nagiging pakialamera?! Bakit ko pinipilit na iligtas ka ngayong gustong-gusto mong mamatay?! Napakatanga ko!”Pinagsisisihan
Magbasa pa
Kabanata 1746
Malalim pa rin ang iniisip ni Quincy nang tumawag ang secretary niya sa internal phone line. Sinabi sa kaniya ng secretary niya na isang babaeng nagngangalang Yvonne Leif ang narito para makita siya.Kumunot ang noo niya. Yvonne Leif?Matapos mag-isip nang ilang sandali, naalala na rin niya. Si Yvonne Leif ba ang kasamang babae ni Dayton?Bakit siya hinahanap nito?Kung hindi ito namatay, ibig sabihin ay si Dayton Night…Lumukso ang puso ni Quincy. Sinabi niya sa secretary niya na papasukin kaagad si Yvonne.Nang dumating si Yvonne sa opisina niya, nakatitig lang si Quincy sa kaniya. Mayroon itong anino. Hindi ito multo o espiritu…Maayos ang kondisyon ni Yvonne mula ulo hanggang paa. Wala rin itong injury.Nagawa ba nitong iwasan ang pagpapasabog sa isla?Nakasuot si Yvonne ng isang pares ng sunglasses at mayroong hawak na kahon. Mayroon nakasabit na handbag sa kaniyang kamay. Matapos ang maikling sandali, tumayo siya sa harapan ng office desk ni Quincy.Saka niya hinubad an
Magbasa pa
Kabanata 1747
“Nakumpleto ko na lahat ng huli niyang mga hiling. Iyon lang.” Sinulyapan sa huling pagkakataon ni Yvonne si Quincy na balot pa rin ng gulat. Saka siya umalis sa opisina.Walang sinabi si Quincy para panatilihin si Yvonne. Tinitigan niya lang ang kahon ng abo.Matagal niyang tinitigan ang kahon ng abo. Tinanong siya ni Terry, “Miss, naniniwala ba kayo na abo ito ni Dayton Night?”Lumingon siya kay Terry. Ang totoo, hindi talaga siya naniniwala.“Bakit hindi niyo muna tingnan ang mga assets na nilipat niya sa inyo para makita kung totoo iyon?” Mungkahi ni Terry.“Tulungan mo akong asikasuhin ito.” Inabot niya ang makapal na pile ng dokumento kay Terry upang ma-verify niya ito.“Aalis na ako ngayon.” Kaagad na umalis si Terry sa opisina.Tinitigan ni Quincy ang kahon ng abo at mahinang bumulong, “Dayton Night, anong sinusubukan mong gawin ngayon?”Nagulat siya nang sabihin ni Terry sa kaniya na talagang nilipat ni Dayton ang lahat ng assets at finances nito sa kaniya matapos ma-v
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status