Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1681 - Kabanata 1690
1747 Kabanata
Kabanata 1681
“Tama iyo, kaya naming magdesisyon para sa mga sarili namin!” Dagdag ni Little Cupcake at saka hinigpitan ang hawak niya sa kamay ni Sirius. Lumabas silang dalawa habang magkahawak ang kamay.Hinabol sila kaagad ng butler. “Little Young Master, bumalik kayo…” Tumalikod siya at inutusan ang mga taga silbi na nakatayo sa gilid, “Tawagan niyo na kaagad ang Young Master. Sabihan niyo rin ang mga bodyguards na lumabas ng bahay!”Malaki ang kapalit ng insidenteng ito. Naisip niyang kailangan niyang paaksyunin ang mga bodyguards kung hindi niya magagawang pigilan nang mag-isa ang Little Young Master.Nakarating na sina Little Cupcake at Sirius sa gate. Nakita nila ang isang kotse na nakaparada sa labas ng gate. Mayroong ilang mga kotse.Bumaba si Quincy mula sa kotseng nasa harapan at kinawayan ang dalawang bata. “Hali kayo, iuuwi ko na kayo.”“Mommy…” Masayang tumakbo palapit si Little Cupcake nang makita niya ang mommy niya.Dahan-dahan na lumapit si Sirius habang seryoso ang ekspresy
Magbasa pa
Kabanata 1682
Kinuha ni Quincy ang isang baril mula sa isa sa kaniyang mga tauhan at pinaikot-ikot ito sa kamay.Sa harapan niya, nagbago ang ekspresyon ng butler.“Kailangan kong kunin si Sirius ngayong araw. Kung mayroon man pipigil sa akin, babaliin ko ang mga binti niyo,” Walang emosyon niyang sabi. Parang isa siyang walang-awang demonyo.“Young Madam…Hindi niyo ito pwedeng gawin…” Pinunasan ng butler ang pawis sa kaniyang noo. Imposible para sa kaniya na hindi matakot.Biglang tinutok ni Quincy ang baril sa ulo ng butler at sinabing, “Paalisin mo ngayon ang mga tauhan ni Dayton. Kung hindi, babarilin ko ang bawat isa sa inyo at gagawin kayong mga inutil lahat!”Sa mga nakalipas na taon, masigasig siyang nag-aral ng shooting habang nasa overseas. Ginawa niya iyon upang magkaroon siya ng lamang kay Dayton kapag kinalaban niya ito.Hindi niya minaliit ang kakayahan ni Dayton. Hindi magiging madali sa kaniya ang matalo ito.Naramdaman ng butler ang kalupitan sa mga tingin ni Quincy. Kaya nit
Magbasa pa
Kabanata 1683
“Natatakot kang palayuin kita kay Sirius, tama?”“I…” Mas lalong yumuko si Little Cupcake nang mahulaan ni Quincy ang iniisip niya.Hindi napigilan ni Quincy na batukan siya. “Ganoon ba ako kawala sa katwiran? Si Sirius ay si Sirius, at ibang tao ang masamang tito na iyon. Hindi kayo pagbabawalan na maging kaibigan dahil lang sa daddy niya.”“Opo, si Mommy ang the best.” Malambing na yumakap si Little Cupcake kay Quincy.Si Sirius na nakikinig sa usapan nila sa gilid ay kumunot ang noo at nagtanong, “Kilala niyo na si daddy bago pa ito?”Hindi alam ni Quincy ang sasabihin. Napakakumplikado ng relasyon niya sa tatay ni Sirius. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.“Hindi namin siya kilala. Sinubukan niyang ligawan si Renee, pero siya bagay sa kaniya,” Sabi ni Little Cupcake.Mas nagsalubong ang mga kilay ni Sirius. Hindi lang nagpunta sa isang blind date ang daddy niya pero mayroon din itong nililigawan na ibang babae?Anong karapatan nitong tutulan ang desisyon niy
Magbasa pa
Kabanata 1684
Tumalikod si Quincy para tingnan ang anak matapos niyang marinig ang sinabi nito. Seryoso ang ekspresyon sa maliit nitong mukha. Mayroon din determinasyon sa mga mata nito.Kumabog ang puso niya. Tinuring na ba siya nito bilang mommy niya sa loob lang ng maikling panahon?Gaano ba kasama ang pagtrato sa kaniya ni Dayton sa mga nakalipas na taon?Base sa reaksyon nito, ayaw na ba nitong maging daddy pa si DaytonGayunpaman, mabuti rin ito. Noong una, nag-aalala siya na hindi magagawang masanay ng anak niya sa kaniya. Natatakot siya na gustuhin nitong bumalik kay Dayton pagkatapos lang ng ilang araw.Ngayon, mukhang hindi niya kailangang mag-alala sa problemang ito.Tinanguan niya ang batang lalaki at sinabing, “Sige, naiintindihan ko. Hindi ko hahayaang madali ka niyang makuha.”Lumapit si Little Cupcake at hinawakan ang kamay ni Sirius. Saka niya sinabing, “Huwag kang mag-alala at dito ka lang sa amin, Sirius. Simula sa araw na ito, isa na tayong pamilya. Hindi mo kailangan na m
Magbasa pa
Kabanata 1685
Mapanghamak siyang tiningnan ni Quincy at sinabing, “Akala ko ay magtatago ka lang dahil ayaw mong lumabas.”Hindi ba’t walang tigil siya nitong hinahanap at pinipilit na makita siya?Ngayong handa na siyang humarap sa kaniya, ang lakas ng loob nitong magtago sa loob ng kotse at magpanggap na ayaw siya nitong makita?Maraming pagkakataon kung saan hindi niya mabasa ang isipan nito. Hindi niya maintindihan ang karamihan sa mga ginagawa nito.Tumayo sa harapan niya si Dayton. Nakita na rin niya nang malapitan si Quincy. Makikita sa mga mata at kilay nito ang panghahamak. Hindi siya naging komportable sa ekspresyon nito.Kumunot ang noo niya at sinabing, “Bumalik ka na.” Tinaas niya ang kamay at sinubukan siyang yakapin.Napaatras si Quincy at madaling iniwasan ang kamay ni Dayton. Masama niya itong tiningnan at ngumisi, “Nagmamadali ka bang patayin ako?”Nanatiling nasa ere ang kamay ni Dayton, nakakalungkot itong tingnan. Matapos ang sandaling pag-aalinlangan, binawi niya ang kam
Magbasa pa
Kabanata 1686
Pinasok ni Dayton ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at bahagyang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan niya.Nakikita niyang galit na galit ito. Mukhang ayaw na ayaw sa kaniya nito. Lalo na, sa mga mata ni Quincy, pinatay niya ang mga magulang niya at kinuha ang lahat ng pagmamay-ari ng pamilya niya.Gayunpaman, ang mga Lane din ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang at tahanan nila.Magkaribal silang dalawa. Gayunpaman, miserable silang nakadugtong sa isa’t-isa.Nakikita niyang ibang tao na si Quincy kumpara noong nakaraang apat na taon. Mararamdaman ang kalupitan mula sa kaniya. Alam rin nito kung paano magplano. Hindi na siya ang walang muwang na young miss na padalos-dalos lamang sa lahat ng bagay.“Ikaw pala ang tao sa likod ng Clover Corporation,” Pagkumpirma niya.Dahil nagdesisyon na si Quincy na magpakita kay Dayton, hindi siya natatakot na ipaalam ang totoo niyang pagkatao at kung anong balak niyang gawin.“Oo, ako
Magbasa pa
Kabanata 1687
Sa mata ni Quincy, ganito lang ang reaksyon ni Dayton dahil gusto nitong protektahan si Tia Smith,Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Dayton. “Hindi ako nagpapanggap.”Nagpadala siya ng mga tauhan niya para imbestigahan ang dahilan ng sunog sa ospital. Gayunpaman, nasira ang lahat ng surveillance cameras dahil sa sunog, kaya walang paraan para malaman niya kung sino ang salarin.“Tamam, kahit ano pa man ang mangyari, malayo kayong magkamag-anak. Kahit na gusto mo siyang pahirapan, kailangan mo rin makuha ang pahintulot ng tita mo.”“Babalik ako at titingnan iyan. Kung siya nga talaga, babayaran kita nang maayos,” Mabigat ang ekspresyon ni Dayton habang sinasabi ito.“Babayaran?” Makahulugang ngumiti si Quincy. HIndi niya mapigilang mamangha. “Paano mo ako babayaran? Susunugin mo rin ba siya nang buhay?”Tiningnan siya ni Dayton sa mga mata at seryosong sinabing, “Kung gusto mong gawin ko iyon, kaya kong gawin iyon.”Pinantayan ni Quincy ang tingin niya at walang sinabi. Puno n
Magbasa pa
Kabanata 1688
Kumulot ang noo ni Sirius matapos marinig ang sinabi ng kaniyang mommy. Marahil sya ay hindi natuwa sa kawalan ng pakialam ng kaniyang ama.Agad na sinabi ni Little Cupcake, "Tingnan mo. Walang pakialam sa iyo ang daddy mo. Hindi sya nag-alala kahit tinatawag mo ang ibang tao na mommy. Imbes na yayain ka niya umuwi na kasama siya, sinabi pa niya na pwede kang manatili dito ng walang pag-aalala. Wala nga rin siyang pakialam kung maayos ka bang makakatira rito."Kahit na sinabi ni Sirius na hindi niya na gusto umuwi sa kaniyang daddy, hinihiling pa rin niya na bumalik ang kaniyang daddy at tanungin siya ulit kung gusto niya na umuwi.Pero, hindi man lamang nag-abala ang daddy niya na pumasok sa loob para makita siya o tanungin kung gusto ba niya umuwi, bagkus ay sinabi pa nito na pwede siyang manatili dito.Mukhang talagang ayaw sa kaniya ng daddy niya!Hayaan mo na. Hindi siya nag aalala sa buhay niya kaya hindi rin siya kailanman umasa sa kaniya.Meron na siyang mommy ngayon. Sap
Magbasa pa
Kabanata 1689
Simula nang utusan ni Dayton ang mga tauhan niya na gawin siyang isang pipi, hindi niya ito kailanman nakita. Kahit na nagawa niyang makapagsalita ulit, hindi na ulit siya nagpakita sa kaniya.Galit nga siya kay Dayton, pero halos lahat ng galit na mayroon siya para sa kaniya at naglaho pagkatapos mamatay ni Quincy.Kahit paano, nawala kay Dayton si Quincy. At saka, naging pipi lang siya noon dahil kay Quincy,Nakapagsasalita na siya ngayon, pero napakapangit ng boses niya. Madalas ay hindi siya nagsasalita dahil nandidiri siya sa sariling boses.Nahihiya rin siyang makausap si Dayton. Natatakot siya na matakot ito sa boses niya at dahilan para ayawan siya nito.Ngayong biglang gustong makipagkita sa kaniya ni Dayton, hindi niya alam ang gagawin. Mas mabigat ang pangamba niya kaysa sa kaniyang tuwa. Bakit gusto siyang makita nito ngayon?Kahit si Hayley ay nagtataka. Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Tinanong mo ba siya kung bakit gusto ka niyang makita?”“Tinanong ko siya, pe
Magbasa pa
Kabanata 1690
Katakot-takot ang pamumutla ng mukha ni Tia. Lalo siyang nakonsensya at natakot nang itama ni Dayton ang malamig at matalim na tingin nito sa kaniya.Iniisip niya pa rin kung paano nalaman ni Dayton ang tungkol doon.Anong ebidensya ang nahanap niya?Bakit tinatanong lang siya nito tungkol sa ginawa niya apat na taon na ang nakalipas? Hindi… Lahat ng surveillance camera ay nasira ng apoy noon. Walang ebidensyang naiwan. Kung hindi, sa angking kakayahan ni Dayron, hindi aabot ng apat na taon bago nito malaman na siya ang nasa likod ng lahat. Ibig sabihin, wala siyang ebidensiya. Marahil nakarinig lang siya ng mga sabi-sabi sa kung sino man.Matapos suriin ang sitwasyon, ang puso ni Tia na nangangamba ay unti-unting kumakalma…Hanggat wala siyang ebidensya at patuloy niyang itatanggi ang lahat, walang magagawa sa kaniya si Dayton. Umiling siya at nagkunwaring nagagalit dahil sa maling akusasyon. "Sino ang nagkakalat ng tsismis sa harapan mo at na inaakusahan ako sa isang bagay
Magbasa pa
PREV
1
...
167168169170171
...
175
DMCA.com Protection Status