Semua Bab Ang Tatay kong CEO: Bab 1701 - Bab 1710
1747 Bab
Kabanata 1701
Nairita si Yvonne sa inaasta ni Dayton. "Pwede mo bang seryosohin ang sakit mo? Kapag sumuko ka sa sarili mo, hindi kita magagamot."Kahit ano pang galing ng medical skills niya, hindi niya magagamot ang isang pasyenteng ayaw sumunod sa sinasabi niya.Patuloy pa rin siyang nginingitian ni Dayton. "Sige, naiintindihan ko. Makikinig ako sa iyo.""Palagi mo iyang sinasabi." "Makikinig na talaga ako sa iyo ngayon.""Hindi ako naniniwala sa iyo." Nawalan na siya ng tiwala kay Dayton.Nagkibit-balikat si Dayton at nagtanong, "Anong kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin?"Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sinabi ni Yvonne, "Para maalagaan ka, lilipat ako sa bahay mo para mas madali para sa akin na bigyan ka ng acupuncture treatment at mabantayan ang kondisyon mo habang iniinom mo ang mga gamot mo. Mga isang buwan akong titira rito." Halata sa mukha niyang hindi siya nagbibiro. Sandali itong pinag-isipan ni Dayton at sinabing, "Pwede kang lumipat kung gusto mo. Maraming
Baca selengkapnya
Kabanata 1702
Pumasok si Quincy sa loob ng kwarto, at kaagad na tumakbo si Little Cupcake palapit sa kaniya. “Mommy, nagkasakit ulit si Sirius. Sobrang init niya. Dalhin na natin siya kaagad sa ospital.”Makikita ang pagkataranta sa mukha ni Little Cupcake. Labis siyang nag-aalala para kay Sirius.Hinawakan ni Quincy ang ulo ng anak na babae at lumapit sa kama ni Sirius. Namumula ang mukha ng anak niya. Natutulog ito.Hinawakan niya ang noo nito. Napakainit nga nito!“Miss Lindsay, ihanda niyo na ang lahat ngayon. Dadalhin ko siya kaagad sa ospital.” Nangamba rin si Quincy.Kumuha ng ilang damit si Miss Lindsay upang makapagpalit si Sirius. Saka ito kinarga ni Quincy palabas ng bahay.“Mommy, gusto ko rin sumama sa inyo sa ospital. Gusto ko kayong tulungan na alagaan si Sirius.” Hinabol siya ni Little Cupcake.Tiningnan ni Quincy ang anak. Hindi niya tinanggihan ang alok nito. “Sige.” Alam niyang hindi rin papayag si Little Cupcake na manatili sa bahay kahit na sabihin man niya.Nag-impake s
Baca selengkapnya
Kabanata 1703
“Maaga ka ata nagising ngayon.” Lumapit sa kaniya si Yvonne.“Dahil narito ka para gamutin ako, mas masigla ako ngayon,” Sabi ni Dayton.Lumapit si Yvonne sa tabi ni Dayton at hinawakan ang kamay nito. Saka niya pinakiramdaman ang pulso nito.Matapos ang ilang sandali, binitawan niya ang kamay nito at sinabing, “HIndi pa ganoon kaganda ang pulso mo. Kailangan kitang bigyan ng acupuncture treatment ngayong araw.”Bumuntong-hininga si Dayton at sinabing, “Sabihin mo na lang na natutuwa kang tusukin ako ng karayom araw-araw.”Naupo si Yvonne sa tapat niya at sinabing, “Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo.”Dito naman lumapit ang butler dala ang telepono at sinabing, “Young Master, gusto kang kausapin ng Young Madam.”Bahagyang nagulat si Dayton. Tinawagan siya ni Quincy Lane?Anong kailangan nito nang ganito kaaga?Saka niya naisip ang kanilang anak. Mayroon bang nangyari kay Sirius doon?Kakain na sana si Yvonne nang almusal nang marinig niya ang sinabi ng butler. Saka napalingon
Baca selengkapnya
Kabanata 1704
Nang magising si Sirius kinaumagahan, bumaba na ang lagnat niya. Gayunpaman, sobrang hinang-hina siya ngayon.Nirekomenda ng doktor na manatili siya sa ospital para ma-obserbahan at maiwasan na bumalik ang kaniyang sakit.“Sirius, mas maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?” Alalang-alala si Little Cupcake sa kaniya.Tumango si Sirius at sinabing, “Oo, komportable na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala nang sobra.” Seryoso pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha.Ngunit, mayroon ng mga taong nasa tabi niya at nag-aalaga sa kaniya kapag nagkakasakit siya ngayon.Uminit ang puso niya nang makita niya sina Little Cupcake at kaniyang mommy nang idilat niya ang kaniyang mga mata.Tiningnan niya ang pinto. Wala rito ang daddy niya. Wala pa rin itong pakialam sa kaniya katulad ng dati.Napansin ni Quincy na nasa pinto ang tingin ni Sirius. Nababasa niya ang isip nito Hinihintay nitong dumating ang kaniyang daddy na si Dayton Night.Tinawagan niya si Dayton kaninang umaga para sabihan
Baca selengkapnya
Kabanata 1705
Mayroong biglang nagbukas ng pinto…“Young Madam…hindi po talaga kayo pwedeng pumasok…” Nagmamadaling lumapit ang butler. Gayunpaman, hindi pa rin niya napigilan si Quincy na buksan ang pinto.“Dayton Night…”Galit na pumasok sa kwarto si Quincy. Nalaman niyang nitong mga nakaraang araw ay hindi nagtatrabaho si Dayton at nasa bahay lang palagi.Hindi siya abala sa trabaho, bakit siya nagtatago sa loob ng bahay?Bago niya buksan ang pinto at pumasok sa kwarto, wala siyang ideaya kung bakit ayaw pumunta ni Dayton sa ospital para bisitahin ang kanilang anak.Sa sandaling ito, nakita niya si Dayton na nakahiga sa kama at walang suot na pang-itaas. Isang babae ang nakayuko sa harapan nito. Ilalapat na ng babae ang katawan niya kay Dayton…Kaagad na naging blangko ang utak niya nang makita niya ang eksena. Muntik na siyang hindi makagalaw.Hindi siya pumapasok sa trabaho o pumupunta sa ospital para rito?“Mukhang nakakaistorbo ako.”Lumingon sa kaniya ang dalawang tao sa kwarto nan
Baca selengkapnya
Kabanata 1706
“Tinawagan ko ang tatay mo noong pangalawang araw mo na sa ospital para sabihin na nagkasakit ka. Pinapunta ko siya sa ospital, pero sinabi niyang…busy siya, kaya wala siyang oras na bisitahin ka.”Hindi mapigilan ni Quincy na magalit nang maalala niya kung paano nakikipaglandian si Dayton sa ibang babae sa bahay nito.Kahit na alam na ni Sirius ang sagot, dumilim pa rin ang kislap sa kaniyang mga mata.Kaagad na hinawakan ni Little Cupcake ang kamay niya at pinagaan ang kaniyang loob. “Sirius. Huwag ka ng mag-abala pa sa tatay mo na iyon. Hindi siya kailanman nagkaroon ng pakialam sa iyo. Kasama mo na kami ni Mommy ngayon. Pwede mo na siyang tuluyang iwanan ngayon.”Kumunot ang noo ni Sirius at sinabing, “Oo, dapat ko na siyang tuluyang iwanan ngayon!”Tiningnan siya ni Quincy. Hindi niya alam kung dala lang ito ng galit o talagang buo na ang isipan ni Sirius.Kahit na dala lang ito ng galit, hindi na niya hahayaang makausap pa ni Dayton si Sirius.…Kinailangan ni Yvonne na
Baca selengkapnya
Kabanata 1707
Nagmaneho ang chauffeur papunta sa entrance. Papasok na si Dayton."Tumigil ka!" Isang boses ang narinig mula sa likuran. Mabilis na lumapit si Yvonne at sinara ang pinto ng kotse. Saka niya istriktong tiningnan si Dayton. "Hindi ba't sinabi ko sa iyo na hindi ka pwedeng umalis ng bahay dahil masama ang kondisyon ng kalusugan mo ngayon?" "Bibisitahin ko ang anak ko." Matagal nang pinigilan ni Dayton ang sarili. Ngayong kaya na niyang umalis sa kama, hindi na siya makapaghintay pa. "Sabihan mo ang butler na sunduin siya, kung ganoon," Sabi ni Yvonne. "Hindi siya sasama." Alam niyang hindi hahayaan ni Quincy na bumalik si Sirius at makita siya ulit. "Paano nangyari iyon? Malala na ang sakit mo. Bakit hindi siya babalik para makita ka?" Nag-isip muna si Yvonne bago idagdag, "Hindi ba siya pinapayagang bumalik ng nanay niya?' "Pribado ko itong buhay." Ayaw magkwento ni Dayton kay Yvonne. Malamig niyang sinabi, "Tumabi ka.""Hindi, hindi ka pwedeng umalis. Tumalikod ka, buma
Baca selengkapnya
Kabanata 1708
Tumingala si Quincy para tingnan sa mga mata si Dayron. Makikita sa mga mata niya ang panghahamak. "Oo, bakit napakahirap sa iyo na gawin ang napakasimpleng bagay?"Pagkatapos magsalita, mas lumamig ng tingin niya kay Dayton. "Dayton Night, binigyan kita ng pagkakataon na bisitahin ang anak natin, pero binalewala mo iyon. Abala ka sa pakikipaglandian sa ibang lalaki noong kailangan ka niya!"Nagsalubong ang mga kilay ni Dayton. "Mali ang inaakala mo!" "Kung ganoon ay magpaliwanag ka." Mayroong mapanghusgang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Isang lalaki at babae na nakahiga sa kama habang walang suot. Ano pa bang ginagawa nila bukod sa paglalandian?" Walang-hiya talaga si Dayton. Nakita niya mismo ang lahat sa harapan niya, ngunit ayaw pa rin nitong umamin. Tinikom ni Dayton ang mga labi at walang sinabi. Alam niyang walang silbi ang mga paliwanag niya sa harapan ni Quincy. "Wala akong pakialam sa nakita mo noong araw na iyon. Wala naman akong ginawa sa kaniya. Kung gusto kong
Baca selengkapnya
Kabanata 1709
Gulat na tinitigan ni Quincy ang anak. Parang matanda ito tingnan ngayon. Binibigyan siya nito ng pakiramdam ng kaligtasan.Haharapin ba nito ang ama para sa kaniya?Hindi niya mapigilan ang sarili na maantig. Sa huli, anak niya pa rin ito. Nasa panig niya pa rin ang anak."Salamat. Mapoprotektahan mo si Mommy kapag lumaki ka pa nang kaunti.""Kaya ko kayong protektahan ngayon," Mariin na saad ni Sirius."Gusto ko rin protektahan si Mommy!" Dagdag ni Little Cupcake.Mas naantig pa si Quincy nang makita ang dalawang maamong bata sa harapan niya."Sirius, ayaw mo na ba kay Daddy ngayon dahil mayroon ka ng Mommy?" Tanong ni Dayton.Tumalikod si Sirius para tingnan si Dayton. Tumango siya at sinabing, "Oo, sapat na si Mommy para sa akin. Hindi na kita kailangan." Puno ng sama ng loob ang boses niya.Akala ni Quincy ay sasama ang loob ni Dayton o aaluin ang anak nila, pero tumango lang ito at sinabing, "Sige, matagal kang walang pagmamahal ng isang ina. Dapat ka niyang bayaranan na
Baca selengkapnya
Kabanata 1710
Gayunpaman, tinitigan lang siya ni Sirius nang hindi gumagalaw. Wala rin siyang sinabi.Mas lalong nangamba si Quincy dahil sa pananahimik niya. Matatanggap ba siya nito bilang tunay niyang ina?“Sirius, makinig ka sa akin. Hindi totoo na inabanduna kita…Dinala ka sa emergency rescue room noong pinanganak ka dahil maaga akong nanganak. Nakahiga pa rin ako sa operating roo, pero mayroong nagsimula ng sunog para patayin ako. Kung hindi dumating si Tito Terry para iligtas ako, mamamatay ako sa sunog…”Gustong bigyan ni Quincy si Sirius ng simpleng paliwanag tungkol sa lahat ng nangyari.“Naapektuhan nang sobra ang kalusugan ko pagkatapos kitang ipanganak, kaya kinailangan kong magpagaling…”“Kailangan mo bang magpagaling ng apat na taon?” Nagsalita na rin si Sirius. Hindi niya maintindihan kung bakit kinailangang mawala nang matagal ng ina.“Mmm, oo…”“Kung ganoon, bakit hindi niyo kami hinahanap ni Daddy? Bakit ka nakipag-away sa kaniya? Magdi-divorce ba kayong dalawa?” Matalino s
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
169170171172173
...
175
DMCA.com Protection Status