Semua Bab Ang Tatay kong CEO: Bab 81 - Bab 90
1747 Bab
Kabanata 81
Natahimik nang ilang segundo si Howard bago sabihing, “Sige.”Kinakabahang pumasok si Sharon sa ward at nakita ang kaniyang anak na nakahiga sa kama ng hospital. Ang nasunog nitong kamay ay nakabenda na at hindi niya makita kung gaano ito kalala.“Doktor, ano..” Nang buksan ni Sharon ang kaniyang bibig, mabilis na sinabi ng doktor, “Seryoso ang natamong pinsala ng bata. Kung nahuli ang pagdadala sa kaniya sa ospital, maaring maputol ang kamay niya.”Hindi inasahan ni Sharon na ganoon kalala ang pinsala kaya naman halos mawalan siya ng balanse, bahagyang nanlalambot ang kaniyang katawan. Inunat ni Simon ang kamay para suportahan ito.Tanging isang ina lamang ang makakaintindi kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon!Hindi niya mapigilang tingnan nang masama si Sally, kumukulo ang kaniyang mata sa galit.Nagpatuloy ang doktor, “Nagamot na ang sugat niya ngayon, dapat manatili siya sa ospital para maobserbahan. Basta’t mabantayan lang siya nang maingat, magiging maayos ang p
Baca selengkapnya
Kabanata 82
Nang makita ang mukha ng anak na puno ng luha, pinigilan ni Sharon ang sarili na punasan ito. Mahal na mahal ni Douglas ang apo niyang ito, marahil ay siya lang ang tanging taong makakapagparusa kay Sally sa pagkakataong ito.Totoo nga, nang marinig ni Douglas ang sinabi ni Sebastian, kumunot ang noo nito, ang kaniyang matanda ngunit marilag na mga mata ay dumapo kay Sally, at kasing lalim ng lumang kampana ang boses nito habang nagsasalita, “Sinaktan mo ba si Sebastian?”Hindi maganda ang pakiramdam ni Douglas ngayong araw kaya’t nagpahinga siya sa kwarto nang hindi nakikipaglaro kay Sebastian. Kung hindi siya sinabihan ng kasambahay na nasunog ang kamay ng kaniyang apo, hindi niya ito malalaman.Labis na natataranta si Sally sa matinding pagkakatitig sa kaniya ni Douglas. Sa puntong ito, anong magagawa niya?Pinagngalit niya ang kaniyang ngipin, sinalubong ang mapanuring tingin ni Douglas, at nagkunwaring kaawa-awa. “Lolo, hindi po. Namatayan ako ng anak. Wala akong ibang narara
Baca selengkapnya
Kabanata 83
“Huwag kang mag-alala. Hangga’t nandito si lolo, sisiguraduhin kong makukuha mo ang hustisya.” Tinapik ni Douglas ang balikat ni Sebastian.Tinawagan ni Simon ang numero.Hindi mapigilang manginig ni Sally. Nawala ang dugo sa kaniyang mukha, dahilan para maging sobrang putla niya. Natatakot at kinakabahan siya. Nanigurado siya nang oras na iyon. Walang surveillance sa sala. Buong tapang niyang sinaktan si Sebastian, pero hindi niya inasahan…Nararamdaman ni Howard ang takot nito at nagsimulang mamuo ang pagdududa sa kaniyang puso. Ginawa niya ba talaga iyon?Marami siyang naisip bago gumawa ng desisyon. Kahit ginawa niya man ito o hindi, kailangan niya itong protektahan. Kung malalagay ito sa seryosong problema, madadamay rin naman siya.“Sally, bakit parang masama ang itsura mo? May sakit ka ba ulit? Bakit hindi muna kita iuwi para makapagpahinga?” Gusto ni Howard na ilabas ito rito.Kaagad na sumigaw si Douglas, “TIgil! Walang aalis hangga’t hindi nalilinaw ang bagay na ito!"
Baca selengkapnya
Kabanata 84
“Tama na! Hanggang ngayon ay tumantanggi ka pa. Mukhang masiyado akong naging mabait sa pagpayag na manatili ka sa bahay para magpagaling, pero sinaktan mo ang apo ko. Isa lang siyang bata. Paano mo ito nagawa sa kaniya? Isa kang tunay na napakasamang babae!” Mahal na mahal ni Douglas si Sebastian.Nang makita ang nasunog nitong kamay, hindi niya makontrol ang kaniyang galit.“Sa tingin ko ay hindi tuluyang masisisi si Sharon sa pagkahulog mo sa hagdan. Mayroon ka din problema. Mag-impake ka kaagad at umalis sa bahay!” Pinalayas ito agad ni Douglas nang walang pag-aalinlangan.Naging blangko sandali ang isipan ni Sally, biglaang nanliit ang itim ng kaniyang mga mmata, at mabilis na sumagot, “Hindi, lolo, nagkamali ako. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Hindi ko dapat sinaktan si Sebastian dala ng emosyon ko,” Mapait siyang umiyak at nagmakaawa.Habang seryoso ang mukha, sinabihan ni Douglas ang kasambahay na katatawag pa lang ng doktor, “Sabihan mo ang mga tao sa bahay na iimpake ang mg
Baca selengkapnya
Kabanata 85
Nabigla si Sharon at kaagad na tumango. Oo, responsable rin siya. Kahit na gaano pa ito kaabala, kapag nagkasakit ang bata, hindi niya ito maaaring hindi pansinin.Kumuha siya ng tuwalya para punasan ang pawis ng anak, palaging binabantayan ang temperatura ng katawan nito.Nagising sa oras na ito si Sebastian. Dumilat ang mga mata nito at nakita ang kaniyang ina at ama na parehong naroroon, at labis ang saya nito.“Sebastian, anong nararamdaman mo? Hindi ka ba komportable?” Hindi pa rin mapakali si Sharon.Tumango sii Sebastian. “Opo, medyo hindi po ako komportable.” “Masakit ba ang kamay mo?”“Matitiis ko po ang sakit, pero… kumukulo na po ang tiyan ko at hindi ko na kayang tiisin.”Bahagyang nabawasan ang pag-aalala ni Sharon pagkatapos itong marinig. Gutom lang pala ang bata.“Sinabihan ko ang chef sa bahay na ipagluto ka ng lugaw. Kaunti lang ang pwede mong kainin sa ngayon. Kapag magaling na ang sugat mo at hindi ka na nilalagnat, ipaghahanda ka niya ng masarap na mga pag
Baca selengkapnya
Kabanata 86
Nanatili magdamag si Simon sa ospital. Kahit na wala siya masiyadong maitulong, mas mabuti ito kaysa iwanan si Sharon na alagaan mag-isa ang bata.Ipinadala niya kay Frankly ang mga dokumento na kailangan niyang asikasuhin para makapagtrabaho siya sa ward habang inaalagaan ni Sharon ang bata.Katulad ng kwento ni Sebastian, magdamag itong binantayan ni Sharon. Pinupunasan niya ang pawis nito, pinapalitan ang tuwalya, at inaalam ang temperatura ng katawan nang paulit-ulit sa takot na lagnatin ito ulit.Uminom si Sebastian ng gamot kinagabihan at mahimbing na nakatulog. Tumalikod si Sharon para tingnan ang lalaking nasa hindi kalayuan na abala sa pagtingin ng mga dokumento.Tumayo siya at nilapitan ito. “Magpahinga ka muna. Magiging abala ka sa trabaho bukas sa kumpanya,” Mahina niyang saad. Isa itong premium ward. Mayroong ekstrang kama at sofa, kaya’t pwede itong magpahinga kapag pagod na.Tumingala si Simon para tingnan si Sharon. Magulo ng kaunti ang buhok nito dahil naging abal
Baca selengkapnya
Kabanata 87
Wala sa kwarto si Simon. Nang iniisip niya na kung saan ito nagpunta, isang nurse ang pumasok para ibigay ang kanilang masustansyang agahan.“Gising na ho kayo? Inihanda ni President Zachary ang almusal na ito para sa inyong dalawa. Sinabi niya sa akin na sabihin sa inyo na pumunta na siya sa kumpanya,” Mayroong paghanga sa mukha ng batang nurse habang sinasabi ito sa kaniya.Nabigla si Sharon. Sobrang aga niya bang pumunta sa trabaho?Binalot ng init ang kaniyang puso nang makita ang masustansyang almusal.Patuloy na inalagaan ni Sharon ang kaniyang anak sa ospital hanggang sa makalabas ito. Nang bumalik siya sa bahay ng mga Zachary, halos pagaling na ang sugat sa kamay nito. Mas lalong lumuwag ang kaniyang pakiramdam.Dahil mayroong mga taong nagbabantay kay Sebastian sa bahay ng mga Zachary, pwede siyang pumasok sa trabaho nang walang pag-aalala.Nang bumalik si Sharon sa opisina, nabanggit ng kaniyang mga katrabaho na mayroong bagong design director sa designing department. T
Baca selengkapnya
Kabanata 88
Mapanudyong ngumisi si Howard. “Hindi mo ba naiintindihan? Sinabi ko sa iyo na wala siyang kontrol tungkol sa sarili niyang kasal. Kailangan mo rin makipag-divorce sa kaniya kaagad. Baka mapalayas ka pa sa bahay ng mga Zachary,” Sabi nito.Huminto ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa nang may awa. “Kaya mas mabuting hindi ka mahulog sa tito ko. Kung hindi, katapusan mo na, “Sabi nito.Inisip niya ito. Ibig sabihin niya ba ay haharangan ni Douglas ang kasal nila?“Hindi mo kailangang mag-alala sa amin. Sa ngayon, hindi pa kinokontra ni Director Zachary ang relasyon namin,” Walang emosyong sabi ni Sharon.“Sinong nagsabi sa iyong si lolo iyon? Hindi mo pa nakikita ang taong tinutukoy ko. Mas makapangyarihan siya kaysa kay lolo. Hindi maglalakas-looob ang tito ko na suwayin ito,” Sabi nito.Kumunot ang noo ni Sharon. Sinong katatakutan ni Simon?“Oh? Sino itong taong tinutukoy mo?”“Hindi ka na makapaghintay na makita siya? Huwag kang mag-alala, sa tingin ko ay malapit mo na
Baca selengkapnya
Kabanata 89
Hindi iyon magandang desisyon, tama? Paano kung malaman ito ng ibang empleyado?Gayunpaman, hindi kinonsidera ni Simon ang mga bagay na ito. Nang mapansin ang pagkakunot ng noo nito, sinabi niya, “Narinig mo ba ang sinabi ko?” Isa ba itong utos?Patago siyang sinulyapan ni Sharon. Masiyado naman ata siyang dominante?Kahit na ganito ang naiisip, tumango na lang din siya. “Oh, sige,” Pagsang-ayon niya.“Sige…” Sinabi niya. Naisip niya ang tungkol sa pagtatrabaho ni Howard sa Central Corporation. Isa rin ba ito sa mga plinano niya?Naramdaman ni Simon ang tingin nito sa kaniya. “Sabihin mo sa akin nang diretso kung mayroon kang gustong sabihin. Huwag mo ako sikretong tingnan,” Sabi nito.Bahagyang nahiya si Sharon. Hindi niya ito sikretong tinitingnan!“Gusto ko lang magtanong sa iyo. Ikaw ba ang nag-ayos para sa posisyon ni Howard bilang director ng designing department?” Tanong niya.Nagsalubong ang mga kilay ni Simon. “Howard? Nagtatrabaho siya sa Central Corporation?” Tanong
Baca selengkapnya
Kabanata 90
“Tito, ang chef sa bahay ang naghanda ng tanghalin na ito? Ang bango. Hindi pa ako kumakain. Ayos lang bang humingi ng kaunting risotto?” Tanong nito bago umupo.“Umuwi ka kung gusto mo niyan,” Malamig na sagot ni Simon. Kaagad itong tinanggihan.Tumigil si Howard sa kalagitnaan ng pag-upo. “Sige, hindi ko na kayo aabalahin pang dalawa. Dahil mag-isa lang naman ako, mag-oorder na lang ako,” Pagmamaktol nito.Tiningnan niya nang masama si Sharon bago umalis. Kahit ganoon, hindi siya nito tinapunan ng tingin. Masaya pa rin itong kumakain ng tanghalian kasama ang kaniyang tito.Pinigilan niya ang nag-aalab na galit sa kaniyang puso at tumalikod para maglakad nang mabilis. Sa sandaling isinara niya ang pinto, naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha.Noong una ay mayroong gana si Sharon. Pero matapos dumating ni Howard, hindi niya na gustong kumain pa. Ibinaba niya ang kaniyang kutsara’t tinidor matapos kumain nang kaunti. “Busog na ako. Pwede mo ng ituloy ang pagkain mo nang dahan-dahan,”
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
175
DMCA.com Protection Status