Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 81 - Kabanata 90
1942 Kabanata
Kabanata 81
“Ano? Pinirmahan ‘yon ng talunan na ‘to?”“Paanong siya, sa lahat ng mga tao, na magkaroon ng ganoong kapangyarihan?”“Paano niya nagawang pirmahan ang kontrata na ‘to kung walang iba ang may kaya ‘yon gawin?”Hindi makapaniwala ang mga Assex sa kanilang naririnig.Sinuri ni Alex ang oras at sinabi, “Limang minuto na ang nakalipas. May sampu pa kayong minuto… At saka, kaya ko ‘to pirmahan at hindi niyo ‘yon kaya dahil may utang sa ‘kin na pabor si Charles Carter.”Agad na nagsimulang sumigaw si Emma. “Imposible! Tumigil na kayo sa panloloko palabas dito! Sino ka ba, ha? Isa kang kahihiyan sa mga Rockefeller. Pinagtaksilan ng mga magulang mo ang bansa natin, kaya maitutulad ka lang sa isang daga sa kalsada. Kung hindi ka panay asa kay Dorothy, matagal na sigurong patay ang nanay mo! At namatay ka na rin sa gutom. Kaya, sino ka ba sa tingin mo, huh? Imposibleng may utang sa ‘yo na paber si Charles Carter. Masyado mong minamalaki ang halaga mo…”Nang may malamig na mga mata, sinugod ni Al
Magbasa pa
Kabanata 82
Sumagot ang matandang babae. “Tanga ka. ‘Wag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko.”Nagpaliwanag si Benny. “Ang CEO ng Waylon Realty, si Ginoong Carter ay talagang tumulong kay Alex para lang tulungan si Dorothy na makuha ang branch mula sa City South. Ang ibig sabihin nito ay malapit sila. Kung si Dorothy ang pumirma nito, baka ginamit niya ang katawan niya para himukin si Carter. Pero kung si Alex ang gumawa no’n, maaaring ito ay may ibang dahilan. Maaaring nagtrabaho si William Rockefeller para kay Charles Carter noong buhay pa siya. Kung gagamitin natin ang relasyon nila, ang Pamilya Assex ay magagawang makipagtulungan sa Waylon Realty.”Samantala, kapapasok lamang ni Dorothy sa kotse nila. “Ang biglang pagbabago ng ugali ni Lola malamang ay dahil sa relasyon mo kay Ginoong Carter. Gusto nilang makipagtulungan kay Ginoong Carter gamit ka para mapaganda ang partnership nila.Sinabi ni Alex. “Asa siya. Ngayong may buong kontrol ka na sa branch sa City South, magagawa mong mapalaki
Magbasa pa
Kabanata 83
Ang mga mata ni Alex ay biglang nagpakita ng masamang tingin. Hinila niya si Dorothy sa likod niya, hinaharangan siya mula sa mga lalaki.“Mag-ingat ka!” Si Dorothy ay kinakabahan at nag-aalala. Wala siyang ideya na si Alex ay hindi na kasing hina ng dati. Ang mga security guard na ‘to ay hindi na kasing lakas niya.Sa isang kisapmata lamang, ang mga guard ay nasipa sa kanilang mga tiyan. Bumagsak sila sa lupa at hindi na nakabangon pang muli.“Tanggal na kayong lahat!” Sabi ni Alex noong maglakad siya patungo sa kumpanya nang hawak si Dorothy.Ang karamihan sa mga empleyado na nakaupo malapit sa bintana ay nasaksihan ang insidente na ‘to. Sila ay nagulat at ang kanilang mga bibig ay nakanganga. Ang balita ay mabilis na kumalat sa buong kumpanya.“Diyos ko, tingnan niyo! Nagbabalik na si Binibining Assex! Nagdala pa siya ng lalaki at binugbog no’n ang mga security guard!”“Sandali, aling Assex?”“Ito ang mga larawan, siya ang dati nating general manager, si Dorothy Assex?”“Ano? May di
Magbasa pa
Kabanata 84
Walang kontrol na umiyak si Shermaine. Gayunpaman, hindi man lang ninais ni Dorothy na tumingin sa kaniya. “Sabihin niyo sa lahat ng mga nakakataas na magkakaroon kami ng pagpupulong sa unang meeting room.”Ang balita na ‘to ay nagsanhi ng gulo sa kumpanya. Maraming mga empleyado ang humiyaw rin nang malakas. Ang lahat ay hindi naglakas-loob na labanan si Emma kahapon kasi ayaw nila ng gulo. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kaduwagan, kumakampi pa rin sila kay Dorothy.Si Alex naman, sa kabilang banda, ay wala man lang ginawa sa sandaling ‘yon.Tumingin siya kay Shermaine na lubos na hindi nasisiyahan at umiiyak pa rin. Umiling lamang nang mahina si Alex at naglakad palayo.Sa sandaling ‘yon, isang yayamaning kotse ang dumating sa harap ng kumpanya. Isang lalaki at isang babae ang lumabas ng kotse.Ang lalaki ay may suit at mukhang malinis, at ang babae ay si Beatrice Assex.Bakit sila narito?Upang mag-alok.Ang mga security guard sa harap ng gusali ay natanggap ang balita ng pagbawi
Magbasa pa
Kabanata 85
Ang babae ay si Maya Howards, isang university senior ni Alex. Siya ay mas matanda nang isang taon kaysa kay Alex at isa sa mga pinakasikat na mga babae sa kaniyang taon. Mayroon siyang talino at ganda, literal na isang hiyas sa eskwela.Siya ang student council president sa kaniyang ikatlong taon hanggang sa makapagtapos siya; matagumpay na nag-aayos ng maraming malalaking events sa eskwela; isang social butterfly; at mayroong malakas na diwa. Siya ay pinupuri ng lahat sa eskwela at isang tunay na kahanga-hangang babae.Pagkatapos ng unibersidad, hiniling sa kaniya ni Alex na tulungan si Dorothy na buohin ang kumpanya na ‘to, ang branch sa City South. At ginawa nga niya, binubuo ito sa kung ano ito ngayon. Si Maya ang pinakamahusay na assistant ni Dorothy.Gayunpaman, hindi madalas si Maya sa kumpanya. Madalas niyang pinapangunahan ang isang pangkat upang mag-ayos ng mga event sa ibang lugar. Hindi inasahan ni Alex na makikita niya si Maya ngayong araw.“Alex, ano’ng nangyari sa pagit
Magbasa pa
Kabanata 86
Lubos na natuwa si Beatrice. “Salamat, Felix!”Si Felix ay nakatitig sa matangkad na gusali, nagmamalaking nakangiti.Gayunpaman, ang hindi niya alam ay ang kaniyang ama ay papunta na sa kanila, sa kabila ng pagkakaroon ng cast sa kaniyang binti. Ang nagmamaneho ay ang kaniyang bodyguard, si Jay Sanders.Si Jay ay tatlumpung taong gulang na at mahusay sa pakikipaglaban dahil dati siyang isang first runner-up sa national kickboxing competition. Siya ay lubos na nalilito kung bakit kailangan ni Edgar na magmadaling humingi ng tawad sa iba kahit na wasak ang kaniyang binti. Nagtanong siya, “Ginoong Shepherd, hindi ka pa magaling. Kahit na gusto mong humingi ng tawad, hindi ba’t pwede ka namang maghintay hanggang sa maayos ka na? Mahalaga ang kalusugan mo.”Nababalisa si Edgar, “Bakit nga ba? Ang g*gong Felix na ‘yon ay gusto tayong ipapatay! Nagpopropose siya sa asawa ni Lord Rockefeller. Ngayong gusto akong papuntahin ni Lord Lex Gunther doon, paano akong hindi magmamadali?”Nang marinig
Magbasa pa
Kabanata 87
Bakit luluhod si Edgar sa harap ng publiko, binabalewala ang kaniyang dignidad nang ganito?Ito ay dahil natatakot siya.Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Lord Lex Gunther.Dahil, ang estado at kapangyarihan ni Lord Lex Gunther ay mas mataas kaysa sa Pegasus International. Ngayong ginugulo ang kaniyang inaanak na babae, si Edgar ay tiyak na mayayari.At saka, ang kaniyang pamilya ay naghiwa-hiwalay at ang lahat ng matagumpay niyang mga kumpanya ay nawasak, sinakop na ng iba.Si Edgar ay nag-aalala kung ano ang susunod na mangyayari sa kaniya.Pagkatapos lumuhod, sinampal niya ang kaniyang sarili nang malakas at ilang beses at hindi man lang tumingin sa kaniyang anak na lalaki.Hindi man lang siya naging mahinhin sa kaniyang sarili dahil ang kaniyang mukha ay namaga mula lamang sa walong sampal. Ang lahat ng nasa kumpanya ay nagulat, kasama si Maya.‘Ano’ng nangyayari?’Ang may mga matalas na mga mata ay napansin na ang sasakyan ni Edgar ay isang Bentley na may halagang 500 libong
Magbasa pa
Kabanata 88
“Natatandaan ko na ngayon. Ang ‘di gaanong matandang lalaki na ‘to ay ang CEO ng Pegasus International, si Edgar Shepherd. Ang nagpopropose ay si Felix Shepherd na matagal nang ginugulo si Lady Dorothy.”“Paano nagawa ni Alex na lumuhod ang CEO ng Pegasus International para sa kaniya?”Ito ay isang misteryo na gustong malaman ng lahat.Agad na inutusan ni Edgar si Jay na ibigay sa kaniya ang tseke na hinanda nila kanina. Binigay ito ni Edgar kay Alex nang may lubos na paggalang at sinabi, “Master Alex, ito ay dalawampung milyong dolyar. Pakiusap ay tanggapin mo ‘to! Maliit na regalo lang ‘yan. Hindi ako tatayo hanggang sa tanggapin mo ‘to!”Muling nagulat si Maya, nagtatakang pinapanood si Alex.Tumitig si Alex sa tseke nang walang emosyon.Nang bigla, ang phone ni Alex ay nagsimulang tumunog. Ito ay isang tawag mula kay Lex Gunther.Tumingin si Alex sa direksyon ni Edgar at kalmadong sinagot ang phone. “Hey, Lord Lex!”Nang marinig ang pangalan, tumulo ang malamig na pawis sa noo ni E
Magbasa pa
Kabanata 89
Tumitig si Dorothy nang malamig sa kaniyang kapatid.Nasaksihan niya ang lahat sa meeting room.Dinala ni Beatrice si Felix sa kaniyang kumpanya upang magpropose kay Dorothy sa harap ng publiko. Hindi lamang nito sinaktan at ininsulto si Alex, ngunit lubos din nitong pinahiya si Dorothy.Paano na siya magpapakita sa publiko ngayon?Tumingala si Dorothy at nakita si Alex na papalapit. “Hindi ako makikialam dito. Sa’yong sa’yo na siya.Ang malamig na tingin ni Alex ay napunta kay Beatrice.“Kapatid, kapatid kita! Paano mo ‘to nagawa sa ‘kin?”Nang walang alinlangan, sinampal siya nang malakas ni Alex sa mukha, nagsasanhi sa isa sa kaniyang mga pisngi na mamaga.Nanigas si Dorothy. Gayunpaman, agad siyang umiwas ng tingin—napagdesisyunan niyang ‘wag tumingin kay Beatrice.Si Beatrice ay parang maiiyak na noong mapanganga ang kaniyang bibig.Walang awa, sinampal siya ni Alex sa kabilang pisngi.Ang mga mata ni Beatrice ay napuno ng takot at ang kaniyang katawan ay nagsimulang manginig. Ang
Magbasa pa
Kabanata 90
1:30 P.M. na noong dumating si Alex sa Hell’s Angels na pagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate.Ilang mga tauhan ang naghihintay sa pinto. Sa sandaling mapansin nila si Alex, yumuko sila nang magalang. “Maligayang pagdating, Master Alex!”Nagsisimula nang masanay si Alex sa titulo na ‘to at tumango. “Nasaan si Lord Lex?”“Nasa loob si Lord Lex. Mauna ka, ginoo.”Si Lex ay mukhang mas maayos na kumpara sa noong may isang demonyo na sinisipsip ang kaniyang chi at dugo. Ang kaniyang mga pisngi ay bahagyang namumula at mukhang masigla rin siya.Nakapansin si Alex ng malakas na amoy ng tradisyunal na medisina at alam kung aling mga damo at kung gaano karami ang ginamit mula lamang sa amoy… Ito ay isa pang kakayahan na kasama sa Ultimate Book of Medicine.Ang medisina ay mayroong kasamang ginseng, ligaw na celery, chinese knotweed, saussurea, at marami pang mamahaling mga halaman. Mukhang iniinom ni Lex ang medisina na ito upang maayos ang pagdaloy ng dugo niya.Gayunpaman, ang bilang n
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
195
DMCA.com Protection Status